You are on page 1of 14

ipagpapatuloy po natin ang nga pag-aaral sa libro ng ikalawang Pedro at si Pedro ang matapat na

Apostol na kung saan marami sa atin kinukumpara natin ang ating sarili sa kanya sapagkat siya ay
mapusok at madalas magkamali pero ganun din yung nga kanyang pagmamahal sa Panginoon ay
napakatindi rin… siya yung lagging nangungua sa mga apostles… di ba…pag may nangyayari sa iyong
unang nagtatanong at unang nagsasalita at una ring napapahamak

ngayon itong pinagaaralan natin si pedro ay malapit na siyang mamatay nakakulong siya habang
sinusulat niya ito ng ikalawang Pedro at papatayin siya… natatandaan nyo ba kung paano siya
papatayin… ipapako siya pero patiwarik dahil ayaw nyang magaya sa pagkakapako ng panginoon gusto
niya nakapatiwarik… dahil hindi siya karapat-dapat… Kaya sabi niya… baligtad Ninyo ako ipako… at
ganun din yung kanyang asawa at hinabilinan siya ng Panginoon nung nga bago siya magministeryo ang
Panginoon ay binigyan siya ng pagkakataon… kasi nung kanyang itinatwa ang panginoon binigyan siya ng
pagkakataon ng Panginoon upang makapanumbalik at inihabilin ng panginoon ang kanyang kawan diba
tatandaan iyo tinanong siya pedro mahal mo ba ako pakainin mo ang aking mga tupa

at itong ating pinag-aaralan kinakabahan si Pedro para sa kawan o sa tupa na kanyang inaalagaan at
gayon din sa mga darating pang mga tupa ng simbahan kabilang na tayo dun kasi Dumadami yung mga
tinatawag na huwad na guro o false teachers at napakagandang object lesson ng tupa o sheep sa
simbahan… kasi ang tupa… ay isang hayop na hindi katulad ng ibang hayop na kayang alagaan ang
kanilang sarili ang tupa pag hindi inalagaan ng pastol mamamatay… kailangan niya ng napakatinding
aruga at ganun din ang kawan sa simbahan kailangan din ng mahusay na pastol…

ang punong Pastol ay si Jesus at hinahabilihin ngayon ni Pedro ang mga pastol na katulad namin upang
pangalagaang mabuti ang kawan… ang tupa ay mahina at minsan madaling malinlang at ang simbahan
ngayon marami nalilinlang… meron isang bayan sa New Zealand na mas maraming tupa kaysa sa tao sa
bawat isang tao merong anim na tupa at sa bawat lugar sa isang square kilometer Mas marami ang tupa
kaysa sa tao… kaya ang mga kabarkada ng mga taga New Zealand mga tupa ang kanilang mga
kapitbahay at kabarkada ay mga tupa… pero taon-taon maraming ding kinakatay na tupa sa New
Zealand kinakain… ta milyon milyon at merong isang interesting na pamamaraan kung paano patayin
ang mga tupa sa New Zealand… yung isang buong kawan kanilang dadalhin sa slaughterhouse… bahay
Patayan… na pinangungunahan ng isang tupa…

may nangungunang tupa… susundan siya at dadalhin sila doon sa lugar na kung saan papatayin lahat
yung tupa pero bago patayin lahat ng tupa meron parang pinto na doon lumalabas yung tinatawag nila
na judas sheep… bakit judas sheep… kasi pinamunuan niya yung tupa… para dalhin sila sa tiyak na
kamatayan…

yung Judas sheep may sungay actually ang dapat tawag dun ay judas goat…. pero hindi nga masyadong
matalino ang mga tupa hindi nila sinabi… mukhang may sungay itong sinusundan natin… so pag nandun
na sila sa lugar na kung saan sila papatayin gigilitan… Di ko alam kung papaano papatayin… hindi ko
alam… Merong pinto na kung saan yung Judas sheep alam niya na eeskapo na siya… tatakas na siya…
kasi trained itong judas sheep na ito… tapos yung mga maiiwan papatayin na lahat… hindi po sheep yung
judas sheep… kambing… na mukha lang sheep…

yan ang pagaaralan natin ngayon patungkol sa wolf in sheep clothing… yung mga pastr na ang itinuturo
ay ikapapahamak ng simbahan… kaya kapag nakita niyo po yung mga Pastor dito sa east nagkakaroon na
ng sungay nagsimula parang bukol maya-maya humahaba na baka dapat niyo na pong suriing mabuti
pero hindi lalabasan ng sungay lalabasan na maling katuruan… ang mal ng pastol

babasahin ko po ang katuruan tungkol sa mga huwad na guro sa simbahan… ikalawang Pedro 2:1
hanggang 3

