You are on page 1of 2

TALUMPATI

Kristyan o kris-tiyan
Kung ating papansinin,/ napakaraming relihiyon na ang naglitawan ngayon/ at lahat
naman ay ipinapakitang naniniwala sa Diyos/ at kay kristo.// Masasabing ang mga grupong ito ay
kristiyano.// Paano ba natin malalaman/ kung alin ang totoo at hindi.// Paano ba nasasabi na sila
ay mali at tama.// Kung tayo ay magbabasa ng bibliya/ at ito ay sasaliksikin/ ay malalaman natin
kung alin nga ba ang nagtututro ng tama at hindi tama.// Sa Mikas 3:11/ ay nagsasabi na/ ang
mga pangulo ay nasisihatol dahil sa suhol,/ at ang mga saserdote niya ay nagsisipagturo dahil sa
upa,/ at ang mga propeta niyay nangaghuhula/ dahil sa salapi.// Gayon man/ silay sasandal sa
panginoon at mangagsasabi,/ hindi baga ang panginoon ay nasa gitna natin?// Walang kasamang
darating sa atin.//
Sinasabi dito/ na maraming mga relihiyon na ng dahil sa suhol/ at sweldo ay nagtuturo ng
salita ng Diyos/ na hindi naman nila lubos na maunawaan/ kaya marami ang naliligaw.
Maraming tao ang gumagamit sa salita ng Diyos/ upang sila ay kumita lamang.// Nagtatayo ng
relihiyon/ dahil sa pera/ at hindi dahil para sambahin ang Diyos.// Makikita sa salitang ito/ ang
mga taong mapagpanggap sa mga taong gustong maniwala sa Diyos.//
Kung ating babasahin sa libro ng Roma/ kapitolo labing anim,/ bersikolo labing walo/
(Roma16:18) ganito ang sinasabi/ sapagkat ang mga gayon/ ay hindi nagsisipaglingkod sa
kristong panginoon,/ kundi sa sarili nilang tiyan,/ at sa pamamagitan ng kanilang mabuting
pananalita/ at mainam na mga talumpati/ ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay,/
sinasabi sa talatang ito/ na ang mga bulaan ay nagtuturo dahil/ sa sariling pakinabang.// Hindi
sila nagtuturo ng aral/ para kay kristong panginoon/ sapagkat ang kanilang ginawang Diyos/ ay
ang kanilang tiyan.// Kayat tayo ay huwag magpapadaya.// Suriin din natin ang mga relihiyon na
ating pinapasukan/ kung ito ba ay totoo o hindi.//
Dapat hindi tayo magaya sa mga parisio/ at eskiba/ na kunwari ay malilinis sa labas/ pero
para lamang silang libingan/ na magandang tignan sa panlabas/ pero sa loob ay nabubulok at
nanalingasaw/ sa mabahong amoy.// Sa (2 Pedro 2:12) ay nasasabing/ datapwat ang mga tao na
gaya ng mga kinapal na walang bait/ na ipinanganak na talagang mga hayop/ upang huliin /at
lipulin,/ na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman/ ay walang salang lilipulin sa
kanilang pagkalipol.// Sinasabi dito/ na may mga taong pag iyong tinitignan/ ay tao sa panlabas/
pero ang nasa loob ng kanyang katawan/ ay hayop.//

Sa talata naman ng Mateo/ kapitulo pito,/ bersikolo labing lima/ ay nagsasabi na/
mababasa naman dito sa inyo/ na may dait tupa,/ datapwat sa loob ay mga lobong maninila.//
Ang talatang ito ay para sa mga mangangaral/ o mga pastor/ na ang nasa loob ng kanilang
katawan ay lobo.// Hindi ko po linalahat ang mga mangangaral/ at mga pastor/ ngunit hindi narin

naman siguro lingid sa ating kaalaman/ na mayroon talagang ganitong mga tao.// Sila ay
kumikilos para sa sariling kapakanan/ upang magkaroon ng laman/ ang kanilang tiyan.//
Sa Mateo apat/ bersikulo apat/ ay sinasabi na/ datapwat siyay sumagot/ at sinabi,/ Hindi
sa tinapay lamang nabubuhay ang tao,/ kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.//
Ang ibig ipahiwatig dito/ ay sa bawat salita ng Diyos ay nabubuhay ang tao/ at hindi lang sa
tinapay.// Marami na ring nakakalimot na mga tao sa ating Diyos/ na makapangyarihan sa lahat.//
Kaya dapat tayo ay manalig sa kanyang mga salita/ sapagkat nanggagaling sa pakikinig/ ang
pananampalataya ng tao.//
Ang totoong kristayano/ ay may mabuting mga gawa,/ may takot sa panginoong Diyos.//
Hindi nandadaya ng kapwa/ para sa sariling kapakanan lamang.// (Exodo 20:7) hindi ginagamit
ang pangalan na Diyos/ sa walang kwentang bagay.// Hindi sila gumagawa para sa sweldo/
kundi sila ay gumagawa dahil sila ay talagang nananalig sa Diyos,/ may takot/ at tinuturing na
ang Diyos lamang/ ang ating tagapagligtas.//
Mga kapatid/ kung inyong uunawain/ ang relihiyon po ay mahahati po sa dalawang uri/
kung ito nga ba ay totoong kristyano/ o isang huwad na kristyano,/ at maaaring hindi po sa
relihiyon/ kundi ito po ay nasa ating sarili.// Kung ikaw nga po ba/ ay totoo ang ating
pananampalataya/ o isang pagkukunwari lamang/ at dinadaya ang sarili upang ipakita sa kapwa
mo na ikaw ay isang maka Diyos/ kahit ang totoo naman ay hindi.//
Tandaan nating lahat/ na ang pananampalataya ay may kaakibat na gawa/ upang ito ay
magkaroon ng bisa.// Bago ko tapusin ang pagsasalita sa inyong harapan/ ay mayroon akong
iiwanang katanungan sa inyo/ na kayo lamang ang makakasagot.// Ikaw ba ay kristyan/ o kristiyan.//

You might also like