You are on page 1of 6

DRA

(Directed Reading Activity)


o
Pinatnubayang Pagbasa
Limang Hakbang:
• Paghahanda sa pagbasa
• Pinatnubayang tahimik na pagbasa
• Pagtalakay
• Makabuluhang muling pagbasa
• Panubaybay na mga gawain at pagpapaunlad ng
kasanayan
"Nasaan ang Prinsesa ko?"
Sa isang napakalaking kaharian, may isang prinsipe na nangungulila. Nangungulila ito dahil
sa isang dilag na nakilala niya sa kagubatan habang siya ay nangangaso. Ngunit sa kasamaang
palad ay hindi niya gaano naaninag ang mukha ng dilag. Ito ay nag-isip ng paraan para makita
ulit ang dilag. Ipinatawag niya ang lahat na mga babae sa buong kaahiran upang isa-isahin
ang mga mukha nito at umaasang makikita niya ang kanyang iniibig na dilag..

Juana: Ako talaga iyon mahal kong prinsipe. Naghahanap ako ng mga sanga noong hapon na
iyon upang gamitin sa aking pagluluto.

Prinsipe: Sinungaling! Walang sangang bitbit ang nakita kong dilag!


Fernanda: Ako ang paniwalaan mo mahal kong prinsipe. Nawawala ang alaga kong kuneho
kaya ako'y lumibot sa kakahuyan upang hanapin iyon at doon kita natagpuan.

Prinsipe: Sinungaling! Hindi ko man nakita ang mukha ng dilag na iyon ngunit hindi ako
bingi dahil sa boses mong napakalaki!

Jualita: Wag mo silang paniwalaan! Ako ang hinahanap mo at mapapatunayan ko iyon mahal
na prinsipe. Ako'y naglalakbay kasama ang aking kabayo at doon nakita kitang nangangaso
kaya ikaw ay aking pinuntahan.

Prinsipe: Paano kita paniniwalaan dahil hindi naman nakasakay sa kabayo ang iniibig kong
dilag. Isa ka rin sa mga sinungaling!
Ang paghahanap ay umabot hanggang umaga at sadyang pagod na pagod na ang mahal na
prinsipe. Isang dilag nalang ang tinatanong ng prinsipe at noong patapos na ay may
nasisilayan siyang pamilyar na anino na palapit. Doon ay nawala ang pagod at antok niya
dahil sa wakas, nakita niya na rin ang dilag na nagpatibok ng kanyang puso.

Prinsipe: Isang tanong lang ang aking tatanungin at doon masisigurado kong ikaw na talaga iyon.
Anong kulay ang suot kong sapatos noong nagkita tayo?

Maria: Hahaha. Anong sapatos? Eh nakapaa ka noon mahal kong prinsipe.

Prinsipe: Ikaw! Ikaw nga ang hinahanap ko!

At doon, nag-isa ang kanilang puso at sila'y namuhay nang masaya at mapayapa.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like