You are on page 1of 40

EDUKASYON SA PAGPAPALAKAS

NG KATAWAN 5
ARALI
N1
I.

II.

Layunin:
Naipamamalas ang wastong tikas ng katawan sa pag-upo, pagtayo,
pagdampot, at paglakad.
Paksa:
Wastong Tikas ng Katawan sa Pag-upo, Pagtayo, Pagdampot, at
Paglakad.
Sangunian:

Philippine Elementary Learning Competencies (PELC

I.A.1)
Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan
Mga Kagamitan: boiled egg, 4 kutsara
Saloobin:
Pagiging isport
III.

Mga Gagawin:
1. Pagganyak:
Pagmamasid sa larawan ng 2 bata. Ang isa ay may wastong
tikas ng katawan at ang isa ay parang kuba.
Alin ang ibig ninyong tularan?
2. Pagpapakita ng guro ng wastong pag-upo, pagtayo at paglakad
pagdampot ng bagay.
Pagtalakay sa mga dapat tandaan at isagawa sa pagpapanatili ng
wastong tikas ng katawan sa mga gawaing ito.

Pag-upo:
Umupo nang tuwid ang katawan, liyad ang dibdib.
Ilapat sa sahig ang mga paang magkalapit.
Pagtayo:
Tumayo ng tuwid liyad ang dibdib at pasok ang tiyan
Magkalapit ang dalawang paa sa posisyong magbibigay balanse sa
pagkakatayo.
Paglakad:
Ituwid ang ulo at katawan, liyad ang ulo, pasok ang tiyan, nakatingin nang
tuwid
Ihakbang ng Malaya ang mga paa at salisihang i-swing o iimbaya ang mga
braso at kamay.

3. Pagsasanay na nagpapamalas sa wastong tikas ng katawan sa pagupo, pagtayo, at paglakad.


a. Pagtatakda ng mga pamantayan.
b. Pagsasagawa ng pagsasanay at pagmamasid kung may wastong
tikas ng katawan ang pag-upo, pagtayo at paglakad.

Hatiin sa 2 pangkat ang klase. Magmamasid ang ika-2 pangkat habang


nagsasagawa ng pagsasanay ang unang pangkat. Pagkatapos ng unang
pangkat ay sila naman ang magmamasid.
Pahanayin ang unang pangkat sa harap ng panimulang guhit na may layong
10 metro sa panapos na guhit kung saan may isang silya.
Palakarin ang unang bata at uupo ito sa silya.
Sa hudyat ng guro ay tatayo siya at lalakad pabalik.
Ganito ang gagawin ng lahat ng mga bata.

4. Pangwakas na Gawain:
a. Quieting activity- isang awit
b. Naisasagawa ba ninyo nang may wastong tikas ng katawan ang
pag-upo, pagtayo at paglakad?
IV.

Pagtataya:
Piliin ang tamang sagot:
Sa Pag-upo dapat ay:

1. a.
nakakiling ang ulo
b.
nakahilig sa isang panig
c.
tuwid ang katawan at liyad ang dibdib
2. a.
lapat sa sahig ang mga paang magkalapit
b.
nakapasok ang isang paa sa ilalim ng silya
c.
nakapatong ang mga paa sa likuran ng silyang nasa unahan.
Sa Pagtayo dapat ay:
3. a.
tumayo sa kahit anong posisyong maginhawa
b.
tumayo ng tuwid, liyad ang dibdib at pasok ang tiyan.
c.
nakakiling ang ulo sa kanan.
4. a.
magkalayo ng 1 metro ang mga paa.
b.
magkalapit ang 2 paa sa posisyong magbibigay ng balance sa
pagkakatayo.
c.
nauuna ng 1 metro ang kaliwang paa.

ARALI
N2

I.

Layunin:
Naipamamalas ang wastong tikas ng katawan sa pag-akyat at
pagbaba.

II.

Paksa:
Wastong Tikas ng Katawan sa Pag-akyat at Pagbaba.
Sangunian:
PELC I.A.1
Kagamitan:
May kataasang hagdan
Saloobin: Pagkamaingat

III.

A. Pampasiglang Gawain:
10 minutong laro nalilinang sa wastong tindig sa paglakad at
pag-upo.
Halimbawa:
Sit Like a Queen/King

Hatiin ang klase. Ipaalala ang wastong tindig sa paglakad at pag-upo. Lalakad
papunta sa upuan ang unang bata. Uupo sa silya at ilalagay ang korona (binbag) sa
ulo. Bibilang ng 10 pagkatapos ay ang ikalawang bata naman sa ikalawang hanay
ang lalakad at gagawin ang ginawa ng unang bata.
A. Panlinang na Gawain:
1.
Pagganyak:

Alin-aling kilos ang kinakailangan malakas ang kalamnan


ng mga binti at paa? (pag-akyat at pagbaba ng hagdan)
Paano ba ang tamang paraan ng pag-akyat at pagbaba ng
hagdan nang may wastong tikas ng katawan?
2.

3.

C.

Paglalahad:
Pakitang-turo ng Guro.
Itaas ang paa at ilapat ito sa baitang ng hagdan.
Ilipat ang bigat ng katawan sa ikalawang paang
ihahakbang paakyat.
Panatilihin ang timbang at wastong tindig sa pagakyat at pagbaba.
Pagsasanay:
Magbigay ng mga tuntunin sa maingat na pag-akyat at
pagbaba ng hagdan.
Magpangkat-pangkat at isagawa ang pag-akyat at
pagbaba ng hagdan sa tamang paraan at nang wastong
tindig.
Sasabayan ito ng masiglang tugtog sa cassette.

Pangwakas na Gawain:
Quieting Activity - isang awit.

IV.

Pagpapahalaga:
1. Naisagawa ba ninyo nang maayos at maingat ang pag-akyat at
pagbaba ng hagdan?
2. Napanatili ba ninyo ng wastong tindig sa pag-akyat at pagbaba?

V.

Takdang-gawain:
Umakyat at bumaba sa hagdan ng maingat at nang may
wastong tindig?

ARALI
N3

I.

Layunin:
Naipamalas ang wastong tikas ng katawan sa pagtalon.

II.

Paksa:
Wastong Tikas ng Katawan sa Pagtalon
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies (PELC I.A.1)

Kagamitan:
2 sako, 2 upuan, cassette tape ng isang masiglang
tugtugin, cassette.
Saloobin: Pagiging isport
III.

Mga Gagawin:
A. Panimulang Gawain:
Isang pampainit na gawain. (Warm-up)
Hal. Jogging in place, jumping jack
B. Panlinang Gawain:
1.
Pakitang turo ng guro (wastong pagtalon)
2.
Pagbibigay tuntunin ng laro (sack race)
3.
Pagsasagawa ng Laro.

Pangkatin sa dalawa ang klase.


Pahanayin ang mga bata sa harap ng panimulang guhit.
Ang bawat pangkat ay may tig-iisang sako
Maglagay ng upuan na na may 12 metro ang layo mula sa
panimulang guhit.
Sa hudyat sabay na tatalon ang mga unang manlalaro na
nakapasok sa sako na hanggang baywang.
Iikot sila sa upuan at babalik sa hanay ay ipapasa ang sako sa
ikalawang bata. Gagawin ito ng lahat ng mga bata sa hanay.
Ang unang matatpos ay siya ang panalo.

C. Pangwakas na Gawain:
Pag-awit ng Kung ikaw ay Masaya na sinasabayan ng
paglundag.
IV.

Pagpapahalaga:
Ano ang dapat isaalang-alang sa wastong pagtalon?
Dapat bang may wastong tikas sa pagtalon?

