You are on page 1of 1

Editoryal: Mga Bahagi ng Editoryal

Bahagi ng Editoryal at
Mga Tuntunin sa pagsulat ng Editoryal o pangulong-tudling
Mga Bahagi ng Editoryal
1. Panimula o news peg. Ito ang paksa o balitang batayan ng isusulat na tudling. Narito ang mga tala o
detalye ng paksa. Kailangang ito ay maging maikli lamang.
2. Katawan. Ito ang kuru-kuro o palagay ng sumulat ukol sa paksa. Maaaring laban o sang-ayon siya sa
paksa. Narito rin ang layunin ng sumulat ng editorial.
3. Panapos o pangwakas. Pagpapatibay ito ng kuru-kuro at pagbibigay ng mungkahi o solusyon sa
tinatalakay na isyu.
Mga Tuntunin sa Pagsulat ng Editoryal
1. Magkaroon ng kawili-wiling panimula, maikli lamang upang akitin ang mambabasa.
2. Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan nang maayos at malinaw.
3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip ay
a.

Gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang simulain.

b. Gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba.


c.

Gumamit ng magkakatulad na kalagayan.

d. Banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan.


4. Tapusin ang naaangkop.
5. Tandaang ang pinakapansing bahagi ay ang panimula at ang panapos.
6. Gawing maikli lamang.
7. Huwag mangaral, ilahad lamang ang katwiran at hayaang ang mambabasa ang gumawa ng sariling
pagpapasiya.
8. Iwasan ang unang panauhanm isahang panghalip.
9. Sulatin nang payak lamang.

You might also like