Noong una, may mga huwad na propetang lumitaw sa Israel. Gayundin naman,
may darating sa gitna ninyo na mga huwad na guro. Lihim silang magtuturo ng
mga maling aral na ang dulot ay kapahamakan. Pati ang Panginoong tumubos sa
kanila ay kanilang itatakwil, kaya't di magtatagal at sila'y mapapahamak. 2 At
marami silang mahihikayat na sumunod sa kanilang kahalayan; at dahil dito,
pati ang daan ng katotohanan ay malalapastangan. 3 Sa kanilang kasakiman,
lilinlangin nila kayo sa pamamagitan ng kanilang aral na kathang-isip lamang.
Matagal nang nakahanda ang hatol sa kanila at ang pupuksa sa kanila ay hindi
natutulog.
Panginoon tulungan mo kaming maunawaan ang katuruang ito upang makapag ingat po kami sa
naglaganap na maling tagapagturo… protectionan Ninyo po kami… na ang aming simbahan na huwag
sana magturo ng mali at laging magtiwala sa biblia sa pangalan ni hesus… amen…

dalawa lang po ang points… two points… dalawang punto… una huwag magtaka na may
huwad na Pastor sa simbahan… inihahanda po natin ang bawat isa para hindi tayo magulat kasi
sa simbahan hindi tayo masyado nag-iingat… basta Pastor… ginagalang at tayo ay nangigimi na… suriin
ano kasi mababait ang Pilipino eh Kaya kahit medyo questionable na… hindi natin magawa kasi hindi
natin akala na merong huwad na pastol pero ito pong pag-aaralan natin inihahanda tayo para hindi
magtaka kung di asahan pa nga na napakaraming tagapagturo ng mali… pangalawa… kung alam
na natin yan huwag tayong maging disipulo kasi alam na natin… kasi ang maling
pagtuturo po dito sa ating unang punto ay ang kauna-unahang gamit ni satanas para labanan ng Diyos…
kunin niya yung tama at gagawin niyang mali sa pamamagitan ng pag iiba

and kanyang pangunahing gawain hindi na po natin pinag-uusapan dito yung mga false teacher na
nagtuturo ng mali sa labas ng evangelical church… pinag-uusapan na po Ta natin… dito sa Born Again
church… kasi doon sa labas tulad ng Iglesia ni Cristo

Jehovah's Witnesses tsaka mga Mormon… Yan po ay mga false teaching… at Paano malalaman yan ang
kategorya ng false teaching… because of their Christology o yung katuruan sa doktrina na kung sino si
Kristo… sa ating Faith… Bible… Jesus is God… sa kanila Jesus is man… doon lang po mahuhuli muna… ang
definition ng cult or False teaching sa labas ng evangelical or Born Again church… yung kanilang
Christology pero dito po… ang pinag uusapan dito ni pedro sa loob ng church…

Denideklara nila jesus is God… tama yun… pero iniba nila ang mga prinsipyo sa bible dahil sa mga
kadahilanan na aking po sasabihin sa inyo mamaya… iniiba nila ang kahulugan… iniiba nila ang tama…
nagsimula po ang pagiiba ng tama doon pa lang sa Genesis 3… Kinuha ni satanas yung salita at utos ng
Diyos kay Eba't Si Adan sabi ng Diyos sa kanila Wag niyong kakainin ang prutas na ito… lahat pwede
ninyong kainin maliban dito… sa Genesis 3 iniba ni satanas… sabi niya at nagbigay siya ng duda talaga
bang sinabi… nagcreate siya ng doubt.. at dahil doon… nalito naman si eva…

at sa pamamagitan ng pagiiba ng salita ng Diyos…. Nalinlang at ngayon sira ang sangkatauhan… kasi
pinalayas ang katauhan

