You are on page 1of 24

Ambag-salita:

Hap

-nangangalumata,
(eng) haggard

hal.

p ako
Hapung-ha
a aming
sa kaiisip s
paga
darating n
susulit.

Tomo 1 Blg. 4

Pebrero 2009

Makabagong pamamaraan
ng pagtuturo, tuon ng Pambansang Seminar 2009
ni Rowell D. Madula

Malikhain ka bang titser?


Ito ang pangunahing tanong
na
bibigyang-pansin
sa
paglulunsad ng taunang
Pambansang Seminar ng
Departamento ng Filipino, Pamantasang De La Salle- Maynila, sa darating na Mayo 6-8
na gaganapin sa CSB International Convention Center, De
La Salle Hotel School.
Ekonomiya at Teknolohiya
ng Pagtuturo ng Filipino:
Mga Metodo, Estratehiya, at
Teknika ang napiling tema
para sa taong ito. Pangunah-

Ikalawang Sangandiwa, tagumpay!


Sa ikalawang pagkakataon, matagumpay na naisagawa ang Sangandiwa 2008:
Worksyap ng mga Kritikal na Gradwadong Pag-aaral sa Araling Filipino ng
Emergent Research Center for Language, Media, and Culture ng Kolehiyo
ng Malalayang Sining, Pamantasang De
La Salle- Maynila sa Bro. Andrew Gonzales Building, Oktubre 23-25.

Narito ang listahan ng mga naging fellows


at ang titulo ng kanilang mga papel sa nakaraang Sangandiwa:

Layunin ng worksyap na ito na sanayin at


hubugin ang mga gradwadong mag-aaral
mula sa ibat ibang pamantasan na maging kritiko, iskolar, at publikong intelektwal sa kani-kanilang larangan. Isinusulong rin nito ang pagkakaroon ng diskurso
at praktis na inter/ multidisiplinaring riserts
kung saan ang mga papel na kalahok ay
nagsasaalang-alang ng pagiging bukas sa
pananaw ng ibang disiplina.

G. Zig Dulay, UP Diliman : Sa Wikang Ipinaghele ng Bagong Henerasyon: Isang Pagtatanghal sa Wikang Filipino sa Kandungan
ng Postmodernismo.

Bb. Marian Caampued, DLSU-M : Sarsarita


ti Bagi ket Satsarita ti Ili: Kuwentong Buhay
at Likhang Sining ng mga Kababaihan sa
Baguio, Muling Pagsasalaysay ng Buhay at
Pakikibaka sa Kordilyera.

G. Jesster Fonseca, San Beda College : The


Present-Day Social Ministry of the Philippine
Catholic Church.
G. Rowell D. Madula, DLSU-M : Espasyong
Bakla sa Rebolusyong Pilipino: Pagsipat sa

sundan sa pahina 4

ing layunin ng seminar-worksyap na mabigyan ng pagkakataon ang mga guro na higit na


mapagyaman at makapagbahagi ng kanilang
mga natatanging mga pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.
Ilan sa mga imbitadong maging tagapagsalita sina Dr. Isagani Cruz, Dr. Tereso Tullao, Dr. Jovy Peregrino, at Dr. Lydia Liwanag.
Inaasahang lalahok sa gawaing ito ang mga
guro sa lahat ng antas, publiko man o pribado.
Ang rehistrasyon ay tatlong libo limandaang
piso (P3500.00) bawat kalahok para sa kit
na naglalaman ng libro, jornal, at handawts,
pananghalian at meryenda sa umaga at
hapon sa loob ng tatlong araw.

sundan sa pahina 4

Dr. Mangahis at Prop.


Encabo nagbasa ng papel
sa UCLA
ni Evangeline Encabo

Nagbahagi ng kanilang mga kaalaman


sa pagtuturo ng wika at kulturang Filipino sina Dr. Josefina Mangahis, Tagapangulo, at Prop. Evangeline Encabo,
kapwa mula sa Departamento ng Filipino
sa isang pandaigdigang kumperensyang
pinamagatang Conference on Languages of Southeast Asia na ginanap sa University of California, Los Angeles (UCLA),
Enero 30- Pebrero 1.
Nilalayon ng kumperensya na mapagsamasama ang mga guro at iskolar mula sa ibat
ibang bansa upang makapagpalitan ng
bagong ideya at makapagbahagi ng awtput
ng riserts ukol sa pagtuturo ng wika at kultura. Gayundin, ninanais nitong magkaroon
ng ugnayan ang mga mga kalahok na nag-

sundan sa pahina 5
Alinaya

BALITA
Seryeng Panayam Ruth Elynia Mabanglo,
isinagawa
Itinatanghal ng Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle Maynila ang Seryeng Panayam 2008-2009 : Parangal kay Dr. Ruth Elynia
Mabanglo.
Ang taun-taong Seryeng Panayam at itinataguyod ng Departamento ng Filipino na nagtatanghal ng buwanang panayam ng kaguruan hinggil sa kanilang bago at natatanging
pananaliksik at iba pang co-kurikular na
gawain. Ito rin ay pagbibigay-pugay sa mga
dakilang alagad ng Filipino at Filipinolohiya.
Si Dr. Ruth Elynia Mabanglo ang napiling
parangalan sa taong ito sa kanyang husay
at natatanging galing bilang premyadong
manunulat, kritik, edukador pati na sa kanyang patuloy na pagtangkilik at pag-ambag
sa Departamento ng Filipino bilang Sentro
ng Kagalingan sa Wika. Siya ay kasalukuyang nagtuturo sa Center for Southeast Asian
Studies sa University of Hawaii at Manoa,
koordineytor ng Department of Hawaiian
and Indo-Pacific Languages and Literature,
maging ng Filipino at Philippine Literature
Program. Naging bahagi ng pakultad ng Departamento ng Filipino ng Pamantasang De
La Salle-Maynila si Dr. Mabanglo.
Inilunsad ang Seryeng Panayam 2008-2009

sa pagtalakay ni Prof. Maria Ainyle


Ephraimmee Orara, guro, makata,
at nag-iisang supling ni Dr. Mabanglo, ang isa sa mga popular na
tula ng kanyang ina sa:
Dahil Ibig Kitang Makilala: Tugon
sa 'Kung Ibig Mo Akong Makilala'
ni Elynia Bilang Persona ng Tula at
Bilang Makata
Hunyo 20, 2008
Narito ang iba pang panayam na
matagumpay na naisagawa:
Prop. Louie Jon Sanchez
Kung Ibig Mo: Isang Eksplorasyon
sa Tekstyong Mabanglo sa Teksto
ng Mahal na Birhen ng Piat, Cagayan
Hulyo 11, 2008
G. Allan Derrain
Ang Katotohanan Tungkol kay Inocencia Binayubay (a.k.a. Inday)

Mga Libro ni Dr. Garcia,


matatagpuan sa mga internasyunal na silid-aklatan
Isang malaking karangalan para sa mga manunulat ang maiimbag at maisalibro ang kanilang mga akda. Pangunahing layunin nito na
maipaabot sa mas nakararaming mambabasa
ang mga akdang pinag-ukulan ng talino at panahon ng manunulat. Bukod rito ang maisama sa
mga silid-aklatan sa ibang bansa ang mga aklat
ng mga Pilipinong manunulat ay isang karangalan para sa mga Pilipino.
Tatlong aklat ni Dr. Lakangiting Garcia ang matatagpuan sa mga internasyunal na silid-aklatan. Ang librong Tatlong Kaisang Puso ay makikita sa Washington Library, Stockholm Library, Calgary Public
Library, Vancouver Public Library, at New York Public
Library. Samantala, ang Mga Tanong sa Sagot ay
kasama sa mga aklat ng Calgary Public Library. Ang
3 Mata ng Diyablo ay mahahanap rin sa San Francisco Public Library at sa isang aklatan sa Japan.
Ang mga naturang aklat ay nailimbag rito sa Pilipinas at ngayon ay maaari ng basahin ng mga Pilipino
at mga dayuhang nasa ibang bansa mula sa mga
nasabing aklatan. A

sundan sa pahina 5

Ang Musa, ipinalabas na!


Sa isang komunidad sa riles, may matandang manggagamot, si Tatang
(Tata Nanding Josef), ang nakagawa ng mirakulo nang magpasagasa sa
tren ang isang binatang mangingibig. Sinasabi na nakakapanggamot si
Tatang sa pamamagitan ng tula at ng kanyang Musa (Ryza Cenon). Isang
kagila-gilalas na pangyayari pa ang maglalagay sa komunidad upang
matuklasan nila ang susunod na mangagagamot sa riles.
Tampok ang mga berso ng dalawang muhon
ng Panitikang Filipino na sina Jose Corazon
de Jesus aka Huseng Batute at Amado V.
Hernandez, ang maikling pelikulang Musa
(The Muse) ay ipinapakita ang kapangyarihan ng tula bilang gamot ng katawan, isipan, bayan at kaluluwa.

ng Filipino ng Pamantasang De
La Salle - Maynila. Siya ay nagtapos ng kanyang BA at MA digri sa
Unibersidad ng Pilipinas. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang disertasyon para sa digring
PhD Araling Filipino sa DLSU-M.
Ang pelikulang Panggaris na kaAng Musa ang panibagong ambag ni Dexter lahok sa Cinemalaya Philippine
Cayanes, direktor, manunulat, prodyuser,at Independent Film Festival, ang
guro, katuwang ang National Commission unang proyekto ni Cayanes.
for Culture and the Arts (NCCA). Gamit ang
railroad story, ipinipinta nito ang kuwento ng Itinanghal ang pelikula sa Ishmapag-asa at magic realism sa isang lipunang el Bernal Gallery, UP Film Instipatuloy na naghahanap ng magsasalba sa tute sa noong ika-27 ng Pebrero,
mga sakit at pagpapahirap na kanlang ki- ikapito ng gabi, bilang bahagi ng
nakaharap.
pagdiriwang ng UP February Arts
Month 2009. A
Si Cayanes ay propesor sa Departamento

Alinaya

Si Prop. Dexter Cayanes, ang direktor at manunulat


ng pelikulang Ang Musa na ipalalabas ngayong Pebrero katuwang ang NCCA.

EDITORYAL
NUMERO
Maraming mag-aaral ang taun-tao ay bumabagsak sa sabjek na Math. Ang iba ay nagkakaroon na ng phobia rito, natatakot sa mga numero. Ngunit kahit sino, kapag nakita ang mga numerong ito, tiyak mahihintatakutan:
Mahigit 236,900 na mga trabahador at
empleyado ang inaasahang matatanggal
sa unang tatlong buwan sa taong ito. Sa
Marso, madadagdagan pa ito ng mahigit
700,000 magsisipagtapos sa kolehiyo.
Mahigit sa 590,000 OCWs ang nanganganib na mawalan ng trabaho at pabalikin ng bansa dahil sa global financial
crisis. Noong nakaraang taon, mahigit
10.7 milyong Pilipino ang unemployed
at underemployed at inaasahang lolobo
pa hanggang 12 milyon sa taong ito
.
Ayon sa pag-aaral ng IBON noong kalagitnaan ng taong 2008, 73% ng pamilyang Pilipino ay hindi makabili ng pagkain. Samantalang 67.4% ang hirap sa
pagbabayad ng pamasahe. May 68.23%
ang hindi alam kung saan makukuha
ang pampaaral sa kanilang mga anak.
At 73.38% ang walang pambili ng
gamot o pampagamot. Sa halos 90 milyong populasyon ng Pilipinas, 46 milyon
rito ang nagugutom ayon sa SWS Survey
noong Pebrero 2008. Noong nakaraang
taon, ang gastusin ng bawat pamilyang
Pilipino ay nagtaasan, mula pamasahe,
bigas, gamit, matrikula, gasolina, at
maging buwis na ating binabayaran ay
nagmahal.
Kung titingnan naman natin ang mga
numerong sangkot sa mga kontrobersiya at eskandalong kinaharap ng pamahalaan, mukhang hindi talaga mararamdaman ang kahirapan sa bansa.
Ang NBN-ZTE deal na nagkakahalaga ng
$329-M, ang P1B-President Diosdado
Macapagal-Arroyo Boulevard na sinasabing sumobra ng P631M sa totoong halaga, ang IMPSA deal na sinasabing naibulsa ni dating Justice Secretary Hernani
Perez ang mahigit sa $2M, ang P35 bi-

lyong halaga ng PEACe bonds kung saan


P1.4B nito ay napunta umano sa CODENGO, ang Jancom garbago contract na
sumobra umano ng humigit-kumulang
sa P390 bilyon. Hindi pa rin nalilinaw ang
mga numerong P260M ng Jose Pidal ac-

Nakababahala ang mga ganitong numero. Hindi man natin lubos na nauunawaan ang
mga implikasyon nito sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay, ang ating mga karanasan
ang siyang nagpapadama sa
atin ng mga kahulugan ng numerong ito.

lyang patuloy na nagugutom, ang mga


kabataang hindi nakakapag-aral, patuloy
ring lumalaki ang mga pinag-uusapang
maanomalyang halaga na maaaring naibulsa ng mga tao sa gobyerno.
Nakakalulungkot isipin na sa kabila ng
lahat ng ito, hindi pa rin maramdaman
ang sinasabing kaunlaran ng ating
bansa, batay sa mga propaganda ng
pamahalaan. Ang pagkain sa bawat
mesa ay nananatiling ilusyon at panaginip para sa maraming pamilyang
Pilipino. Ang pamahalaan ay nananatiling nangangako ng himala sa halip na
making sa panawagan ng mga mamamayang Pilipino. Sa halip na pagbigyan
ang panawagan, narito ang mga ilan sa
mga numerong sagot ng pamahalaan:

Noong Mayo 2008, 887 na ang bilang


count, ang P200M ng Lualhati Founda- ng mga kaso ng extrajudicial na pagpatay
tion, ang P728M fertilizer scam at ang sa mga lider at miyembro ng ibat ibang
P3.1 bilyong irrigartion scam.
progresibong sektor at organisasyon mula
taong 2001. Nasa 185 naman ang dinuNakababahala ang mga ganitong nume- kot at hindi na muling nakita. Samantaro. Hindi man natin lubos na nauunawaan lang nasa 204 naman ang nakakulong
dahil sa kaniang pagiging kritikal sa
pamahalaan.
Ang pagkain sa bawat mesa

ay nananatiling ilusyon at panaginip para sa maraming


pamilyang Pilipino.

ang mga implikasyon nito sa ating pangaraw-araw na pamumuhay, ang ating mga
karanasan ang siyang nagpapadama sa
atin ng mga kahulugan ng numerong
ito. Habang patuloy na lumalaki ang bilang ng mga Pilipinong nawawalan at/o
naghahanap ng trabaho, ang mga pami-

Sa kasalukyang kalagayang pampulitika at pang-ekonomiko ng bansa, ang


bawat mamamayan ay nararapat na
gampanan ang kanilang tungkulin bilang bahagi ng bansang ito. Hindi sapat
na magpakadalubhasa lamang sa mga
larangang kinabibilangang, na mag-aral
at magsunog pa lalo ng kilay, ang magsulat at magsalita na lamang. Hinihingi ng
ating panahon ang makilahok ang bawat
mamamayan na kumilos at ipanawagan,
isulong ang tunay na mga pagbabago sa
ating lipunan. A

Alinaya

BALITA
Makabagong pamamaraan... mula sa
pahina 1
Kaugnay nito, iniimbitahan rin ang mga guro
ng asignaturang Filipino sa lahat ng antas
na magpasa ng kanilang banghay-aralin o
abstrak ng kanilang nais ipakitang-turo sa
anumang paksa. Dahil ang pakitang-turo ay
bibigyan lamang ng 7 hanggang 10 minuto,
inaasahang ang isang banghay-aralin
ay para lamang sa isang micro-teaching. Ang mapipiling banghay-aralin ay
ilalathala bilang katitikan ng seminarworksyap. Ang huling araw ng pagpapasa ng banghay-aralin o abstrak ay
sa ika-28 ng Pebrero. Ipababatid naman sa ika-13 ng Marso ang mga nakapasang banghay-aralin o abstrak.

ugnayan sa Direktor Pambansang Seminar


2009, Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng
Malalayang Sining, 2401 Taft Avenue, Manila,
1004, o mag-email kina Raquel E. SisonBuban (sison-bubanr@dlsu.edu.ph), Dolores
Taylan (tayland@dlsu.edu.ph), Genaro R. Gojo
Cruz (gojocruzg@dlsu.edu.ph), at Marilou D.
Bagona (bagonam@dlsu.edu.ph), o tumawag

sa (02) 524-4611 loc 509/552.


