You are on page 1of 57

LAGOM,

KONGKLUSYON at
REKOMENDASYON
Ito ang huling kabanata ng pamanahong
papel. Ito rin ang isa sa
pinakamahalagang bahagi niyon sapagkat
dito: nilalagom ang mga nakalap na datos
at impormasyon; inilalahad ang mga
generalization sa anyong
kongklusyon batay sa mga
datos na nakalap;
at ipinatutungkol sa mga
kinauukulan ang mga
rekomendasyon tungo sa
posibleng kalutasan ng
mga suliranin.
LAGOM
a. Simulan ang lagom sa isang maikling
pahayag tungkol sa pangunahing layunin ng
pag-aaral, mga
respondante,saklaw,limitasyon
at panahon ng pag-aaral,pamamaraan at
instumentong ginamit sa
pangangalap ng mga datos at
impormasyon at ang
disenyo ng pananaliksik. Hindi na
kailangan ng anumang
eksplanasyon o pagpapalawig.
sa pangangalap ng mga datos at impormasyon
at ang disenyo ng pananaliksik. Hindi na
kailangan ng anumang eksplanasyon o
pagpapalawig.
b. Ilahad ang lagom sa paraang tesktwal at
numerikal sa pamamagitan ng
pagbubuod ng mga impormanteng
datos.
c. Huwag gumawa ng mga deduction,
inference at interpretasyon sa lagom
dahil mauulit lamang ang mga
iyon sa kongklusyon.
d. Ang mga impormanteng tuklas at haylayt ng
mga datos ang dapat banggitin sa lagom,
lalung-lalo na iyong
mga pinagbatayan ng mag
kongklusyon
e. Ang mga datos ay hindi dapat ipaliwanag
pang muli.
f. Gawing maiikili at tuwiran ang mga
pahayag sa lagom.
g. Huwag magdaragdag
ng mga bagong datos
o impormasyon
sa lagom.
KONGKLUSYON
a. Lahat ng kongklusyon ay dapat ibatay sa
lohika ng mga datos at impormasyong
nakalap.
b. Dapat masagot nang tumpak
at maayos ang mga
katanungang tinukoy sa
Layunin ng Pag-aaral.
Mawawalan ng kabuluhan ang pananaliksik
kung ang mga katanungang iyon ay hindi
malalapatan ng mga kasagutan sa
kongklusyon.
c. Dapat matukoy sa
kongklusyon ang mga
paktwal na
napag-alaman sa inkwiri.
d. Huwag bubuo ng kongklusyon batay sa
mga implayd o indirektang epekto ng
mga datos o impormasyong nakalap.
e. Gawing maiikli at tuwiran ang mga
kongklusyon , ngunit tandaang kailangang
maihayag ang mga kailangang
impormasyong resulta
ng pag-aara na hinihingi ng mga
tiyak o ispesipik na
tanong sa Layunin ng
Pag-aaral.
f. Maging tiyak sa paglalahad ng mga
kongklusyon. Hindi dapat ipahiwatig ng
mga mananaliksik na sila’y may
pagdududa o alinlangan
sa validity at reliability
ng kanilang pananaliksik.
Kailangan kung gayong iwasan ang mga salitang
nagpapahayag ng walang-katiyakan tulad ng
siguro,marahil,baka atbp.
g. Ilimita ang mga kongklusyon
sa paksa, saklaw at panahon
ng pag-aaral.
h. Ang mga kongklusyon ay hindi dapat
bahagi ng pamanahong papel.
Samakatwid, ang isang
diwang una nang nabanggit
sa ibang bahagi ay
kailangang maipahayag
sa ibang kaparaanan sa
kongklusyon.
REKOMENDASYON
a. Ang mga rekomendasyon ay dapat
naglalayong lutasin ang mga suliraning
natuklasan sa imbestigasyon .
b. Huwag magrekomenda ng mga solusyon sa
anumang suliraning hindi naman natuklasan o
natalakay sa pag-aaral.
c. Bagama’t ang mga rekomendasyon ay
maaaring maging ideyal, kailangang ang bawat
isa’y maging praktikal, naisasagawa,
nakakamit, makatotohanan at makatarungan.
d. Dapat maging balid at lohikal ang bawat
