You are on page 1of 5

Pagsusuri ng

Koridong Ibong
Adarna

Ipinasa ni:
Rose Anne C. Espallardo

Ipinasa kay:
Gng. Sta. Catalina

I. Kaligirang Kasaysayan ng Koridong Ibong Adarna


Ang Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong pamagat
ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid
na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang
Berbania. Walang tiyak na petsa ang tula, at nananatiling lihim ang awtor
nito, bagaman may ilang naniniwala na ang nasabing tula ay isinulat ni
Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la Cruz. Si Huseng Sisiw, ayon kay
Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco Balagtas kung
paano sumulat ng tula.

II.

Pagkakaiba ng awit at korido

Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo: 1.


Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit 2. Ang korido
ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa "allegro",
samantala ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa
saliw ng gitara o bandurya "allegro" 3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga
aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang ikinawiwili ng mga
mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob dito
Mga Halimbawa ng Korido: Ibong Adarna, Don Juan Tioso, Don Juan
Teoso, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang Alimango, Bernardo
Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, Prinsipe
Florennio ni Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas
Mga Halimbawa ng Awit: Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni
Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia
ni Jose de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, Prinsipe Igmidio at
Prinsesa Clariana

III.

Pagsusuri
A. Pamagat (angkop ba ang pamagat?)
Masasabing angkop ito dahil una sa lahat, ito ang gamot sa sakit
ng hari ng Berbanya. Pangalawa, ito din ang pilit na pinagpunyagihan ng
magkakapatid na hanapin upang hulihin. Ito din ang naging suri upang
mahayag ang kataksilan nina Don Pedro at Don Diego, ito din ang
nagpatunay na si Don Juan ang tunay na nakabihag sa kanya.
Samakatuwid, ang ibong Adarna ang naging susi upang malaman ang
tunay na karapat-dapat sa trono ng hari.

B. Tagpuan (Ilarawan)
Sa tahimik at masaganang Kaharian ng Berbanya.

C. Tauhan
Si Haring Fernanado na isang mabait na ama at makatarungang
hari ng Berbanya, si Donya Valeriana na asawa ni Haring Fernando na
isang mabuti at ulirang ina sa kanyang tatlong anak. Si Don Perdo na
isang sakim at masamang kapatid tulad ni Don Diego na isa ding taksil at
sakim na kapatid kay Don Juan. Si Don Juan naman ay mabuti,
mapagmahal at maawaing anak, kapatid at kapwa sa iba. Siyay may
busilak na puso. Si Haring Salermo na isang masama at mahilig manubok
na hari sa kanyang kapwa at mga nasasakupan, ang kanyang anak
namang si Donya Maria na isang maawain at makapangyarihang dalaga.
Si Donya Leonora na isang tapat at maawaing kasintahan kay Don Juan.
Si Donya Juana na isang maganda at maawaing babae. Ang ermitanyo na
may ibat-ibang katauhan na naging matulungin kay Don Juan at higit sa
lahat, ang Ibong Adarnang kaakit-akit ang kaanyuan at tapat na saksi sa
mga kataksilan ng magkapatid na Don Pedro at Don Diego.

D. Buod
Noong unang panahon sa kaharian ng Berbanya, may isang
haring nagngangalang Haring Fernando na dinapuan ng isang
misteryosong sakit na pawang isang mahiwagang ibon lamang ang
makakapagaling. Sa paghahanap ng tatlong anak ng hari sa Ibong
Adarna, ang dalawa sa kanila ay naging bato, sina Don Pedro at Don

Diego samantalang ang bunso namang si Don Juan ay nagtagumpay sa


paghuli sa ibong ito ngunit ang kanyang dalawang kapatid ay
pinagtaksilan siya sa kabila ng pagliligtas ni Don Juan sa kanila sa
pagiging bato. Ngunit nabunyag din ang katotohanan na si Don Juan ang
tunay na nakabihag sa naturang ibon. Ngunit dahil sa ginawang
pagpapakawala ng dalawang taksil na kapatid ni Don Juan sa Ibong
Adarna, napilitang umalis si Don Juan at magtungo sa Kabundukan ng
Armenya at doon niya natagpuan ang magkapatid na sina Donya Juana at
Donya Leonora. Ngunit muling nagtaksil ang kanyang dalawang kapatid
at hinulog si Don Juan sa balon at pilit na pinakasalan ni Don Diego si
Donya Juana habang si Donya Leonora naman ay nanatiling naghihintay
kay Don Juan. Sunod na tumungo si Don Juan sa Reino De Los Cristal at
dito niya natagpuan si Donya Maria at ang ama nitong nagbigay ng
maraming pagsubok. Sa huli, tumakas ang dalawa at nagtungo si Don
Juan sa Berbanya nang mag-isa. Nang maglaon, nakalimutan ni Don Juan
si Donya Maria na kanyang iniwan sa isang nayon. Sa mismong araw ng
kasal nina Don Juan at Donya Leonora, dumating si Donya Maria bilang
Emperatris at ipinaalaala ang kanilang wagas na pagmamahalang tila
nalimot ni Don Juan. Naalala ni Don Juan si Donya Maria at pinakasalan
ito at namuhay silang masaya at masagana sa kahariang kanilang
nakamit.

E. Banghay
1. Simula
Sa kaharian ng Berbanya, may isang haring nagngangalang
Haring Fernando na dinapuan ng isang misteryosong sakit na pawang
isang mahiwagang ibon lamang ang makalulunas. Bago nito, makailang
beses ng pinagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan. Una,
iginiit nilang sila ang nakahuli sa Ibong Adarna. Pangalawa, nang
pakawalan nila ang Ibong Adarna na naging dahilan ng pag-alis ni Don
Juan at panghuli, noong inihulig nila si Don Juan sa balon sa
pamamagitan ng pagputol ni Don Pedro sa lubid na nakatali kay Don
Juan. Bago nito, natagpuan ni Don Juan ang magkapatid na prinsesa na
sina Donya Juana at Donya Leonora. Ngunit pilit na pinakasalan ni Don
Diego si Donya Juana habang nananatiling naghihintay sa pagbabalik ni
Don Juan si Donya Leonora.

2. Kasukdulan
Nang maglaon, si Don Juan ay sunod na naglakbay sa Reino
De Los Cristales, sa tulong ng Ibong Adarna at ng ermitanyo. Dito niya
nakilala si Donya Maria at ang ama nitong si Haring Salermo. Nagbigay
ang hari ng maraming pagsubok kay Don Juan at sa huli ng malaman ni
Donya Maria na ibig ipapatay ng kanyang ama si Don Juan, napilitang
silang tumakas.

3. Suliranin
Mga pagtataksil kay Don Juan ng mga kapatid niya at ang
tangkang pagpatay kay Don Juan ni Haring Salermo.

4. Tunggalian
Tao vs. Tao

5. Wakas
Nagpakasal sina Don Pedro at Don Diego kina Donya Juana at
Donya Leonora at kinoronahan si Don Pedro bilang hari ng Berbanya.
Nagpakasal naman sina Don Juan at Donya Maria at silay bumalik sa
kaharian ng Reino delos Cristal at doon kinoronahan si Don Juan bilang
hari ng naturang kaharian.

You might also like