You are on page 1of 16

para sa

at

Lupa

Hustisya

ULAT SA HACIENDA LUISITA

UNYON NG MGA MANGGAGAWA SA AGRIKULTURA

ENERO 2014

ANG HACIENDA LUISITA AY ISA SA PINAKAKONTROBERSYAL NA


asyenda sa kasaysayan ng repormang agraryo sa bansa. Sa loob ng
mahigit limang dekada, ang 6,453 ektaryang tubuhan at Central Azucarera de Tarlac (CAT) na pagawaan ng asukal sa probinsya ng Tarlac ay napasailalim sa kontrol ng pamilya Cojuangco-Aquino, angkan
ng kasalukuyang Pangulo ng bansa na si Benigno Simeon Noynoy
Aquino III.
Noong Abril 24, 2012, inilabas ng Korte Suprema ang makasaysayang pinal na desisyon para sa distribusyon ng lupa sa libu-libong manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita. Sa kasalukuyan, ipinagmamalaki na ng Department of Agrarian Reform (DAR) na ang
pamamahagi ng lupa sa Hacienda Luisita ang siyang pinakamalaking tagumpay nito para sa taong 2013. Natapos na ng naturang ahensya ang distribusyon ng mga kopya ng Certificate of Land Ownership
Award (CLOA) sa mga benepisyaryo pero hanggang ngayon ay hindi
pa rin naipapamahagi ng DAR ang kahit na isang pulgada ng lupa sa
mga benepisyaryo ng kanilang huwad na programa.

ULAT SA HACIENDA LUISITA | ENERO 2014

Sa halip, lumilitaw ngayon ang samut saring isyu, anomalya at


paglabag sa karapatan ng mga manggagawang-bukid. Tagumpay at
pagbabago ang inaasahan ng marami dahil sa makasaysayang desisyon ng Korte Suprema. Pero panlilinlang, pananakot, pandarahas
at pangangamkam ang aktwal na kinakaharap ngayon ng mamamayan
ng Hacienda Luisita.
Kaduda-duda ang mga patakaran at iskema ng DAR na sumusuporta sa mga hakbang ng mga Cojuangco-Aquino. Bilang mga panginoong-maylupa, layunin nilang panatilihin ang kontrol sa asyenda.
Sadyang pinaliit ng DAR ang saklaw ng lupang agrikultural kayat
makakatanggap lang diumano ng .66 ektaryang parsela ang bawat
indibidwal na benepisyaryo. Hindi pa man naipapamahagi, nanganganib nang mabawi mula sa mga magbubukid ang mga kapirasong parsela ng lupa na ipinangako sa kanila ng gobyerno.
Nagpapakalat ng panloloko ang mga ahente ng mga Cojuangco na
nagtutulak ng rentahan o arkilahan (lease) at pagbili sa lote ng mga
benepisyaryo. Palala nang palala ang militarisasyon sa mga barangay.
Lahat ng barangay ay may deployment ng armadong pwersa ng estado, kung hindi kampo ng militar, paramilitar na CAFGU, lokal na
presinto ng pulisya o kumbinasyon ng mga ito. Lantaran ang pagtutulungan ng mga mataas na opisyal ng pulis, korte at iba pang institusyon ng gobyerno sa mga pribadong gwardya na nagpapatupad ng
pangangamkam ng Tarlac Development Corporation (TADECO), Luisita Realty Corporation (LRC), RCBC, at iba pang kumpanya at kasosyo
ng mga Cojuangco-Aquino. Parang hindi pa sapat na nasa bungad lang
ng asyenda ang punong himpilan ng buong Northern Luzon Command
(NOLCOM) ng AFP na Kampo Servillano Aquino.
Kahit sa panahon ng Pasko (2013), tahasang binu-buldoser ang
mga pananim at ari-arian ng mga magsasaka para sila ay palayasin.
Daan-daang magsasaka ang sinampahan ng mga gawa-gawang kaso
habang sunud-sunod din ang ilegal na pagdampot at pag-aresto sa kanilang mga lider at taga-suporta. Isang lider magsasaka rin ang may
3