rekomendasyon.
e. Dapat ipatungkol ang bawat rekomendasyon
sa indibidwal, pangkat, tanggapan o
institusyong nasa posisyong magpatupad ng
bawat isa.
• f. Kung may mga mabubuting bagay na
natuklasan, kailangang irekomenda ang
pagpapanatili, pagpapatuloy at/o pagpapabuti
ng mga iyon at/o mga hakbang o paraan
kaugnay niyon.
g. Maaaring irekomenda sa ibang mga mananaliksik
ang pagpapatuloy o pagpapalawak ng isinagawang
pag-aaral at/o paggamit ng ibang saklaw, panahon,
lokaliti at populasyon upang ma-verify, ma-amplify o
mapasinungalingan ang mga natuklasan sa pag-aaral.
ANG LISTAHAN NG
MGA
SANGGUNIAN
Ang listahan ng mga sanggunian ay
matatagpuan sa katapusan ng isang
papel-pampananaliksik. Ito ang
pinakakatumbas ng Bibliograpi sa M.L.A.
Sa A.P.A., ang pahinang ito ay maaaring
pamagatang
Listahan ng mga Sanggunian ,
mga Sanggunian o
Talasanggunian.
Ang unang linya ng bawat entri sa
listahan ng sanggunian ay nagsisimula sa
dulong kaliwa, samantalang ang ikalawa
at mga kasunod na linya ay nakapasok
nang tatlong espasyo mula sa kaliwang
margin. Ang mga entris ay nakaayos ng
alpabetikal batay sa apelyido ng awtor o
unang awtor.
TUNGKULIN
a. Nagpapahalaga at nagbibigay ng kredit sa
mga pinaghanguan ng mga ideya, ilustrasyon,
mga pahayag na hiniram o mga materyales
na hinalaw.
b. Nagpapakita ng pagkilala
sa mga taong pinaghanguan
ng mga kaalaman.
c. Nagbibigay ng mga karagdagang impormasyon
para sa mambabasa na nagnanais na
palawakin pa ang isang
pananaliksik.
d. Nagbibigay ng oportunidad sa mga
mambabasa na alamin kung may katotohanan
ang mga nakalap na impormasyon ng isang
mananaliksik.
e. Nagbibigay ito ng kredibilidad sa pananaliksik
na isinasagawa.
Batayang impormasyon na kailangang
matukoy sa Listahan ng Sanggunian:
a. Awtor/mga awtor
b. Pamagat
c. Lugar ng Publikasyon
d. Publisher/Tagalimbag
e. Petsa/taon ng ublikasyon
f. Editor, tagasalin, konsultant,
compiler (kung mayroon)
• MGA TAGUBILIN
Si Burgess (1995) ay nagtala ng mga tagubilin
sa paggawa ng listahan ng sanggunian sa akda
niyang A Guide for Research Paper.
a. Aklat na may isang awtor
1. Simulan sa apelyido ng awtor,
sundan ng kuwit at inisyal ng awtor
(o buong pangalan kung abeylabol
ang datos na iyon), at tuldukan.
2. Isunod ang taon ng publikasyon.
Tuldukan.
3. Isunod ang pamagat ng aklat. Tanging ang
unang salita ang nagsisimula sa malaking titik
at ang mga pangngalang pantangi at subtitle
na karaniwang sumusunod sa tutuldok.
Tuldukan ang huling salita ng pamagat.
Aguino, B. 1990. The taming of the
millionaire. New York: Random House.
Bernales, Rolando A. 1995. Bukal
3:Pagbasa. San Mateo,Rizal: Vicente
Publishing House, Inc.
b. Aklat na may dalawa o higit pang awtor
1. Simulan sa may apelyido nng unang awtor,
kuwit at inisyal o pangalan (kung abeylabol).
Huwag babaguhin ang pagkakasunud-sunod
ng mga awtor na nakatala sa aklat.
2. Isunod ang apelyido ng (mga) ko-awtor.
Tularan ang pormat ng unang awtor.
Paghiwalayin ang mga pangalan ng
awtor ng kuwit, maliban kung dalawa
lamang ang awtor at bago ang huling
awtor na ginagamitan ng ampersand (&).
3. Sundin ang tuntunin a.2, a.3 at a.4