ang huling utos sa biblia… sa pahayag ay patungkol sa pagbabawal ng pag iiba


ng salita ng Diyos… sabi sa pahayag 22 akong si Juan ay nagbibigay ng babala sa
sinumang makarinig sa mga propesiya na nasa aklat na ito ang sinumang
magdaragdag sa nilalaman ng aklat na ito ay dagdagan ng Diyos Ang parusa
idadagdag sa kanya ang mga salot na nakasulat dito sinumang mag-alis ng
anuman sa mga propesiyang Naririto ay aalisan naman ng Diyos ang karapatan
sa bunga ng punongkahoy
so hindi mo pwedeng dagdagan at hindi mo pwedeng bawasan yung sinabi ng panginoon Maraming
gumagawa nyan kasi gusto nilang palabasin yung ibig nilang ibig sabihin ng Bibliya at hindi nila
pinalalabas yun talaga… ang ibig sabihin ng tinatawag na may akda o ang author ng Bible

yung tinatawag na authorial intent… yung gustong sabihin mismo ng Diyos sa kanyang isinulat kaya
iniiba nila… Bakit iniiba… sapagkat ang mga ibang relihiyon hindi sila interesado ng mapa Luwalhati ang
Panginoon kundi makuha yung kanilang gusto… for example yung ating pinanggaling religion… punong-
puno ng ritual… tinatawag na false teaching na ritualism… yung ritualism.. punong puno ka ng activity…
simba ka ng simba… ang dami mong panalangin na paulit-ulit… ang daming burloloy… very ritualistic…
maraming simbolo… pero Makikita mo pag nagawa mo to… pwede mo na rin gawin yung kasalanan
mo… yun ang tinatawag na dichotomy….nagprovide yung mga false teacher ng religion na punong puno
ng activity para pakiramdam mo religious ka… Pero pwede mo ring gawin yung kasalanan mo

so pwedeng God and sin at maraming may gusto ng ganoon kaya marami tayong pulitiko di ko na
sasabihin kung sino… kasi boboto na kayo next year… na Parang sinasabi nila makadyos ako.. pero yung
buhay nila iba-iba ang asawa… pwede… kasi religious naman ako… nagdo-donate naman ako eh
tinatawag na false teaching na ritualism…

meron naman tinatawag na false teaching na mysticism… ano yung mysticism… mistikal… mystiko…
parang…. Oooohhh… kinausap ako ng Diyos at sinabi niya sa akin Bigyan niyo ako ng pera… amen…
tapos May sinasabi pa sila na meron silang mga pananalita na pananalita ng anghel…. Pero ganun din
ang buhay nila ay punong puno nin kasalanan … kasi ang iniisip nila meron naman akong superpower…
Meron akong mysticism pero ang buhay ko ay Pwede rin ng kasalanan

kaya marami tayong makikita…. Hindi ko nilalahat.. mga artista na tinatawag na… andun sa charismatic
church… pero yung buhay nila dati parin… so nakikita Ninyo… iniiba yung katuruan para magkaroon ng
accommodation ng religion and Sin… yung iba naman yung tinatawag na universalism… merong false
teacher… universalism… yung universe… pangkalahatan… lahat ng religion ay pwede… si billy graham
Nalulungkot ako… nag announce siya na lahat daw ng religion universal ay papunta sa dyos… tulad ng
Buddhism… papuntadin sa Diyos yan…tulad ng Hinduismo papunta rin basta naniniwala ka sa isang
mataas na dyos… si kristo… si Buddha kung sino man yan… all roads lead to God yun yung false teaching
na universalism….

meron din naman…. At ito ay tinuturo ng mga evangelical na… ano yung mga katulad nating mga born
again… yung tinatawag na false teaching na post modernism… yung tawag na iyon medyo complicated
pero simple lang… lahat ng convition ng tao parepareho… halimbawa sinabi niya… may dalawa akong
chicks… pero nagbibigay naman ako ng pera sa simbahan e… Meron akong dalawang chicks pero mabait
naman ako eh

so sa Diyos basta mabait… okay lang… so yun ang tinatawag na kung anong tama sa kanya wag mong
sasabihing mali…. yung mali sayo wag niya sasabihin tama… kanya-kanya at Lahat yan ay walang Dapat
mag-husga… so ngayon sa mga simbahan… pagnatanong mo Hindi naman yan ang sinasabi sa bible ah…
ay naguusga ka… no absolute… yan yung tinatawag na post modernism… isa pang false teaching na
itinuturo sa tamang simbahan… mga maling katuruan na naituro na sa tamang simbahan kasi hindi salita
ng Diyos ang tinuturo kundi mga kathang isip…