LUPA AT HUSTISYA

kaso ng misteryosong pagkamatay malapit sa loteng bungkalan ng


AMBALA. Ang mga pangyayaring ito ay walang habas na nagawa, at
tuluy-tuloy pa ring ginagawa nang walang pananagutan habang sadyang itinatago sa mata ng publiko.
Nanganganib na mabura sa mapa ang buong agrikultural na komunidad ng HACIENDA LUISITA habang itinutulak ng pamilya Cojuangco-Aquino ang kumbersyon ng lupa para sa proyektong LUISITA
ECO-ZONE. Sa halip na maging modelo ng repormang agraryo at
hustisyang panlipunan, sinasalamin ng sitwasyon sa Hacienda Luisita
ang kasinungalingan at kabulukan ng mga patakaran ng gobyerno gaya
ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at CARPER.
Sinasalamin ng sitwasyon sa Hacienda Luisita ang talamak na
kawalang pananagutan (impunity), inhustisya, korupsyon at abuso sa
kapangyarihan na laganap sa buong lipunan.
Ang HACIENDA LUISITA ang balon ng kapangyarihang pangekonomiya at pampulitika ng pamilya Cojuangco-Aquino. Nasa interes
nito ang panatilihin ang kontrol sa produksyon ng asukal sa buong rehiyon, habang masinop na pinaplano kung paano pagkakakitaan nang
husto ang kumbersyon ng lupa para sa residensyal, komersyal at industriyal na gamit kasosyo ang iba pang malalaking pamilya sa negosyo gaya ng mga Gokongwei at Yuchengco at mga dayuhang kumpanyang Itochu, Hazama at iba pa.
Walang balak ang mga Cojuangco-Aquino na ipamahagi sa mga
magsasaka ang lupa -- ang katotohanang ito ay makikita sa tusong
pagpapatupad ng pamahalaan ng huwad at pekeng pamamahagi ng
lupa upang buhusan ng malamig na tubig ang mainit na batikos at
paglaban ng mga lokal na residente at ng publiko. Ginamit at patuloy
na gagamitin ng pamilyang asendero ang kapangyarihang pang-estado para mapanatili ang kontrol sa Hacienda Luisita, lalo na at nasa
poder muli ang isang Cojuangco-Aquino sa katauhan ni BS Aquino.

ULAT SA HACIENDA LUISITA | ENERO 2014

Gugunitain ngayong taon 2014 ang ika-sampung (10) anibersaryo


ng MASAKER SA HACIENDA LUISITA. Hanggang ngayon ay wala pa
ring katarungan para sa pitong magbubukid na binawian ng buhay at
para sa daan-daang nasaktan sa malagim na insidente. Wala pa ring
katarungan para sa mga marami pang ibang biktima ng pampulitikang
pamamaslang, pandarampot at karahasan bunsod ng isyu sa Luisita.
Hanggang ngayon ay wala pa ring lupa ang libu-libong manggagawang-bukid na naging bahagi ng makasaysayang Welgang Bayan,
samantalang sinusupil at dinadahas ang solidong hanay ng mga magbubukid na nag-ani ng tagumpay sa pagposisyon sa lupa sa ilalim ng
kampanyang bungkalan. Habang kontrolado ng mga Cojuangco-Aquino ang poder at kapangyarihan sa pamahalaan, naglalaho ang pag-asa
ng mga magbubukid sa pagkakamit ng lupa at hustisya.
Ang laban para sa lupa at hustisya sa Hacienda Luisita ay kumakatawan sa laban ng milyun-milyong magsasaka para sa tunay na
reporma sa lupa at hustisyang panlipunan.
Ang laban ngayon sa Luisita ay laban di lang ng mga manggagawang-bukid, kundi ng lahat ng mamamayan ng Luisita na maapektuhan
ng demolisyon, dislokasyon at pagkawala ng tirahan at kabuhayan.
Laban din ito ng malawak na hanay ng mamamayan na sawangsawa na sa inhustisya at korupsyon sa ilalim ng pamahalaan ng bulok
at inutil na asenderong panggulong BS Aquino!

ULAT NG FACT-FINDING MISSION SA HACIENDA LUISITA

M GA PA G S USU R I
1. ANG MGA MANGGAGAWANG-BUKID NG HACIENDA LUISITA at

ang kanilang mga pamilya ay hindi ordinaryong mga benepisyaryo


ng programa sa reporma sa lupa ng pamahalaan. Hawak nila ang lahat ng moral, istorikal at legal na karapatan sa lupa, na walangawang ipinagkait sa kanila ng pamilya Cojuangco-Aquino sa loob
ng maraming dekada. Ang kanilang panawagan para sa LIBRENG
PAMAMAHAGI SA LUPA ay isang makatarungang kahilingan na
dapat igawad sa kanila.