Itinataguyod ng Departamento ng Filipino ng
Pamantasang De La Salle Maynila ang taunang pambansang seminar-worksyap bilang
gawaing akademiko, panriserts at ekstensyon
para sa kapakanan at kagalingan ng mga
guro at administrador ng bansa. A

Ang banghay-aralin ay kinakailangang


nakapokus sa sumusunod:
1.
Inobasyon sa paggamit ng
mga estratehiyang pampagtuturo;
2.
Paggamit ng media, teknolohiya at iba pang resorses;
3.
Mga proseso sa paglinang
ng kurikulum at ebalwasyon na ginagamit sa mga programa, kurso at/o
worksyap;
4.
Pinakamainam na praktis
na kaugnay ng programa sa Filipino
ayon sa kurikulum ng DepEd/CHED
Kung mayroong mga katanungan ukol
sa Pambasang Seminar 2009, maaaring makipag-

Ikalawang Sangandiwa... mula sa


pahina 1

Mga fellow ng Sangandiwa 2008:


Nakatayo (kaliwa pakanan): Rowell Madula, Zig Dulay, Adrian Remodo, Jesster Fonseca, at Joseph Rosal.
Nakaupo (kaliwa pakanan): Marian Caampued, Jaymee Siao, Lourdes Nacionales, at Mariko Ozaki.

Bb. Jaymee Siao, UP Diliman : Spatial Trauma: kaalaman ukol sa pananaliksik sa ibang
The Bridge as a Postmodern Socio-Cultural larangan. Gayundin, makikita rin ang pagkakatulad naming lahat, ang pag-aambag
Paglaya at Pagpapalaya ng mga Bakla sa Phenomenon.
sa Araling Filipino, dagdag pa niya.
Andergrawnd.
Mapapansin ang lawak at daybersidad ng mga
Bb. Lourdes Nacionales, Commission on diskursong tinatalakay ng mga papel na ini- Nagsilbi namang mga tagabasat kritiko ng
Population : Determinants of Unintended harap sa ikalawang Sangandiwa. Ito ay batay worksyap sina Dr. Dominador Bombongan
Pregnancy/ Childbearing: Re-Analysis of na rin sa isa sa mga pangunahing layunin ng Jr., Pangalawang Dekano, Kolehiyo ng Malathe 2003 Philippie National Demographic nasabing worksyap na maibukas ang mga layang Sining, Dr. Dinah Roman Sianturi,
pag-aaral mula sa ibat ibang larangan sa iba Direktor ng Bienvenido N. Santos Creative
and Health Survey (NDHS)
pang pagtingin na batay rin sa iba pang disip- Writing Center, Dr. Lakangiting Garcia at Dr.
Bb. Mariko Ozaki, UP Diliman : Lolas Hope: lina. Ayon kay Dulay, malaki ang naitulong ng Rizalyn Mendoza mula sa Departamento ng
Sangandiwa upang higit niyang mapaunlad Filipino, Dr. Roland Baytan at Dr. Jonathan
Between Local and Global Experiences.
ang kanyang sinimulang pananaliksik ukol sa David Bayot ng Departamento ng Literatura, Prop. Jose Ma. Arcadio Malbarosa ng
G. Adrian Remodo, Ateneo de Naga Univer- postmodernismo at wikang Filipino.
Departamento ng Agham Panlipunan, Dr.
sity : Pagkamoot sa Pagkasabot: GroundSa
unang
tingin,
mukhang
magiging
probMaxwell Felicilda mula sa Departamento
owkr for Bikols Search for Wisdom.
lematiko ang paghaharap-harap ng mga pa- ng Pilosopiya, at Dr. Roberto Mendoza ng
G. Joseph Rosal, DLSU-Manila : Patterns of pel sa Sangandiwa dahil magkakaiba kami Departamento ng Sikolohiya.
Fishers Involvement in Maternal, Newborn, ng disiplinang pinagmumulan, ngunit sa huli,
and Child Health in Talim Bay, Lian, Batan- lalo nitong pinagyaman, hindi lamang ang Pinamunuan ni Dr. Feorillo Demetrio ang
aming karanasan, kundi maging ang aming Sangandiwa 2008. A
gas.

Alinaya

BALITA
Dr. Mangahis... mula sa pahina 1

Seryeng Panayam ... mula sa pahina 2

susulong ng kani-kanilang sariling wika.

at ang Pagsugo sa mga Pinoy Supermaid


sa Ibat ibang Panig ng Mundo
Agosto 6, 2008

Prop. Genaro Gojo Cruz


Ang Bata sa Tula ni Mabanglo
Oktubre 10, 2008

Prop. Marilou Syjueco


Ang Panglaw sa Taludturan ni Ruth
Mabanglo
Agosto 21, 2008

Prop. Dexter Cayanes


Ang Kritika kay Anonuevo sa Kanyang Kritika kay Mabanglo
Nobyembre 14, 2008

Dr. Rizalyn Mendoza


Gaano Katotoo ang Totoo na Pinatutuhanan ni Mabanglo sa Anyaya ng Imperyalista
Setyembre 26, 2008

Prop. John Torralba


Ang mga Lalaki ni Mabanglo
Disyembre 5, 2008 A

Mayroong animnaput tatlong delegado


mula sa ibat ibang pamantasan sa Amerika at Southeast Asia ang nagbasa ng papel. Ibinahagi ni Dr. Mangahis ang kanyang
pag-aaral na pinamagatang Acquisition
of a Second Language and Assimilation of
a Culture; samantala, ibinahagi naman ni
Prop. Encabo ang kanyang papel na Filipino
Language and Culutral Immersion Program
for Singaporeans: Curriculum Design and
Implementation. Binasa rin ni Ms. Encabo
ang isa pang papel na Functional Syllabus
and Prototype Teaching Materials for Basic
Filipino Course, kung saan co-author niya
si Ms. Irene Villarin-Gonzaga ng DLSU-Dasmarias.
Matapos ang tatlong araw na kumperensya, masasabing matagumpay na naabot
ang layunin nito sapagkat limamput tatlo
ang riserts na naibahagi at nagkaroon ng
malawak na ugnayan ang mga kalahok
sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga
imbitasyong makibahagi sa iba pang kumperensyang inilulunsad ng kani-kanilang organisasyon at pamantasan.
Ang nasabing kumperensya ay proyekto ng
UCLA at UC-Berkeley Center for Southeast
Asian Languages. A
Dalawa sa mga poster ng seryeng panayam
2008 na inilunsad ng Departamento ng
Filipino.

Ani 34, inilunsad


Pitong guro mula sa Departamento ng
Filipino ang naging bahagi ng ika-34 na
ANI, isang antolohiya ng mga akdang
pampanitikan na inilalabas ng CCP
Literary Arts Division. Sa edisyong ito,
ang Spirituality and Healing ang naging
tema. Tumutukoy ito sa ugnayan ng mga
tao sa Diyos at sa Dakilang Lumikha.
Nilinaw na walang ito pagkiling sa anumang relihiyon o sekta ng pananamplataya.
Napabilang sa ANI 34 ang mga akda nina
Prop. Nonon Carandang, Dr. Rakki SisoBuban, Prop. John Torralba, Dr. Dolores
Taylan, Prop. Dexter Cayanes, Prop. Genaro
Gojo Cruz, G. Vincent Lester Tan, kasama
ang AB PHM graduate na si Joey Chua.
Ginanap ang paglulunsad ng ANI 34 noong
ika17 ng Disyembre sa CCP. A

Alinaya

OPINYON
Usapang Berde
PROP. RAMILITO CORREA
Pangalawang Tagapangulo
Departamento ng Filipino

Paghataw ng CLA Faculty at Co-Academic


Personnel sa Green Idol 09
Tuwing Pebrero, hindi lamang Buwan ng Pag-ibig ang mahalagang okasyon para sa mga Lasalyano. Ito rin ang panahon kung
kailan isinasagawa ang DLSU Mission Statement University Week at ang CLA Day. At isa sa pinakapinananabikang gawain ng
pagdiriwang na ito ay ang Green Idol.
Nagsimula ang Green Idol (mula sa ideya ng
popular na American Idol) noong Pebrero,
2007. Isa itong fund raising activity ng Cultural Arts Office na ang nagtatanghal ay mga
co-academic personnel, iba pang kawani, pakultad at maging mga administrador ng ating
Pamantasan sa pamamagitan ng mga piling
stage presentation tulad ng pag-awit, pagsayaw, pagtugtog, at pagsasadula.
Tatlong sunud-sunod na taon na rin akong
naging bahagi ng bawat presentasyon bilang
isa sa mga fakulti ng Kolehiyo ng Malalayang
Sining (CLA). Sa unang pagkakataon, bumuo
noon ng faculty & student choral si Dr. Teresita
Fortunato bilang dating Pangalawang Dekana
sa tulong ni Dr. Antonio Hila bilang conductor
at musical director. Inawit namin noon ang
The Prayer at Smoke Gets in Your Eyes. Kasama rin sa presentasyong ito ang pagsayaw ng
mga piling fakulti at co-academic personnel
ng Dont Cha at Flashdance sa pangunguna
naman ni dating Dekano Dr. Antonio P. Contreras.

tika at Mr. Jeremiah Joven Joaquin ng Pilos- Kat Gonzales, Beth Gabiosa, Gina Espenilla
opiya ang siyang gumawa ng iskrip tungkol sa at Tina Loyola (CLA office); at siyempre pa, si
kalikasan. Isinama nila sa iskrip ang
mga sikat na awitin ng Eraserheads
Sa kabuuan, umani ng papuri
tulad ng Pare Ko, Huwag Kang Matakot, Super Proxy, Kailan, Huwag
at paghanga ang ginawang preMo Nang Itanong, at Ang Huling El
sentasyon ng CLA mula sa nanoBimbo. Sila rin ang nagsilbing banda
na kumanta ng mga ito kasama sina
od na estudyante, co-academic
Mr. Yves Bugarin ng Agham Pampulipersonnel, iba pang kawani,
tika, Dr. Julio Teehankee, Ms. Javerri
Bo Templanza, Mr. Neil Baquiran at
kapwa-fakulti, at maging sa mga
Ms. Fe Pangilinan na mula naman sa
administrador.
International Studies Department.

Gumanap naman ng mahahalagang


papel sina Dr. Leni Garcia (Pilosopiya) bilang
Diwatang Lenkayat; Mr. Dante Leoncini (Pilosopiya) bilang Senior Amante; Mr. Warlito Borja
(TRED) bilang Juanito; Ms. Tintin Calub (Pilosopiya) bilang Punong Tinkamat; Ms. Maybelle
Baraca (CLA Office) bilang Inang Exalta at
Inang Kalikasan; Dr. Bobby Mendoza bilang
Punong Bobmito at ako bilang Punong Ramito. May ispesyal na pagganap din sina ViceNang sumunod na taon, Pebrero 2008, sa te- Dean Dr. Jun Bombongan (TRED) at Mr. Ivan
mang Hits of the 80s, muling nagsanib-pwer- Pineda bilang pasaway na mga bubuyog.
sa ang fakulti, academic service personnel at
administrador ng CLA upang bumuo ng musi- Ang mga tree cutters naman na tauhan ni
cal play at dance number na Phantom of the Senior Amante ay ginampanan nina Mr. MiOpera, Flamenco at Raining Men. Siyempre chael Chua at Mr. Ricky San Jose (History); Mr.
pa, isa ako sa mga kumanta ng Phantom.
Ignacio Ver (Philosophy); Dr. Rito Baring, Mr.
Christian Voltaire Metin, at Mr. Giovanni Gabe
Ngayong taon, ang selebrasyon ay may napa- (TRED); Kasama rin si Dr. Yum Demeterio (Filipanahong temang Tawag ng Kalikasan bil- pino) na espesyal ding pinasasalamatan dahil
ang pagtugon sa nagaganap na global warm- siya rin ang malikhaing nagdisenyo ng head
ing. Muli, nagsama-sama sa paghataw ang dress ng mga taong-puno at props ng mga
piling fakulti ng CLA mula sa Departamento tree cutters.
ng Filipino, Pilosopiya, Agham Pampulitika,
Kasaysayan, Sikolohiya, International Studies, Ang mga taong-puno naman ay ginampanan
TRED, at CLA Office.
nina Dr. Jeanne Peracullo (Pilosopiya); mga
co-academic personnel na sina Virgie Maago
Sina Mr. Lemuel Cacho ng Agham Pampuli- (Agham Pampulitika), Fem Aguilar (TRED),

Alinaya

Malou Bagona (Filipino).


