You are on page 1of 9

Kasaysayan ng Noli Me Tangere

Unang nobela ni Rizal ang El Filibusterismo. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya.
Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng
pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa
rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang
tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika
ng mga edukado noong panahong yaon.
Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng
Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibez, isang bantog na
manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.
Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na
pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacaang at
inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan,napayapa ang liberal ng
Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng
simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya
sa liham ni Rizal sa Litomice: "Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan,
tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong gawing excommunicado dahil doon . . .
pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na
Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na
gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa
kalye pagkagat ng dilim ... "

Kasaysayan
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884
sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya
sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling
bahagi ng nobela.
Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni
Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga
panginoong putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng
mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Kastila.

Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan
na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang
maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili
niya ang pagsulat nang walang katulong.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt
ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na
inilarawan sa mga kabanata ng nobela.
Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag
Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang
bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.
http://mcshukbalahap.jigsy.com/kasaysayan

Noli Me Tangere/Panimula

< Noli Me Tangere


Stop changing the lines into nonsense things
Ang Noli Me Tangere ay ang pinakamaimpluwensiyang akda sa kasaysayan ng Pilipinas;
nagtaglay ng makatotohanang pangyayari na gumising mga Pilipino ang kawalang katarungang
pagmamalupit at pang-aalipin ng mga Kastilang mananakop.
Sinimulang sulatin ni DR. jose Rizal. Ang mga unang bahagi ng "'Noli Me Tangere" noong 1884
sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya
sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling
bahagi ng nobela.
Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni
Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga
panginoong putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng
mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Kastila.
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan
na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang
maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili
niya ang pagsulat nang walang katulong.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt
ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na
inilarawan sa mga kabanata ng nobela.
Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag
Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang
bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.

Hinggil sa May-akda
Si Dr. Jose Rizal ay isinilang sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Ang kanyang
mga magulang ay sina Francisco Mercado Rizal at Teodora Realonda Alonzo. Siya ay pampito sa
labing-isang magkakapatid - na sina Salumina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria,
Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad.
Una niyang guro ang kanyang ina. Sa edad na tatlong taon, marunong na siyang bumasa at
sumulat. Nang siya ay siyam na taong gulang, nag-aral siya sa Binan, Laguna sa ilalim ng
mahusay na pagtuturo ni Maestro Justiniano Cruz. Napansin ang kaniyang katalinuhan,
pinayuhan ng maestro ang estudyanle na umuwi na dahil wala na siyang maituro sa kanya.

Sa Ateneo Municipal de Manila siya nag-aral nang siya ay labing-isang taon. Napatunayan ang
likas na galing, nakamit niya ang pinakamataas na karangalan sa pagtatapos niya ng Bachiller en
Artes sa gulang na labinganim na taon.
Sa Unibersidad ng Santo Tomas, Pilosopiya ang unang kursong kinuha niya rito. Noong TaongAralang 1878-1879, lumipat siya sa kursong Medisina udyok ng Rektor ng Ateneo. Mahalaga sa
kaniya ang bagong kurso dahil nais niyang magamot ang nanlalabong paningin ng ina. Kasabay
rito, kumuha siya ng kursong agrimensor sa Ateneo. Naipasa niya ang pagsusulit sa kursong ito
sa gulang na labimpito.
Sa Universidad Central de Madrid ipinasiya ni Rizal na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral ng
Medisina. Lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang at ng mga Kastila ang kaniyang
pagtungo sa Europa. Tanging si Paciano ang nakatatandang kapatid na lalaki at ang kaniyang
Tiyo Antonio ang nakabatid sa kaniyang pag-alis. Noong Hunyo 21, 1884, natapos niya ang
Medisina na kung saan nakamit niya ang tilulong "Licenciado en Medisina" sa unibersidad na
ito. Sa sumunod na taon, Hunyo 19, 1885, natamo naman niya ang titulong "Licenciado en
Filosopia y Letras" na may markang "Sobrasaliente" (Excellent).