Ang HACIENDA LUISITA ay nahawakan ng mga Cojuangco-Aquino


mula sa Kastilang kumpanyang TABACALERA sa pamamagitan ng mga
utang sa gobyerno noong 1957. Dumaan na ang maraming dekada at
hindi pa rin tinutupad ng pamilyang ito ang kondisyon sa utang na ipinataw ng gobyerno -- ang ipamahagi ang lupa sa mga magsasaka. Sa
halip, ang pamilya Cojuangco-Aquino ay nagpayaman nang husto mula
sa dugo, pawis at luha ng ilang henerasyon ng mga manggagawang-

ULAT SA HACIENDA LUISITA | ENERO 2014

bukid sa Hacienda Luisita. Nagkamal sila ng malalaking kita mula sa


pagbebenta ng mga bahagi ng lupa sa mga pribadong korporasyon, sa
pamamagitan ng mga kasunduan na sinuportahan pa mismo ng pamahalaan.
Ang malala pa, sa kabila ng paulit-ulit na pag-iwas sa pagtupad sa kanilang obligasyon sa utang, ang mga Cojuangco-Aquino pa ang binayaran ng gobyerno para sa right of way sa SCTEX, at para sa just
compensation sa kasalukuyang huwad na pamamahagi ng lupa sa
HACIENDA LUISITA. Dahil sa pakikipagsabwatan sa gobyerno sa loob
ng napakaraming taon, natitipon sa pamilya Cojuangco-Aquino ang
napakabigat na utang hindi lang sa mga manggagawang-bukid ng
HACIENDA LUISITA, kundi sa buong sambayanang Pilipino.

2.

UP ANG M A G I N G PAT A S A T M A K A T A RUNG A N ANG


distribusyon ng lupa, kailangang isaalang-alang ang panawagan ng
mga magbubukid para sa KOLEKTIBONG PAGMAMAY-ARI NG
LUPA. Dapat kilalanin at pag-aralan ng mga kinauukulan ang proyektong bungkalan na sinimulan ng mga manggagawang-bukid sa kasagsagan ng Welgang Bayan sa Luisita noong 2005. Ipinamalas ng welga
at ng bungkalan ang kapangyarihan ng mga manggagawang-bukid na
magbudyong lumikha ng makabuluhang pagbabago sa isang kalagayang sadlak sa pagsasamantala at panlilinlang. Ang hindi-pagkilala o
pagsasantabi at lalo na ang tahasang pagsupil o pagbangga sa inisyatibang ito ng bungkalan ay salungat sa layuning maggawad ng hustisyang panlipunan.
Samantala, ang indibidwal na pagtititulo na ipinapatupad ng Department of Agrarian Reform (DAR) at ang promosyon nito ng block farming, ay nagsisilbi para baligtarin ang direksyon ng reporma sa lupa, lalo
na sa konteksto at kalagayan ng Luisita. Kailangang bigyan ng buong
pagkilala at suporta ang organisadong hanay ng mga manggagawangbukid sa kanilang kampanya para pataasin ang produksyon ng pagkain
at paunlarin ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng palitan ng
paggawa, kooperatibisasyon at kolektibong pagsasaka.
7

LUPA AT HUSTISYA

3. ANG PAMAMAHAGI NG LUPA NA ISINASAGAWA NG DAR

ay kabaligtaran ng isang matagumpay na modelo ng reporma sa lupa.


ITO AY PEKE. Ipinagyayabang ngayon ng gobyerno na tapos na
ang paghihirap ng mga magsasaka, pero hindi pa rin naipapamahagi
ng DAR ang kahit na isang pulgada ng lupa sa mga benepisyaryo
nito. Nagsagawa ang DAR ng pag-abuso sa kapangyarihan sa karamihan, kung hindi man LAHAT ng mga hakbang na isinagawa nito.
Nagbunga ito ng paglabag sa mga karapatan, panloloko at lantarang
panggagantso sa mga benepisyaryo:
y Paglalagay ng mga kwestyonableng pangalan sa masterlist ng benepisyaryo habang binale-wala at nilaglag sa listahan ang mga pamilya ng datihang manggagawang-bukid, at
ilang biktima ng masaker at paglabag sa karapatang-pantao
y Paggawad ng pinalobo (overpriced) na bayad para sa
kaduda-dudang survey sa lupa na ginawa ng FF Cruz. Ang
buong mapa ng survey ng lupa ay itinatago o hindi ipinapakita ng DAR sa mga magbubukid at mga organisasyon at
institusyong dapat kumilatis dito gaya ng Korte Suprema.
y Pagtapyas ng daan-daang ektaryang lupang agrikultural
mula sa lupang ipapamahagi, na naghasik ng kalituhan, dislokasyon at pag-aaway sa hanay ng mga benepisyaryo dahil
sa magulong alokasyon ng lupa at indibidwal na pagtititulo.
y Pagpapatupad ng sapilitang pagpapapirma ng Application to Purchase and Farmers Undertaking (APFU) para
maseguro ang amortisasyon o pagbabayad sa lupa
y Pagbabayad ng pinalobo (overpriced) na kumpensasyon
para sa Hacienda Luisita Inc. (HLI), at pamilya CojuangcoAquino