Ang presentasyon ng CLA ay sa direksyon ni
Mr. Dennis Apolega sa tulong ni Ms. Beverly
Sarza at sa koryograpiya ni Dr. Leni Garcia na
pawang mga taga Departamento ng Pilosopiya.
Sa kabuuan, umani ng papuri at paghanga
ang ginawang presentasyon ng CLA mula sa
nanood na estudyante, co-academic personnel, iba pang kawani, kapwa-fakulti, at maging sa mga administrador.
Inilalaan ko ang kolum na ito upang pasalamatan ang lahat ng nanuod, aktibong nakisangkot, sumuporta, at mainit na tumanggap
sa Green Idol 09. Naway magtuluy-tuloy ang
mahahalagang gawaing katulad nito.
Sa lahat ng bumubuo ng Kolehiyo ng Malalayang Sining, Happy CLA Day noong Pebrero
16, 2009!!!
Hanggang sa susunod na kolum... A

OPINYON
Bongga 88
DR. LHAI TAYLAN

Reward Mula sa Langit


Marami na tayong narinig na mga kwento tungkol sa mga nawalan at/o nakawala ng kung anu-anong bagay, importante man o
hindi gaya halimbawa ng pitaka, alahas, payong, panyo, cellphone, bag, at iba pa. Ibat ibang damdamin din ang naririnig natin
mula sa mga taong nawawalan ng gamit panghihinayang, pagkainis, at kung minsan ay galit sa sarili dahil hindi naging maingat sa kanilang gamit. Para sa iba naman ay okey lang ang mawalan dahil mapakikinabangan naman ng sinumang nakapulot/
nakakuha ang nawala sa kanila. Basta wag lang gamitin sa masama, ito ang madalas nating naririnig sa mga nawawalan ng
pera patungkol sa taong nakapulot/nakakuha ng pera nila. Pero paano naman kapag tayo na ang nakapulot ng pera o pitaka? Ano
naman kaya ang mararamdaman natin?
Noong isang gabing papunta kami sa Mall of
Asia, may nakitang pitaka sa upuan ng taxi
ang anak kong si EJ. Mommy o, na-forgot ng
passenger ang wallet nya dito sa cab, sabi ng
anak ko habang ipinakikita sa akin ang nakuha niyang pitaka. Akina itatago ko muna,
sabi ko sa kanya, tatawagan natin ang mayari pag-uwi natin. Bakit Mommy, kasi teacher ka kaya alam mo ang lahat ng number ng
tao in the world? inosenteng tanong ng anak
ko na nagpangiti sa akin. Hindi anak, sagot ko. Alam ko lang kung ano ang gagawin.
Mababalik natin ito sa kanya.
Nang nasa bahay na kami, tiningnan ko
ang laman ng pitaka sa pagbabakasakaling
may makukuha akong address o number na
maaari kong gamitin para makontak ang
may-ari nito. Pero wala akong nakitang anu-

Nalungkot ako dahil walang address o telepono akong nakita. Nanlumo ako dahil kasama ng dalawang ATM cards ang PIN ng mayari. Nakasulat ang mga ito sa isang maliit na
papel. Kasama rin ang transaction slips ng huling withdrawal na ginawa ng may-ari ng cards
nitong buwan ng Pebrero. Sa transaction slip
ng BPI, nakasulat na ang remaining balance
ay mahigit pang P19,000 at sa Metrobank
naman ay mahigit pang P23,000 ang remaining balance. Sa isip ko ay naglalaro ang mga
tanong na bakit kailangang ilagay ng may-ari
kasama ng cards ang kanyang PIN? Paano
kung ibang tao ang nakakuha ng kanyang
pitaka at winidrow kaagad ang lahat ng kanyang pera? Tiningnan ko ulit ang SSS ID, doon
ko napansin na matanda na ang may-ari ng
pitaka, sa kanyang birthday na nakasulat sa
card, nalaman kong 1955 siya ipinanganak.

Kinabukasan, sa aking klase, tinanong ko ang


aking mga estudyante kung mayroon sa kanilang gustong magboluntaryong maghanap
ng may-ari ng pitakang napulot ng anak ko
sa taxi. Dalawang bagay ang layunin ko: Una,
ang isali sila sa paggawa ng isang mabuting
bagay. Pangalawa, ang ituro sa kanila ang
pagsasauli sa may-ari ng anumang bagay na
kanilang napulot nang hindi ko talaga ito itinuturo o ikinikwento lang sa kanila. Hindi naman
ako nabigo. Dalawang estudyante kong lalaki
ang nagtaas ng kamay at nagsabing kami po
maam. Napagkasunduan namin na pupunta
sila sa Metrobank o kaya sa BPI na malapit
sa La Salle at doon nila itatanong ang kontak
number ng may-ari ng pitaka. Sa harap ng
kanilang mga kaklase, ipinagkatiwala ko sa
kanilang dalawa ang pitaka.

Nang muli kaming magkita ng aking klase,


tinanong ko ang dalawang nagboluntaryo
Ilang tanong ang muling
kung ano ang nangyari. Nalaman ko na isa na
lamang pala sa kanila ang naghanap sa maynaglaro sa isip ko. Paano
ari ng pitaka. Sa tulong ng Metrobank, naibana kaya sa aking pagtanda,
lik sa tunay na may-ari ang pitaka. Nagpasalamat ako sa aking estudyante sa kanyang
isusulat ko rin ba ang PIN ng
tulong at kabutihang-loob. Tinanong naman
siya ng kanyang mga kaklase, anong reward
aking ATM cards at ilalakip
mo, anong reward mo? Sige na sabihin mo
kasama nito?
Ilang tanong ang muling naglaro sa samin ano ang binigay sayo? Sumagot siya,
isip ko. Paano na kaya sa aking pag- Walang binigay sa akin. Pero meron akong
tanda, isusulat ko rin ba ang PIN ng reward mula sa langit.
man. Ang laman ng walet ay limandaang piso, aking ATM cards at ilalakip kasama nito?
SSS ID, isang Mabuhay Miles card ng PAL, Makakaiwan rin kaya ako ng mahalagang Nakangiti ako sa buong oras ng pagtuturo ko
isang BPI ATM card at isang Metrobank ATM gamit sa taxi o kung saan man? Kung sakali, sa klaseng ito. Dama ko ang pagmamalaki sa
card. Iisa lang ang pangalan ng babaeng na- hahanapin kaya ako ng makakapulot ng gamit aking sarili bilang isang gurong Lasalyano at
kasulat sa apat na cards, palatandaang ang ko para ibalik ito sa akin? Napausal ako ng bilang guro ng mga Lasalyano. A
pangalang ito ang siyang nagmamay-ari ng panalangin na sana ay huwag naman akong
pitaka. Nalungkot at nanlumo ako matapos maging makakalimutin pagtanda ko.
kong tingnan ang laman ng pitaka.
Alam ko na ngayon ang sagot sa
tanong ko, maaaring laging nalilimutan ng may-ari ang kanyang PIN kaya
isinulat na niya at inilakip sa parehong
cards. Kasama rin ang transaction
slips para maalala niya kung magkano
ang kanyang huling winidrow at kung
magkano pa ang laman ng card niya.

Alinaya

ANUNSYO/BALITA
MGA PROGRAMA NG
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
GRADWADO:
MA Araling Filipino medyor sa Wika, Kultura, at Midya (MAARFIL)
PhD Araling Filipino medyor sa Wika, Kultura, at Midya (PHARFIL)

ANDERGRAD:
AB Philippine Studies major in Filipino in Mass Media (ABPHM)
Para sa mga detalye ng mga programa ng departamento, makipagugnayan lamang sa Office of the Registrar, Graduate Admission Office (GAO) o Departamento ng Filipino (telepono blg. 5244611 loc.
552 o 509) ng Pamantasang De La Salle- Maynila.

Dr. Fortunato, nagpanayam


hinggil sa wika
Tinalakay ni Dr. Teresita Fortunato ng Departamento ng Filipino ang Kasalukuyang
Kalagayan ng Pagtuturo ng Wika sa Antas
ng Kolehiyo sa nakaraang Pambansang
Kumperensiya sa Wika at Panitikan 2009
sa Pulungang Recto, Bulwagang Rizal sa
UP Diliman, Peb. 19.
Ang naturang tatlong araw na kumperensya
ay may temang Ang Ambag ng Akademya sa
Pagpapaunlad ng Wikang Filipino at PAnitikan ng Pilipinas sa Loob ng Isandaang Taon
ay itinaguyod ng Pambansang Samahan sa
Wika, Ink na dinaluhan ng mga guro mla elementary hanggang kolehiyo, mga iskolar sa
wika at panitikan, at mga administrador ng
mga paaralan sa buong bansa. A

NSPC 09 dinaluhan ni
Dr. Fortunato

BASA KA NA BA?
Bukas ang DANUM sa
lahat ng mga mag-aaral
ng De La Salle University-Manila (DLSU-M) na
nagnanais na sumali
dito. Makipag-ugnayan
lamang
kay
Paula
(09272408198) o Marie
(09234967833) para sa
paraan ng pagsali.

Nagsilbi bilang hurado at lektyurer si Dr.


Teresita Fortunato ng Departamento ng
Filipino, kasama si G. L. Ivan Pineda ng
Departamento ng Teolohiya sa nakaraang
National Secondary Schools Press Conference (NSPC) 2009 na ginanap sa Camarines Sur National High School, Naga City,
Camarines Sur.
Ang NSPC ay ang taunang patimpalak na
isinasagawa ng Department of Education
(DepEd) para sa mga mag-aaral sa mababang
antas ukol sa pamamahayag. Ang tema sa taong ito ay pinamagatang Campus journalists
responsibility in climate change and global
warming.
Naging hurado si Dr. Fortunato sa indibidwal
at pang-grupong kategorya. A

Pagbati sa mga Filipino Medyor!


Pinakamahusay na Thesis sa Andergrad: Jasper Cleto, Moireen Espinosa, at Angelie Llanilo
Cultural Development Award : Ramon Juson III
Lahat ng mga nagsipagtapos sa ika-154 Commencement Exercises noong ika-7 ng Pebrero 2009 .

Alinaya

ni Genaro Gojo-Cruz

Ang mga Batang Iranian at ang


Kapangyarihan ng Pagsasalin

Katatapos ko lang ang isang proyekto ukol sa pagsasalin ng mga kuwentong-pambata ng bansang Iran, mula Ingles patungo sa wikang
Filipino. Kasama ko sa proyektong ito ang iba pang manunulat na
sina Raymund Magno Garlitos, at ang mag-asawang sina John Enrico
Torralba at Elyrah Salanga-Torralba. Sa kabuuan sampung kuwentong
pambata ng bansang Iran ang aming isinalin. Tatlo sa mga ito ang aking isinalin. Ito ay isang proyekto ng Iran Cultural Section. Inilathala
sa isang aklat ang aming mga salin sa pamagat na "Ang Lihim ng Sapa
at iba pang kuwentong-pambata ng Iran" at inilunsad sa Museo Pambata noong isang taon.
Isa ang bansang Iran sa mga bansang may maging panimulang hakbang ang pagsasalin
maunlad na produksyon ng mga kuwentong- ng mga teksto upang masolusyunan ang anupambata. Kapansin-pansin ang mahigpit na mang digmaan o di pagkakaunawaan. Tulay
ugnayan ng kanilang pananampalataya sa ito upang higit na makamit ang isang magankanilang panitikang pambata. Instrumento dang samahan at pagkakaisa ng mga bansa.
ang kanilang panitikang pambata upang higit
na hubugin ang mga bata batay sa kanilang Aaminin kong dahil sa karanasan kong ito sa
kinagisnang pananampalataya
at kultura. MaSamakatuwid, maaaring maging panimulang
higpit ang kahakbang ang pagsasalin ng mga teksto upang
nilang pagdidisiplina sa mga
masolusyunan ang anumang digmaan o di
batang Iranian.
pagkakaunawaan. Tulay ito upang higit na
Ngunit sa kabila
makamit ang isang magandang samahan at
nito, sa aking
pagsasalin
ng
pagkakaisa ng mga bansa.
tatlo sa sampung kuwento,
nakitaan ko rin
ng
pagkakahawig ang mga ito sa kultura ng pamilya at/o pagsasalin ng mga kuwentong pambata ng
batang Pilipino. Halimbawa, malapit din sa bansang Iran, may pinaghuhugutan na ako
kanila ang mga paksang may kaugnayan sa ngayon ng kaalaman ukol sa pagtuturo ng
pamilya, paggalang sa matatanda, pagsasa- mga teorya sa pagsasalin. Higit pa rito, napalin ng mga nakagawiang tradisyon sa mga tunayan kong iba-iba man tayo ng lahi, wika
bata, pagiging bayani sa munting paraan, at at teritoryo, lahat tayo ay tao na dumaan sa
iba pa. Kapansin-pansin din na ang kuwento pagkabata na ang tanging malasakit ay mahalin ang/ng pamilya, maglaro sa isang kaay nakapaloob pa rin sa isang kuwento.
paligirang ligtas at maganda. A
Itinuturo ko sa Kolehiyo
a n g
sining ng pagsasalin.
A t
batay sa aking karanasang maisalin ang
mga kuwentong
pambata
ng
bansang Iran,
nakita kong
mala- king tulong ang pagsasalin upang mabuwag
ang pader at maalis
ang mga stereotyping
ukol sa ibang lahi o bansa. Malaking tulong ang
pagsasalin upang makita
ang pagkakahawig ng paniniwala, kalinangan o kultura at di ang pagkakaibaiba. Samakatuwid, maaaring

