You are on page 1of 4

BUOD

KABANATA 21: MGA PAGDURUSA NI SISA

Sa narinig mula sa kusinero ay kumaripas ng takbo si Sisa pauwi sa


kanilang bahay. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga pangitain
na dadamputin ng mga gwardiya sibil ang kanyang mga anak at ang
bintang na pagnanakaw ng salapi ng dalawang bata. Namataan niya
ang mga gwardya sibil na papalayo sa kanilang bahay, bagay na
nakagaan sa kanyang takot sapagkat hindi nito kasama ang kanyang
mga anak. Nang magpang-abot sila ng gwadiya sibil sa daan, pilit
siyang pinaamin na ilabas ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang
mga anak. Bingi ang mga gwardiya sibil sa kanyang pagmamakaawa
at pangangatwiran kung kaya't kinaladkad siya ng mga ito
papuntang kwartel. Hiyang- hiya si Sisa habang kinakaladkad ng
mga gwardiya sibil sa harap ng taong-bayan, lalo na ng sa oras na
iyon ay natapat na tapos na ang misa at ang mga tao ay
kasalukuyang lumalabas ng simbahan. Lahat ay napapatigil sa

nagaganap na eksena sa lansangan at walang magawa si Sisa kundi


panghinaan ng loob at mag-iiyak. Pagdating sa kwartel ay inihagis
siya ng mga ito at nagsumiksik na lamang siya sa isang sulok. Bingi
ang lahat sa kanyang pakiusap at pagmamakaawa. Tanghali na ng
pakawalan siya ng Alperes. Umuwi si Sisa sa kanilang bahay at
muling hinanap ang kanyang mga anak. Ngunit ala ni anino o tinig
ng mga bata kahit sa bakuran. Pumanhik muli siya ng bahay at
namataan niya ang punit na damit ni Basilio na may bahid ng
dugo.Hindi niya matanggapang nasilayan at nilamon ng pighati ang
kanyang katinuan. Nagpalaboy-laboy siya sa lansangan habang
sinasambit ang pangalan ng kanyang mga anak.
KABANATA 43: MGA BALAK O PANUKALA

Si Padre Damaso ay malungkot na malungkot habang umiiyak sa


ilalim ng balkonahe dahil sa pagkakasakit ni Maria Clara. Namangha
ang mga nakakita sa inanyo ng kura, na sa kanilang pagkakakilala ay
walang galang at may magaspang na pagkatao ngunit may kabaitan
palang itinatago. Matapos ang pangyayaring iyon ay ipinakilala na ni
Donya Victorina si Linares sa kura. Naghahanap ang binata ng
trabaho at mapapangasawa. Nangako si Padre Damaso na
tutulungan niya ang binata na maghanap ng trabaho. At para naman
sa paghahanap ng asawa ay plano niyang kausapin si Kapitan Tiago
ukol rito. Si Padre Salvi ay malungkot na nagmumuni-muni.
Dumating si Lucas at ito'y nagsumbong sa kura tungkol sa
pagkamatay ng kanyang kapatid. Nanghingi ito ng payo sa kura
habang pakunwaring umiiyak dahil limandaang piso lamang umano
ang ibinayad sa kanya ni Ibarra kapalit ng buhay ng kanyang kapatid.

Hindi ikinatuwa ng kura ang kaartehan ni Lucas kaya't ito'y kanyang


ipinagtabuyan. May binubuong plano si Lucas laban kay Ibarra
habang si Padre Salvi naman ay may sarili ring plano.

You might also like