8

ULAT SA HACIENDA LUISITA | ENERO 2014

y Pagkampi sa mga Cojuangco-Aquino at kapabayaan sa


pagseseguro ng auditing ng Php 1.33 billion na pinagbentahan ng lupa ng HLI at Centennary Holdings, Inc. na dapat
ibalik sa mga magbubukid.
y Pagbibigay-katwiran at pagtatanggol sa pangangamkam
ng lupa ng TADECO, LRC, LEM at iba pang kumpanya ng
mga Cojuangco-Aquino
y Kawalan ng aksyon sa apela ng mga manggagawangbukid para ipawalang-bisa ang conversion order sa 500 ektaryang lupa na sinasaklaw ng RCBC, LRC, at LIPCO
y Pagpapatupad at promosyon ng block farming bilang
suportang serbisyo para pagsilbihan ang interes ng panginoong maylupa
y Panloloko, pamimilit at pananakot sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagbabanta ng diskwalipikasyon
(mawawalan o hindi mapapartehan sa lupa), at paggamit ng
presensya ng mga armadong pwersa gaya ng pulis at militar
para lang maipatupad ang mga maling patakaran at aktibidad gaya ng pagtatambiolo ng lupa, pagpirma sa APFU at
pamamahagi ng CLOA.
y Kawalan ng aksyon at pagkampi sa TADECO-Cojuangco-Aquino sa lantarang pandarahas at pagpapakulong
sa mga magbubukid, paninira at pagbuldoser ng pananim
at pangangamkam ng lupa, na tulak ng ilegal, imoral at dimakatrungang pagpapalit ng gamit o kumbersyon ng lupa
para mapalawak ang LUISITA ECOZONE.

LUPA AT HUSTISYA

4.

ANG REPORMA SA LUPA AY SINABOTAHE NG ASENDERONG


pamilya Cojuangco-Aquino gamit ang lahat ng paraan sa kanyang
kapangyarihan. Sa Masaker sa Hacienda Luisita noong 2004,
ipinangalandakan ng pamilya Cojuangco-Aquino ang kanilang
kawalang-awa at kawalang-pananagutan. Patuloy na gagamitin
ng pamilya Cojuangco-Aquino ang panloloko at pananakot upang ipagtanggol ang interes nito bilang panginoong-maylupa. Ang laganap
na klima ng takot sa Luisita ay ipinapataw nila sa pamamamagitan ng
poder sa kapangyarihan na hawak ng mga Cojuangco-Aquino, lalo na
at nakaupo bilang Pangulo si BS Noynoy Aquino III.
ANG PAMILYA COJUANGCO-AQUINO AY RESPONSABLE SA:
y Agresibo, ilegal at imoral na pag-angkin sa mga lupang
agrikultural para sa isang master conversion plan o LUISITA ECOZONE sa pamamagitan ng TADECO, LRC at iba
pang kumpanya at kasosyo ng mga Cojuangco-Aquino
y Paggamit ng pwersa, sa pamamagitan ng pribadong security guard ng Jose Cojuangco & Sons, Great Star Security
at pwersa ng estado gaya ng militar, paramilitar na CAFGU,
pulis at matataas na opisyal nito sa probinsya ng Tarlac,
upang ipataw ang ilegal na awtoridad ng mga CojuangcoAquino sa Luisita
10