Alinaya

LATHALAIN
Di nga bat walang bisa ang wika kung hindi nito binibigyang buhay ang diskursot kultura ng bansa?
Sinasabing hindi pa sapat ang corpus ng wikang Filipino upang pasiglahin ang intelektuwalismo sa
bansa. Maski nga mga intelektuwal, sila mismo ang nagsasabing walang ganap na kapangyarihan
ang wikang Filipino para dalumatin ang kaganapan at kaisipang makabago at napapanahon.
Sabi nila, ang mga salitang
multikultural,
polysemic,
aporia,
multivocal,
pluralismo, postmoderno,
at multidiskurso ay
ilang salitang hindi kayang uliratin sa diwang
Filipino at hindi kayang
ilapat sa ortograpiya ng
wikang Filipino. Lahat ng
nabanggit ay nakaugat
sa kalingang Kanluranin;
kung kayat, nasa banyaga ang wika at nasa
banyaga ang kaalamang
nakatahit nakalublob sa
mga salita.
Sangandiwa ang diwa ng
kaibahan at paghiwalay
sa bitag ng Eurosentrisismo na sumasanga-sanga palayo nang palayo
sa imperyalismo ng
mga ismo. Ang sangandiwa ang kaisahan
ng pagkakaiba. Kabuuan
ito ng maramihang pakikisangkot. Kinikilala nito
ang kaisahan at kasarinlan bago magsangasanga. May talastasan
na tayong Filipino dahil
nagkamalay na tayo sa
sitwasyon ng sarili at
bansa (Nuncio at Morales-Nuncio 2004).
Talastasan ang sangandiwa,
sangandiwa
ang talastasan. Kinikilala nina Zeus Salazar
at Prospero Covar ang
talastasang bayan at/o
talastasan ng bayan at
sinasabi ni Virgilio Enriquez na mapagpalaya
ito bilang kamalayan,
diwa at praktika ng ma-

mamayan.
Sangandiwa ang geopisikal at geopolitikal na
pagkahiwahiwalay ng mga pulong napapaligiran ng mga tubig sa arkipelago ng Pilipinas.
Mayroon itong mga sariling kaalamang-bayan
mula Batanes hanggang Tawi-Tawi at maski
hanggang sa ibayong bansanaglalakbay
ito sa diasporang Filipino. Sumasanga-sanga
ang kaakuhang Filipino sa ibat ibang bansa
bilang lakas-pagggawa, profesyonal, akademiko, at iba pa.
Mayaman at matatag ang etnolinggwistikong
kulturat mga wika na nakapayong sa pambansang hangarin ng pagkabansa. Sa gitna
nito, lumalakas ang kontradiksyon at epekto
ng globalisasyon na lamunin ang mga bansa
sa iisang bisyong pangkalakalan at pampulitika at sa iisang diskursong global. Daynamiko
itong humuhulma sa mga katawan at isipan
sa gitna ng nakakaenganyong DVDs, Nike,
Toyota, Lacoste, Gameboy, Nokia at marami
pang ibang nakasisilaw at nakapaglalaway na
retorika at kalakaran ng kosmopolitanismo.
Politikal na usapin itong bumabagtas sa isyu
ng pagkapanalo, pagkatalo, dayaan at reklamo sa panahon ng eleksyon. Arena ito ng
publikong pamomook na nakasalalay sa malayang pamamahayag at pagpapahayag ng
mamamayan sa panahon ng pakikisangkot
sa pambansang industriya ng politika. Ang
pambansang industriya ng politika ay pinamamahalaan ng mass media at pribadong
spindoctors upang linisin at pabanguhin ang
impormasyon sa matat tenga ng publiko.
Kalituhan, kawalang-kibo, kamangmangan,
pasubali ang mga sukli nito.
Kasaysayan ito ng kasalukuyan mula 1986
hanggang ngayonkontemporaryong pagsilang ng diwa ng kasarinlan mula sa neokolonyalismo, diktadurya, imperyalismo, multinasyonalismo, at globalismo. Bagaman may
kasarinlan, hindi ganap ang paghulagpos. Sa
maka-kaliwa, at maka-kanang puwersa ng
bayan at sa pagtatalabang gitnat laylayan sa
lipunan, nagsasalpukan ang mga grupo na
pinapaandar ng istruktura ng puwersa kontra
sa kaakuhan/ahensya ng pagkatao at pagka-

mamamayan. Sinilang at sinisilang ang sangandiwang katauhan sa krisis sa kasaysayan


ng kasalukuyan mula 1986 hanggang sa
susunod pang mga taon. Sa pagkakawatakwatak ng usapin at pagdagsa ng usap-usapan,
tungkulin ng isang mamamayan na pag-aralan
ang kasaysayan at linangin ang kanyang wika,
pagkatao, kaisipan at kultura upang iharap ito
sa madla sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan tungo sa makabuluhan, aktibo at nagkakaisang pagbabagot pag-unlad. At dahil
nasa isang malayang bansa tayo, magsasanga-sanga ang mga dilat diwa, paat bisig para
tupdin ito. Sa bandang huli, kabuuan ito ng
maramihang pakikisangkot. Sangandiwa ito
ng kapilipinuhan (2004).
Sangandiwa ang hypothetical moment ni
Habermas, hyperreality ni Baudrillard, mirror of reality ni Rorty, postmodernism ni
Lyotard, power ni Foucault, intertextuality
nina Kristeva at Barthes, unconscious ni
Freud, Ubermench ni Nietszche poetikang
bagay nina Lumbera, bagong formalismo
ni Almario, pahiwatig ni Maggay, loob nina
Mercado, Alejo, Miranda at Emmanuel Lacaba; pagmemeron ni Ferriols; babaylan
nina Datuin, bagong kasaysayan ni Salazar, dalumat-pagkatao ni Covar, mapagpalayang sikolohiya ni Enriquez, bakla ni
Neil GarciaNgunit sa lahat ng ito, metapora
lamang ang lahat. Pagsibol ito ng binhi sa
kaisapan tungkol sa sarili at sa bansa. Pagpapatatag ito ng haligi ng karunungang Filipino
at pagsasanga ng matatayog na puno ng kalinangang Filipino. Pagdami ito ng mga hitik na
prutas ng diskursot praktika, hanggang maging binhi ang mga buto, mulit muli, para sa
mas malalim at mas malawak na larangan sa
loob at labas ng ating sarilit bansa(2004).
Maramihang diwa, maraming bibig at dila,
isang damukal na satsat, sang katerbang
problema, samutsaring opinyon, walang katapusang talastasan. Ang anyot nilalaman ng
kaalamang Filipinoy nabubuo sa paglinang
ng diskursong panloob at panlabas na may lalim at lawak. Samakatuwid, sangandiwa ang
labas, loob, lalim at lawak ng lahat. Sa ganitong bisyon, magsasanga-sanga ang diwa ng
sarili at bansa. Saan kaya ito paroroon? A

SANGANDIWA
SANGANDIWA
nina Elizabeth Morales Nuncio at Rhod Nuncio

10

Alinaya

PANITIKAN

Tikim sa

BERSO

Sa Muling Paglalakbay
ni Enrico C. Torralba

Laging ang mga diwa ninyo ay naglalakbay


Sa mga daang nakatalik ng talampakan
Nang sa gayon ay matunton ang mga salaysay
Na nalikha ng mga musmos na panagimpan.
Muling ninyong pinagliliyab ang mga init
Na unang nagparikit sa inyong mga dibdib,
Hinahawan ang mga damo sa lugar na liblib
Upang mga mata ay magtagpo kahit nakapikit
Ang mga dating ulirat ay muling binubuklat
Upang mapagmasdan ang mga naiwang bakas
Ng panunulay ng mainit na hininga sa balikat
At ang mga pagdapo ng labi sa braso at balat.
Subalit itong mga taon ay sadyang hambog
At mga dating hulagway ay pilit na ipinalilimot.
Ngunit batid ninyong paglalakbay man ay nakapapagod,
Tanging himpilan ng gunita ay mga puso ninyong
handog.
(Para kina Dan at Lhai)

Ang hindi masabi, nasa gilid ng


balintataw

talimhaga ni Rhod V. Nuncio

Namamanglaw ang liwanag sa dapit-hapon ng iyong pagtatangka


Sa pasikot-sikot na daang-bituka ng iyong pagkamangha
At di sinasadyang binuhay si Ka Tacio sa balon ng sugat ng bayan
Ang iyong pagdadamdam, na ikay isinilang sa puntod mong inilaan
Sa dami ng usang kumakaripas sa singhal ng kuting
Sa lawak ng dagat na malunod ang isang tutubi
Bakit hindi nakita ng nag-uulyanin kong paningin
Na sa laksa-laksang kaluluwa, hubad ang iyong pinapansin
Sadyang sa musa ng taong grasa, humahalimuyak ang basura
Tila sa kaliwat kanang pagkaduling, tiklop ang mga diwata
Mukhang sadsad na ang iyong baba sa laylayan ng iyong paa
Kalalakad nang kalalakad bitbit ang bakyang dinaplisan ng tinta
Sa mundong itong kulang, nagnanaknak ang pukyutan
Sa gitna nitong daan, dumadaloy ang luhang pinagpawisan
Bahag ang buntot mong sumasayaw sa saliw ng tugtuging baliw
Maya-mayay huhuni ang ibon, lasing kang iiyak at bibitiw
Sa koro ng aking talambuhay, bubulwak ang tinta sa sugat
Sisisid ang kislap ng isip sa matatayog na haligi ng balintataw
Pigil-hininga kong lalanguyin ang maalikabok na batis ng buhay
Hanggang mapagod ka, hanggang lubayan mo ako, aking pananaw.

Alinaya

11

LATHALAIN
LATHALAIN

Magsimula muna tayo sa


Simpleng Pangarap para
sa ating Panitikang
Pambata
ni Genaro Gojo-Cruz

May isang Preschool akong napuntahan, sa labas pa lamang ng maliit na paaralang ito, nakaagaw ng pansin sa akin ang life size na imahen ni Snow White sa kanilang gate. Katulad na katulad ng makikita sa mga kartun na ipinalabas ng Walt
Disney, sa mga item na kanilang ibinebenta tulad ng bag, notebook, lapis, pencil
case, payong hanggang sa mga laruan, t-shirt, medyas, sombrero at kung anu-ano
pa ang kanyang itsura. Parang di nauubos ang ngiti ni Snow White, maganda at
makulay ang kanyang suot na bestidana para lamang sa mga prinsesang nakatira sa palasyo at kakulay pa ng watawat ng Amerika.
Bagamat itim na itim ang buhok ni Snow
White ay maputing-maputi naman ang
kanyang kutis. Kaya sa pagpasok pa lamang ng bata sa paaralan, ang imahen
na agad ni Snow White ang bubungad
sa kanyaisang imahen ng babaeng
malayung-malayo sa kanyang itsura, sa
kanyang kapaligiran, sa kanyang kultura
at kasaysayan. Kaya nga, sa aking karanasan bilang guro at manunulat para sa
mga batang Pilipino, nakita kong malaki

12

Alinaya

ang nagagawa ng paaralan o ng sistemang


pang-edukasyon ng Pilipinas sa pangkabuuan
upang ilayo ang mga batang Pilipino sa kanyang sariling wika, kultura at kasaysayan.
Ginagawang banyaga ng edukasyon ang mga
batang Pilipino sa kanyang sariling bansa.
Sa murang edad pa lamang kasi, isinusungalngal na agad sa bata ang isang wikang banyaga o ang wikang Ingles, sa halip na patatagin
muna at turuan siya gamit ang kanyang unang
wika (mother tongue). Nanatiling bingi ang
edukador ng bansa, kahit napatunayan na ng
mga pananaliksik sa mga bansang mauunlad
na higit ang pagkatuto ng bata kung ituturo sa
kanya ang mahahalagang konsepto o
kaalaman sa wikang kanyang nakagisnan. Ang matinding problema, ang mahihirap na konsepto ay higit na nagiging
mahirap dahil itinuturo ang mga ito sa
wikang dapat pang pag-aralan. Kaya sa
halip na direktang natutunan ang mga aralin,
kailangan pang pag-aralan ang wikang Ingles
bago pa matutunan ang
koseptong nakapaloob
dito.
Bukod pa rito, itinuturo
na rin sa kanya ang mga nursery rhyme
sa wikang Ingles at tinambakan ng mga
imported na aklat-pambata, na kung babasahin at susuriing mabuti ay malayungmalayo sa kanyang buhay at karanasan
bilang batang Pilipino. Bukod na sa wikang

banyaga nakasulat ang mga kuwentong ito,


ibang-iba rin ang itsura ng mga nakalarawang
bataasul ang mga mata, blonde ang buhok,
maputi ang balat at iba pa. Ibang-iba rin
ang mga paksa o isyung tinatalakay sa mga
kuwentohalimbawa, slavery o pang-aalipin,
snow, migrasyon, at iba pa. Bukod pa sa
higit na makukulay, makikinis ang pahina at
palabat ng mga banyagang aklat. Kaya nga,
di nakapagtatakang higit na kilala at iniidolo
ngayon ng mga batang Pilipino si Hans Christian Andersen, Aesop Fables, Superman, Batman, Ronald McDonald, Jollibee kaysa kina
Jose Rizal, Andres Bonifacio, Severino Reyes
o Lola Basyang, Rene O. Villanueva, Butirik, at
iba pa. Kung ang katuparan ng kanilang pangarap ay ang makapangibang- bansa upang
maglingkod sa ibang lahi, kaysa manatili sa
Pilipinas at paglingkuran ang kapwa Pilipino
o ang Pilipinas.
Sa ganitong kalagayan, makikita ang kabuluhan at halagang ginagampanan ng panitikang-pambata kung gagamitin ito bilang
instrumento di lamang ng pagbibigay kaalaman kundi ng pagmumulat. Sa pagsisimula
ng mga bansang ngayon ay mauunlad sa Kanluran, una nilang inatupag ang paglikha at
paglalathala ng mga aklat-pambata para sa
mga bata. Bahagi ng kanilang programang
pangkaunlaran at pang-edukasyon ang pamumudmod ng mga libreng aklat-pambata sa
mga paaralan, aklatan, tahanan at iba pa, na
isinulat ng kanilang mga manunulat sa kanilang sariling wika. Ganito ang ginawa ng mga
bansang Germany, Amerika, Iran, Japan, at
ngayon ay ng New Zealand at Singapore. Maliban sa proyektong Mental Feeding Program
ng Nutrition Center of the Philippines (NCP)
noong 1977 na nagpasimula ng Aklat Adarna
sa ilalim ng rehimeng Ferdinand E. Marcos,
wala ng makikitang programa ang pamahalaan ukol sa paglikha at paglalathala ng mga
aklat- pambata para sa mga batang Pilipino.
Ang produksyon ng mga aklat-pambata sa
Pilipinas sa kasalukuyan ay nasa kamay ng
mga pribadong publikasyon, NGOs at mga
indibidual. Kung kaya maituturing na isang
negosyo ang paglalathala ng mga aklat-pambata sa Pilipinas, na may layuning kumita,
gawing kalakal o commodity ang mga aklatpambata.
Bukod sa programang tulad ng Aklat Adarna
(na ngayon ay pribado na rin naman), walang malinaw na layuning pangkaunlaran at
pambansa ang aktibong produksyon ng mga
aklat-pambata sa Pilipinas sa kasalukuyan.
Di nakikita ng kasalukuyang pamahalaan,
sa pamamagitan ng Departamento ng Edukasyon ang halaga ng panitikang-pambata
sa paghubog ng kaisipan ng mga batang Pilipino, upang gawin silang kapakipakinabang
na mamamayan ng bansa sa hinaharap. Di
nakikita ng pamahalaan na mabisang instrumento ang panitikang-pambata upang maging

