You are on page 1of 2

ALAMAT NG MAKOPA

Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil


may isang gong o batingaw silangnagkakaloob ng
kanilang kahilingan. Nabalitaan ito ng mga tulisan kaya nagambisyon silang nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang lugar.
Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan, ibinaon
nila ang gong sa isang lugar na malapit sa gubat.
Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga
taong-bayan hanggang maitaboy paalis ang mga gustong
magnakaw ng kanilang gong. Sa kasawiang-palad, maramirami rin ang namatay. Kabilang dito ang mga nagbaon ng
gong. Samakatwid, walang makapagsabi kung saan nakatago
ang gong.
Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang
gong.Naghihirap na ang mga tao. Isang araw, isang bata
ang napadako sa tabi ng gubat at nakakita ng isang punong
may bungang hugis batingaw (kahugis ng gong na
nawawala). Inakyat ng bata ang puno at tinikman ang bunga.
Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga kababayan.
Nang makita ng mga kababayan niya ang
bunga naghinala silang naroon sa punong iyon ang kanilang
gong. Nagpuntahan ang mga tao roon at hinukay ang ugat ng
puno. Totoo nga! Sa ilalim niyon nakabaon ang gong na susi
ng kanilang kasaganaan. Nakuhang muli ang gong at

nagkaroon pa ng punong may matamis na


bungang hugis kampana ang mga taong-bayan.

You might also like