V.

Kasunduan:
Gumupit ng larawan na may kauganayan sa wastong pagtalon.

ARALI
N4

I.

Layunin:

Naipamamalas ang wastong tikas ng katawan sa pagpulot at pag-abot


ng anumang bagay.
II.

III.

Paksa:
Wastong Tikas ng Katawan sa Pagpulot at Pag-abot.
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies
(PELC I.A.1)
Kagamitan:
2 malalaking bola
Cassette tape ng isang masiglang tugtugin
cassette
Mga Gawain:
A.
Panimulang Gawain:
Pangpainit na gawain: (Warm up)
Neck rotation
Knee rotation
Jog in place
Gawin sa 16 na bilang ang bawat ehersisyo na sinasaliwan ng tugtog.
B.

Panlinang na gawain:
1.
Pakitang-turo sa wastong pagpulot at pag-abot ng isang

bagay.
2.
3.

Pagsasaad ng mga panuntunan sa paglalaro.


Pagsasagawa:
Hatiin sa dalawang pangkat ang klase
Bigyan ng tig-iisang bola ang unang manlalaro
Pahanayin ang bawat pangkat at ipaunat ang
kanilang kamay paharap.
Sa hudyat, ipasa ang bola patalikod
Ang unang pangkat na nakatapos ang panalo.

C.

Pangwakas na gawain:
Pakikinig sa isang masiglang tugtugin habang ipinapasa
ang bola.
Kapag huminto ang tugtog ang may hawak ng bola ay
aawit o sasayaw bilang parusa.
IV.

V.

Pagpapahalaga:
Nasunod ba natin ang tamang panuntunan sa paglalaro?
Alin ang hindi nasunod ng ating grupo?
Ano ang nararapat gawin sa susunod?
Kasundoan:
Bakit kailangan ang wastong tikas ng katawan?

ARALI
N5

I.

Layunin:
Naipamamalas ang wastong tikas ng katawan sa pagtulak at paghila.

II.

Paksa:
Wastong Tikas ng Katawan sa Pagtulak at Paghila.
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies
(PELC I.A.1)
Tayo ng Magpalakas 4
Kagamitan:
lubid
Cassette tape ng isang masiglang tugtugin
cassette
Mga Gawain:
A.
Panimulang Gawain:
Isagawa ang sumusunod na pampainit na gawain:
(Warm-up)
Pag-ikot ng leeg
Pag-unat ng braso
Pagbaluktot ng baywang
Pagbaluktot ng tuhod
Jog in place

III.

B.

Panlinang na gawain:
Anu-anong mga gawain ang nangangailangan ng patulak
at paghila?
Ipakita sa mga bata ang tamang pagtulak at paghila.
Ano ang nakita niyo sa ginawa ko?
Ano ang pinagkakaiba nito sa ibang kilos ng katawan?
Pangkatin sa dalawa ang klase
Pipila ng magkaharap ang mga unang manlalaro
Ipahawak sa mga unang manlalaro ang lubid na
hihilahin ng bawat pangkat.
Ang lalagpas sa center line ang talo.
C.

IV.

Pangwakas na Gawain:
Aling grupo ang hindi sumusunod sa tamang panuntunan
sa paghila?
Aling grupo ang dapat manalo?

Pagpapahalaga:
Bakit kailangan nasa wasto ang ayos ng katawan sa paghila o
pagtulak ng isang bagay?

V.

Kasunduan:
Paano mapapanatili ang sarili sa wastong kaayusan ng katawan
sa paghila?

ARALI
N6

I.

Layunin:
Naisasagawa ang mga gawaing nagpapanatili ng wastong tikas ng
katawan sa pagbuhat, pagdadala at pagbibitbit ng mabibigat na bagay.

II.

Paksa:
Wastong Tikas ng Katawan sa Pagbuhat, Pagdadala at Pagbitbit ng mga
Mabibigat na Bagay.
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies
(PELC I.A.1)
Kagamitan:
-Cassette tape ng isang
masiglang tugtugin
-10 aklat
-2 upuan (plastic)
-cassette

III.

Mga Gawain:
A.
Panimulang Gawain:
Pampainit ng gawain. Saliwan ng tugtog.
Pagbaluktot ng leeg
Pag-ikot ng beywang
Pag-ikot ng tuhod
Jog in place
Bilang 16 sa bawat ehersisyo.
B.

Panlinang na gawain:
1.
Pakitang turo sa buhat ng isang bagay at pagbasa sa mga
tuntunin ng wastong pagbuhat.
2.
Pagsasagawa ng mga tuntunin sa pagbuhat sa
pamamagitan ng isang paligsahan. (gamit- 10 aklat)

Hatiin sa 2 grupo ang klase


Gumuhit ng panimulang linya na 10 metro ang layo sa
panghuling linya.

C.

Sa hudyat ng unang manlalaro ay bubuhatin ang mga


aklat papunta sa panghuling linya at ilapag ang mga
ito, kukunin ito ng kasunod na manlalaro at ibibgay sa
ika-2 manlalaro.
Ang unang makatapos ang panalo.

Pangwakas na Gawain:
Walang ingay na pabalikin ang mga bata sa silid-aralan.
Bigyan ng kaukulang pagkilala ang grupong nanalo.

IV.

Pagpapahalaga:
Bakit kailangan nasa wasto ang katawan sa pagbubuhat ng
bagay?

V.

Kasundoan:
Isagawa ang mga tamang gawi kapag nagbubuhat ng anumang
bagay.

ARALI
N7

I.

Layunin:
Natataya ang antas ng sariling tindig, ayos at tikas ng katawan.

II.

Paksa:
Pagtaya ng Sariling Tindig, Ayos at Tikas ng Katawan.
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies
(PELC I.A.1.4.5)
Tayo na Magpalakas 4
Kagamitan:
aklat
Cassette tape (masiglang tugtugin)
Cassette
Time watch

III.

Mga Gawain:
A.
Panimulang Gawain:

Pampainit na Gawain: (Warm up)


Neck rotation
Shoulder rotation
Trunk twisting
Jog in place
B.

Panlinang na gawain:
1.
Pagganyak:
Nakapanood na ba kayo ng beauty contest?
Ano ang kadalasang ginagawa ng mga kandidata?
Anong masasabi niyo sa tindig nila?
Ngayon ay gagayahin niyo sila.
2.
Pagtatakda ng mga pamantayan sa isasagawang
activity.
3.
Pagsasagawa:
Hatiin sa 2 pangkat ang klase
Magtakda ng panimula at panapos na guhit, may
15 metro ang pagitan.
Palakarin papunta at pabalik sa mga guhit ang
pares-pares na mga batang may aklat sa ulo.
C.
Pangwakas na Gawain:
Nasunod ba natin ang pamantayan sa paggawa?
Paikutin ang mga mag-aaral sa buong silid-aralan na
nakaayos ang tindig at sianasaliwan ng tugtog.
IV.

V.

Pagpapahalaga:
Papipili ng mga batang nagpakita ng maayos na tindig at tikas
na katawan.
Kasundoan:
Paano natin maiwawasto ang maling tindig?
Magdala ng maliliit na bato.

ARALI
N8

I.

Layunin:
Naiwawasto ang talpak na paa sa pamamagitan ng paggamit ng paa
sa pagpulot ng holen o maliliit na bato at pagpapagulong ng bote sa
talampakan.

II.

Paksa:
Pagwawasto sa Talpak na paa.
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies
(PELC I.A.6 p.8)
Kagamitan:
5 maliliit na bato o holen bawat bata
Cassette tape (masiglang tugtugin)
Cassette

III.