LATHALAIN
LATHALAIN

makabayan ang mga batang Pilipino. Ngunit


tila taliwas ito sa pangarap ng kasalukuyang
pamahalaan na gawing alipin ng buong mundo ang matatalinong Pilipino. Kung tutuusin
pa nga, higit na nakikinabang o nagbibigay
benepisyo sa pamahalaan ang pagiging di
makabayan ng mga Pilipino. Wala nga namang aangal kung sakaling baguhin ang Konstitusyon ng Pilipinas o ibenta man sa mga
dayuhan ang lahat lupain sa Pilipinas. Higit
na madaling pumaloob sa anumang kasunduan pang-ekonomiya sa ibang bansa kung
ang ipinapangako nga naman nito ay dagdag
na trabaho sa mga Pilipino kahit panandalian
lamang.
Si Jose P. Rizal at ang Panitikang Pambata
Ang malay na paglikha ng mga babasahin
para lamang sa mga bata ay naganap nang
isalin ni Jose Rizal ang limang kuwento ni
Hans Christian Andersen sa wikang Tagalog.
Namatay si Hans Christian Andersen noong
ika-4 ng Agosto 1875, at pagkaraan lamang
ng labing-isang taon, isinalin ni Rizal ang lima
sa maraming kuwento ni Andersen. Natapos
ni Rizal ang pagsasalin ng mga kuwento ni
Andersen noong ika-14 ng Oktubre 1886 sa
Leipzig na isang mahalagang siyudad sa Sahonyang Aleman. Ayon kay Virgilio Almario:
ang totoong paglikha ng panitikan o babasahing ukol lamang sa mga batang Filipino ay
naganap nito lamang hati ng ika-19 siglo. Sa
abot ng kasalukuyang salisik, si Jose Rizal ang
unang nagsikap na lumikha sa mga bata.
Ang limang salin sa Tagalog ni Rizal ng limang
kuwento ni Andersen ay ang sumusunod: Ang
Puno ng Pino (The Pine Tree), Si Gahinlalaki
(Thumbelina) , Ang Pangit na Sisiu ng Pato
(The Ugly Duckling", Ang Sugu (The Angel) at
Ang Batang Babaing Mai Dalang Sakafuego
(The Little Match Girl). At noong ika-11 ng Nobyembre galing sa Berlin, ipinadala na ni Rizal
ang mga nabanggit na kuwento sa kanyang
mga pamangkin na sina Emilio, Angelica at
Antonio na mga anak ng kanyang kapatid na
babae na si Narcisa. Ganito ang paglalarawan
ni Maria Elena Paterno sa kanyang artikulong
A History of Children's Literature in the Philippines ukol sa mga ipinadalang salin ni Rizal
sa kanyang mga pamangkin sa Pilipinas:
The manuscript was written and illustrated in
his own hand, bound in leather and sent home,
with a dedication to his nephews and nieces.
Its audience was limited to the Rizal Family
until 1954, when it was published (11).

pagsasalin upang makalikha ng mga babasahin para lamang sa mga bata, na bagamat
mga banyagang kuwentong-pambata, ay
nagawa niyang iangkop ang mga ito sa pangangailangan ng kanyang mga pamangkin sa
Pilipinas. Lubhang mahalaga para kay Rizal
ang pag-aangkop ng mga babasahin sa kalagayan ng mga bumabasa nito. Pinatunayan
ito ng kanyang akdang may pamagat na Ang
Pagtuturo. Ayon kay Rizal:
sa halip ng mga Nobena, Rueda, Trisahiyo,
at Misteriyo, na walang katuturan, ni upang
palusugin ni gisingin ang pananampalataya
sa halip ng mga aklat na iyan, inuulit namin,
ay hindi ba mabibigyan ang isang bata ng
magagaang na akda tungkol sa kabaitan at
kagandahang- asal, sa heograpiya at kasaysayan ng Pilipinas, at higit sa lahat ng isang
akdang nauukol sa Pagsasaka ngunit nasusulat sa wikang sinasalita nila, yamang
ang karamihan sa mga mamamaya'y walang
hinaharap kundi ang pagbubungkal at pagtatanim sa lupa, ang pag-aalaga ng mga hayop,
na sadyang nababagay sa bayang ito? (13)
Marahil, ang sinabing ito ni Rizal ang naging
batayan niya upang piliin at isalin ang mga kuwento ni Andersen. Nakita niya ang kahalagahan ng pagsasalin lalo na sa mga kulang paladna sa kawalang kaya'y hindi makatungo
sa lalong mabubuting paaralan upang makapagtamo ng lalong mabubuti't kapakipakinabang na kaalaman. Sinikap ni Rizal maiangkop ang salin ng mga kuwentong-pambata ni
Andersen sa wikang naiitindihan ng kanyang
mga pamangking nakatira sa Pilipinas. Ganito ang nakasaad na paliwanag sa isang kuwentong isinalin ni Rizal:
Pino: "pine tree" sa wikang Ingles. Ang
pamagat ng kuwentong ito sa isinaling-wikang
Ingles nina Ginang E.V. Lucas at H.B. Paul ay
"The Fir Tree", ngunit ginamit ni Rizal ang salitang "pino" sapagkat magkawangis ang dalawang punong ito"pine tree at fir tree" at sa
dahilang lalong kilala ang puno ng pino dito
sa atin (109).
Bukod dito, makikita ang tunay na malasakit
ni Rizal sa paglikha ng mga akda o kuwento
para lamang sa mga bata, nang isulat niya
ang pahambing na pagsusuri sa dalawang
magkahawig na pabula ng bansang Hapon at
ng Pilipinas, ang Suri Kani Kassen o Labanan
ng Matsing at Alimango, sa ilalim ng artikulong may pamagat na Two Eastern Fables. Ito
ay nalathala sa Treubner's Oriental Record, bilang 245, sa London noong buwan ng Hulyo,
1889.

Maituturing na mahalagang yugto ng kasaysayan ng panitikang-pambata ng Pilipinas Ayon kay H. Hern sa kanyang artikulong Ang
ang ginawang ito ni Rizal. Ipinakikita nito na Kasaysayan ni Pagong at ni Matsing na isinanasa kamalayan na niya ang kahalagahan lin din ni Rizal sa wikang Espaol:
ng paglikha ng mga babasahin para lamang
sundan sa pahina 16
Alinaya
sa mga bata. Nakitang solusyon ni Rizal ang

13

OPINYON
Saling-pusa
ROWELL MADULA

mal-eduKASyOn
Kaso #1: Gib me payb?
Sa pag-aaral ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) taong 2007, sa 100 batang pumapasok sa grade 1, 66 lamang
rito ang makakapagtapos ng elementarya. Sa 66 na ito, 58 lamang ang tumutuloy ng hayskul kung saan 43 lamang ang tuluyang
makapagtatapos rito. Sa kolehiyo, 23 lamang ang makatutuntong rito na tuluyang baba sa 14 na gradweyt ng kolehiyo.
Malinaw ang problema, hirap ang mga kabataang makapagpatuloy ng pag-aaral. Sa
15 taong kinakailangang igugol ng mga kabataan sa pag-aaral, hindi pa nakatatapos ng
6 na taon, marami na ang hindi nakakapagpatuloy. Maraming dahilan ang maaaring ibigay, ngunit alam natin ang ugat ng problemang
ito, ang kahirapan.
Kamakailan ay ipinanukala ng Commission
on Higher Education (CHED) na gawing limang
taon ang mga kursong kinukuha sa kasalukuyan ng apat na taon lamang. Ayon sa programang Philippine Main Education Highway, ang
pagdaragdag ng isa pang taon sa kolehiyo ay
makatutulong upang maiangat ang kalidad
ng edukasyon sa Pilipinas at makasabay sa
pamantayan ng ibang bansa. Bawat Pilipino
ay naghahangad ng mataas na kalidad ng
edukasyon, ngunit hindi ito nakabatay sa haba
ng panahong iginugugol ng bata sa pag-aaral.
Sa kasalukuyang kalagayan ng edukasyon, sa
dami ng kinakaharap na problema ng DEPED
at CHED, hindi makatutulong ang isa pang
taon sa kolehiyo. Taun-taon ang mga pampublikong paaralan at pamantasan ay kinakailangang pagtiisan ang sirang mga upuan,
masisikip na klasrum, ang siksikan sa isang
klase, ang kulang at mali-maling mga libro,
ang nabubulok na pasilidad, at marami pang
iba. Sa mga pribadong paaralan naman, nariyan ang taun-taong pagtataas ng matrikula sa
gitna ng kawalang-katiyakan ng pagtataas ng
kalidad ng edukasyon nito.
Para sa maraming magulang, ang edukasyon
lamang ang maipapamana nila sa kanilang
mga anak. Isang kayamanang hindi makukuha ninuman. Kadalasan nang iginagapang
ng mga magulang ang pag-aaral ng kanilang
mga anak, minsan pa ngay maging ang mga
estudyante ay kinakailangan makigapang

14

Alinaya

na rin upang makatapos ng pag-aaral sa pa- upil sa karapatan ng mga guro at mga magmamagitan ng paghahanap ng trabaho ha- aaral. Isa siya sa mga mariing nananawagan
bang pumapasok sa paaralan.
sa pagpapalitaw sa mga nawawalang magaaral ng UP na sina Karen Empeno at Sheryl
Marami ang maaaring maganap sa loob ng Cadapan na pinaghihinalaang dinukot ng mga
isang taon. Malaking bahagdan ng popu- militar. Ang kanyang mga progresibong palasyon sa bansa ang iniraraos lamang ang niniwala ang isa sa maaaring dahilan upang
bawat araw sa kanilang buhay. Sa halip na patigilin ang patuloy na pagmumulat ni Prop.
makatulong ang planong pagdaragdag na ito Raymundo sa kanyang mga mg-aaral.
ng isa pang taon sa kolehiyo, ito ay malinaw
na dagdag pahirap at pasakit sa mga pamily- Pinagyaman ng mahabang kasaysayan ng
ang Pilipino.
progresibong kaisipan at pagkilos sa UP ang
kalakarang transparency, accountability, due
Kaso #2: Walang freecut sa klase ni process, debate ng mga idea at ang pagtinMaam!
dig laban sa witch-hunting at red baiting. IpIka-6 ng Nobyembre, sa pagbubukas ng ika- agtanggol ang mga kalakarang ito, lalo pa
lawang semestre sa University of the Philip- sa gitna ng umiigting na komersyalisasyon
pines-Diliman, sinabihan si Prop. Sarah Ray- at politikal na panunupil sa kampus, sa sekmundo ng tagapangulo ng Departamento ng tor ng edukasyon, at sa bansa, dagdag pa ng
Sosyolohiya na si Dr. Clemen Aquino, na hu- CONTEND.
wag ng pumasok sa kanyang mga klase kasabay ang balitang denial of tenure sa kanyang Sa akademya, mahalaga ang papel na ginapagiging guro. Sa kabila nito, pumasok pa rin gampanan ng mga guro at mga mag-aaral.
si Maam.
Ngunit lagit lagi sila rin ang nagiging biktima
ng kawalang-katarungan at panunupil ng
Isang mahalagang usapin sa mga guro ang karapatan sa mga paaralan. Sa gitna ng mga
tenureship. Ito ang nagbibigay-kasiguraduhan ganitong problema, ang mahalaga ay ang patsa mga gurong patuloy na makapagtuturo sa uloy na paglaban, at alam natin hanggang sa
pamantasan at sa kanyang mga mg-aaral. huli, hindi magbibigay ng freecut sina Maam
Mas nagkakaroon ng kalayaan ang kapang- at Sir sa araw-araw na pagharap sa mga tungyarihan ang isang tenured na guro. Ibig sabi- galian.
hin, hindi siya maaaring tanggalin ng walang
sapat at matibay na dahilan.
Kaso #3: High na High
Sa kontrobersiyang idinulot ng Alabang Boys,
Kilala si Prop. Raymundo bilang isang magal- marami ang nagsabing talamak ang bentahing na guro sa Sosyolohiya. Ayon sa Congress an sa mga paaralan sa buong bansa. Lulong
of Teachers/ Educators for Nationalism and umano sa ipinagbabawal na gamot ang mga
Democracy (CONTEND), natupad naman ni mag-aaral, maging ang mga guro. Dahil rito,
Prop. Raymundo ang academic requirements ipinag-utos ng DEPED at CHED ang random
na hinihingi para sa kanyang tenureship, pero drug testing sa mga paaralan. Ito ay bahagi ng
bakit ipinagkakait ito sa kanya? Matibay ang programa ng pamahalaan na solusyunan ang
mga paninindigan ni Prop. Raymundo sa mga
sundan sa pahina 17
isyung panlipunan. Laban siya sa mga panun-

OPINYON
Kolum
JOEL ORELLANA

Buhay at Pelikula
Madalas nating sinasabi na ang pelikula ay parang buhay. Pero ang tila katotohanan sa likod nito, kadalasan ay isinasabuhay
natin ang nangyayari sa pelikula.
Parang mga eksena sa pelikula ang nangyari ng pamahalaan.
pagbibigay ng mga benepisyong ito. Ang ilan,
kay Mang Andres, 88 anyos, tubong Bataan.
nagpunta na sa mga ospital kung saan ang ilKasama si Mang Andres sa mahigit 18,000 li- Kakaunti lamang ang impormasyon ko kay ang mga beterano ay nakaratay na sa kama.
bong war veterans na nakipaglaban sa giyera Mang Andres. Sa katunayan, sa telebisyon ko
ng Amerika at Hapon noong World War
Si Mang Andres, tahimik na sa kanyang
II.
kinalalagyan. Ang hirap na kanyang dinoong giyera ay hindi man lang
Ang kwento ni Mang Andres ay nanas
Hindi ko kaanu-ano si Mang Andres
nasuklian ng pagkakataong ito.
ngunit ang nag-uugnay sa amin ay ang
isa lamang sa maraming halaking ama na isa ring war veteran.
si Mang Andres isang araw
imbawa ng pinagdamutan ng Namayapa
bago aprubahan ni Barrack Obama, ang
Naaalala ko sa ilang kuwento ng aking
pagkakataon. Parang pelikula, Pangulo ng Amerika, ang nasabing ecoama noong bata pa ako, napakahirap
nomic stimulus package.
kung kailan malalaman ni Judy
nang kanilang pinagdaanan noong panahon ng giyera. Sadyang malupit daw
Ann ang tunay niyang ama ay Isang malaking kondisyon kasi sa pagang mga Hapon sa mga bihag nilang
bibigay ng benepisyo ay kailangang nabsaka pa nilagutan ng hininga ubuhay pa ang beteranong kwalipkaPilipino at Amerikano.
dong tumanggap nito. Hindi pwede ang
ang taong magsasabi nito.
Isang beses nga daw, nang lusubin ng
proxy, hindi pwede ang kabiyak, hindi
mga Hapon ang kanilang lugar, nagpwede ang mga anak o kamag-anak.
panggap na may malaria ang aking
ama upang hindi lapitan ng mga Hapon. May lamang napulot ang ilang datos na ginamit Ang kwento ni Mang Andres ay isa lamang sa
ilan nga daw nagpapanggap na babae para kong materyal para sa pitak na ito.
maraming halimbawa ng pinagdamutan ng
hindi 'galawin.' Parang isang pelikula di ba?
pagkakataon. Parang pelikula, kung kailan
Laman ng mga pahayagan at telebisyon malalaman ni Judy Ann ang tunay niyang ama
Matagal nang pumanaw ang aking ama at ngayon ang pagkaka-apruba ng pamahalaang ay saka pa nilagutan ng hininga ang taong
sumunod na tumatak na lamang sa akin ang Amerika ng mga benepisyo ng Filipino war magsasabi nito.
pag-aasikaso ng aking kapatid sa benepisyo veterans. $9,000 daw para sa mga war vetna matatanggap ng aming pamilya sa pagig- eran na nasa Pinas at $15,000 para
ing war veteran ng aking ama.
sa mga nasa Amerika.
Isa ako sa mga maraming anak ng war veter- Sa panahon ng krisis pang-ekonomiya,
an na natulungan ng mga benepisyong inilaan malaking tulong ang pangyayaring ito
para sa mga pamilya ng Pilipinong tumulong sa digmaang
Sa panahon ng krisis pang- namagitan sa Amerika at
Hapon.

ekonomiya, malaking tulong


ang pangyayaring ito para sa
mga pamilya ng Pilipinong tumulong sa digmaang namagitan sa Amerika at Hapon.

