You are on page 1of 21

Isang Pag-aaral Ukol

sa mga Epekto ng Social Networking sa Ating Ekonomiya

Sulating Pananaliksik Bilang Bahagi ng


Mithiin ng Guro sa Filipino IV

Diane P. Pimentel
IV-St. Margaret Mary
Mont Carmel College
Baler, Aurora

Bb. Rosalinda M. Canua


(Guro sa Filipino)

Marso 2009

Talaan ng Nilalaman

Approval Sheet ___________________________ i


Pasasalamat ______________________________ ii
Dedikasyon _______________________________ iii
KABANATA I
Panimula _______________________________ 1
Paglalahad ng Suliranin_________________ 2
Saklaw at Limitasyon ___________________ 3
Kahalagahan ng Pag-aaral _______________ 4
KABANATA II
Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura__ 5-6
KABANATA III
Paraan ng Pananaliksik na Ginamit _____________ 7
KABANATA IV
Presentasyon at Interpretasyon __________________ 8-10
KABANATA V
Lagom, Konklusyon Rekomendasyon ___________________ 11-14
TALASALITAAN
BIBLIOGRAFI
CURRICULUM VITAE

Approval Sheet
Ang

pananaliksik

na

ito

ay

pinamagatang

Isang

Pag-

aaral,ukol sa Epekto ng Social Networking sa Ating Ekonomiya ay


inihanda

at

ipinasa

ni

Diane

P.

Pimentel

katuparan ng proyekto sa Filipino-IV.

Nirekomenda ni:

_______________________
Bb. Rosalinda M. Canua
(Guro sa Filipino)

i
Pasasalamat

bilang

bahagi

ng

Sa lahat ng mga taong tumulong upang magkaroon ng kaganapan


ang gawaing ito, isang taos pusong pasasalamat. Sa aking pamilya,
na aking naging inspirasyon sa paggawa ng pananaliksik na ito, sa
kanilang walang sawang tulong at suportang pinansyal na ibinigay
upang matapos ang pangangailangan para dito. Sa mga kaibigan, na
tumulong at naging gabay ko sa paggawa nito. At para sa aking
guro, Bb. Rosalinda M. Canua na nakatuwang ko at gabay upang
magawa ang sulating pananaliksik na ito.

ii

Dedikasyon

Ang munting gawaing ito ay buong pagmamahal kong inaalay sa


aking pamilya. Sa aking mga butihing magulang G. at Gng. Jesse P.
Pimentel,

na

walang

sawang

sumubaybay

saakin.

Sa

aking

mga

kapatid na sina Olivelle Marie Pimentel at Jesse Pimentel II.


Sila ang aking mga inspirasyon sa buhay at ito ay taos puso
kong inihahandog sa kanila. Nagpapasalamat ako sa Poong May kapal
sa

pagkakaloob

sa

akin

ng

pamilyang

ngayon.

iii

Kabanata I

katulad

ng

mayroon

ako

Panimula
Sa kasalukuyang panahon ay wala ng imposible. Ang lahat ay
abot kamay na lamang sa mura at mabilis na paraan. Sa isang
pindot lang ay maaari nang maabot ang ibat-ibang panig ng mundo
sa

pinakamalapit

pinakamalayo

man

ng

dahil

sa

social

networking.
Tunay na naging napakatalino na ng tao, sana ay huwag siyang
makalimot

na sa lahat ng ito ay manguna pa rin ang pagkilala sa

Dakilang Lumikha ng lahat. Ang Social Networking ay maraming


naidudulot na kabutihan subalit maaari ring magdulot ng kasamaan
kung pagmamalabisan.
Ang Social Networking ay bunga ng karunungan na kaloob ng
Panginoon

na

nararapat

na

gamitin

pamamaraan.

Paglalahad ng Suliranin

sa

mabuti

at

maayos

na

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang mga salik


at epekto ng Social Networking sa ating ekonomiya.
1. ) Ano ang Social Networking?
2. ) Epekto ng Social Networking.
3. ) Bakit mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa
kabila ng masasamang epekto nito satin?
4. ) Ano ang mga uri ng Social Networking?

Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay naghahangad lamang na malaman ang
ilang usapin ukol sa Social Networking at mga epekto nito sa

atin. Layunin ng pagsusuring ito na alamin ang impluwensya at


epekto nito sa mambabasa.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nagsisilbing kapaki-pakinabang sa
lahat.

Sa

mga

mambabasa

nais

kong

maipabatid

maaaring epekto at impluwensya ng pag-aaral na ito.

kung

ano

ang

4
Kabanata II

Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura

Ayon

sa

istrakturang

Wikipedia,
sosyal

na

ang

gawa

sa

social
mga

networking

nodes

sa

ay

mas

isang

madaling

salita, mga indibidwal na konektado ng isa o maraming tema tulad


ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na relasyon.
Nagsimula ang social networking noong 1995 sa pagtayo ng
isang social network o SN na nagngangalang Classmates.com, isang
websayt kung saan ang mga miyembro nito ay makahahanap ng
kanilang mga lumang kaklase maging sa kindergarden o sa kolehiyo
at mapanatili ang komunikasyon sa pagitan nila.

(Wikipedia Organization)

5
Ayon

naman

kina

Boyd

at

Ellison

(2007),

ang

social

networking sites ay mga serbisyong web-baed na nagbibigay sa mga


indibiwal para bumuo ng isang pangpublikong profile, ang tawag sa
impormasyong
www.gartner

pormal
.com)

na

na

binibigay

nakapaloob

kapag
sa

nagrerehistro(ayon

isang

system,

makita

sa
ang

profile ng ibang indibidwal kung saan siya ay konektado, at para


makita ang mga profile ng mga idibidwal na kasama niya sa system.
Idinagdag pa ng mga manunulat na ang SN ay nagiging patok sa
publiko dahil pinapayagan nitoang isang indibiwal na makilala ang
ibang tao.
Ayon

sa

kanila,

ang

pag-unlad

ng

Social

Networking

ay

nagsimula sa isang websayt . At sa websayt na ito, nabibigyan ng


pagkakataon ang mga tao na makagawa ng profile, mailista ang mga
kaibigan, at ma-surf ang listahan ng mga kaibigan. Nakatulong ito
sa mga tao para makonekta at makapag padala ng mga mensahe sa mga
kaibigan nito. Kahit marami ang naengganyo sa websayt na iyon,
hindi nila masayadong natatag ang nang mabuti ang komersyong ito
kaya hindi rin ito nagtagal

(Boyd at Ellison)

Kabanata III
Paraan ng Pananaliksik na Ginamit
Ang kabanatang ito ay naglalahad kung paano nakalap ang mga
impormasyon tungkol sa pag-aaral.

Paraang Ginamit
Ang mananaliksik ay gumamit ng isang descriptive research
method.

Kung

saan

ito

ay

naglalaman

ng

mga

nararapat

na

impormasyong kailangan sa pag-aaral.

Instrumento na Ginamit
Ang mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan bilang
instrumento sa pangangalap ng mga datos. Upang malaman ang mga
sanhi at bunga ng Social Networking sa ating paligid.

7
Kabanata IV
Presentasyon at Interpretasyon
Ang kabanatang ito ay naglalarawan kung paano nakuha ang mga
datos na nailahad. Sa pag-aaral at ang mga katulong sa paggawa ng
pag-aanalisa ng mananaliksik.

1.

Ano ang Social Networking?


Ang social networking ay isang istrakturang sosyal na
gawa

sa

mga

nodes

sa

mas

madaling

salita,

mga

indibidwal na konektado ng isa o maraming tema tulad ng


kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na
2.

relasyon.
Epekto ng Social Networking.
Epekto sa sarili
Dahil ang Internet ay isang sosyal na midyum, ito ay
nahihiligan

ng

mga

teenagers

bilang

isang

bagay

maaaring pangyayari upang mapag-usapan ang isang isyung


pangmadla o kilala rin bilang forum para ipakita ng
kontra-sosyal
komunikasyon
paggamit ng
mga insulto,

at
sa

palabang

Internet

mga

mura,

ugali.

ay
at

nauugnay

Kadalasan,
sa

agresibong

madalas

ang
na

pananalita.

