You are on page 1of 2

Sino ka ba talaga? Bakit mo yan ginagawa?

Kahit alam mong nakakasama/ at may masasabi lang sila,


Hindi naman sa nang aalipusta/ pero parang sumosobra ka na,
Bakit hindi ka nalang maging tapat/ ng buhay mo’y guminhawa.

Ayon nga sa Exodo/ sa kabanata dalawampo,


Laging maging tapat / sa kapwa, at Panginoon,
Ibig sabihin daw nito/ay huwag magsinungaling sa ibang tao,
At pagka katiwalaan ng Panginoon/ na magiging karapat-dapat sa
Kanyang banal na templo.

Ang naturang gabay ng Espiritu Santo, ang magiging bunga ng ‘yong


katapatan,
Kung kaya’t maging tapat sa paaralan, piliing huwag mandaya sa
anumang paraan,
Bilang pasasalamat na rin/ sa mga gurong nahihirapan,
Sa propesyon nilang / talagang pinagpuyatan.

Ang Panginoong Diyos ay tapat /at makatarungan sa lahat ng bagay,


Atin itong tularan/ kahit nasan man tayong hanay,
Kung maganda man o mahirap /ang ating pamumuhay,
Bagkus ang katapata’y/ laging itatatak sa puso’t isipan.
Marami kang mahuhuling tao/ na natutuwang naka pangloloko,
Ang iba’y tila ginawa na itong bisyo,
Na sa katagalan/ ay magiging ugali na nila ito,
At dadami pa ang mga taong/ kanilang inaabuso.

Isa itong malaking kataliwasan sa kabutihan,


Kung kaya’t walang dapat kahangaan,
Makukuha ng ka’y dali /ang mga bagay na hindi pinaghirapan,
Kasabay ang mga taong /magkanda kuba na sa kahirapan.

Dito natin masisilayan/ na ang katapatan ay susi sa magandang


kinabukasan

You might also like