So anong sabi natin… ritualism… universalism… postmodernism at itong huli na lang at marami pa…
pragmatism…. Nagmula sa salitang pragma or practical…

Yung religion na practical… lahat ng sasabihin ko dito dapat practical… alam ko mahal ka ng dyos kaya
dapat kung anong hilingin mo ibibigay niya… kasi mahal ka ng dyos e… so yung relihiyon na Wala naman
sa bible pero parang tunog Bible na practica… so dadami yung tao kasi practical siya e… alam mo pag
sinabi mo… Lord I claim it… ibibigay sa inyo ni lord yan… At paulit-ulit mong sabihin… wala sa bible
yun… ang sinasabi sa bible… you ask but you also trust God… so yan ang mga katuruan na itinuturo ng
mga false teacher… kasi para dumami ang kanyang meyembro… pag dumami ang kanyang miyembro
siguro yayaman siya at dadami ang kanyang mga ari-arian…

Yan ang motibo ng false teacher… pero ang simbahan na naturuan ng tamang interpretasyon ng ating
ginagawa…. book by book… verse by verse… mahihirapang malinlang… kasi sanay ang tao…
ipepepresenta ng Pastor yung salita ng Diyos at kanyang ipapaliwanag at malaunan pag tinubuan ng
sungay ang Pastor at nag salita siya ng Bible verse at mali ang kaniyang sinabi… sasabihin ng kanyang
tupa… uyyyy may sungay na si pastor… yung sinusundan natin meron ng ano… nakuha niyo

Sinasanay ang kawan na magsuri at siya rin ay masuri… hindi natatakot yung Pastor na siya ay
maquestion ng kawan… pastor parang malayo na ata yung iyong itinuturo sa amin….

kaya ang bawat miyembro ang bawat tupa ng matapat na pastol ay natuturuan kung papaano mag aaral
ng Bibliya… para kapag siya ay nakarinig ng maling turo na parang tama ang turo na ginawang maling
turo…. kanyang naaamoy… kanya itong na dedetect…

sabi sa ikalawang corinto… hindi sila tunay na mga pastol kundi mga
mandaraya lamang at nagkukunwaring mga Apostol
hindi dapat ito pagtakhan… hindi dapatkayo magtaka dapat pa ngang aasahan…. sapagka't si
Satanas man ay maaaring magkunwaring anghel ng kaliwanagan
nagkukunyari siya na ilaw… yun pala siya e kadiliman
sa lumang tipan… kay moses palang… marami na nagkukunwaring Pastor yung dati tawag kasi natin iyan
sa propeta dati propeta Ngayon pastor nay an… o sugo ng Diyos sabi dito Deuteronomy sa lumang tipan
palang

kung sa inyo'y may Lumitaw na propeta nagbibigay nagkakatotoo ang kanyang


pahayag subalit hinihikayat kayong sumamba sa mga diosdiosan hindi naman
ninyo kilala Huwag kayong makikinig sa kanya pagsubok lamang iyon ni Yahweh
sa inyo kung talagang Iniibig ninyo siya ng buong puso't kaluluwa
yung mga tagapakinig ng maling katuruan biktima… pero may narinig ako… hindi lahat biktima… kasi
may mga tao gusto yun ang naririnig…. meron pag nakarinig ng Biblia at kalimitan kung napansin nyo…
Napansin ko… ang tunay at Tamang katuruan sa Bibliya… hindi para ibigay ang hilig at gusto natin na
magpayaman o gamitin ang Diyos na parang hilingan lamang kundi ituwid ang kalikuan sa buhay …. Ang
bibliya kadalasan ay nagtutuwid… at himihingi sa atin ng kalakasan ng loob para magsakripisyo.. to take
up the cross… maraming tao ayan niyan… ang gusto nilang relihiyon yung papayag sa kanilang
kalayawan at magbibigay sa kanila ng kahilingan…. Kaya nga merong peroperity gospel… wala ng ibinigay
kundi pangako ng Pangako … hingi ng hingi sa Diyos at ayaw nila sa katuruan nung Diyos na Humihingi
na isuko ang kanilang buhay… 23 min…