Mga Gawain:
A.
Panimulang Gawain:
Ituro sa mga bata ang ilang panimulang hakbang sa
sayaw tulad ng:
Change step, touch step, o step close
B.
Panlinang na gawain:
1.
Paglalarawan ng talpak na paa bilang kahinaan sa
wastong tindig.
2.
Pagtatalakay sa mga paraan sa pagwawasto sa kahinaang
ito.
3.
Pagtatakda ng mga pamantayan sa paglalaro.
4.
Pagsasagawa ng mga laro na makakatulong sa
pagwawasto ng mga talpak na paa.

Hatiin ang klase. Bawat pangkat ay tatayo ng pabilog. Gumuhit ng bilog sa gitna
nila at ilagay dito ang maliliit at makikinis na mga bato o mga holen na katumbas
ang bilang sa mga bata.
Ipagawa sa bawat bata ito:
1) Pupunta sa gitna at dadampot ng holen at bato sa pamamagitan ng paa.
2) Babalik sa pwesto niya, tatapikin ang katabi.
Uulitin ang ganitong gawain hanggang maubos ang holen o bato.

C.

Pangwakas na Gawain:
May kasiyahan ba kayong nadarama habang naglalaro?
Anong tulong ang maibibigay nito sa inyong katawan o paa?

IV.

Pagpapahalaga:
Kung may kakilala kayo na may talpak na paa. Paano mo siya
hihikayatin na maituwid ang kanyang kahinaang ito?

V.

Kasunduan:
Paano dapat isaayos ang mga talpak na paa?
Isagawa ang pagpapagulong ng bote sa pamamagitan ng talampakan.

ARALI
N9

I.

Layunin:
Naiwawasto ang di-pantay na balikat sa pamamagitan ng salisihang
pagdadala/pagbibitbit ng mabigat na bagay sa dalawang kamay at
ehersisyong salisihang pagtataas ng dalawang balikat.

II.

Paksa:
Pagwawasto ng hindi Pantay na Balikat.
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies
(PELC I.A.6 p.9)
Edukasyong Pagpapalakas ng Katawan
Kagamitan:
2 balde ng tubig/ 2 barbel
Cassette tape ng isang masiglang tugtugin
Cassette

III.

Mga Gawain:
A.
Panimulang Gawain:
Ehersisiyong may tugtog:
a. Pag-unat ng braso(16 acts)
b. Pag-ikot ng braso (16 acts)
c. Pagtalon na may palakpak(16 acts)
Ulitin ang a - c nang dalawang beses.
B.

Panlinang na gawain:
Nakakita naba kayo ng taong di-pantay ang mga balikat?
Ano kaya ang dahilan nito?
a. Pagtalakay sa mga sanhi ng pagkakaroon ng dipantay na mga balikat.
b. Pagpapaliwanag ng guro sa mga paraan ng
pagwawasto sa ganitong kahinaan sa wastong
tindig.
c. Pagsasagawa ng laro o gawain sa pagwawasto ng
di-pantay na balikat.

1. Pangkatin ang klase sadalawang grupo.


2. Gumuhit ng panimulang linya at 10 metro ang layo para sa panapos na
guhit.
3. Pahanayin ang bawat grupo sa panimulang guhit.
4. Sa hudyat, tatakbo ang unang manlalaro papunta sa panapos na guhit
bitbit ang 2 timba na puno ng tubig. Babalik sa panimulang guhit at

tatapikin ang susunod na manlalaro para kunin ang timba.


5. Ulitin ang 4 hanggang maubos ang manlalaro.
6. Ang unang natapos ang panalo.

C.

Pangwakaas na Gawain:
1. Quieting Activity- Isang awit
2. Pagpaparangal sa nanalong pangkat.

IV.

Pagpapahalaga:
Nakamit ba natin ang ating mga layunin sa pamamagitan ng
laro?
Anong dapat isaalang-alang para magkaroon ng mabuting
pangangatawan?

V.

Kasunduan:
Simulan ang tamang pagbitbit/pagdala ng isang mabigat na
bagay.

ARALIN
10

I.

Layunin:
Naiwawasto ang pagkahukot sa pamamagitan ng pag-unat ng mga
braso ng pataas o patalikud.

II.

Paksa:
Pagwawasto ng Pagkahukot.
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies
(PELC I.A.1.4.6c)
Tayo na Magpalakas
Kagamitan:
Indian club
Cassette at tape ng masiglang tugtugin

III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
Trunk twisting sa saliw ng tugtugin.
B. Panlinang na Gawain:

1. Pakitang-turo ng guro sa paggamit ng Indian club sa


pagwawasto ng pagkahukot.
a. Pagtaas at pagbaba ng kamay.
b. Paggalaw paharap at patalikud ang mga kamay na
hawak parin ang Indian club.
c. Pagpapa-ikot ng balikat.
2. Pagtatakda ng mga pamantayan.
3. Pagsasagawa ng ehersisyo ng mga bata.
C. Pangwakas na Gawain:
Quieting Activity- Isang awit
IV.

Pagpapahalaga:
Anu-ano pang gawain ang makakatulong sa pagwawasto ng
pagkahukot?
Dapat bang palaging tuwid ang katawan sa pag-upo, pagtayo at
paglakad?

ARALIN
11

I.

Layunin:
Naiwawasto ang nakaungos sa ulo sa pamamagitan ng pagtingala
at pagyuko.

II.

Paksa:
Pagwawasto ng Nakaungos na Ulo.
Sangunian:
PELC I.A.1.4.6d
Tayo na Magpalakas , PG p.13-14 at p.95
Kagamitan:
piso coins
Cassette at tape ng masiglang tugtugin

III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
Pampainit ng gawain:
a. Pagbaluktot ng leeg (Paharap at Patalikud)
b. Pag-ikot ng leeg (pakanan at pakaliwa)
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagpapaliwanag ng guro sa gawaing magwawasto sa nakaungos
na ulo.
(coin relay)
2. Pagtatakda ng mga pamantayan.

3. Pagsasagawa ng coin relay sa pagsubaybay ng guro.


1. Paghanay ng 2 grupo sa harap ng pamuluang guhit na may
layong 10 metro sa panapos na guhit.
2. Sa hudyat lalakad ang unang bata sa panapos na guhit na
nakatingala at nakapatong ang coin sa noo. Pagdating sa
panapos na guhit ay yuyuko siya at ililipat ang coin sa likud ng
kanyang leeg, lalakad pabalik sa panimulaang guhit at tatapikin
ang susunod na bata sa hanay.
3. Ganito rin ang gagawin ng lahat ng bata sa hanay.
4. Ang hanay na unang nakatapos ay siyang panalo.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Quieting Activity isang awit
2. Pagtalakay sa mga pamantayang nasunod/di nasunod.
3. Pagpaparangal sa grupong nanalo at sa pagiging isport ng
natalong grupo.
IV.

Pagpapahalaga:
Sa palagay ba ninyo ay makakatulong sa ng nakaungos na ulo
ang natapos na gawain?
Anu-ano pa kayang gawain ang maaaring makatulong sa
pagwawasto ng kahinaang ito?

V.

Kasunduan:
Kailan dapat isagawa ang pagwawasto sa nakaungos na ulo?
Gaano kadalas?

ARALIN
12

I.

Layunin:
Naiwawasto ang pagkapike sa pamamagitan ng paglakad sa
dalawang magkapantay na guhit.

II.

Paksa:
Pagwawasto ng Pagkapike. (knock knees)
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies
(PELC I.A.6e)
Kagamitan:
Masiglang tugtugin sa tape recorder.