ULAT SA HACIENDA LUISITA | ENERO 2014

y Ang pagpataw ng marahas na Oplan April Spring kasama ang RCBC upang manyutralisa ang mga organisadong
magsasaka -- mula pagbabanta, pag-atake at pagsasampa
ng mga kaso hanggang sa pagbubulok sa prinsipyo at pagaalok ng suhol sa mga lider upang magkalat ng intriga at
buwagin ang pagkakaisa ng mga magbubukid na apektado
sa kanilang masasamang plano.
y Paggamit ng mga dummy o ahente sa pamamagitan
ng Luisita Estate Management (LEM) at pakikipagsabwatan
sa mga malalaking rentador o aryendador para mapanatili
o maibalik sa mga Cojuangco-Aquino at CAT ang kontrol sa
lupa at produktong tubo.
Ang ilegal at hindi patas na rentahan at pagbili ng mga
lote ay maaaring gamitin ng DAR-Cojuangco-Aquino
para sisihin ang mga gutom na magbubukid sa kapalkapan
ng reporma sa lupa. Pwede itong gawing batayan para sa
diskwalipikasyon ng benepisyaryo at maramihang pagbawi
sa mga lote na ipinamahagi diumano ng DAR sa kanila.
y Ilegal at aroganteng paghiling ng mas mataas na kumpensasyon o bayad para sa lupa mula sa gobyerno
y Pananakot, ilegal na pag-aresto at pagsasampa ng mga
gawa-gawang kaso laban sa mga magsasaka at kritiko
y Pakikipagsabwatan sa mga institusyong gaya ng PNP,
AFP at mga korte sa paglabag sa mga karapatan ng mga
manggagawang-bukid at ng kanilang mga taga-suporta
11

LUPA AT HUSTISYA

5.

ANG MGA PATAKARAN NG GOBYERNO -- ANG INSTITUSYUNALISADO o laganap na katiwalian sa gobyerno, terorismo at
panunupil ng estado -- ang siya mismong hadlang o balakid sa pagkakamit ng tunay na reporma sa lupa para sa libu-libong manggagawang-bukid ng HACIENDA LUISITA at milyon-milyong magsasaka at
nagbubungkal ng lupa sa buong kapuluan.
Kamakailan ay nalantad ang DAR bilang pork clearing house (o daluyan ng pork barrel) para sa mga tiwaling pulitiko at pekeng NGO na
nagkakamal ng yaman mula sa pagnanakaw ng pampublikong pondo
o pera na galing sa buwis ng mamamayan.
Pero kahit sa mga batas sa reporma sa lupa gaya ng Comprehensive
Agrarian Reform Program o CARP at ang CARPER (CARP with Extension and Reforms), nagsisilbli ang DAR bilang legal na daluyan para sa
lantarang pag-aaksaya o pagwawaldas ng pondo para sa mga palpak
na programa at proyekto sa reporma sa lupa, at bilang gatasang-baka ng mga panginoong maylupa na binibigyan ng napakalaking bayad
para sa lupa o just compensation.
Sa pagtatapos ng CARPER sa Hunyo 30, 2014, lalong nalalantad
ang pagiging bulok at walang silbi ng magastos na programang ito.
Lalong umiigting ang pakikibaka ng milyun-milyong magsasaka
para sa tunay na repormang agraryo at para sa pagsasabatas
ng Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) o House Bill 252.
Si Pangulong BS Aquino mismo ay tinatawag na pork barrel king
dahil kontrolado nya ang limpak-limpak na pondo ng pamahalaan para
gamitin sa political patronage o pamamadrino at manipulasyon sa
kanyang mga kaaway at kaibigan sa pulitika. Naglaan si BS Aquino ng
milyon-milyon mula sa kanyang Disbursement Acceleration Program
(DAP) para sa kumpensasyon ng mga panginoong maylupa at para sa
panunuhol sa mga Senador na nagsilbing hukom sa impeachment o
pagpapatalsok kay Chief Justice Renato Corona, pagkatapos maglabas ang Korte Suprema ng pinal na desisyon sa HACIENDA LUISITA.
12

ULAT SA HACIENDA LUISITA | ENERO 2014

ANO ANG DAPA T

GAWIN?

1. MAGKAISA!

Ang laban ngayon sa HACIENDA LUISITA


ay laban hindi lamang ng mga manggagawang-bukid o benepisyaryo,
kundi ng LAHAT NG MAMAMAYAN AT RESIDENTE NG LUISITA na
maapektuhan ng demolisyon, dislokasyon at pagkawala ng tirahan at
kabuhayan dahil sa LUISITA ECOZONE.
Ang pagbuldoser at pagpapalayas sa mga magsasaka sa Brgy Balete
at Cutcut ay bahagi ng malawak na plano na matagal nang pinapatupad sa HACIENDA LUISITA. HINDI LAMANG ILANG TAO O ILANG
BARANGAY ANG APEKTADO NITO KUNDI ANG BUONG AGRIKULTURAL NA KOMUNIDAD NG LUISITA.
Buong mundo ang humanga sa dambuhalang lakas ng tapang
at pagkakaisa ng mamamayan ng Luisita sa Welgang Bayan
noong 2004-2005. Ang pagkakaisang ito ang pilit winawasak ng mga
Cojuangco-Aquino. DAPAT TAYONG MAGKAISA dahil nakasalalay sa
laban na ito ang kinabukasan ng susunod na mga henerasyon ng mga
anak ng mga manggagawang-bukid at residente ng Luisita.