Marahil ang kakayahan na lumabas sa isang pag-uusap sa


8
Internet ang dahilan ng pagdami ng mga gawaing ito. Ito
ay pwedeng iwan ng kung sinuman na nagsulat ng masamang

komento sa pamamagitan ng paglo-logoff.


Epekto sa Pamilya
Dahil sa pagiging sapat ng relasyon sa Internet, ang
mga potensyal na pakinabang at disadbentahe ng internet
ay kaduda-duda. Ayon kay Kraut at kanyang mga kasamahan
sa

isang

longitudinal

na

pag-aaral

sa

nalaman nila na ang paggamit ng Internet ay

73

pamilya,

may kinalaman sa pagtaas ng depresyon at pagdalang sa

ugnayan sa mga kaibigan at pamilya.


Epekto sa lipunan
Maraming epekto ang SN sa lipunan. Una, mas malalaman
ng mga teenager ang mga pangyayari sa kasalukuyan at sa
mundo

sa

ibang

mga

komunidad.

Sa

karagdagan,

nagkakaroon ng pagtaas ng kamalayan at oportunidad sa


mga teenagers na parte ng mga binubukod na grupo at
sumasali sa SN. Mas magkakaroon sila ng kaalaman sa mga
ibang

kabataang

masasamang

tulad

epekto,

isa

nila.
na

Mayroon

dito

ay

rin
ang

itong
pagtaas

mga
ng

aktibismo na tutungo sa aksyong sosyal.


9

3.

Bakit mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa


kabila ng masasamang epekto nito satin?
Mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa kabila
ng masasamang epekto nito dahil ito ay kumukuha ng
identidad o impormasyon at pornograpiya. Lumabas rin sa
pag-aaral ang malawak na kamalayan sa seguridad. Ito ay
dahil sa mga karanasan ng kanilang mga kaibigan o kaya
ay sa sariling kaganapan sa kanilang buhay. Isa pang
dahilan

4.

ay

ang

mga

lumalabas

sa

media

impluwensyal sa pananaw at desisyon ng tao.


Ano ang mga uri ng Social Networking?
Friendster.com

na

nagging

MySpace
Multiply
Facebook
Orkut
Tagged

10
Kabanata V
Lagom
Ang papel na ito ay naglalarawan sa kaugalian ng mga tao
partikular

ang

mga

estudyante

tungkol

sa

social

networking.

Marami ang naidudulot na maganda ang mga social networking sites


na ito para sa pakikipaghalubilo sa mundong virtual. Bagamat
alam ng mga kabataan ngayon ang maaring maidulot sa kanila ng
pakikipaghalubilo sa ibat ibang uri ng tao, ipinagpapatuloy pa
rin nila ang pagiging aktibo sa mga social networking sites na
ito

sa

kadahilanang

nakikita

nila

at

naipapakita

nila

ang

kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga ito. Itinuturing ng mga


kabataan ngayon ang social networking bilang isang social trend
na

humahatak

sa

bawat

estudyante

na

gumawa

ng

kani-kanilang

sariling account. Marami ring masamang naidudulot ang pagkakaroon


ng account sa mga social networking sites sapagkat nawawala ang
seguridad ng mga estudyante at maari silang masangkot o mabiktima

sa mga di kanais-nais na tao na mayroon ding account sa social


networking sites. Sa lahat ng mga nasabi, mayroon ngang maganda
at masamang epekto ang pagkakaroon ng accounts sa mga social
networking

sites

ngunit

sa

mga

nakalap

na

impormasyon,

mas

nakikita ng mga estudyante ang mabuting epekto nito sa kanila at


sa kanilang mga kaibigan, kapamilya at iba pa.