...may dedlayn ang kabayanihan ngayon.

Sabi sa mga balita, kung kumpleto


ang mga papel ng war veteran ay
maaari nang makuha ang benepisyo
sa maikling panahon.

Kasama na ng lupa ang katawan ni Mang Andres na sumangga sa mga panlalait ng mga
Hapon sa panahon ng giyera. Ngunit nananatiling buhay ang kabayanihan ni Mang Andres
para sa marami.

May ilan ngang kinatawan ang pama- Ang nakalulungkot lamang isipin, may dedhalaang Amerika na narito na sa Pilipi- layn ang kabayanihan ngayon. A
nas upang asikasuhin ang proseso ng

Alinaya

15

LATHALAIN
Magsimula muna tayo... mula sa
pahina 13
Sa Treubener's Record, bilang 245, ay may
isang lathalaing sinulat ni Doktor Rizal tungkol sa dalawang katha-katha. Ang isa'y sa
Hapon, at ang isa pa'y sa Kapuluang Pilipinas,
at ang dalawang ito'y may nakaparaming pagkakawangis na hindi maaaring pag-alinlanganang iisa ang pinagmulan nila (156).
Pinatunayan ni Rizal sa kanyang akda na ang
nabanggit na pabula laganap at nakikilala
sa buong Pilipinas. Ipinahayag din niya ang
pagnanais na matuklasan ang iba pang mga
bakas ng pabulang ito sa iba pang kapuluan.
Sa pagsusuri ni Rizal, nakita niyang higit na likas o natural ang
pabulang nanggaling sa Pilipinas samantalang ang pabulang
Hapones naman ay higit na nagpapakita na pagiging sibilisado
o kaunlaran na kalagayang panlipunan ng Hapon. Ang ganitong
pagsusuri ni Rizal sa pabulang
ng mga Hapones ay di sinangayunan ni Hern. Ganito ang pananaw ni Hern:

ang pabula noong 1885 sa Paris bilang kon- marami pa ring mga batang Pilipino ang di
nakapag-aaral, kung nakapag-aaral man ay
tribusyon album ni Paz Pardo de Tavera.
walang kuryente ang bahay, kulang sa maiiMahalagang kilalanin ang pahambing na nom na tubig at pagkain, malayo ang nilalakpag-aaral na ito ni Rizal ng mga nabanggit na bay upang makapasok sa paaralan, kulang sa
pabula dahil ipinakilala nito ang kuwentong- aklat, lapis, klasrum, guro, at iba pa. Kaya
nga kailangang maisulat ang mga kuwenbayan ng Pilipinas sa mundo.
tong-pambata ukol sa mga batang Pilipino
Nalathala naman sa isang isyu ng La Solidari- nakapagitna sa digmaan, na di elite o nabibildad noong ika-31 ng Disyembre ang alamat ang sa middle class. Kailangang maisulat sila
bilang mga tauhan sa mga kuwentong magng Mariang Makiling.
bibigay sa kanila ng kapangyarihan upang
Tunay na mahalaga sa pagbakas ng kasay- ma-empower sa halip na ipilit sa kanila ang
sayan ng panitikang pambata ng Pilipinas mga kuwentong maka-Maynila, maka-elite at
ang mga ginawang ito ng Rizal. Ang mga maka-middle class lamang.
pagsisikap na ito ni Rizal ay nagsilbing tunDi nila kailangang matutunan ang
ukol sa mga karapatan nila bilang
bata, tulad ng laging iginigiit ng mga
aral sa mga pamantasan sa Maynila
at nagkukunwaring eksperto sa mga
bata o panitikang pambata, dahil
kung tutuusin, kung di man sila nagaaral, talagang gusto nilang tumulong
sa kanilang mga pamilyasa pagtatanim sa bukid, sa mga gawaingbahay, sa paghahanapbuhay ng kanilang mga magulangito ang kanilang
mga paaralan. Ang karapatan nila ay
mabigyan ng pagkakataonsa kaniltungang-bato ng mga sumunod sa kanya, na
nagpakita rin ng malasakit na makalikha ng ang munting paraan at kakayahan na makatmga babasahin para lamang sa mga batang ulong sa kanilang pamilya. Normal na bahagi
Pilipino, at higit pang mapaunlad ang paniti- ng kanilang buhay pagkabata ang pagtulong
kang-pambata ng Pilipinas sa pangkabuuan. sa kanilang pamilya. Labis ang kanilang katuwaan kapag nakikita nilang kahit papaano ay
Paanong sumulat para sa mga batang- gumiginhawa ang kanilang pamilya.
Pilipino?
Mahalagang kilalanin muna kung sino ang Kaya nga, hanggat di naisusulat ang mga
batang Pilipino. Malaking bahagi ng popu- kuwento ukol sa kakapusan ng mga batang
lasyon ng Pilipinas ay binubuo ng mga bata, Pinoy, mananatiling kuwento ng mga batang
kaya nga sinasabing bata pa ang populasyon elite at kabilang sa middle class ang ating
ng Pilipinas. Dahil dito, malaki ang pangan- mababasa. Paanong maituturing na panigailan ng bansa para sa libreng edukasyon, tikang-pambata ang mga ito kung tungkol o
serbisyong pangkalusugan, murang pabahay, nakatuon lamang sa mga batang nasa Maytubig, pagkain, seguridad at iba pang batayang nila?
pangangailangan. Malimit na sabihin na ang
bata ay yaman ng bansa o ang mas madalas Lahat tayo ay dumaan sa pagkabata. At di lamarinig sa mga talumpati ng mga politiko na mang tayo dumaan sa pagiging bata, higit pa,
ang kabataan ay pag-asa ng bayan. Pero sa tayo ay mga batang Pilipino. Kaya nga lahat
katotohanan, ang mga bata ay hadlang sa ay maaaring makasulat ng kuwentong pamkaunlaran para sa ating kasalukuyang pama- bata. Kayang-kayang ninuman ang sumulat
halaan. Sa halip na ibigay ang mga batayang ng kuwentong-pambata. Kaya nga, di ako
pangangailangan ng bata, nakitang solusyon naniniwala sa mga kumperensiya, worksyap
ng pamahalaan na paigtingin ang kampanya o kaya ay mga samahan ukol sa pagsulat ng
para sa paggamit ng contraceptives. Kailan- mga kuwentong-pambata na kung tutuusin
gang pigilan ang pagdami ng bata kung nais ay maka-Kanluran sa istilo at pamamaraan.
Kaya nga, kung wala namang balak na manana makamit ang pag-unlad ng bansa.
lo sa Palanca, PBBY, at kung anu-ano pa, ang
Samakatuwid, ang batang Pilipino ay kapos isang manunulat ng mga kuwentong-pambasa maraming bagay. Taliwas sa paniniwala ng ta, di niya nakikita ang halaga ng mga kumilang manunulat ng panitikang-pambata na perensiya, worksyap o patimpalak na ito sa
ang Pilipinas sa kanila ay ang Maynila lang, kanya. Kung tunay na pambata ang mga ito,

Lahat tayo ay dumaan sa pagkabata... Kaya nga lahat ay maaaring makasulat ng kuwentong pambata. Kayang-kaya ninuman ang
sumulat ng kuwentong-pambata.

Hindi ako nahahandang tumawad sa kahalagahan ng gayong kuru-kuro, datapuwat hindi


ako sumasang-ayon sa mga kaisipan ng palaaral na ginoo nang idugtong niya ang sumusunod: "Ang lusong ng bigas, ang pambayo
o halo, ang pukyutan, ang itlog, ay nagsitulong
sa mga nagngangalit na alimango," at ito ay
nagpapahiwatig sa atin ng malayang paghaka
ng bayang Hapon. Hindi lamang ang mga nilikhang may buhay kundi pati ng mga bagay
na walang ay nangagsasalita at nagbibigay ng
payo, dumaramdam at gumagalaw gaya ng
mga iba. Ngayon nga, ang pagkakaragdag ng
ganang kanya ng panghakang Hapon sa tanging kasaysayang ito ay hindi dapat akalaing
isang katangian ng mga hapon (160).
Samakatuwid, di ang kinikilalang pabulang
isinulat ni Rizal ukol sa pagong at matsing
ang tinutukoy na nalathala sa Treubner's Oriental Record, kundi ang kanyang pahambing
na pagsusuri sa dalawang pabula ng mga
Hapones at ng mga Pilipino. Ganito ang paglilinaw ni Almario sa naturang akda ni Rizal:
Ang lumabas sa Trubner's Oriental Record
ay hindi ang popular din ngayong kuwentong
pagong at matsing na may kalakip na drowing ni Rizal. Huli kong nakita na nakaeksibit
na retrato ng mga drowing na ito ni Rizal sa
bagong museo sa likod ng Dambanang Rizal
sa Calamba, Laguna. Ang mga drowing na
ito ay ginawa ni Rizal nang mas una sa istoryang nalathala sa London. Idinrowing niya

16

Alinaya

LATHALAIN/BALITA/OPINYON
kailangang gawin ito sa harap o kasama ng
mga bata. Kailangang mga bata ang judge
ng kuwento dahil para sa kanila naman talaga
ang babasahing ito. Ang pagdiriwang ng panitikan o aklat pambata ay kailangang gawin sa
labas ng Museo Pambata, Pambansang Aklatan o ng CCP, kasama ng mga batang Pilipino
at di lamang matatanda na taun-taon ay silasila na lamang ang nagkikita-kita.
Kung nais pakinisin ang isang bagong kuwento, ikuwento mismo ito sa mga bata. Batay sa
ekspresyon ng kanilang mukha, sa kanilang
mga sambitla, makikita kung ano ang kahinaan at kakulangan ng kuwento. Ito sa palagay ko ang katutubong paraan natin ng pagpapakinis o pagwo-worksyap sa kuwento. Di
yaong nakaupo ang mga panelists na parang
alam na alam nila ang lahat at ang kinabukasan ng kuwento sa nakasalalay sa kanilang
mga sasabihin. Di sila ang target na mambabasa ng mga kuwentong-pambata. Sa aking
pagiging manunulat, sa panahon ng aking
pagmumuni-muni, napatunayan kong ang
aking mga pagkukuwento sa mga batang lansangan sa Binondo ang tunay na nakatulong
sa akin upang makasulat ng mga kuwentong
nakatuntong sa lupa.
Kaya nga sa ngayon, tulad ng ginawang pagsasalin ni Rizal sa mga kuwento ni Andersen,
simplehan muna natin ang ating pangarap
para sa panitikang-pambata.
Pakinggan
muna natin ang mga batang Pilipino sa labas
ng Maynilamarami sa kanila ang nabubuhay sa kakulangan. Isulat natin ang tungkol
sa kanila.
At pagkatapos na matupad ang pangarap nating ito, saka natin isunod ang iba pa nating
pangarapdahil libre at ginastusan na pamahalaan ang produksyon ng mga aklat-pambata, libre na itong mahahawakan ng mga batang Pilipino sa buong kapuluan. Wala na sa
National Bookstore ang mga aklat pambata,
kundi nasa kanilang mga paaralan, aklatan,
plasa, hanggang sa kanilang tahanan at ilalim ng kanilang mga unan bago matulog. At
marami ng batang Pilipino na kung bibigyan
ng pangalawang buhay ay pipiliin uling maging Pilipino.
Kapag nangyari itong mga simpleng pangarap
natin, doon ko pa lamang masasabing tunay
na kumakalinga ang sambayanang Pilipino sa
mga bata, na di malupit lipunang Pilipino sa
kanila dahil silang talaga ang tunay na yaman
at pag-asa ng ating bansa. A

Alay-Aklat, inilunsad
ni Genaro Gojo-Cruz
Bilang bahagi ng outreach program ng Departamento ng Filipino, inilunsad
ang proyektong Alay Aklat sa Kabataang San Joseo. Layunin ng proyektong
ito na magbigay ng mga aklat sa Muzon High School, isang pampublikong
paaralan na matatagpuan sa San Jose del Monte City.
Kasalukuyang pinamumunuan ni
Genaro R. Gojo Cruz ang paghingi ng
mga aklat sa mga pribado at pampublikong institusyon, embahada,
at iba pang samahan bukas sa pagsusulong ng edukasyon para sa mga
kabataan.
Sa kasalukuyan, nakapagbigay na
ng mga donasyong aklat ang Philippine Educational Theater Association
(PETA), National Commission for Culture & the Arts (NCCA), National Historical Institute (NHI), Adarna House,

Inc., at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).


Inaasahan ding magbibigay ng mga aklat na
ukol sa kanilang mga bansa ang ibat ibang
embahada sa Pilipinas.
Inaasahan na maibibigay ang mga aklat sa
darating na Marso. Sa mga nagnanais pang
mag-ambag ng mga aklat para sa proyektong
ito, maaaring makipag-ugnayan kay Genaro
R. Gojo Cruz, Departmento ng Filipino, Pamantasang De La Salle-Manila, 2401 Taft Avenue,
Manila, telepono bilang 524-46-01 loc. 509 at
552. Email: gojocruzg@dlsu.edu.ph A

Prop. Lakan Garcia, pinarangalan


Pinarangalan ng Center for Educational Measurement Inc. (CEM) si Dr. Lakangiting Garcia bilang resource person at konsultant sa Language and Literature Filipino at Drama Education and Theatre Arts.
Ang CEM Recognition Awards ay
parangal na iginagawad sa mga indibidwal at institusyon na nagpapamalas ng pagpapaha- laga sa pagsusulong ng mataas na kalidad ng
edukasyon sa buong bansa. Through
their continued pursuit of academic
excellence and their steadfast involvement in CEMs educational programs, these awardees contribute

educational improvement in our country,


dagdag pa ng CEM.
Gayundin, nagsilbing isa sa mga hurado si Dr.
Garcia sa pagbibigay-parangal ng CEM sa mga
natatanging guro na nagpakita ng demonstrasyon sa pagpapaunlad ng kanilang profesyon
at pag-aambag sa pagkatuto ng mga magaaral. A

mal-eduKASyOn... mula sa pahina 14


ipampagawa na lamang ng mas maraming
klasrum, o pandagdag sa kakarampot na
sahod ng ating mga guro. Masosolusyunan
ba ng paghahanap ng mga positibo sa droga ang problema natin sa bentahan nito sa
mga paaralan? Hindi. Inililihis tayo ng mga
ganitong programa sa tunay na problema. Kinakailangang mahuli ang mga malalaking isdang nagbebenta at nasa likod ng talamak na
bentahan ng ipinagbabawal na gamot. Kung
Ang ganitong klaseng programa ay mayroon mang nararapat na bigyan ng drug
nangangailangan ng pondo. Sa dami test ay walang iba kundi ang mga politiko at
ng kaklangan sa mga paaralan sa ang mga tao sa Malakanyang. A
kasalukuyang panahon, ang pondong
ilalaan sa drug testing ay maaaring
problema sa illegal na droga. May
mga mag-aaral na nagsasabing wala
namang problema rito dahil kung
malinis at hindi talaga gumagamit
ang isang tao, wala siyang dapat
ipangamba. Mukha ngang walang
problema, pero may kasabihan nga
tayong marami ang namamatay sa
maling akala.

