You are on page 1of 1

POL MEDINA JR

Si Apolonio Pol Medina Jr., ay isinilang noong Abril 6,1960, at kinikilala ng isa sa mga
pinakatanyag na dibuhista sa Pilipinas ngayon. Naging bantog si Medina sa kaniyang mga
obrang gaya ng Pugad Baboy, isang black-and-white na komik istrip na unang lumabas sa
Philippine DailyInquirer (PDI) noong Mayo 18, 1988.
Talambuhay
Si Pol ay nag tungo sa Iraq sa kasagsagan ng giyera sa pagitan ng Iran at Iraq nang
makapagtapos siya ng kursong Arkitektura sa Unibersidad ng Sto. Tomas noong 1983, upang
magtrabaho sa isang Italian construction company. Sa mga panahong inilagi niya sa lugar na
iyon, kanyang naranasan ang sinasabi niyang pinaka-nakababaliw na dalawang taon sa kaniyang
buhay. Taong 1986 nang nagsimula siyang gumawa ng iskrip at gumuhit para sa PugadBaboy,
isang bagong komiks tungkol sa isang komunidad at sa isang asong nagngangalang Polgas.
Matapos nito ay nagtrabaho naman siya bilang isang arkitekto sa isang firm sa San Juan, Metro
Manila noong 1987. Setyembre noong taong 2002, si Pol ay naging isa sa mga co-founder ng
PugadBaboy Inc., kasama ang pito sa kaniyang mga kaibigan. Ginamit ng kumpanya bilang
motto ang Ad Astra Per Asperan inspirasyon dito ang Pulitzer Prize-winning novel ni Harper Lee
na To Kill a Mockingbird. Matapos ang tatlong taon, tuluyang nagsara ang kumpanya kasabay ng
pag-alis dito ni Pol upang magsimulang isang bagong karerasa advertising industry.
MgaObra at Parangal
Simula noong 1988, ang kaniyang istrip ng PugadBaboy ay inilathala sa Philippine Daily
Inquirer a tsa kaniyang 20 koleksyon. Kinilalang Komikon ang kaniyang husay bilang isang
dibuhista nang manalo siyang dalawa ng award noong 2006. Ang kaniyang likhang karakter na
si Polgas ay napilibilang Best Character at si Medina naman bilang Best Humor Artist.Si Pol ay
ikinasal sa kaniyang maybahay na si Susan at sila ay may tatlong anak: sina Maia cecilia,Eladio
Jose at Pablo Jose.

You might also like