Kapaligirang Pangkasaysayan sa Pagkakasulat ng Noli


1884-1887 - tuklaw na panahon
Uncle Tom's Cabin. Pinakamaimpluwensiyang panilikan ng Estados Unidos; sinulat ni
Harriet Beecher Stowe, inilarawan dito ang di-makalarungan pagmamaltrato sa mga
aliping Negro mula sa Africa; ito ang akdang nakaimpluwensiya kay Rizal upang isulat
ang Noli.
Mga taong unang nakabatid sa pagkakasulat: Graciano Lopez Jaena, Pedro Maximo,
Antonio Paterno, Valentin Ventura, Julio Lorente, Melecio Giguerora, Eduardo de Lete at
Evaristo Aguirre.
Unang kabiguan: Ang proyekto ay hindi naisakatuparan sa tatlong adahilanan:
1. 'Ningas kugon' lamang ang inaasahang katulong sa pagsusulat;
2. Ibang paksaang nais nilang isulat ay hinggil sa mga babae.
3. Higit na hilig ng mga kaibigan niya ang pagsusugal at pambababae.
Sinimulanang Pagsulat. Bagaman nabigo si Rizal ukol sa tulong ng kapwang Pilipinong
manunulat; gayunpaman, buong tatag mya itong sinimulang mag-isa.

1884 - natapos niyang isulat ang unang kalahating bahagi ng Noli sa Madrid.

1885 - natapos niya ang ikatlong kalahati sa Europa

Abril-Hunyo 1886 - natapos niya ang huling sangkapat at ang mga huling
kabanata sa Wilhelmsfold, Alemanya.

Pebrero 1886 -nirebisa ang huling manuskrito ng nobel a sa Berlin; halos nauwi
sa pagkakasunog ang manuskrito sa dahilang naubos ang pondo at siya ay
nagkasakit; tila hindi maililimbag ang nobela.

Dr. Maximo Viola-kaibigan ni Rizal mula sa isang mayamang angkan ng San Miguel, Bulacan.
Itinuring siyang tagapaglista ng Noli yamang siya ang naging instrumento upang mailathala ang
Noli. Pinahiram sl Rizal ng sapat na pondo para rito maliban pa sa pang-araw-araw na gastos ni
Rizal na noon ay naghihikahos.

Ang Paglilimbag

Pebrero 21, 1887- nakahanap sina Rizal at Viola ng palimbagan sa Alemanya. Ito ay ang
Berliner Buchdruckrei Action Gesslsschaft. Pinili nila ito dahil mababa ang singil-300
piso para sa 2,000 sipi ng akda.

Marso 21, 1887 -lumabas ang mga sipi ng Noli Me Tangere.

Mga unang nakatanggap: Dr.Ferdinand Blumentritt, Dr.Antonio Ma. Regidor, Graciano


Lopez-Jaena, Mariano Ponce at Felix Hidalgo.

Disyembre 25, 1887 - natanggap ni Maximo Viola ang mapagpahalagang nota mula kay
Rizal. Kasama rin sa ibinigay ni Rizal sa kanya ay ang 'golley droof' ng Noli, panulat na
ginamit at isang komplimenlaryong sinipi kung saan isinulat ni Rizal ang nota.

Mga Resulta ng Pagkakalimbag ng Noli


1. Pakikipagkita kay Gobernador Heneral Emilio Ferrero (1885-1888) - Sumulat ang
gobernador kay Rizal upang imbitahin siya sa Malakanyang, Una pa rito, nabalitaan na
ng gobernador na ang Noli ay humihimok ng subersibong kaisipan. Ipinaliwanag ni Rizal
na malayong hangarin ng Noli ang magtanim ng nabanggit na ideya bagamat isinulat niya
ang totoong kalagayan ng lipunan noon . Tinanggap ng gobernador ang paliwanag ni
Rizal at humingi pa ito sa kanya ng kopya upang mabasa niya. Sinikap ni Rizal na
makakuha ng kopya dahil siya mismo ay naubusan ng personal na sipi.
2. Mga Dating Guro: Tuwang-tuwa ang mga Heswita sa aklat anupat ayaw na nilang
mawala ang kani-kanilang kopya sa kanilang mga kamay kahit ng humingi si Rizal ng
isang kopya mula sa kanila upang ibigay sa gobernador heneral. Ang mga guro ay sina
Padre Francisco de Paula Sanchez, Padre Jose Bech at Padre Federico Faura.

