Professional Documents
Culture Documents
Etikang Tagalog3
Etikang Tagalog3
ETIKANG TAGALOG
IKATLONG NOBELA NI
JOSE RIZAL
SALIN NI
NILO S. OCAMPO
MGA TAUHAN:
KAPITANA BARANG asawa ni Kapitan Panchong, relihiyosang tunay
DR. LOPEZ Doktor na mapanuri sa mga Pari
DON FERMIN isang mangangalakal
ISAGANI matipunong Bitana na nais na mapaibig si Cecilia
KAPITAN CRISPIN nagnanais na mahalal sa susunod na botohan bilang
Gobernador ng Bayan ng Pili
SILVINO anak ni kapitan Crispin
APE anak ni Kapitan Panchong
KAPITAN PANCHONG kapitan sa Bayan ng Pili, asawa ni Barang
ANDAY katulong nina Kapitang Panchong
CECILIA anak nina Kapitan Panchong at Kapitana Barang
PADRE AGATON makapangyarihang Pari na nasusunod ang lahat ng naisin.
TAGPUAN:
Sa Simbahan ng Bayan ng Pili
MAIKLING SALAYSAY
Ang nobelang ito ay isang salamin ng nakaraang pananakop ng mga kastila. Ito
ay isang sulat ni Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas tungkol sa kanyang mga
obserbasyon at kanyang mga analisa sa mga ugali ng mga Kastilang namuno sa ating
bansa noong kanyang panahon.
Ang mga nasusulat na kuwento, kaganapan at mga tauhan sa nobelang ito ay mga
totoo. Makikita rin natin ang mga ito sa kasalukuyang panahon. Nasasaloob din ang
mga kaugaliang Pilipinona nakuha natin sa mga mananakop na Kastila, at ang pagiging
Katoliko at pagsamba sa estatwa ay ipiakita rin dito.
BUOD
Sa Bayan ng Pili ay maraming mga tao ang madasalin o maka Diyos. Sila ay mga
palasimba, at kung mayroong taong hindi ay kaagad na paparatangang nasasaDimonyo.
Ang Kura Paroko na si Agaton ay ginagalang at itinuturing na Diyos sa kanyang mga
nasasakupan sa bayan ng Pili.
Marami ang humahanga sa Kura Paroko at lahat ng gawin ng mga tao ditto ay
may basbas niya. Nag-iipon ng pera ang mga tao upang makuha lamang ang basbas ng
kura at makakuha ng mga gamit nito gaya ng tubig na galling Jordan.
Ang babaeng tinatangi ng Kura ay si Cecilia. Anak nina Kapitan Panchong at
Kapitana Barang. Siya ay pinong babae, dalagang Pilipina ika nga. Maganda at mabait.
Marami ang naiingit sa kanyang angking ganda at talino. At isa sa mga tagahanga niya
bukod sa Kura ay si Isagani.
May pagtangi rin si Cecilia kay Isagani, dahil sa dinami dami ng mga kalalakihan
sa Bayan ng Pili ay si Isagani ang may angking gandang lalaki at kabaitan na siyang
nagustuhan ni Cecilia.