III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
2 minutong ehersisyong sina saliwan ng masiglang tugtog.
a. Pagbaluktot ng tuhod 16 bilang(kamay sa baywang)
b. Pagtalon sa lunan. (Jumping jack)
B. Panlinang na Gawain:
1. Pakikinig ng mga paraan ng pagwawasto sa pagkapike.
2. Pagpapangkat ng klase sa dalawa.
3. Pagtatakda ng mga pamantayan.
4. Pagsasagawa ng larong pagtulay sa guhit.

a. Magtatakda ng panimulang guhit at panapos na guhit na may 15 metro ang


pagitan at 2 magkalapit at tuwid na guhit mula sa simula at panapos na
guhit.
b. Pahanayin ang dalawang pangkat sa harap ng panimulang guhit at sa hudyat
ay ipapatong sa ulo ng unang bata ang aklat at lalakad na nakatuntong ang
mga paa sa magkapantay na mga guhit.
c. Iikot siya sa panapos na guhit pabalik at ibibigay ang aklat sa susunod na
bata. Kapag nalaglag ay babalik sa panimulang guhit upang magsimula
naman.
d. Ang pangkat na unang makatatapos ay siyang panalo.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Quieting Activity isang awit
2. Pagpaparangal sa pangkat na nanalo at sa natalong pangkat sa
pagiging isport nila.
IV.

Pagpapahalaga:
Madali bang naisagawa ang pagwawasto sa pagkakipe?
Anu-anong gawain pa kaya ang makatutulong sa pagwawasto
ng kahinaang ito?
ARALIN
13

I.

Layunin:
Natataya ang kaangkupang pisikal sa pamamagitan ng Phil. Physical
fitness test (PPFT)
Patayong paglundag.

II.

Paksa:
Pagtayong Paglundag. (PPFT)
Sangunian:
PELC I.B.1
Kagamitan:
lugar na lulundagan (mabuhangin)
Tsart ng patayong paglundag
Meter stick o rolled metal tape measure

III.

A. Pampasiglang Gawain:
Jumping jack at jogging in place sa saliw ng masiglang tugtugin.

B. Panlinang na Gawain:
1.
Paglalahad:
Isasagawa ninyo ngayon ang patayong malayuang
paglundag.
Ito ay susukat ng lakas ng inyong mga binti.
Pakitang-turo ng guro:
Tumayo sa panimulang guhit.
Ibaluktot ang tuhod at ang mga bisig sa gawing
likuran.
Lumukso ng kasabay ang pag-imbay ng dalawang
kamay.
Lumapag sa pamamagitan ng dalawang paa.
3. Pagsasagawa:
Isagawa ang malayuan paglundag nang isahan.
Kunin ang sukat ng pinakamalayong lundag sa dalawang
pagsubok at itala ito sa pinakamalapit na sentimetro.
D. Pangwakas na Gawain:
Awit- Peas Porridge Hot
Action:
Peas porridge hot (2)
Partners facing each other
Peas porridge in the pot
Clap hands on thighs
Nine days old
Clap own hands
Some like it hot
Clap partners hands
Some like it cold
Some like it in the pot
Nine days old.

ARALIN
14

I.

Layunin:
Natataya ang kaangkupang pisikal sa pamamagitan ng PPTF
Bangun-higa

II.

Paksa:
Bangun-higa (Curl-ups)
PPTF
Sangunian:
PELC I.B.1
Magpalakas at Umunlad 5, p.21
Kagamitan:
Orasang may minute hand o ang stop watch
Pansapin sa sahig

III.

A. Pampasiglang Gawain:
Sa saliw ng masiglang tugtugin, isagawa ang sumusunod na
ehersisyo:
Paulit-ulit na pagliyad 16 bilang.
Pasulong na paglakad sa dalawang magkalapit na guhit 8
blg.
Paurong na paglakad dito 8 blg.
Ulit-ulitin hanggang matapos ang tugtog.
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Nahihirapan ka bang ibangon ang itaas na bahagi ng
katawan na hindi kumakapit sa anumang bagay?
2. Paglalahad:
Ihanda ang mga kagamitan sa gawain.
Isagawa ang anim na ulit ng pagbangon-higa ng itaas na
bahagi ng katawan sa loob ng 30 segundo at malalaman mo
ang lakas ng mga kalamnan ng iyong tiyan.
3. Pagsasagawa:
Sundin ang mga hakbang sa pagsusubok ng 30
segundong bangun-higa, pp.21-22, Magpalakas at
Umunlad 5 TX.
C. Pangwakas na Gawain:
Pag-usapan ang wastong pagsasagawa ng mga hakbang ng 30segundong bangon-higa.
Pagbibigay ng mga nararamdaman sa pagsasagawa.

ARALIN 15, 16,


17

I.

Layunin:
Natataya ang kaangkupang pisikal sa pamamagitan ng PPFT sa
sumusunod na mga aralin.

II.

Paksa:
Sit and Reach, Chair Push-Ups, 15 Minute Run
Sangunian:
PELC I.B.1
Kagamitan:
Stop watch, meter stick, silya
Malawak na palaruan

Pag-upo at Pag-abot
1. Maupo nang unat ang mga binti at magkalayo ng 30 sentimetro.
2. Itatag ang tape measure sa sahig. Ibaluktot ang katawan at
abotin ng dalawang kamay ang pinakamalayong marka sa tape
measure na maaabot. Itala ito.
3. Ipaulit ang gawain at itala ang pinakamalayong naabot.

Chair Push-ups
1. Iayos ang katawan ayon sa larawan.
2. Itulak ang katawan nang paangat sa upuan na nakasalalay ang
bigat ng katawan sa kamay at paa. Panatilihing tuwid ang
katawan at unat ang braso kapag umaangat sa pagkakadiin sa
silya.
3. Gumawa ng hanggang 50 push-ups kung kaya. Itala ang bilang
ng nagawang push-ups.

15-Minute Run
1. Tumayo sa panimulang guhitat sa hudyat ay tumakbo sa palibot
ng palaruan sa loob ng 15 minuto.
2. Tuwing makakabaliksa pamulaang guhit ay kumuha ng isang
stick upang malaman kung ilang ulit na makaikot.
3. Kapag napagod ay maaaring lumakad na lamang at tumakbo uli
hanggang matapos ang 15 minuto.
ARALIN 18

I.

Layunin:
1. Natutukoy ang kalakasan at kahinaan sa kaangkupang pisikal ayon sa
kinalalabasan ng pagtataya.
2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng kaangkupang pisikal.
3. Naisasagawa ang mga wastong paraan ng pagpapaunlad ng
kaangkupang pisikal.
Hal. : Cardio-vascular Endurance

II.

Paksa:
Pagpapalakas ng Cardio-vascular Endurance.
Sangunian:
PELC I.B.4
Kagamitan:
3 lubid, 2 upuan, masayang tugtugin

III.

A. Pampasiglang Gawain:
a) Pag-ikot ng leeg
b) Pag-ikot ng balikat
c) Pag-ikot ng beywang
d) Pag-ikot ng tuhod
1. Paglalahad:
Anong bahagi ng katawan ang Cardio-vascular?
Anong pag-iingat ang dapat isaalang-alang para
mapanatili ang kaayosan nito?
2. Paglalapat:
Pangkatin ang klase sa 2.
Bigyan ang bawat pangkat ng lubid
Gumawa ng pamulaang guhit at panapos na guhit na may
15m ang layo.
Sa hudyat ay isasagawa ng unang manlalaro ang luksong
lubid paikot sa upuan hanggang makabalik.
Gawin hanggang maubos ang manlalaro. Ang unang
makatapos ay siya ang panalo.

