You are on page 1of 3

ANG LIHIM NA PAGTINGIN NG HARING PABO

Sa isang magandang kagubatan na ang pangalan ay Engkantadia, May iasang hari


ang pinapangarap mapangasawa ng lahat at ito si Haring Pabo at ang kanyang
mga taga paglingkod na si Ibonna, Usanna, Dagatong.
Haring Pabo- Kailan kaya ako makakahanap ng tunay na Pag-ibig?
Ibonna- Wag mong hanapin mahal na hari dahil kusa itong dadating sa tamang
panahon.
Usanna- Tama si Ibonna mahal na hari!
Dagatong- May naisip ako para hindi na kayo malungkot, Maglibot tayo sa
Engkantandia!
Usanna- Magandang ideya dagatong . Tara na!
Sa paglilibot nila may dalawang Mag kaibigan na matagal ng nagmamasid sa mahal
na hari at ito si Asolin at Pusania na laging nagtatalo. Nasa tabi sila ng patong
patong na puno.
Asolin- Sobrang lakas talaga ng dating ng ating hari!
Pusania- Tama ka diyan at balang araw ako ang kanyang magiging reyna!
Asolin - Nangangarap ka ata Pusana! ( Biglang tulak)
Dagatong- Mukhang may iba pang hayop ang narito, Tarat silipin natin!
Kaagad hinawi ng haring pabu ang tumpok tumpok na dahon sa Puno at nakita
niyang nakayuko si Asolin at Pusania.
Asolin- Patawarin niyo po kami mahal na hari! Matagal na po kaming may lihim na
pagtingin sayo.
Pusania- Tama po mahal na hari.
Usanna- Marahil yan siguro ang dahilan ng inyong pagtatalo.
Ibonna- May naisip akong paraan bakit hindi kayo magpaliksahan upang
mapatunayan ninyong kayo ay karapatdapat para sa pag-ibig ng hari.
Dagatong- Pumapayag ka ba haring pabo?
Haring Pabo- Oo pumapayag ako!
Si Asolin at pusania ay Masaya sakanilang narinig, Napatalon sila sa saya at bigla
nalang nagtalo.

Pusania-Siguradong sigurado ako na ang pipiliin ng mahal na hari!


Asolin- Malalaman natin yan!
Usanna- Unang pagsubok ay dapat masiyahan ang mahal na hari sa mga linyang
gagamitin ninyo!
Asolin- Mahal na hari PABO ka ba?
Haring Pabo- Oo, Bakit?
Asolin- Kasi PABOrito kitang pag masdan.
Haring pabo- Magaling! Salamat!
Agad agad namang bumawi si Pusana .
Pusania- Hindi na po ako makakita mahal na hari! Tulungan niyo po ako!
Haring Pabo- Oh bakit?
Pusania- Wala na po akong makitang hihigit pa sayo
Haring Pabo-( Kaagad itong ngumiti)
Ibonna- Ang pangalawang pagsubok ay dapat mabilis kayong makatawid sa Dagat.
Si Asolin at Pusania ay kaagad Lumusong sa tubig at nangunguna na si asolin at sa
kasamaang palad ay naipit ang paa ni pusania sa isang bato sa dagat, Malapit nang
manalo si aso lin ngunit kaagad siyang lumangoy pabalik kay pusania para itoy
sagipin, agad agad niya itong pinasan sa kanyang likod mula sa pagkalunod nito.
Natuwa ang mahal na hari at bigla itong nagpasya.
Haring Pabo- Tapos na ang paliksahan! At nakamit ninyo ang walang katumbas na
pagmamahalan bilang magkaibigan.
Agad agad nagyakapan si asolin at pusania at agad itong nagbati at nagpasalamat
sila sa mahal na hari dahil sa kanilang mga natutunan na ang pagkakaibigan ay isa
sa pinakamagandang bagay sa mundo.
Bumalik ang mahal na hari at ang kanyang mga taga paglingkod sa palasyo at tila
natahimik ang mahal na hari.
Ibonna- Bakit po kayo tahimik mahal na hari?
Haring Pabo- May iniisip lamang ako
Ibonna- Kung ano pa man yan malamang ay tungkol parin ito sa inyong pag-ibig?

Haring Pabo-At mukhang alam mo ang nararamdaman ko ibonna, Sana nga ay


iyong alam.
Dagatong- bakit hindi ninyo po sabihin mahal na hari?
Ibonna- Piliin niyo po yung hayop na hindi ka hahanapan ng wala sayo mahal na
hari
Haring Pabo-At dahil dyan kaya kita nagustohan ibonna, Ang totoo ay matagal na
akong may lihim na pagtingin sa iyo.
Ibonna- Matagal na din po akong may lihim na pagtingin sayo mahal na hari ngunit
hindi ko ipinagtapat dahil ako hamak na tagapaglingkod lamang
Haring Pabo- Hindi Mahalaga kong anong meron ka ang mahalaga mahal kita hindi
dahil sa iyong kagandahan ngunit dahil sa iyong kabutihang taglay.
Dagatong-Ano pang hinihintay natin! Ayusin na natin ang inyong kasal mahal na
hari!
Masayang ikinasal si ibonna at ang mahal na haring pabo kasama pa ang ibat ibang
hayop na nagdiwang ng Masaya sa engkantadia .
At dito nagtatapos ang istorya

--Angelica Muffy T. Tibayan


Rommeliza Francisco
Aldrin Panikan

You might also like