Davis, K. & Newstorm, J. 1989. Human behavior


in organization. New York: Mc Graw-Hill
Tumangan, Alcomtiser P., Bernales, Rolando A.,
Lim,Dante C. & Mangonon, Isabela A. 2000.
Sining ng pakikipagtalastasan:
Pandalubhasaan. Valenzuela City: Mutya
Publishing House, Inc.
Ang et.al (et alibi,and others,atbp) ay hindi
ginagamit sa listahan ng sanggunian kahit pa
mahigit sa dalawa ang awtor ng isang
sanggunian. Sa dokumentasyon(talang-
parentetikal) lamang ginagamit ang et al.
c. Inedit na bolyum ng isang aklat
1. Simulan sa apelyido ng editor ng bolyum.
Bantasan katulad ng sa awtor o mga awtor ng
isang aklat. Kung dalawa o higit pa ang editor,
gumamit ng ampersand sa pagitan ng
dalawang editor at huling editor kung tatlo o
higit pa.
2. Isunod ang Ed. (nag-iisang editor) o Eds.
(dalawa o higit pa) na nakapaloob sa
parentesis. Tuldukan.
3. Sundin ang tuntunin a.2, a.3 ay a.4.

Almario, Virgilio S. (Ed.). 1996. Poetikang Tagalog:


Mga unang pagsusuri sa sining ng pagtulang
Tagalog. Lungsod ng Quezon: UP Diliman.
Darling, C.W., Shields, J. & Villa V.B. (Eds.). 1998.
Chronological looping in political novels.
Hartford: Capitol Press.
Halos ganito rin ang mga tuntunin sa mga
isinalin at kinumpayl na akda. Palitan lamang
ang Ed. o Eds. ng Tran. o Trans. para sa
translator/s at Comp. o Comps. para sa
compiler/s. Kung konsultant naman ang given,
gamitin ang Con. o Cons. sa halip.
d. Mga hanguang walang awtor o editor
1. Simulan sa pamagat ng akda at
tulduakan.
2. Sundin ang tuntunin a.2 at a.4
Webster’s new collegiate dictionary.1961.
Springfield, MA: G and G Merriam.
The personal promise pocketbook. 1987.
Makati: Alliance Publishers,Inc.
e. Multi-bolyum, inedit na akda
1. Sundin ang tuntunin c.1 at c.2
2. Sundin ang tuntunin a.3
3. Isunod ang bilang ng bolyum
na nakapaloob sa parentesis.
Tuldukan.
4. Sundin ang tuntunin a.4.
Nadeau, B.M. (Ed.). 1994. Studies in the history
of cutlery. (Vol 4). Lincoln; University of
Nebrasca Press.