2. LABANAN

ANG LAHAT NG ANYO NG PANLOLOKO,


PANDARAHAS AT PANGANGAMKAM!
Habang tahasan ang pandarahas at pangangakam ilang barangay
gaya ng Cutcut at Balete, kung anu-anong panloloko sa tao ang laganap ngayon sa buong Luisita. Ang PPP ng panloloko, pandarahas at
pangangamkam ay paghahanda para sa pagsagasa ng PPP ng gobyernong BS Aquino -- Public Private Partnership na pabor sa malalaking kumpanyang at dayuhang kasosyo ng pamilya Cojuangco-Aquino.
Sinasamantala ang gutom at kulang na kaalaman ng tao sa pagpapapirma sa LAC at APFU ng DAR; mga alok at kubra ng pera sa rentahan;
bayad diumano sa Php1.33 B; lupang bibilhin ng Cojuangco sa halagang Php 1 milyon at kung anu-ano pang pakana at kasinungalingan.
13

LUPA AT HUSTISYA

3.

PATULOY NA SUPORTAHAN AT ISULONG ANG PANAWAGAN


para sa LIBRENG PAMAMAHAGI AT KOLEKTIBONG PAGMAMAY-ARI NG LUPA sa mga magbubukid ng Hacienda Luisita.
Ang alyansang AMBALA ang namuno sa libu-libong manggagawang
bukid sa makasaysayang petisyon para sa pagbabasura ng SDO at
pamamahagi ng lupa. Sa kabila ng mga kinaharap na hamon at problema lalo na sa mga nakaraang lider, ang AMBALA pa rin ang kumakatawan sa interes ng libu-libong magbubukid sa Korte Suprema at iba
pang institusyon. Ang AMBALA ang tuluy-tuloy at walang sawang
nagdadala ng laban ng Hacienda Luisita sa pamamagitan ng ibat ibang
anyo ng pagkilos at pakikipagkaisa sa mga kaibigan sa loob at labas ng
bansa.
AKTIBONG LUMAHOK AT SUMUPORTA!
y sa pagpapatatag at pagpapalawak ng pagkakaisa ng mamamayan
ng Luisita sa ibat ibang samahan at alyansa gaya ng samahan ng mga
magkakapit-bahay, organisasyong panrelihiyon, asosasyon ng mga
magsasaka, grupong kababaihan, kabataan, senior citizen at iba pa.
y sa mga pagtitipon upang malaman at maunawaan ang mga bagong
isyu at pangyayari sa saklaw ng buong bansa at sa Hacienda Luisita
y sa mga pagkilos, aksyon at petisyon ng AMBALA sa loob at labas
ng asyenda, sa Korte Suprema, mga sangay ng DAR at iba pa.
y sa pagpapalawak sa kampanyang BUNGKALAN, pagpapataas
sa produksyon ng pagkain at iba pang anyo ng kooperasyon

4. PATULOY NA IPANAWAGAN ANG HUSTISYA

para sa mga biktima ng Hacienda Luisita Massacre at iba pang paglabag sa karapatang-tao. Pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan
sa mabilis na ulat, paglalantad at aksyon sa mga paglabag at pandarahas ng mga gwardya at goons ng Cojuangco-Aquino at militarisasyon.
14

BARANGAY
CONTROL #

PANGALAN :
PALAYAW :
KAPANGANAKAN
KASARIAN

ARAW | BUWAN | TAON

LALAKI

EDAD:

BABAE
PANGALAN NG ASAWA

MAY ASAWA?

MERON

WALA

(MGA) HANAP-BUHAY | PINAGKAKAKITAAN NG PAMILYA

MGA MUNGKAHI / SUHESTYON PARA SA AMBALA

PARA SA KOPYA NG KUMPLETONG ULAT, MAKIPAG-UGNAYAN SA

c/o 56 K-9 ST., WEST KAMIAS, QUEZON CITY

You might also like