Alinaya

17

LATHALAIN

ni Joselito D. Delos Reyes


M.A. Philippine Studies

Itong-ito ang nangyayari sa bansa. Polisiyang English Only (EO) sa loob ng bakuran ng
paaralan. Hindi na nasiyahan ang pamahalaan sa ilampung taon ng pagiging kolonya
ng Amerikano na nagsailalim sa atin sa pagsasalita ng Ingles, hetot may mahigpit na
kautusan ang ilang institusyon na gamitin ito upang lunsaran ng pagkatuto sa kabila ng
pagbabandila ng tatlong konstitusyon na dapat linangin ang Wikang Filipino. Dagdag
na pataw pa ang pag-uutos ni PGMA kamakailan na nag-aatas na puspusang gamitin
ang Ingles bilang wikang panturo sa lahat ng antas ng paaralan.
Ayon nga kay Prof. Virgilio S. Almario ng U.P. Diliman:



Baka nga. Dahil isa tayong human resourcesexporting nation. Dahil isa tayo sa nagpupunyaging maging sentro ng Business Process
Outsourcing (BPO) industry sa mundo. Dahil
kailangang kailangan ng mundo ang guro sa
Ingles. Dahil global economy na at dapat tayong sumabay kung hindi man manguna.
Sa kabila ng kontradiksyong ito, hindi mapasusubalian ang pangangailangan ng bayan
sa Ingles kaysa Filipino, na kung hihiramin ko
ang termino ni Ariel Dim. Borlongan, Ingles na
wikang patatas, at Filipino na wikang kamote.
Ang pagkatuto ng Ingles ay isang palatandaan
na may pinag-aralan, may sopistikasyon, puwera pa ang aspektong kabuhayan na kayang
ibigay ng isang magaling umingles na hindi
kayang ibigay ng bihasa sa wikang kamote.
Malapit sa puso ko ang isyung inilalahad ni
Peter S. Dash, ang may-akda ng artikulong
English Only (EO) in the Classroom: Time for
a Reality-Check. Doble-talim sa akin ang isyu
dahil una, guro ako sa Filipino at Panitikan,
may sumampiyad pang English 3 na Speech

18

Alinaya

Sa puso ng ating mga puso, gusto natin ang Ingles.


Baka marami sa atin ang lihim na pumapalakpak sa
utos ng pangulo dahil naniniwala tayo na Ingles
ang susi sa ating kaunlaran bilang tao at bilang bansa.

and Oral Communication na naligaw sa aking


mesa dahil sa kakulangan ng guro sa aming
pamantasan (kontradiksyon na naman). Ikalawa, dati kong trabaho ang maging Project
Manager sa isang e-content engineering firm
sa Ortigas na bahagi ng BPO industry. Harapan kong nasaksihan ang mabigat na kahingian na dapat ay mahusay akong umingles
dahil dolyar ang aming pinag-uusapan at
Amerikano ang aming kliyente na kailangang
kausapin lagi o di kayay sulatan. Samantalang ngayon, dalawang semestre ko nang
pinagtatangkaang hubugin ang mga magaaral na nagpapakadalubhasa sa edukasyon
na nagmemedyor ng Filipino. Talagang madaling makabunggo ng kontradisyon sa buhay at
panahong ito.
Marunong marahil akong mag-ingles dahil natanggap ako sa isang multinational company
noon. Bukod sa management at public relations work experience na taglay ko, mabigat
ang dinaanan kong interview, dalawang oras
nang walang patumanggang inglesan sa aking naging immediate boss at sa may-ari ng

kompanya. Natanggap ako at nakapagtrabaho dito ng halos isang taon bago ako liparin
ng tadhana sa akademya at magturo na nga
ng Filipino. Masaya ang naging amo ko noon
sa Ortigas dahil sa diumanoy galing ko sa
pag-ingles. Natuwa ang ilang kliyente dahil
diumanoy nakasumpong sila ng ...a person
they can clearly speak and write with. Hindi ko
kailanman ipinagparangalan ang kakayahan
kong umingles nang mabuti. Tama na sa akin
na naging trabaho ko ito. Hindi sopistikasyon
ang dahilan ko kung bakit kailangang gumilas akong umingles, ekonomiya pa rin. Pera,
kabuhayan, dede, at diaper ng anak. Dahil
aminin man natin o hindi, hindi malinang ang
Filipino sa pinakamataas na potensiyal nito,
sa intelektwalisasyon nito dahil sa napakalaki
at napakasakit na bikig: ekonomiya.
Ayon pa rin kay Dash, ekonomiya rin ang dahilan kung bakit nagkakandarapang matuto
sa Ingles ang Hapon at Korea. Mas marami
silang maiintindihang wika, mas makapagpapabuti sa ekonomiya ng dalawang power
house na bansang ito sa mundo. Kung sila

LATHALAIN
ngang maperay nag-aaral mag-ingles, tayo raniwang paaralan sa Filipinas. Totoong may nilang kompanya, ay siya namang pagkaubos
pa kayang nagugutom na bansa? Siya nga na- dahilan upang magmadali dahil kailangang ng lakas paggawa.
man.
sumabay sa teknolohiya at ekonomiya,
ngunit sa pagmamadaling ito nagigNag-catapult tayo sa kakayaSamakatuwid, dapat munang maging kritikal ing ...English classes may be but a
hang mag-ingles kaya in-deat praktikal ako ngayon. Kailangan ang Ingles. romanticized ideal rather than a point
Ni hindi pa makita ang anino ng intelektwali- of arrival sometime in the intermediate
mand ang lakas paggawang
sadong Wikang Filipino. At sa pangangailan- future.
Filipino sa buong mundo.
gan ng Ingles na ito dapat sipatin ang kalagayan ng bansa sa usaping pangwika.
Abot sa ating bansa ang suliraning ito
Ang kakayahan nating uminng Korea, palatandaan ang dagsa ng
gles ang nagbibigay ng kailEnglish Only o Bilinggwalismo
mga mag-aaral na Koreano sa buong
Ito ang pangunahing argumento ni Dash. Isi- bansa na nagnanais matuto ng Ingles.
angang oxygen sa naghihinnagawa ayon sa kanya ang EO policy sa Korea Palatandaan pa rin ang pagsulputan ng
galo nating ekonomiya.
bilang lunsaran ng pag-aaral. Muli, ekonomi- mga online English teaching courses sa
ya ang dahilan. Ipinatupad na nagbunga ng bansa na humahatak hindi lamang sa
maraming pag-aaral at debate ang EO policy mga guro sa Ingles kundi ng ibat ibang
dahil sa malabis nitong kahigpitan. Binang- asignaturang napahawakan ng English mod- Kaiba sa Korea, naniniwala akong hindi EO
git niya, ayon naman sa ibat ibang pag-aaral, ule. Maaaring isang pag-aaral ang maibunsod policy ang solusyon. Ang kalidad ng produkto
ang epekto ng EO policy. Nahati sa dalawa ang ng kompetisyong ito ng guro sa bansa. At wari ay nakabatay nang malaki sa kalidad ng gumga edukador, isang pro at anti. EO versus ko, natatalo ang institusyon dahil lamang uli mawa nito: ang mga guro. Hindi rin naman
Bilinggwalismo. At ano ang higit na mabisa sa isang dahilan: suweldo/ekonomiya.
perpekto ang grammar ng Amerikano, pansin
upang matutong umingles ang mga Koreano.
ko ito sa pagtatrabaho sa BPO. Basta makasuPatuloy na mararamdaman ang usaping ito lat lamang at basta makapagsalita at makaHindi umaayon si Dash sa mahigpit na kahi- dahil sa pagahahanap ng proverbial greener pagpahayag nang malinaw (iyong hindi nangian ng EO policy. Ayon sa kanya, dapat mu- pasture ng mga aba ngunit magagaling nating man Freddie Roach na pag-ingles). Wika nga,
nang may matibay na pundasyon ang mga guro. Ngunit ibang usapin ito.
hindi pan-textbook ang kanilang ginagamit sa
guro upang maituwid ang mga inaasahang
totoong buhay. Na kabaligtaran ng paaralan
kamaliang idudulot ng EO lalo na sa grama- Dapat ba o hindi ang EO policy sa atin?
natin ngayon. Textbook na textbook. Ngunit
tika. Dagdag pa ng konglusyon niya:
Kung mayroon tayong maituturing na kala- sa kabila ng aral na aral na pag-iingles ng
mangan sa ibang bansang maunlad sa Asya, mga Pinoy, kulang naman sa kumpiyansa na

...it would seem that Korean
ito ay ang kasanayan natin sa Ingles. Na- maaaring ibigay ng EO policy. Ngunit maaari

English teachers need to better
kabaon sa ating kultura ang mga langib ng din namang ang EO policy ay isang kulungan

gain that confidence and level
pangongolonya o pang-iimperyo (depende sa na magkukulong sa mag-aaral at bumura sa

of skills which would make them
politika ng babasa) ng Amerikano. At mahirap mumunting kumpiyansa nito sa sarili, sabi

use more spoken English.
itong mabura. Nag-catapult tayo sa kakaya- nga ni Dash. Sabi ng kaibigan ko: higit sa lahang mag-ingles kaya in-demand ang lakas hat, confidence kasunod ang grammar, hindi
Ang kasanayan ay dapat na nagmumula sa paggawang Filipino sa buong mundo. Ang diction na madaling ituro sa matatanggap sa
guro, kaya marapat lamang diumanong pag- kakayahan nating umingles ang nagbibigay call center.
tuunan ng pansin ang pagsasanay dito, na ng kailangang oxygen sa naghihingalo nating
kung hindi pa aplikable na makapagturo ng ekonomiya.
Naniniwala akong kailangan nating palaIngles ang gurong Koreano, maaaring gamitin
ganapin at paunlarin ang Filipino. Ngunit haang bilinggwalismo gaya ng ginagawa ng ka- Sabi ng isang kaibigang Call Center Director bang aandap-andap ang kabuhayan ng bawat
sa Makati, nauubu- Pinoy, kailangang sumabay din ang kanyang
san na daw sila ng kaalaman at kasanayan sa Ingles, sa paraang
mare-recruit. Halos EO man o hindi. Dahil higit sa lahat, kailangan
wala pa sa limang muna nating mabuhay bago maging intelekporsiyento ng nag- twal. A
a-apply sa ngayon
ang may kakaya- Babasahin
hang umingles at
may potensiyal na Almario, Virgilio S. Nagbabasa ka ba? http://
magtrabaho
sa groups.yahoo.com/group/thefilipinowriter/
call center na isa message/1812
pa ring lucrative na
trabaho sa kabila Borlongan, Ariel Dim.Alamat ng Makata
ng krisis pandaig- Galian 6. Galian sa Arte at Tula. 1985
dig. Nakababahala
diumano dahil ha- Dash, Peter S. English Only (EO) in the Classbang patuloy na room: Time for a Reality-Check http://www.
lumalaki ang ka- asian-efl-journal.com/December_08_zn.php

Alinaya

19

BALITA
Seryeng panayam, inilunsad ng DANUM
Inilunsad ng DANUM (Dalubhasaan ng
mga Umuusbong na Mag-aaral ng Araling
Filipino) ang isang seyeng panayam na
nagtatampok sa ibat ibang isyu ukol sa
wika, kultura at midya. Nilalayon ng programang ito na imulat ang mga mag-aaral
sa mga diskursong may kinalaman sa Araling Filipino.
Ang Kalagayan ng Pamamahayag sa Pilipinas
Isang di-malilimutang sandali ang pagbubukas ng pang-akademikong taon ng DANUM
sa pamamagitan ng napakamakabuluhang
panayam. Inimbitahan ng organisasyon ang
publisher ng pinakakilalang broadsheet sa
Pilipinas, ang Phillipine Daily Inquirer (PDI) na
si G. Isagani Yambot.
Tinalakay sa panayam na pinamagatang Ang
Kasalukuyang Kalagayan ng Pamamahayag
sa Pilipinas ang mga hamon na kinakaharap
ng mga Pilipinong mamamahayag sa kanilang paggampan ng tungkulin.
Bago pa man magsimula ang panayam ay
umaapaw na ang mga estudyante sa harap
ng Miguel 410. Ang tagumpay na ito ay higit
pang nadagdagan nang nagsalita na mismo si
G. Yambot tungkol sa mga ibat ibang proseso
ng pagpapatakbo ng isang pahayagan.
Sa katunayan ay nagawa pa nga niyang magbiro upang mapukaw pa lalo ang kamalayan

ng odyens. Bilang isang kilalang tao sa kanyang larangan, nag-iwan rin siya ng mahahalagang tips na siyang magagamit ng mga
estudyante lalo na ang mga nasa AB-PHM.
Ang Whatever sa/at Kulturang Popular
Ang pangalawang panayam naman ay kinatatampukan naman ni John Enrico C. Torralba
na bukod sa pagiging isang propesor ng Departamento ng Filipino ay bihasa rin siya sa
larangan ng Media/Cultural Studies, Creative
Writing, Philippine Literature, Philippine Studies at higit sa lahat ay Popular Culture. Naging
sentro ng kapana-panabik na panayam na ito
ay ang konsepto ng WHATEVER sa ating kulturang popular upang mapaliit ang malawak
na sakop ukol sa diskursong ito.

pang-ekonomiko, kultural hanggang sa pangkasariang kalagayan ng mga mamamayan.


Ito marahil ang pinupunto ng panayam na
ginanap noong ika- 10 ng Oktubre sa Tereso
Lara na pinamagatang Kultura at Kalagayan
ng mga Bakla sa Pilipinas.
Tinalakay ni Prof. Rowell Madula, ang tagapagsalita ng nasabing panayam, ang kalagayan ng mga bakla sa lipunang Pilipino at
ang mga paghuhusga at diskriminasyong nararanasan nila.
Nagsimula ang panayam sa pagbalangkas ng
kasaysayan ng konsepto ng pagiging bakla.
Lingid sa kaalaman ng lahat, kasama na ako
doon, mayroon ng mga lalaking nagbibihis babae noong sinaunang panahon, silay yaong
mga lalaking walang kakayahang magkaroon
ng anak. Tinuturing na normal na kalagayan
sa lipunan ang pagkakaroon ng ganitong penomena. Ang karamihan pa nga sa mga itoy
mga babaylan at nakikilahok sa panlipunang
gawain, ginagawa nila ang kalimitang ginagawa ng mga babae sa lipunan, at maari din
silang mag-asawa ng kapwa lalaki.