Kung ang multi-bolyum na akda ay hindi inedit


at sa halip ay isinulat ng isang awtor, sundin
lang ang tuntunin a.1, a.2, a.3,e.4 at a.4. Kung
dalawa o higit pa ang awtor,
sundin ang tuntunin b.1, b.2,
a.2, a.3, e.4 at a.4.
f.Di-nalathalang disertasyon, tisis,
pamanahong-papel
1. Sundin ang a.1 at a.2.
2. Sundin ang tuntunin a.3
at salungguhitan.
• 3. Isunod ang salitang di nalathalang-
disertasyon/tisis/pamanahong-papel (o
anumang anyo ng papel pampananaliksik o
akademikong papel), sundan ng kuwit, ng
pangalan ng kolehiyo o unibersidad at
tuldukan.
De Jesus, Armando F. 2000. Institutional
research capability at the Santo
Tomas:Proposed model for managing research
in private HEIs. Di-nalathalang disertasyon,
UST.
Grospe, Alas A. 1999. Isang pagsusuri ng mga
pamaraang ginamit ni Rolando Tinio sa
pagsasalin ng mga idyoma sa mga dula ni
Shakespeare. Di-nalathalang tisis,
UP Diliman
g. Mga artikulo mula sa journal, magasin,
dyaryo, newsletter
1. Sundin ang tuntunin a.1 kung nag-iisa ang
awtor; b.1 at b.2 kung dalawa o higit pa.
2. Isunod ang taon, buwan
(kung abeylabol ang petsa, idagdag din ito) na
pinaghihiwalay ng kuwit.
Tuldukan matapos.
3. Isunod ang pamagat ng artikulo, tulad ng sa
a.2. Tuldukan.
4. Isunod ang pangalan ng journal, magasin,
dyaryo o newsletter, sundan ng kuwit,
ng bilang ng pahina
(huwag gagamit
ng p. o pp.).
Dauz, Florentino. 2003, Agosto 10. Ang bayan ng
Gapan. Kabyan,4. Maddux, K. 1997, March.
True stories of the interest patrol. Net Guide
Magazine, 88-98.
Nolasco, Ma. Ricardo. 1998, Hunyo. Ang
linggwistiks sa pagsasalin sa wikang
pambansa. Lagda, 12-20.
h. Pelikula, kaset, cd, vcd
1. Sundin ang tuntunin a.1. Palitan lamang ang
awtor ng direktor kung pelikula at
artist/speaker/lecturer kung kaset,vcd o cd.
2. Sundin ang tuntunin a.2.
3. Kung di-given ang mga pangalan sa h.1,
magsimula na agad sa h.4, tuldukan, isunodn
ang taon ng unang distribusyon at tuldok
muli.
4. Sundin ang tuntunin a.3 ngunit bago
tuldukan, isingit ang salitang
“Pelikula,Kaset,VCD o
CD” sa loob ng braket
5. Isunod ang lugar kkung saan prinodyus (kung
given) sundan ng tutuldok, isunod ang
prodyuser at tuldukan. Kung di-given ang
lugar, isunod agad ang prodyuser at tuldukan.
Leonardo: The inventor [VCD]. 1994. Future
Vision Multimedia Inc.
Redford, R. 1980. Ordinary people [Pelikula].
Paramount.
Sound Effects [CD]. 1999. Network Music Inc.
Villaluz,E. & Reyes, L. 1990.
Sing!sing!sing!: A vocal
course for pop singers [kaset].
Ivory Records.
Maga dokumento mula sa mga
tanggapan ng gobyerno
1. Simulan sa pangalan ng ahensyang
pinagmulan ng dokumento at tuldukan.
2. Isunod ang aton ng publikasyon at tuldukan.
3. Isunod ang pamagat ng dokumento, ang
bilang ng publikasyon (kung mayroon) sa
loob ng parentesis at tuldukan.
4. Isunod ang lugar ng publikasyon, tutuldok at
pablisher.
National Institute of Mental Health. 1982.
Television and behavior: Ten years of scientific
progress (DHHS Publication No. A82-1195).
Washington, DC: US Government Printing
Office.
j. Mga hanguang elektroniko
1. Kung nakapost sa internet ang panagalan ng
awtor o kontribyutor, taon at pamagat,
sundin ang tuntunin a.1, a.2 at a.3 at
isunod ang sinalungguhitang
website o path. Tapusin sa tuldok.
2. Kung pamagat lamang ang abeylabol,
simulan sa pamagat, tuldukan at isunod ang
website o path na sinalungguhitan.
3. Kung hindi abeylabol ang datos sa j.1 at j.2,
ilagay na lang ang sinalungguhitang website.

Burgess, Patricia. 1995. A guide for research


paper: APA style.
http://webster.commet.edu/apa/apa
intro.htm#content2.

You might also like