pero ang biblia ang sinasabi… ibibigay ko sa inyo ang buhay na walang hanggan pero dapat isuko ninyo
yung buhay niyo dito…. maraming tao ayaw diyan…kaya nung lumang tipan pa sinusubok na… san ka
makikinig… mainit na mahaba pa sermon at minsan yung sermon… tagos pa… nakakahiwa pa pero yung
mga tunay na Kristiyano yan ang Hinahanap nila

sabi nga na panginoon my sheep hear my voice and they know me yung tunay kong kawan kilala ang
aking boses at Hinahanap nila…. 23min and 42 second…

ang aking mga katuruan sabi ni Pablo kay timoteo babala na parang babala ni Pedro ipangaral mo ang
salita ng Diyos pagsikapan mong gawin iyan napapanahon man o hindi ano ibig sabihin nun man hindi
Gusto mo ng tao hindi dumami man ang nakikinig sa iyo Hindi yan ang iyong ibigay mo at pagsabihan ng
mga tao at palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo sa panahong hindi na
sila makikinig sa wastong katuruan sa halip susundin nila ang kanilang hilig maghahanap sila ng mga
tagapagturo na walang ituturo kundi ang Ibig nilang marinig hindi sila makikinig sa katotohanan sa halip
ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga alamat kaya yung mga megachurch na magtuturo lang sa
liwanag ay naglalakihan ang mga church na nagtuturo ng tapat kaunti Bakit kaunti ang mga tapat at ang
mga Pastor gusto maging mapula ang gusto mong napakalaki ang kanilang mga Ministry Wala namang
problema dun Pero pag iniwan mo ng pamamaraan para gawin yun nagiging makasarili ka na nga
tinubuan ka na ng sungay Sabi nga sa lugar sa East kahabag-habag kayo kung kaya't Pinupuri ng lahat ng
tao sabi sa Pastor mo to you if all men speak well ano nakakatulong Pinupuri kayo na lahat ng tao
sapagkat gayon din ang ginagawa ng kanilang mga ninuno sa mga huwad na propeta yung mga huwad
na propeta daw na ibinibigay sa gusto marinig hinahangaan ang galing niyo pa sa leche ibinigay yung
hilig namin eh Bakit kapag ikaw ay gusto ng lahat ng tao ba kasalanan mo hindi na hindi ka magiging
matapat sa bibliya sapagkat ang Bibliya ang ebanghelyo ay nagtutuwid sa mga banal
nagbibigay ng tinatamad yung sa mga hindi maka-diyos ang mga mali ng guro ay mas interesado sa
pagtanggap ng tao kaysa sa pagtanggap ng Diyos sa kabaliktaran sa 15 suriin ninyo ang lahat ng bagay
suriin nyo dapat sinusuri mo si JC yun Ano na sa ngayon 30 plus years old pero yung batang yun

please Sangay sa english 3 lahat ng Maawa ka sinusubo

tae ng aso buti nalang hindi ko natapakan niya dahon susuhin ng suso niya ang tawag ng Diyos hindi
dapat natin dapat Ano ba to sabi ko GC Tigilan mo yan at tinigil na nga po ang pagsusugo ng mga bagay
na mali last week nung baby pa si Ate Nene niyo na yun Sorry na lahat ng bagay lahat ng pinakikinggan

suriin ang lahat ng bagay… lahat ng pinakikingan… yung mga nasa TV…Maramng magagandang sinasabi
naku Sabi ko delikado yang pinakikinggan mo… e sa galing naman ng kanilang pananalita… ay may
makukuha ka namang maganda… ang galing magsalita eh… pero ang kanilang doktrina ay doktrina ng
kalaban… sabi pa nga sa unang juan…

mga minamahal huwag ninyong paniwalaan kaagad ang bawat nagsasabi na


nasa kanila ang Espiritu sa halip subukin upang malaman kung talagang mula sa
Diyos
yung mga Bible Bookstore… surrin Ninyo… hindi lahat dapat basahin… diyan sa baba

