You are on page 1of 4

BIYOLIN

Ni Jose Corazon de Jesus

SA PAMILIHAN NG PUSO

Itoy isang pugad niyang mayang paking


na huhuni-hunit hahali-halinghing,
at ang apat namang mahihinang bagting
ay apat na ugat ng pusot panimdim.
Waring nananangis sa gabing madilim,
tila nahihibang, parang nababaliw.

Ni Jose Corazon de Jesus

Ang panghilis nito ay isang sandatang


ang sinusugatay yaring kaluluwa.
Kung minsay humibik, tumangis,
tumawa,
ang byolin man pala ay nababaliw na.
Parang naglalambing sa isang dalagat
parang humingi ng konting pagsinta.
Ang byolin ay kaba ng dupok nang
dibdib
huwag di masalang ay iingit-ingit;
tila nasasaktan at hihibik-hibik
kaawaan mo nat bigyan ng pag-ibig.
Para bang sa tuwing siyay mahihilis
ay nangangako nang magpapakabait.
Itong unang bagting siyang tumatawa,
babaeng sa galak ay nalalasing na;
lagaslas ng tubig itong pangalawa,
alis-is ng dahon at huni ng maya;
bagting na pangatlo, tinig-sumisintat
nakikipag-usap sa isang dalaga.
Ngunit ang pang-apat, ang malaking
bordon,
boses na basag na ng isang yayaon,
ubo ng maysakit, luhang putol-putol,
lagnat ng hingalong pusong ibabaon.
Iyan ang tinig kong namaos na ngayot
ang nawalang sintay hindi pa matunton.

Huwag kang iibig nang dahil sa pilak


pilak ay may pakpak
dagling lumilipad
pag iniwan ka na, ikawy maghihirap.
Huwag kang iibig nang dahil sa ganda
ganday nagbabawa
kapag tumanda na
ang lahat sa mundoy sadyang nag-iiba.
Huwag kang iibig sa dangal ng irog
kung ano ang tayog
siya ring kalabog
walang taong hindi sa hukay nahulog.
Huwag kang iibig dahilan sa nasang
maging masagana
sa aliw at tuwa
pagkat ang pag-ibig ay di nadadaya...
Kung ikawy iibig ay yaong gusto mo
at mahal sa iyo
kahit siyay ano,
pusong-puso lainang ang gawin mong dulo.
Kung ikwy masawiy sawi kang talaga
ikaw na suminta
ang siyang magbata;
kung maging mapalad, higit ka sa iba.
Sa itong pag-ibig ay lako ng puso
di upang magtubo
kaya sumusuyo
pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo.

KAY AMA

Isinulat ng may-akda ang tula para sa ama

Ni Emelita Perez Baes


Nagising nga akong tila nangangarap na
isang anino
sa maputing tabing ng aming kahapong
nilikha ng tao;
sa pagkakawalay sa isang magulang ay
waring natuto
nahawi ang ulap na nagbigay silim sa
kanyang talino.
Siyay naparuol walang abug-abog sa
rugtong ng tali,
ang kinahinatnan ay signos ng ulap ng
panunubali;
kanyang kaluluwang nakitalamitam sa dilim
na tangi
ay nakipanaghoy sa luha ng anghel habang
nagmumuni.
Kay lungkot isipin ang gayong kasaklap na
pagkakalayo
na kung gunitain pati hininga ko ay halos
mapugto;
at pati ang langit ng bagong umagay waring
nagdurugo
at ang dapithapon kung pagmamasdan ko ay
naghihingalo.
Haplos ng pag-ibig ang naiwan niya sa
supling ng puso,
kanyang inulilay may bakat ng luhang sa
pisngi dumapo;
kay Ina ang buhay ay ibayong saklap sa
pagkasiphayo
at may nakalaang tiising pasanin sa kanyay
titimo.
Ngayon kung babalik sa pinag-iwanang lubid
na putol,
dadamhiy pangako sa luksang pangarap na
tinatalunton;
tataas ang mukhat lalong kikisig pa sa
taglay na suot
at damdaming amay hahanga ngang lubos
sa sariling hinlog!

ANG MATAMPUHIN
Ni Lope K. Santos
Damong makahiya na munting masanggiy
nangunguyumpis nat buong nakikimi,
matalsikan lamang hamog na kontit
halik ng amihay mabigla sa dampi
mga kinaliskis na dahoy tutupit
tila na totoong lanta nat unsyami.
Mutyang balintataw ng buwang maningning
sa salang mabiro ng masayang hangiy
pipikit na agad sa likod ng dilim,
panakaw-nakaw na sa lupay titingin,
sa tanaw ng ulap at ng panganorin.
Malinaw na batis ng mahinhing bukal
na napalalabo ng bahagyang ulan,
kahit dahong tuyo na malaglag lamang
ay nagdaramdam nang tila nasugatan;
isang munting batong sa kanyay magalaw
ay dumaraing na at natitigilan.
Matingkad na kulay ng mayuming sutlang
kay-sarap damitin at napakagara,
munting mapatakan ng hamog o luha,
ay natulukot nat agad namumutla;
salang malibangan sa taguang sadya y
pinamamahayan ng ipis at tanga.
Kalapating puting may batik sa pakpak,
munting makalayay malayo ang lipad;
habang masagana sa sariling pugad,
ay napakaamo at di lumalayas;
nguni, pag sa palay ay minsang manalat,

sa may-alagad man ay nagmamailap.


Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhay
ay wala sa pusong laging mapagdamdam;
hindi nagluluwat ang kapayapaang
mamahay sa palad na hubad sa lumbay;
lalo sa pag-irog, ang tampoy di bagay
kaning mayat-maya at, nakamamatay!
Hinggil ang tula sa mga babaeng matampuhin o
sensitibo.

nasa iyo namang lahat ang papuri at parangal


pagkat tapat kang maglingkod sa bayan mong
minamahal.
Nagagalak pag narinig ang pangakong di-natupad:
Ang sahod mong kakarampot, may pag-asang
magkadagdag
pag dumating ang panahon na ang kaban ay
bumigat.
O pag-asang naluluoy at sa hangiy lumilipad!
- isang tulang isinulat ni B. del Valle para sa mga
teacher

GURO, NASA LANGIT ANG IYONG


PARAISO

Flat Uno
Ma. Carmela Dieta

Hatinggabi, nagbabasa sa malamlam na ilawan,


naglalamay samantalang ang iba ay nahihimlay,
samantalang ang maramiy nasa binggo,
nagsusugal,
nasa sine, nasa night club", naglalasing,
nagsasayaw.

Hinahanap-hanap, minimithi, ninanais-nais


Para bang Ill go crazy pag hindi nakuhat nakamit
Nagsusumikap, naghihintay, nagpupuyat
Para ma-achieve ang goal na inaasam-asam

Madalas na malipasan ng gutom sa di-pagkain


sa oras na kailangan... pagkabigat na gawain!
Hanggang doon sa tahanay dala-dala ang iksamen,
kaya't siya kung matulog ay hatinggabing malalim.

Limang buwan nang pagpe-persevere


Five days sa isang lingo
Sinisikap tapusin ang mga requirements
At gumawa ng mga projects

At lalo nang ang isipay gulung-gulo, naghihirap


kung sa kanyang pagtuturoy pasakit ang niyayakap
pagkatapos na gampanan ang tungkuling iniatas,
ang kataway's nanghihina't ang tinig ay nababasag.

Lalakarin ko ang mahabang daan


Ang long rocky road na dapat kong tapakan
Lalagpasan ang obstacles na nakaharang
Maabot ka lang, o unong inaasam-asam!

Ang maramiy natutuyo at ang tungoy sa libingan,


lalo na kung sa iskwelay mga batang walang
galang
ang palagi nang kaharap sa umagat maghapunan,
mga batang di na kayang patuwirin ng magulang.

Investment na Mahal
Ma. Carmela Dieta

Ang sariling kabutihan ay kanilang nililimot,


pinapatay ang damdamin nitong dibdib sa pagirog,
sa gawaing pagtuturo ang diwa ay nakabalot,
at ang pintig nitong puso'y di pansin ang
lumuluhog.
Natutuwa kung marinig ang papuring walang
laman:
Kung ikaw may nagsasalat sa salapit karangyaan,

Ang pagmamahal ay parang investment.


Hindi ka sigurado kung ano ang kalalabasan.
Aasahan mong mabuti ang maging resulta
Upang lumaki ang iyong bentaha.
Ang pagmamahal ay parang investment.
Kinakailagan mong magsakripisyo
Maging pera o ibang pag-aari mo pa
Sa pag-asang ikay magiging Masaya.

Itato sa noo, wala na talaga


Ang pagmamahal ay parang investment.
Kinakailangan mong mag-antay.
Hindi maaaring madaliin o biglain
Pagkat unti-unti ito kung magpalawak.
Ang pagmamahal ay parang investment.
Itoy mapangahas. Itoy mapanganib.
Maaari kang kumita. Maaari kang mawalan.
Ang kasiyahay ipagbabahala nalang sa kapalaran.

Dapat ka nang kalimutan, laging ipaalala


Itapon mo na ang iyong telepono
O kayay ipanakaw mo
Baguhin mo na pati numero
Huwag ipost sa facebook yung bago
Nang di ko na makabisado

Ikaw at ang Iyong Numero

Kung walang pambili magbibigay ako


Ililista sa tubig ang utang mo

Akoy unti-unti nang bumabangon

Madaling kalimutan ang kung anu-ano

Umaakyat at dahan dahang umaahon

Pero mahirap kalimutan

Kayat huwag na huwag kang tatawag

Ikaw at ang iyong numero

Kahit na pabulong
Dahil baka ako ay lumingon

Tulungan mo kong limutin ka

At muling mahulog

Sabihing Ikaw, sa akiy di mahalaga

Kung saan ka naroon

Kung ito ay di uubra


Mabuti pa sigurong magka amnesia

Tulungan mo kong limutin ka

Tulungan mo kong limutin ka

Ang nakaraan huwag nang ipaalala

Turuan mo kong magmahal nang iba

Araw-araw na laging masaya

Utusan mo ang isip ko at kaluluwa

Noong tayo ay magkasama

Dapat ka nang kalimutan, laging ipaalala

Tulungan mo kong limutin ka


Itatak sa utak, wala nang pag-asa

You might also like