IV.

Pagpapahalaga:
Paupuin ng pabilog ang mga bata.
Itanong:
-Anong grupo ang unang nakatapos?
-Ano ang sekreto nila bakit nakatapos sila agad?
-ano ang dapat isaalang-alang kung sasali sa palaro?
Talakayin ang kahalagahan ng kaangkupang pisikal.
Hal. Nagiging malakas ang katawan at kaya ang anumang gawain at

laro.
Ang malakas at malusog na katawan ay may resistensya sa
sakit.

ARALIN
19

I.

Layunin:
Naisasagawa ang mga wastong paraan ng pagpapaunlad ng
kaangkupang pisikal.
Pagpapalakas ng braso- pagbabaras

II.

Paksa:
Panlalaki
Pambabae
Sangunian:
Kagamitan:
paa)

-Pagbabaras (pull-ups)
-Pagbabaras ng nagbaluktot ang siko (Flexed-Arm Hang)
PELC I.B.4
katamtamang taas ng baras (di sasayad ang mga
Stop watch, silya

III.

A. Pampasiglang Gawain:
Arm circling (clockwise 8cts. Counterclockwise 8cts.)
B. Panlinang na Gawain:
1.
Pakitang-turo
Panlalaki
a) Humawak ng baras na ang mga palad ay nakaharap sa
katawan. Bumitin sa baras na tuwid ang bisig at katawan.
b) Ibaluktot ang siko at bataking pataas ang katawan
hanggang sa ang baba ay lumagpas sa baras.
c) Ibaba ang katawan ng nakabitin parin at ulitin ang (b)
hanggang makakaya. Itala kung ilang ulit ang nagawang
pagtaas at pagbaba.

2.

Pambabae
a) Tumuntong sa silya at humawak sa baras. Ang baba ay
lagpas sa baras.
b) Higpitan ang hawak sa baras habang inaalis ang
tuntungan.
c) Itala ang oras na itatagal sa pagbitin nang nakalampas
ang baba sa baras.
Pagsasagawa:
Ipagawa nang isahan ang pagbabaras.
Isang pagsubok lamang ang gagawin.

C. Pangwakas na Gawain:
Quieting activity- awit The Farmer in the Dell

ARALIN
20

I.

Layunin:
Naisasagawa ng wasto ang mga kilos lokomotor nang may ibatibang bilis tulad ng:
Mabilis na pagtakbo
Katamtamang bilis ng pagtakbo
Mabagal na pagtakbo

II.

Paksa:
Mga Kasanayang Lokomotor na May Ibat-ibang Bilis.
Sangunian:
PELC II.A.1
Kagamitan:
Tambol

III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
Pagpapaikot ng bisig, tuhod at katawan.
(Arm circling, knee rotation and trunk twisting)
Pagsunod sa bilis ng pagpalo ng tambol habang
isinasagawa ang jogging in place.
B. Panlinang na Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang ibat-ibang kilos ng lokomotor?
2. Paglalahad ng Gawin:
Pagsunod sa bilis ng pagpalo ng tambol sa pagjogging sa
lugar at sa pagtakbo ng mabagal, katamtaman ang bilis
at mabilis.
3. Pagtatakda ng pamantayan.
4. Pagsasagawa ng mga bata.

Pangkatin ang klase sa apat ng salisihang magsasagawa ng pagsunod sa palo


tambol.
Halimbawa:
Mabagal na pagtambol- mabagal na pagjogging o pagtakbo
Katamtamang pagtambol- katamtamang bilis ng pagjogging o pagtakbo
Magtakda ng pamulaan at panapos na guhit na kung saan may silya. An
pagitan nito ay 20 metro. Pahanayin ang bawat pangkat sa harap ng
pamulaang guhit.
Sa hudyat ay isasagawa ng pangkat 1 ang mabagal, katamtamang bilis,
mablis na paagtakbo ayon sa naririnig na pagtambol ng guro. Iikot ang
pangkat sa silya sa panapos na guhit at patuloy na tatakbo pabalik.
Ganito rin ang gagawin ng iba pang pangkat.

C. Pangwakas na Gawain:
Quieting activity- isang awit
IV.

Pagpapahalaga:
Nasusunod ba ang mga pamantayang itinakda?
Aling pangkat ang nakasunod ng maayos sa bilis ng pagtambol?

ARALIN
21

I.

Layunin:
Naisasagawa ng wasto ang mga kilos lokomotor ng may ibatibang direksyon.

II.

Paksa:
Mga Kilos Lokomotor na May Ibat-ibang direksyon.
Sangunian:
PELC II.A.2-3
Kagamitan:
tsart ng kilos lokomotor na may ibat-ibang
direksyon.

III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
Isagawa ang jogging in Place ayon sa bilis ng pagtambol.
Halimbawa:
Mabagal na pagtambol mabagal na pag-jogging
Katamtamang pagtambol katamtamang bilis ng pag-jogging
Mabilis na pagtambol mabilis na pag-jogging
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad ng mga gawaing ginagamitan ng kilos lokomotor na
may ibat-ibang direksyon sa tsart.
2. Patatakda ng pamantayan.
3. Pagsasagawa ng ehersisyo.

Isagawa ang sumusunod na


ehersisiyo na sinasaliwan ng tugtog:
a) Humakbang pasulong (4
bilang)
b) Humakbang paurong (4
bilang)
c) Kumakandirit pakanan (2

bilang)
d) Kumakandirit pakaliwa (2
bilang)
e) Umikot ng dalawang beses

C. Pangwakas na gawain:
Quieting activity isang awit
IV.

Pagpapahalaga:
Nasunod ba ang mga pamantayang itinakda?
Alin alin ang di nasunod?
Ano ang dapat ninyong gawin sa susunod na pagsasagawa ng mga laro
o ehersisiyo.

ARALIN
22

I.

Layunin:
Naisasagawa ng wasto ang mga kilos lokomotor ng may ibatibang diin/lakas tulad ng:
mabagal na paglakad
katamtamang bigat ng paglakad
magaan na paglakad

II.

Paksa:
Mga Kilos Lokomotor na May Ibat-ibang Diin/Lakas.
Sangunian:
PELC II.A.3
Kagamitan:
tambol

III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
Pagsunod sa diin o sa lakas ng pagtambol.
Halimbawa:
Marahang pagtambol magaang, paglakad o pagmartsa
Katamtamang diin ng pagtambol katamtamang bigat ng
pagmartsa
Madiin o malakas na pagtambol mabigat na
pagmamartsa
B. Panlinang na gawain:

1. Paglalahad ng isang pang gawain sa pagsunod sa diin ng


pagtambol sa paglakad.
Halimbawa:
Marahang pagtambol marahang paglakad
Katamtamang diin pagtambol katamtamang bigat ng
paglakad
Madiin o malakas na pagtambol mabigat na paglakad
2. Pagtatakda ng pamantayan.
3. Pagsasagawa ng laro / ehersisyo.

Pangkatin sa apat ang klase. Gamitin muli ang pamulaan at panapos na guhit
na may pagitang 20 metro. Salisihang magsasagawaang mga pangkat na
nakaharap sa pamulaang guhit.
Sa hudyat ay lalakad ang mga bata papunta sa panapos na guhit at iikot
pabalik.
Susundin ang diin ng pagtambol
Halimbawa: marahang pagtambol - magaang paglakad
Katamtamang diin pagtambol katamtamang bigat ng paglakad
Mariin o malakas na pagtambol mabigat na bagsak ng paa
sa paglakad
Isagawa ito ng lahat ng pangkat.
C. Pangwakas na Gawain:
Quieting activity isang awit

IV.