11
Lahat ng ebidensya ay nagtutugma upang ipakita na ang
social networking sites ay mahalaga nga sa mga kabataan ngayon at
ang mga benepisyo nito sa kanila ay kanila Daming nararamdaman.

12
Konklusyon
Base sa isinagawang pag-aaral at sa mga nakalap na impormasyon
ay napag-alaman ang mga sumusunod:
1. Ang paggamit ng Social Networking ay higit na nakakabuti
para sa pakikihalubilo at pagpapakita ng sariling identidad.
2. Mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa kabila ng
masasamang epekto nito tulad ng mga kumukuha ng identidad o
impormasyon at pornograpiya.
3. Ang Social Networking ay nagtataglay

ng

pakikibahagi

sa

isang komunidad ng mga tao upang maging malawak ang kanilang


kamalayan sa seguridad.
4. Ang Social Networking ay nanatiling mabuti pa rin ang epekto
sa iba sa kadahilanang

pagkakaroon ng komunikasyon sa mga

kamag-anak sa ibang bansa,

pagpapatibay ng relasyon sa mga

kaibigan at pakikipagkaibigan sa mga taong hindi kakilala.

13
Rekomendasyon
Base sa mga nakuhang konklusyon sa pag-aaral na naisagawa,
inirerekomenda ng manunulat ang mga sumusunod:
1. Higit na pag-aralan pa ang paggamit ng Social Networking
Sites

upang

higit

na

maunawaan

ang

mga

mabubuti

at

masasamang implikasyon nito.


2. Maging maingat sa mga impormasyon na nilalathala sa iyong
network upang makaiwas sa mga manloloko.

3. Para sa mga kabataang gumagamit na Social Network Sites,


gamitin ito sa mabuting paraan.
4. Huwag samantalahin ang paggamit ng SN. Ito ay makakatutulong
upang mas mapaganda pa ang paggamit ng social networking.

14
Talasalitaan

Social networking - isang istrakturang sosyal na gawa sa mga


nodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado
ng

isa

maraming

tema

tulad

ng

kaugalian,

ideya,

pagkakaibigan, hilig, at sexual na relasyon.

Websayt- isang koleksyon ng mga pahinang Web, na tipikal na


karaniwan sa isang partikular na pangalan ng dominyo o subdomain sa World Wide Web sa Internet

Kompyuter-

isang

uri

ngmekanismong

ang

ginagawa

ay

mangasiwa ng mga datos ayon sa mga panuto.

Internet

kilala

ring

information

superhighwayay

malawakang pang madlang daan na pinagsama-samang kompyuter


networks

15
Bibliografi

Acquisti, A., & Gross, R. (2006). Imagined communities:


Awareness, information sharing, and privacy on the Facebook.
In P. Golle & G. Danezis (Eds.), Proceedings of 6th
Workshop on Privacy Enhancing Technologies (pp. 36-58).
Cambridge, UK: Robinson College.

Berkowitz, Stephen D. 1982. An Introduction to Structural


Analysis: The Network Approach to Social Research. Toronto:
Butterworth.

Wikipedia

http://en.wikipedia.org/wiki/Computer
http://en.wikipedia.org/wiki/Internet
http://en.wikipedia.org/wiki/E-mail
http://en.wikipedia.org/wiki/Multiply.com
http://multiply.com/info/about

Health and Home (2007-2008)

Patungkol sa Awtor

I.

Personal na Datos

Pangalan: Diane P. Pimentel


Edad:16
Kapanganakan: Nobyembre 14, 1992
Lugar ng Kapanganakan: Baler, Aurora
Pangalan ng Ama: Jesse P. Pimentel
Pangalan ng Ina: Norina R. Palabay

II.

Educational Background
Paaralan

Taon

Sekondarya: Mount Carmel College

2009

Elementarya: Baler Central School

2005

You might also like