3. Pag-iingat sa Kaligtasan ni Rizal: Batid ng gobernador heneral na manganganib ang


buhay ni Rizal lalo na sa kamay ng mga prayle. Inatasan niya si Don Jose Taviel
Andrade, isang batang tenyenteng Espanyol, upang bantayan si Rizal.
4. Lumantad ang mga kaaway ng Noli: Mga makapangyarihang Dominikong pinuno ng
simbahan ang lumabas na pangunahing kalaban ng nobela.
1. Msgr. Pedro Payo - Arsobispo ng Maynila na nagpalaki ng siping Noli kay Padre
Rektor Gregorio Echavarria ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa layuning
maeksamen ng isang komite ang nasabing akda.
2. Mga Dominikang Propesor -bumuo o miyembro ng komite.
3. Padre Rektor Gregorio Echavarria - pinadala ang resulta ng pag-aaral sa Noli.
4. Padre Salvador Font Agustinong Kura ng Tondo; pinamunuan ang
permanenteng komisyon na umeksamen sa Noli, iniulat niya na ang nobela ay
nagtataglay ng makasedisyong ideya hindi lamang laban sa simbahan kundi laban
din sa pamahalaan. Inirekomenda niya ang pagbabawal sa "importasyon,
reproduksyon at pamamahagi ng mapanganib na aklat na ito."
5. Padre Jose Rodriguez - isa ring Agustino at Superior ng Guadalupe. Naglathala
siya ng serye ng walong polyeto na may pamagat na 'Cuestiones de Sumo Interes'
(katanungan na may Dakilang Interes) upang tuligsain ang nobela.
6. Mga Senador ng Cortes ng Espanya: Nakarating ang kontrobersya ng Noli
hanggang Espanya. Kabilang sa mga senador na tumulig sa ay sina Heneral Jose
de Salamanca, Sr. Fernando Vida at Heneral Luis M. de Pando.
7. Vicente Barrantes' - akademiko ng Madrid at dating nanungkulan sa pamahalaan
sa Pilipinas. Siniraan niya ang Noli sa pamamagitan ng kanyang artikulong
inilathala sa La Espana Moderna noong Enero 1890.
5. Mga Tagapagtanggol ng Noli
1. Mga Repormista: Marcelo H. del Pilar, Dr.Antonio Ma. Regidor, Graciano
Lopez-Jaena, Mariano Ponce at iba pa.
1. Marcelo H. del Pilar -mga pagtatanggol niya ay ang mga sumusunod:
1. Sinagot niya ang komento ni Padre Font ng komisyon ng Sensura.
2. Sa sagisag na "Dolores Managat", naglathala siya ng munti aklat
na may pamagat na "Caiigat Cayo" na nangangahulugang maging
madulas tulad ng igat sa pagtatanggol sa Noli. Ang aklat ay
pantapat sa "Caiingat Cayo", isang munting aklat ni Padre Jose

Rodriguez. Ipinamahagi sa loob ng simbahan at hindi napuna ng


mga prayle sa pag-aakalang ito ang aklat ni Padre Rodriguez.
2. Mga Dayuhan:
1. Padre Sanchez -paboritong guro ni Rizal;
2. Don Segismundo Moret -mananalaysay at estadista at Propesor Ferdinand
Blumentritt -propesor at edukador at naging matalik na kaibigan ni Rizal.
3. Rev. Vicente Garcia -isang di-inaasahang taga-depensa ng Noli. Isa siyang
Pilipinong katolikong Pari at iskolar ng katedral ng Maynila. Sa
pamamagitan ng kanyang pangalawang panulat na Justo Desiderio
Magalang, naisulat niya ang kanyang pagtatanggol na nailathala pa sa
Singapore. Alin sa mga argumento ni Padre Garcia laban kay Padre
Rodriguez ay:
1. Maling sabihing si Rizal ay "ignorante" sapagkat siya ay
nakapagtapos sa mga Unibersidad ng Espanya kung saan siya ay
nakatanggap ng mga karangalan.
2. Hindi totoong tinuligsa ni Rizal ang simbahan at ang pamahalaang
Epanya kundi ang masasamang opisyal at tiwaling mga prayle
lamang.
3. Itinuring ni Padre Rodriguez ang mga bumasa sa Noli bilang mga
gumawa ng kasalanang mortal. Samakatuwid, si Rodriguez ay may
kasalanang mortal sapagkat nabasa niya ang aklat.
6. Mga Sulat ni Rizal Kay Maximo Viola: "Sa mahal kong kaibigang Maximo Viola, ang
unang nakabasa at nagpahalaga sa aking isinulat."......

7. Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere


8.
9.

Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere


10.

nahon

Detalye

Bago ang 1884

Nabasa ni Rizal ang novelang Uncle Toms Cabin ni Harriet Beecher Stowe na
naglahad ng pang-aapi sa mga aliping Negro sa Amerika.
Mayroong isang pagdiriwang ng mga mag-aaral na Pilipino ng Central University of
Madrid sa Espanya. Nakasama ni Rizal sina Jaena, Valentin Ventura at ang
magkakapatid na Paternos. Inimungkahi ni Rizal sa kanyang mga kasamang Pilipino
sa Madrid na sumulat sila ng isang novelang hango sa masamang kalagayan ng
mga Pilipino sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng Kastila at ang lahat ay sumangayon. Inimungkahi ni Rizal na pangkat sila upang mailahad ang lahat ng pananaw.
Ang mungkahi ni Rizal na sumulat bilang pangkat ang novela ay hindi natupad
sapagkat ang iba, sa halip na umpisahan ang novela ay nalihis ang perspektibo at
ukol sa babae na ang nais isulat. Nalulon ang lahat maliban kay Rizal sa sugal at
pambabae kaya napabayaan ang napagkasunduan.

Enero 2, 1884

Inumpisahan ni Rizal ang pagsulat sa novela sa Madrid at natapos ang unang


kalahati.
1885
Pagkatapos ng kanyang pag-aara sa CUM, ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat sa
novela sa Paris, Fransya kung saan natapos niya ang kalahati ng ikawalang kalahati
ng novela.
April-June 1886
Sa loob ng mga buwan na ito, tinapos ni Rizal ang novela sa Wilhelmsfeld, Alemanya
ngunit wala pang pamagat.
Disymebre, 1886
Hindi napadalhan si Rizal ng perang panggastos mula sa Pilipinas kaya siyay
nagutom at nagkasakit. Sa kanyang pagkagutom, siya ay dumadalo sa mga
pagdiriwang nang hindi naman inaanyaya (gate crasher). Halos nawalan na siya ng
pag-asa na mailimbag ang novela kaya napag-isipang sunugin ito. Salamat na
lamang at dumating si Dr. Maximo Viola, isang dating kamag-aaral na siyang
tumulong kay Rizal sa pagpapalathala ng novela at nagbigay ng pera upang
matugunan ang mga pangangailangan.
Pebrero 21, 1887
Inayos ni Rizal ang orihinal na manuskrito ng novela upang mahanda sa paglathala.
Napili niya ang bahay-palimbagan naBerliner-Buchdruckrei-Action-Gesselschaft.
Nagpalathala siya ang 2, 000 sipi sa halaga lamang ng P300.00.
Marso 5, 1887
Habang iniimprenta ang novela ni Rizal, saka lang siya nakapagdesisyon ng
pamagat para dito. Sa kanyang sulat kay Felix R. Hidalgo, binanggit ni Rizal na
hinugot niya ang pamagat na Noli Me Tangere sa Ebanghelyo ni Lucas. Ngunit
nagkamali si Rizal sa pagbanggit ng pinagkunan dahil nakuha niya ito sa
Ebanghelyo ni Juan, Kapitulo 20, versikulo 13-17. Ang bahaging ito bibliya ay
nagsalaysay sa araw ng Easter Sunday, ang ikatlong araw ng kamatayan ni Kristo
kung saan nabuhay siya muli at nagkita sila ni Maria Magdalena: Huwag mo akong
salingan, dahil hindi ko nakasasama ang aking Ama sa langit.
Marso 21, 1887
Inilabas na ang novelang Noli Me Tangere ni Rizal sa publiko sa wikang Kastila.
Mayo 5, 1887
Sinulatin ni Dr. Antonio Ma. Regidor si Rizal. Pinuri ni Regidor ang novela at
inihambing pa sa Uncle Toms Cabin at Don Quixote ng Espanya.
*Nasalin ang novelang Noli Me Tangere sa ibat ibang wika dahil sa husay nito at natatanging katangian.

http://pinoyfolktales.blogspot.com/2012/12/kaligirang-kasaysayan-ng-noli-metangere.html

You might also like