Pagpapahalaga:
Nasunod ba ang mga pamantayang itinakda?
Alin ang di nasunod?

ARALIN
23

I.

Layunin:
Nagagamit ang mga kilos lokomotor sa pagbibigay kahulugan sa
awit, paggagad sa kilos ng hayop, pagsasagawa ng mga kilos
pang-isports at sa mga gawain.

II.

Paksa:
Mga Kilos Lokomotor sa Pagbibigay Kahulugan.
Sangunian:
PELC II.A.5

III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:

Pag-awit ng Paru-parong bukid nang may kilos o


paggagad sa kilos ng paru-paro at sa iba pang isinasaad
sa awiting ito.
B. Paglalahad:
Ang mga kilos ay magagamit ninyo sa pagbibigay
kahulugan sa awit at iba pang gawain tulad ng
sumusunod:
1. Paggagad sa mga kilos ng hayop
2. Pagsasagawa ng mga gawaing katulad ng pagpipinta.
3. Pagsasagawa ng mga kilos na pang-isports katulad ng
pag-spike ng bola sa larong volleyball.
C. Pagsasanay:
Pagpapangkat sa tatlo ng klase. Ang unang pangkat ay
magsasagawa ng Gawain 1, ang ikalawang pangkat sa Gawain 2 at
ang ikatlong pangkat ay ang Gawain 3.
D. Pangwakas na Gawain:
Quieting activity Awit na may kilos
Mga Alagang Hayop
Lumipad, lumipad ang ibon sa itaas ng puno
Tumakbo (2x)
ang pusa (2x)
Tumakbo, tumakbo ang pusa sa loob ng bahay
Tumalon aso loob ng bahay.

ARALIN
24

I.

Layunin:
Naisasagawa nang wasto ang mga kumbinasyong kilos
lokomotor at di-lokomotor.

II.

Paksa:
Kumbinasyon ng Kilos Lokomotor at Di Lokomotor.
Sangunian:
PELC II.B.1
Mga Kagamitan:Yellow Flag
Blue Flag
cassette tape (masiglang tugtugin)
cassette

III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
Ipaawit:
Doa deer a female deer
Ray- a drop of golden sun
Me- a name i call myself

Far- a long, long way to run


Soa needle falling thread
Laa note to follow so
Tia tea with jam and bread
That will bring us back to do.
B. Panlinang na Gawain:
Alin sa mg asumusunod ang kilos-lokomotor at di-lokomotor?
a. Pagkandirit
d.
Pagtalon sa lunan
b. Paglakad
e.
Pag-unat ng kamay
c. Pagdausdos
f.
Pag-iskape
Laro:
- Magtalaga ng isang bata na magiging taya. May hawak itong
Yellow at Blue Flag.
- Ang mga bata ay nakakalat sa palaruan.
- Kapag ipinakita ng taya ang blue flag, ang mga bata ay
magtatakbuhan at kapag yellow flag ang mga bata ay
kakandirit.
- Kung sino ang nagkamali ay siyang susunod na taya.
C. Pangwakas na Gawain:
Ang mga bata ay nasa pabilog na posisyon.
Talakayin:
Ano ang mga galaw na ating binigyang pansin?
Sino ang maraming beses na naging taya?
IV.

Pagpapahalaga:
Nag-enjoy ba kayo sa ating laro?

V.

Kasunduan:
Nasunod ko ba ang galaw lokomotor at di-lokomotor?

ARALIN
25

I.

Layunin:
Nagagamit ang mga kumbinasyong kilos-lokomotor at dilokomotor sa mga laro at relay.

II.

Paksa:
Kumbinasyong Kilos Lokomotor at Di-Lokomotor.
Sangunian:
PELC II.B.2.1
Mga Kagamitan:Volleyball Whistle

cassette tape (masiglang tugtugin)


cassette
III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
Pabilog ang porma ng mga bata.
Ipapasa ng mga bata ang bola paikot na sinasaliwan ng tugtog.
Biglang papatayin ang tugtog. Kung kanino nahinto ang bola ay
may parusa.
B. Panlinang na Gawain:
Anong mga laro ang kadalasan ay may pasahang ginagawa?
Anong tulong ang naibibigay ng pamamaraang pagpasa?
- Hatiin sa dalawang pangkat ang klase.
- Sa bawat pangkat ay may tig-iisang bola
Pormasyon:
- Sa hudyat ng whistle, ipapasa ang bola.
- Ang huling nakatanggap ng bola ay tatakbo sa harap at ulitin
ang pagpasa.
- Ulit-ulitin ang laro hanggang sa lahat ng bata ay naisagawa
ang tuntunan.
- Kung sino ang natapos ang panalo.
C. Pangwakas na Gawain:
Anong grupo ang unang nanalo?
Bakit madali silang nakatapos?

IV.

Pagpapahalaga:
Kailan ginagamit ang pamamaraang pagpasa?

V.

Kasunduan:
Nasunod ko ba ang mga tuntunin ng laro?

ARALIN
26
I.

Layunin:
Nagagamit ang mga kumbinasyong kilos lokomotor at dilokomotor sa mga gawaing may ritmo.

II.

Paksa:
Lokomotor at Di-Lokomotor.
Sangunian:
PELC II.B.2.2
Mga Kagamitan:cassette at tape ng masiglang tugtugin.

III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
Pasayawin ang mga bata ng isang modernong sayaw.
Hayaan silang gawin ang mga gusto nilang steps.
B. Panlinang na Gawain:
Bakit maraming kabataan ngayon ang nahihilig sa sayaw?
Ano ba ang naitutulong nito sa katawan natin?
Isagawa ng may saliw ng masiglang tugtugin:
a. Humakbang ng 4 beses paatras.
b. Umikot ng pakanan / pakaliwa.
c. Ibaluktot ang 2 tuhod.
d. Tumayo ng may 4 na bilang.
e. Ikandirit ang kanan.
Ulitin na sinisimulan ng 4 na hakbang pasulong.

IV.

V.

C. Pangwakas na Gawain:
Anong hakbang ang mahirap gawin?
Anong dapat gawin para matutunan ang mga hakbang na iyon?
Pagpapahalaga:
Bakit kailangan nating matutong sumayaw?
Anong pagkakaiba ng modernong sayaw sa ibang uri ng sayaw?
Kasunduan:
Gumawa ng kumbinasyong hakbang sayaw na kilos lokomotor at dilokomotor.

ARALIN
27

I.

Layunin:
Nakalilikha ng kombinasyong lokomotor at di-lokomotor sa
pagpapakita sa paglutas ng mga suliranin.
Naisasagawa ang wastong pag-iingat sa pagsasagawa ng mga
kilos lokomotor.

II.

Paksa:
Lokomotor at Di-Lokomotor.
Sangunian:
PELC II.A.6 ,B.3
Mga Kagamitan:6 na upuan
cassette tape (masiglang tugtugin)
cassette

III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
Isagawa:
a. Pag-ikot ng leeg (kanan at kaliwa)
b. Pagbaluktot ng bewang (kanan at kaliwa)
c. Pagbaluktot ng tuhod.
d. Pagtakbo sa lunan.
Ulitin ng dalang beses.
B. Panlinang na Gawain:
- Hatiin sa 2 pangkat ang klase
- Bawat grupo ay may 3 upuan.
- Hanayin ang dalawang grupo
- Gumuhit ng panimulang linya at panapos na linya na may 15
metro ang layo.
- Tatakbo ang unang manlalaro at dadaan sa pagitan na mga
silya.
- Pagdating sa panapos na guhit ay isasagawa ang pagbaluktot
ng tuhod na may 8 bilang.
- Tatakbong pabalik sa kanyang lugar at tatapikin ang unang
manlalaro.
- Ulit-ulitin ang laro hanggang maubos ang bata.
- Ang matalong grupo ay may parusa.
C. Pangwakas na Gawain:
Alin sa mga kilos lokomotor at di-lokomotor ang ginawa nating
laro?
Sinong grupo ang natalo? Bakit sila natalo?

