You are on page 1of 6

Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda;

kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala. Ito ang
tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose
Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.
Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay
buhay ditto. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga kumunidad na
naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating
pagkakakilanlan. Dahil ditto ay nakikita ang ibat ibang impluwensiya sa
bansa na siyang nakapagbabago at humulma sa pagkatao ng mga
mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay batayan ng natatanging kultura ng
isang bansa.
Noong ka-26 ng Marso 1946, nagpalabas si Pangulong Sergio Osmena ng
Proklamasyon Blg. 35, ng nagtatalaga ng petsang mula ika-27 ng mArso
hanggang ika-2 ng Abril bilang Linggo ng Wika. Noong ika-23 ng
Setyembre1955, iniutos naman ni Pangulong Ramon Magsaysay sa
pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 na ang Linggo ng Wika ay
ipagdiriwang mula ika-13 hanggang ika-19 ng Mayo. Ang pagbabago ng

petsa ng pagdiriwan ng Linggo ng Wika ay bilang paggunita sa kaarawan ni


Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.
Dahil sa paglilipat na ito ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika,
nagging imposible para sa mga estudyante at guro ang makilahok dito.
Pagkatapos ng Himagsikan sa EDSA noong 1986, inilabas ni Pangulong
Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 noong ika-12 ng Agosto 1988,
upang pagtibayin ang pagdedeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula
ika-13 hanggag ika-19 ng Agosto 1988, upang pagtibayin ang pagdedeklara
ng pagdiriwang ng Liggo ng Wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto
kada taon.
Upang higit pang pagtibayin ang mga naunang proklamasyon hinggil sa
Linggo ng Wika, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong
buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng
Proklamasyon Blg. 1041 noong ika-15 ng Enero, 1997.
Sa kasalukuyan, ipinagdiriwang pa rin ang Linggo ng Wika at Buwan ng
Wika sa Pilipinas. Opisyal itong nakatala sa listahan ng mga kultural na
pagdiriwang sa bansa.

Karaniwang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa elementarya, sekundarya


at kolehiyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng palatuntunan, mga
patimpalak sa paggawa ng tula, pagbigkas ng tula, pag-awit, pagsusulat ng
maikling kwento at sanaysay, pagpupulong, at talakayan gamit ang wikang
Filipino. Upang mapahalagahan ang sariling wika, nagkakaroon din ng mga
patimpalak sa pagsusulat ng slogan, paggawa ng poster at marami pang
aktibidad mula sa ibat ibang munisipalidad at siyudad.
Sa panahon natin ngayon, maraming mga Pilipino ang bihasa sa paggamit ng
wikang Ingles. Minsan, ito ay mas madalas nagagamit kaysa sa wikang
Filipino. Kadalasang iniisip ng mga Pilipino na kapag marunong ka magIngles, ikaw ay mayaman, sosyal, may class, may lamang sa iba at globally
competitive daw. Ang iba nga ay nagsasalita ng Ingles kahit sila ay pamalimali sa paggamit nito para lang mapatunayang kaya rin nila mag-Ingles.
Minsan, nakakalimutan natin ang importansya n gating mga sariling wika.
Ang wikang Filipino ay ang inayos na bersyon ng wikang Tagalog pero hindi
ibig sabihin na yun lang ang ating wika. Meron pa tayong ibat-ibang wika na
ginagamit sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas. Ang lahat ng wika sa bansa ay
umaabot ng higit pa sa 170ng dialekto.

Tunghayan natin ang Tema ng Buwan ng Wika sa taong ito: Pilipino Wika
ng Pambansang Kaunlaran. Hindi natin maipagkakaila na ang pangunahing
ginagamit natin para tayo ay magkaintindihan ay ang wika. Tamang tama
kung sabihin natin na ang wika ay tumutulong sa ating bayan para tayoy
makaisa at magkaroon ng masarap na pagsasama. Bilang isang nayon at isang
komunidad, nararapat lamang na tayo ay magkaintindihan para umunlad an
gating bayan. Mahalaga ang wika sa pagkakabuklod-buklod ng isang pook o
lugar. Kaya nararapat lang na pahalagahan natin ang wika lalong lalo na
ang wikang Filipino.
Sabi nga nila, ang Pilipino ay mahilig magsalita, mahilig makipagtalastasan,
mahilig makipagchismisan, mahilig makipagdaldalan. Minsan pa ngay
nakakalat ang mga balitang hindi kaaya-aya at walang katotohanan. Hindi
naman talaga maiiwasann iyon. Kaya nga, isa itong indikasyon kung gaano
kahalaga ang wika. Ang mga salita natin ay pwedeng makapaangat o
makasira ng isang tao. Kaya nga dapat nating ingatan ang ting mga
pinagsasabi, mag-ingat sa wikang ginagamit natin.
Pinapahayag natin ang ating mga saloobin kung tayoy may nararamdaman
sa pamamagitan ng wika. Kung gusto mong ipahayag ang iyong pag-ibig,

wika ang siyang ginagamit mo. Kung gusto mong ilahad ang iyong galit,
wika ang ginagamit mo. Minsan pa ngay may mga salitang mas may impact
kung nasa isang partikular na wika ito.
Ang wika rin ay isang ebidensiya sa makasaysayang kultura ng isang bayan.
Ito ay ang kaluluwa ng bayan. Ito ang batayan ng kultura ng isang bansa.
Ilagay natin sa halimbawa ang Wikang Filipino. May ibang mga bansa bang
nagsasalita sa Wikang Filipino? Di ba wala? Siguro, may mga ibang mga
salita na galing sa salitang Espanol, Malay at iba pa. Ngunit, isa lang iyong
patunay sa ating makasaysayang kultura. Bumisita sa atin ang mga Malay at
Insik, sinakop tayo ng mga taga Espana. Kaya dapat di na tayo magtaka sa
mga salita natin Pinaghalo-halo ang lahat ng iyon para tayo makagawa ng
sariling wika kung saan itoy nagpapatunay n gating kahusayan at
katalinuhan.
Sa ilalim ng Konstitusyon ng 1987, muling nabigyan ng halaga ang salitang
Filipino. Datapwat Filipino at Ingles pa rin ang opisyal na wika sa ating
saligang-batas, naglagay ang 1986 Constitutional Convention ng isang
probisyon na nag-aatas sa ating Kongreso na pag-aralan at magbuo ng isang
tunay na pambansang wika na tatawaging Filipino na kakatawan sa lahat ng

mga katutubong wika at maging wikang banyaga na malaki rin ang


impluwensya sa paghubog ng ating kalinangan.

You might also like