Isa sa mga naging tampok na bahagi ng usapan ay pagpapalalim sa konsepto ng tunggalian. Binigyang-diin ni Prop. Torralba ang
pagpapalalim ng usapin sa gahum o hegemoniya. Ang panayam na ito ay nag-iwan ng
inspirasyon sa mga mag-aaral ng wika, kultura
at mass midya sa Pilipinas. Dahil sa magaling
na pagtatalakay, nagkaroon ng mainam na
pundasyon ang mga mag-aaral na siyang aapakan nila para simulan ang kanilang tunay Kung gayon papaano nagsimula ang diskriminasyon? Tulad ng diskriminasyon sa mga bana laban sa kolehiyo.
bae, nagsimula ang diskriminasyon sa mga
bakla ng simula tayong sakupin ng mga KasAng Kultura at Kalagayan ng mga Bakla
Kinakailangang wakasan ang anumang uri tila. Mariing tinutulan ng simbahan ang pagng diskriminasyon, panghuhusga at pagsasa- sasama ng parehas ang kasarian sa paninimantala sa mga mamamayan mula sa mga walang tanging lalaki at babae lamang ang
nararapat magsama,
dahil
ang pagtatalik
ay dapat magbunga ng anak
na hindi kailanman mangyayari sa parehas
na kasarian.

Kasama ng mga miyembro ng DANUM si Philippine Daily Inquirer Publisher, G. Isagani Yambot at ang ang kanilang
tagapayo na si Prop. Rowie Madula.

20

Alinaya

Dahil sa higpit
ng kapit ng relihiyon sa ating
pamumuhay
bilang Pilipino,
nagpatuloy
ang ganitong
paniniwala
hanggang sa
kasalukuyan.
Patuloy pa ring
pinangingilagan ang mga
bakla sa kasa-

BALITA/LATHALAIN
lukuyan, ginagawang katatawanan at patuloy
ang diskriminasyon.Narito pa nga ang pagkakaroon ng napakaraming salitang iniugnay
sa mga bakla halimbawa dito ang Pa-mhin
o mga baklang nagbabalot-kayo bilang tunay
na lalaki, narito din ang Pa-girl o ang lantad
na pagiging bakla kung saan nagsusuot pa ng
damit at nagkikilos babae at Silahis o pwede
sa babae at lalaki. Ginagamit din ang salitang
bakla bilang pantawag sa mga lalaking
matatakutin o naduduwag. Patuloy pa rin ang
pagkakahon sa mga bakla sa mga industriya,
tinuturing ang mga bakla na pam-parlor lang.
Natapos ang panayam sa paglalahad na ang
mga bakla upang maging tunay na malaya ay
nararapat lamang na makilahok at makiisa
sa laban ng iba pang sektor sa lipunan.
Mga Teorya at Kritika
Tinalakay ni G. Caloy Conde, correspondent
ng New York Times at Tribune Herald, mga
pahayagang internasyunal, ang Teorya sa Pamamahayag noong ika-21 ng Nobyembre sa
Ariston Estrada Auditorium.
Binigyang-pansin ni Conde ang mga mamamahayag sa kanilang tungkuling maghatid
ng patas at wastong pagbabalita sa kanilang
mga mambabasa.
Gayundin ay tinalakay din ang kahalagahan
ng mga makabagong teknolohiya sa pamamahayag kagaya ng website, blog at podcast
na kilala rin bilang new media. Ipinaalala niya
na ang paggamit ng ganitong tipo ng midyum
sa pamamahayag ay may kaakibat na matinding responsibilidad.
We will soon see that these old media denizens improving journalism using new media,
and the public will be the better for it. Because,
really, if theres anybody whos in the best position right now to use new media to improve
journalism, its those who are already in the
newsrooms, and not some blogger in a pajama trying his shrillest best to carve a niche in
a crowded market by turning blogging into a
tool for what amounts to nothing but heckling
(Makikita natin sa hinaharap, na ang old media ay maaaring umunlad sa pamamagitan ng
mga makabagong pamamahayag. Dahil kung
mayroon mang mga taong nasa mahusay na
posisyon para gumamit ng new media upang
paunlarin ang pamamahayag ay iyong mga
nasa loob na ng newsrooms at hindi ang ilang
mga blogger na nakasuot ng pajama na ginagawa ang lahat ng pinakamalaswang paraan
upang gumawa ng pangalan sa isang siksikang merkado para lamang gawing kasangkapan ang blogging para mamahiya ng iba),
paglilinaw ni Conde. A

Ang Pagdaloy ng DANUM


Mula sa salitang Iloko na ang salin sa wikang Tagalog ay tubig, ang DANUM o Dalubhasaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral sa Wikang Filipino ay natatanging organisasyon ng mga mag-aaral sa Pamantasan ng De La Salle. Binuo noong 2005 sa tulong
ng Departamento ng Filipino, nagsilbi itong lunduyan ng mga mag-aaral na nagmamahal sa wika at kalinangang Filipino.
Itinuturing na isang propsesyunal na organisasyon sa ilalim ng Council of Student Organizations (CSO) ang DANUM. Pinagbubuklod nito
ang mga mag-aaral na may interes sa midya,
kultura at wika sa Pilipinas, lalo pa yaong
mga kumukuha ng kursong Philippine Studies. Ito ang organisasyon ng mga mag-aaral
na itinuturing na pangunahing tagapagsulong
ng paggamit ng wikang Filipino sa ibat ibang
larangan at disiplina.

Inihahandog ng DANUM ang serye ng mga lektyur na tumatalakay sa tatlong larangang pinahahalagahan nito: wika, kultura, at midya.
Nais ng organisasyon ang mapaglingkuran
ang mga mag-aaral ng Philippine Studies at
makapagbukas ng isang lugar para ipaalam
sa iba pang mag-aaral ng pamantasan ang
mga kaalaman tungkol sa sariling kulturang
kinabibilangan. Bukod sa mga lektyur, naghahanda rin ng mga gawain ang DANUM na tumutugon sa bisyon-misyon ng pamantasan
Lan sa mga adhikain ng DANUM ang maka- habang naipagmamalaki ang pagka-Pilipino
paglunsad ng mga programa at proyektong ng mga Lasalyano.
makapag-aambag ng makabuluhang mga
pagbabago sa midya, ang makapagpaunlad Kaakibat ang Departamento ng Filipino sipang lalo ng kulturang Filipino, at makatulong nusubok at patuloy na itinataguyod ng DAsa intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
NUM ang pagmamalaki sa midya, kultura at
wikang Filipino para sa pag-unlad at pagbuo
Sa kasalukuyan, ito ay pinangungunahan ng ng kaakuhang Pilipino. A
mga mag-aaral na sina Marie Angeli Syjueco
Pangulo, Paula
Leonor Venturina Ikalawang
Pangulo, Patricia Mae Alfonso Kalihim,
at Joyce Anne
Ramos IngatYaman. Nagsisilbi naman
bilang
mga
Ta g a p a n g u l o
sina Ralph Quiambao Akademiks, April
Maniacup

Gawain, Elaine
Espiritu Ugnayang Panlabas, at Jarvis
Vernon
Ong
Publisidad.
Nagsisilbing
gurong tagapayo ng DANUM
si Prop. Rowell
Madula ng Departamento ng
Filipino.

Alinaya

21

LATHALAIN

r
r
e
e
t
t
n
n
e
e
C
C
a
a
y
y
u
K
Ku

sefina
ni Ma. Jo

ri
R. Marfo
AB PhM

Mga batang lalaki na nagtatakbuhan, nagkukulitan at nagtatawanan. Tila hindi mababakas sa kanilang mga
mukha ang mapait nilang nakaraan bilang dating mga batang kalye. Iyan ang madadatnan kapag bumisita
sa orphanage ng Kuya Center sa Cubao Quezon City.

Ang Kuya Center ay isang non-government


na organisasyon na itinayo ng mga Agustinian brothers at misyonaryo na nanggaling pa ng Italya, kaakibat ng mga Pilipinong misyonaryo na walang ninais kundi
ang makatulong sa kanilang kapwa. Ang
Kuya Center ay naging bahay ng higit sa
isandaang mga lalaking batang kalye na
kanilang hinikayat na manirahan na lamang sa kanila hanggang matulungan sila
ng organisasyon makapag-aral at mabalik
sa kanilang mga pamilya. Dito ay pinapakain sila ng tama, tinuturuan sila ng
magagandang asal at ng importansya ng
edukasyon, at angmaging ang kabuluhan
ng pananampalataya sa Diyos sa buhay ng
isang tao.
Nasa edad lima hanggang labingwalo ang
mga bata na nanirahan sa Kuya Center.
Natatagpuan nila ang mga bata sa ibat
ibang parte ng Maynila at nahihikayat nila
ito sumama at manirahan muna sa kanila
sa pamamagitan ng isang misyonaryong
nagdadamit at nagpapanggap din na taong kalye na kinakaibigan ang mga bata
at nagpapakita ng malasakit bilang isang
nakatatandang taong kalye hanggang
sa sumama na ito sa kaniya sa organisasyon.
Dahil nag-aanyaya ng mga volunteer ng
organisasyon, nagkaroon ako ng pagkakataon makilala si Michael, isang 12
years old na batang lalaki na nanggaling
pa sa Antipolo. Mapungay ang kaniyang
mga mata at ang ngiti sa kaniyang mukha
ay hindi matanggal. Mahilig siyang magtanong, magsulat, at magkulay. Mapayat
ang kaniyang katawan pero nang ako ay
magpasama sa kaniya para bumili ng aming tinapay sa tindahan na malapit sa Center, napansin ko na napakalakas niyang
kumain.
Hindi pangkaraniwan ang istorya ni Michael. Sa edad na siyam, siya ay nakulong.

22

Alinaya

Matapos niya itong banggitin ay ipinakita niya


ang tattoo na gawa sa asul na tinta na hindi
na muling matatanggal sa kaniyang kanang
braso. Sapilitan daw itong nilagay sa kaniya
sa loob ng kulungan bilang marka ng isang
batang nakulong. Hindi legal na kulungin ang
mga bata pero dahil sa sistema na mayroon
ang Pilipinas, ang mga batang tulad ni Michael ay nauuwi sa mga kulungan. Matapos
hulihin habang sila ay sumisinghot ng rugby, si
Michael, sampu ng kanyang mga kasama ay

pinosasan ng mga pulis. Nagulat ako dahil sa


amo ng kaniyang mukha, hindi ko maisip na
humantong siya sa ganoong klase ng gawain.
Nagawa niya daw ito dahil sa tindi ng gutom
na kaniyang nararamdaman. Hindi ko siya
masisisi. Gayunpaman, hindi pa rin nararapat
na siya ay ikinulong.
Sa gaan ng tono ng kaniyang munting boses,
nagmistulang mababaw lamang ang aming
usapan kahit ito ay ang kabaliktaran. Nagtaka din ako kung papaano siya napunta sa
kalye. Nasimula daw
iyon dahil binubugbog

LATHALAIN
siya ng kaniyang ama na lasenggero at nakikita din niya ang kaniyang ina na duguan.
Dagdag pa rito, ang kaniyang nag-iisang kuya
ay nabaril dahil sa isang away. Sumakit ang
aking puso para sa kaniya ng marinig ko ang
tindi ng kaniyang karanasan subalit kung kaniyang ikwento ang mga pangyayari
na kaniyang pinagdaanan parang
isang normal na kaganapan lamang. Siya rin ay pumapasok sa
isang pampublikong paaralan at
nais niya makatapos ng pag-aaral
upang maging isang abogado baling araw. Naniniwala ako na mararating niya ito.
Isa lamang si Michael sa mga
bata na napunta sa organisasyon
na may katangi-tanging istorya.

Napaisip ako kung ano pa kaya ang istorya


ng ibang mga bata na kabilang sa Kuya Center na nakapagbibigay ng bagong pag-asa sa
mga kabataang katulad nila. Ang hiling ko
lamang ay sana dumami pa ang mga organ-

Sumakit ang aking puso para sa


kaniya ng marinig ko ang tindi ng
kaniyang karanasan subalit kung
kaniyang ikuwento ang mga pangyayari na kaniyang pinagdaanan
parang isang normal na kaganapan lamang.
isasyon na katulad nito na nakakatulong sa
mundo upang gawin itong isang mas mabuti
at magandang lugar na tirahan ng mga kabataang pag-asa ng ating kinabukasan. A

Alinaya

23

Eksena, Eksena atbp.

PAMATNUGUTAN
PAMATNUGUTAN
<Punong
<Punong Patnugot>
Patnugot> ROWELL
ROWELL D.
D. MADULA/<Tagapamahalang
MADULA/<Tagapamahalang Patnugot>
Patnugot> JOEL
JOEL ORELLANA/<Lupon
ORELLANA/<Lupon ng
ng
mga
mga Tagapayo>
Tagapayo> DR.
DR. JO
JO MANGAHIS,
MANGAHIS, PROP.
PROP. NONON
NONON CARANDANG,
CARANDANG, DR.
DR. RHOD
RHOD NUNCIO,
NUNCIO, DR.
DR. RAKKI
RAKKI SISONSISONBUBAN,
BUBAN, DR.
DR. LHAI
LHAI TAYLAN,
TAYLAN, DR.
DR. FANNY
FANNY GARCIA,
GARCIA, PROP.
PROP. RAMIL
RAMIL CORREA/<Kalihim>
CORREA/<Kalihim> MALOU
MALOU BAGONA
BAGONA
MGA
MGA KONTRIBYUTOR
KONTRIBYUTOR PARA
PARA SA
SA ISYUNG
ISYUNG ITO:
ITO:
GENARO
GENARO GOJO
GOJO CRUZ,
CRUZ, JOHN
JOHN ENRICO
ENRICO TORRALBA,
TORRALBA, EVANGELINE
EVANGELINE ENCABO,
ENCABO, JOSELITO
JOSELITO DELOS
DELOS REYES,
REYES, MA.
MA. JOSEFINA
JOSEFINA MARMARFORI,
FORI, DANUM
DANUM

PASASALAMAT
PASASALAMAT

DR.
DR. ROLANDO
ROLANDO TOLENTINO,
TOLENTINO, DR.
DR. LAKANGITING
LAKANGITING GARCIA,
GARCIA, DR.
DR. FEORILLO
FEORILLO DEMETERIO,
DEMETERIO, DR.
DR. GERRY
GERRY TORRES,
TORRES, PROP.
PROP. DEXTER
DEXTER
CAYANES,
CAYANES, GERG
GERG ANROL
ANROL CAHILES,
CAHILES, DEPARTAMENTO
DEPARTAMENTO NG
NG LITERATURA
LITERATURA

PAMUHATAN
PAMUHATAN
Alinaya

Departamento
Departamento ng
ng Fillipino,
Fillipino, Room
Room 402,
402, William
William Hall,
Hall, De
De La
La Salle
Salle University-Manila/
University-Manila/ Telepono:
Telepono: (02)
(02) 5244611
5244611 lokal
lokal 509.
509.
/Email
Address:
dlsu.alinaya@gmail.com
/Email Address: dlsu.alinaya@gmail.com

You might also like