IV.

Pagpapahalaga:
Anong kahalagahan ang ipinapakita ng laro natin?

V.

Kasunduan:
Nasunod ko ba ang tuntunin ng laro, pagtakbo at pagbaluktot ng
tuhod?

ARALIN
28

I.

Layunin:
Nakatutuklas ng mga paraang gumagamit ng mga
kombinasyong kilos lokomotor at di-lokomotor sa mga kaugnay
na ritmo.

II.

Paksa:
Nilikhang Kilos sa Payak na Ritmo.
Sangunian:
PELC II. B.4
Mga Kagamitan:cassette tape (masiglang tugtugin)
cassette

III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
Tumawag ng bata at ipasagawa ang isang nilikhang kilos niya
ayon sa saliw ng tugtog.
Ipagaya ito sa mga bata.
B. Panlinang na Gawain:
Ano ang napansin ninyo sa nilikhang kilos ng kamag-aral ninyo?
Mahirap bang gayahin?
Ipsagawa ang sumusunod ba hakbang na may tugtog:
a. Humakbang pakanan ng 2 beses.
b. Humakbang pakaliwa ng 2 beses.
c. Iatras ang kanang paa ng 2 beses.
d. Ihakbang ang kaliwang paa at idikit ang kanan.
e. Ulitin ang a. hanggang d.
- Hatiin sa tatlong grupo ang klase
- Practicum.
C. Pagwakas na Gawain:
Anong nilikhang kilos ang mahirap gawin?
Ano ang dapat gawin para matutunan ito?
Anong grupo ang magaling sumayaw?

IV.

Pagpapahalaga:
Ano ang napapaunlad sa bata habang isinasagawa ang mga nilikhang
kilos?

V.

Kasunduan:
Mag-isip ng 2 nilikhang kilos at ituro sa mga kaklase.

ARALIN
29

I.

Layunin:
Nagagamit ng wasto ang ibat-ibang kasangkapang pangkamay.

II.

Paksa:
Mga Kasangkapang Pangkamay.
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies
(PELC II.C.1)
Mga Kagamitan:2 bao bawat bata

drum
III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
Isagawa:
a) Pagbaluktot ng leeg. 16 cts.
b) Pag-ikot ng beywang 8 cts. (R and L)
c) Pagtakbo sa lunan 16 cts.
Ulitin ng 2 beses.
B. Panlinang na Gawain:
Anu-anong mga kagamitang pangkamay ang ginagamit sa P.E.?
(bao, patpat, bilao, drumbells, pompoms)
Anu-ano ang mga naitulong nito sa mga bata?
- Parisin ang mga bata.
- Bawat bata ay may hawak na bao sa makabilang kamay.
Isagawa:
- Pagtatamain ng dalawang bata ang kanilang kanang kamay.
(Blg. 1 at 2)
- Pagtamain ng dalawang bata ang kanilang kaliwang kamay.
(blg.3 at 4)
- Ipapalakpak ng 2 beses (blg. 5 at 6)
- Iikot ng 2 beses ang alin man sa dalawang bata (salitan)
(blg. 7 at 8)
Ulit-ulitin hanggang magign mabilis.
C. Pangwakas na Gawain:
Mahirap bang isagawa ang ating activity?
Anong tunog ang ating nilikha?

IV.

Pagpapahalaga:
Ano ang dapat isaalang-alang para hindi magkamali sa
paghampas ng bao?

V.

Kasunduan:
Nasunod ko ba ang lahat ng tuntunin?
ARALIN
30

I.

Layunin:
Naisasagawa ang mga batayang kilos at panimulang kasanayan
at himnasyo.

II.

Paksa:

Kasanayang Panghimnasyo.
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies
(PELC III.A.1)
Mga Kagamitan:tsart
cassette tape (masiglang tugtugin)
cassette
III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
Isagawa ang isang pampainit na gawain: (Warm up)
a. Pag-ikot ng leeg
b. Pag-ikot ng braso
c. Pag-ikot ng beywang
d. Pag-ikot ng tuhod
e. Pagtakbo sa lunan
Gawin ito ng 2 beses na may 16 cts.
B. Panlinang na Gawain:
Ang sumusunod ay ang mga kasanayang panghimnasyo:
a. Knee raising
c.
half-knee
b. Long sitting
d.
leg raising
Ipakita ang tsart na nagsaad kung paano isinasagawa ang mga
kasanayang panghimnasyo.
a. Knee Raising
Tumayo ng tuwid, itaas ang kanang tuhod at dahandahang ibaba. Ulitin ito sa kaliwa ng may 16 cts.
b. Long Sitting
- Umupo sa sahig na nakaunat ang paa ng tuwid
(trunk straight)
- Bumilaang 16 cts.
c. Half-Knee Stand
- Iluhod ang kanang paa at ang kaliwa ay nakaunat
- Bumilang ng 8 cts. Bago iluhod ang kaliwa
d. Leg Raising
- Umupo sa sahig as in long sitting position
- Idiin ang dalawang kamay sa likod at dahan-dahang itaas
ang mga paa
- Bumilang ng 16 cts.
C. Pangwakas na Gawain:
Anong nararamdaman ninyo sa katawan habang
isinasagawa ang mga kasanayang panghimnasyo?
Mahirap ba?

IV.
V.

Pagpapahalaga:
Kailan dapat isagawa ang mga kasanayang panghimnasyo?
Kasunduan:
Nasunod ko ba ang mga kasanayang panghimnasyo?

ARALIN
31

I.

Layunin:
Naisasagawa ang mga payak na ehersisyo na gumagamit ng
panimulang kasanayang panghimnasyo.

II.

Paksa:
Ehersisyo sa Kasanayang Panghimnasyo.
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies
(PELC III.A.2 p27)
Tayo ng Magpalakas, Patnubay ng Guro
Mga Kagamitan:cassette tape (masiglang tugtugin)
cassette

III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
Nag-eehersisyo ba kayo?
Ano ang tamang oras ng pag-eehersisyo?
Bakit kailangan ang ehersisyo sa katawan?
B. Panlinang na Gawain:
Isasagawa ang ehersisyo na may kasanayang
panghimnasyo.
1. Iunat at itaas ang mga bisig sa harap iagalaw ng
pataas at pababa. (blg. 16)
2. Ibaluktot ang siko
Ibaluktot ang tuhod.
Iunat ang tuhoa at siko.
Ulitin ng 16 blg.
3. Ibaluktot ang katawan sa harap.
Paindayugin ang mga bisig nang pakanan at pakaliwa.
4. Iunat ang binti.
Maaaring paindayugin sa ritmo ng 1-2-3-4.

C. Pangwakas na Gawain:
Aling ehersisyo an mahirap gawin?
Bakit sumakit ang mga kalamnan natin?
IV.

Pagpapahalaga:
Kalian dapat simulan ang pag-eehersisyo.

V.

Kasunduan:
Nasunod ko ba ang mga ehersisyo na may kasanayang
panghimnasyo?

ARALIN
32

I.

Layunin:
Naisasagawa ang mga pang-isahang stunts nang may
panimbang.

II.

Paksa:
Pang-isahang Stunts
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies
(PELC III.A.4 p28)
Mga Kagamitan:Tsart

III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
Isagawa ang sumusunod na ehersisyo:
a. Pag-ikot ng leeg.
b. Pag-ikot ng beywang. (pakanan/pakaliwa)
c. Pag-ikot ng tuhod.
d. Pagtakbo sa lunan.
Gawin ito ng 2 beses na may 16 bilang.
B. Panlinang na Gawain:
Anu-ano ang mga instant kadalasang ginagawa ng isahan?
a. Lakad-bibe
b. Lakad kuneho
c. Lakad-manok
Nasubukan niyo nab a ang mga ito?
Ipakita ng tsart na may tuntunin:

a. Lakad-bibe
1. Ilagay ang dalawang bisig at kamay sa likod.
Ito ang buntot ang buntot at pakpak.
2. Ibaluktot ang tuhod at lumakad.
b. Lakad-manok
1. Lumakad ng patingkayad
2. Ibaluktot ang mga tuhod
3. Pagkrusin ang mga bisig sa harap

c. Lakad-kuneho
1. Ibaluktot ang mga siko at tuhod
2. Itaas ang mga kamay sa harap ng dibdib
3. Lumundag-lundag ng pasulong.

C. Pangwakas na Gawain:
Anu-anong mga bahagi ng katawan ang naeehersisyo sa
katatapos ng istant?
IV.
V.

Pagpapahalaga:
Kailan dapat simulan ang pagsasanayng pang-isahang istant.
Kasunduan:
Nasunod ko ba ang mga tuntunin ng pang-isahang istant?

ARALIN
33

I.

Layunin:
Naisasagawa ang pang-isahang istant na nagpapaunlad ng
kalambutan ng katawan. (Flexibility)

II.

Paksa:
istants (Pang-isahan)
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies
(PELC III.A.4)
Tayo ng Magpalakas, Patnubay ng Guro,p.
Mga Kagamitan:Tsart
cassette tape (masiglang tugtugin)
cassette

III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
Isagawa ang sumusunod bilang pampainit na gawain:
a. Lakad-Bibe
b. Lakad-manok
c. Lakad-kuneho
B. Panlinang na Gawain:
Ipakita ang tsart na may tuntunin ng Lakad-alimango.

Lakad-alimango
1. Idiin ang dalawang kamay patalikud sa
sahig.
2. Tiyakin na balance ang timbang ng
katawan.
3. Paatras na lumakad na parang alimango.
C. Pangwakas na Gawain:
Mahirap bang isagawa ang lakad-alimango?
Anong bahagi ng katawan ang nais paunlarin?
IV.

Pagpapahalaga:
Kailan nagagamit ang mga stunts na may lambot ng kalamnan?

V.

Kasunduan:
Nasunod ko ba ang tuntunin ng lakad-alimango?

ARALIN
34

I.

Layunin:
Naipapakita ang mga koordinasyon, lakas at kalambutan ng
katawan sa pagsasagawa ng pandalawang instants.

II.

Paksa:
Pangdalawang Istants
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies
(PELC III.A.5)
Mga Kagamitan:Tsart
cassette tape (masiglang tugtugin)
cassette

III.

Mga Gawain:
A. Panimulang Gawain:
Ipaawit ang Leron-leron Sinta na magkahawak-kamay paikot.
Sumali sa pag-awit.
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Ano ang pagkakaiba ng isahang istant sa pangdalawang
instants?

Ano ang halimbawa nito?


Chinese get-up.
2. Paglalahad:
a) Pagbasa sa tsart ng mga paraan ng pagsasagawa ng
Chinese get-up
b) Pakitang-turo ng mgapiling bata
c) Pagsasagawa ng istant na ito.
1. Magkatalikud na nakaupo ang magkapareha. Nakaunat ang
mga paa at naka-lock ang mga braso.
2. Sabay na tatayo ang dalawa sa pamamagitan ng
pagbaluktot ng parehang paa.
3. Dahan-dahang tumayo ng sabay.
4. Ulitin hanggang maging madaling isagawa.
Saliwan ng tugtog.
C. Pangwakas na Gawain:
Ano ang dapat isaalang-alang para medaling isagawa ang
Chinese get-up?

IV.

Pagpapahalaga:
Kailan magagamit ang ganitong instants?

V.

Kasunduan:
Nasunod ko ba ang mga tuntunin ng Chinese get-up?

ARALIN
35

I.

Layunin:
Naisasagawa nang may kasanayan ang mga batayang posisyon
ng mga paa sa pagsasayaw.

II.

Paksa:
Kasanayan/ Batayang Posisyon ng Paa.
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies
(PELC III.B. 1 p.33)
Mga Kagamitan:Tsart ng mga batayang posisyon ng kamay at paa sa
pagsayaw

III.

Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
Isagawa:
a.
pag-ikot ng saking
b.
pagbaluktot ng tuhod
c.
paglundag sa lunan
Ulitin ng 2 beses
B. Panlinang na Gawain:
Saan kayo kadalasan nakakapanood ng mga sayaw?
Anu-anong bahagi ng katawan ang ginagalaw kapag sumayaw?
-

Ipakita ang tsart ng may guhit na batayang posisyon ng paa.

Isagawa sa harap ng mga bata.

Isa-isahin ang mga bata hanggang matutunan.

Gawin itong paligsahan. (kaliwat kanan)

C. Pangwakas na Gawain:
Isagawa ng sabay ang batayang posisyon ng paa at
kamay.
IV.

Pagpapahalaga:
Bakit kailangan matutunan ang ibat-ibang kasanayan ng paa?

V.

Kasunduan:
Nasunod ko ba ang tamang posisyon ng paa?

ARALIN
36

I.

Layunin:
Naisasagawa nang may kasanayan ang mga batayang hakbang
pagsayaw at ang mga kombinasyon.

II.

Paksa:
Hakbang Sayaw sa Ritmong 2/4.
Sangunian:
Philippine Elementary Learning Competencies
(PELC III.B. 2 p.33)
Mga Kagamitan:Tsart
Cassette at tape ng masiglang tugtugin.

III.

Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Isagawa:
Pahanayin ang mga bata at pamartsahin paikot ng room,
pakaliwat kanan na sinasaliwan ng tugtog. Ang mahuling
huminto at piata na ang tugtog ay may parusa.
B. Panlinang na Gawain:
Anu-ano ang mga hakbang sayaw sa ritmong 2/4?
a. Touch step
b. Close step
c. Side step
d. Brush step
e. Change step
- Ipakita ang tsart na nagsaad ng hakbang sayaw.
- Isa-isang ituro hanggang maisagawa ng mga bata nang
maayos.

a. Touch step- idikit ang KN sa harap at ibalik sa KL paa.


b. Close step- ihakbang ang KN paa sa harap at idikit ang KL paa.
c. Slide step- idausdos ang KN paa sa harap at idikit ang KL paa.
d. Brush step- isagi ang KN paa sa harap ng KL paa.
e. Change step- ihakbang ang KN paa pasulong at idikit ang KL paa sabay
hakbang ng KN. Gawin ito kaliwa at kanan.
-Gawing paligsahan ang pagsasagawa nito.

C. Pangwakas na Gawain:
Anu-ano ang dapat isaalang-alang habang isinasagawa
ang hakbang sayaw?
Mahirap bang gawin ang mga hakbang sayaw?
Anong grupo ang madaling natuto?
IV.

Pagpapahalaga:
Bakit dapat matutunan ang ibat-ibang hakbang-sayaw?

V.

Kasunduan:
Nasunod ko ba ang mga tuntunin ng hakbang-sayaw?

You might also like