yung ibang mga autor ay saliwa… kung saan saan hinuhugot ang doktrina … suriin… nakikinig ba kayo sa
radio… titignan Ninyo kung sino ang pinapakingan Ninyo… sa luma at bagong tipan makikita natin na
talagang galit ang Panginoon sa maling mga tagapagturo… yung kumukuha ng katotohanan at minamali
pero parang tama pa rin sa malapit sa tama… ginagamit ang pangalan ni Cristo… ginagamit ang Biblia…
ginagamit ang pangalan ng Diyos ngunit mali na pala at malinaw na napakaraming babala pero ang
simbahan ngayon ay gumagawa ng kapaligiran imbes na suriin.. lahat tinatanggap kahit anong tinuturo
parang hindi na nag-iisip para sa kapakanan daw ng pagmamahal ng pagkakaisa at ang resulta sila ay
hindi na nakikinig sa tama sapagkat ang katotohanang daw ng Biblia ay hindi magagamit hindi praktikal
nakaiinip at hindi epektibo at kanilang pinipili ang katuruan ng mga maling guro kahit na napakaraming
Babala sa biblia na huwag itong gawin…

totoong si Satanas ay umaatake sa labas ng simbahan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng maling


relihiyon… sa labas siya bumabanat… totoo yan… pero madalas din sa loob siya bumabanat

tinitira niya ang simbahan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga guro na parang tupa yung pala sila
ay mga lobo sa damit ng tupa… sabi a Wolf in sheep's clothing

si Jesus mismo nag babala Mag ingat kayo sa mga hindi tunay na propeta
lumalapit sila sa inyo na parang tupa ngunit ang totoo'y mababangis na asong-
gubat
ganun din sa unang timoteo 4 Maliwanag na sinasabi ng espiritu na sa mga
huling araw ay iiwan ng Ilan ang pananampalataya susunod sila sa mga
mapanlinlang na espiritu at sa mga katuruan ng mga demonyo
so dapat tayo ay maingat sapagkat ang pagtuturo ng mali ay Minsan mahirap kkilatisin… napakahirap
kilatisin minsan yung tinatawag na interpretasyon… proper Bible interpretation… ang importante

So yun po ang introduction pa lang

simulan na natin… sabi sa unang verse…Noong una, may mga huwad na propetang
lumitaw sa Israel.
gayundin naman, may darating sa gitna Ninyo… sino yun… sa simbahan… yun po ang
sinasabi dun… na mga huwad na guro.

Sabi sa Jeremiah sa lumang tipan… nakakapangilabot at nakakakot ang nangyari


sa buong lupain pawang kasinungalingan ang pahayag ng mga propeta ang
kanilang utos ang simusunod na mga pari at hindi naman tumututol ang aking
bayan
Bakit hindi tumututol…. Alam Ninyo yung name it and claim it… if you ask jesus… I will believe.. iclaim
mo lang yan at ibibbigay… aba bakit hindi ka makikinig sa ganun.. biro mo… ang tinuturo niya if you
claimed it.. jesus will give it.. yung tinatawag na… ginagawang genie si jesus… parang… tatlong hiling…
irub mo yung magic lamp… ibibigay niya sau ang iyong gusto.. hindi po ganun ang katuruan ng bible..

ang sinasabi sa bible hindi ka dapat material ang hinihingi mo… kundi pagbabago ng loob kaya yung mga
sa lumang tipan ganun din… my people love it so sabi sa English… ganun din sa simbahan ngayon
may mga tagapagturo sa simbahan na yung makamundong pamamaraan ang kanilang ituturo

aayawan ng tao ang doktrina at ang maka Bibliyang pagtuturo at papalitan ng mga made man… man
made teaching…. Entertainment… yung lagging eneemphasie ng bibliya… pagsisisi ng kasalanan…
pagbabagong buhay… pagpapatawad… pagsasakripisyo at pagtitiis…. pagpapasalamat sa Panginoon sa
gitna ng paghihirap…. Pagtitiwala…. pagsunod sa mahihirap na mga pag sunod na tulad ng ating pinag-
aralan sa unang Pedro

Hindi yan ang tinuturo nila… ang tinuturo nila ang pagkabilib sa sarili… yung pangangailangan ko bilang
indibidwal…. yung self need… self esteem kaya may tinatawag na seeker friendly church…. tinatanong
niya… mo gusto mong marinig…. at yun ang ituturo naming…. hindi yung ito sinasabi ng Bible…. kaya
napakaraming guro na Dumadami ang nakikinig sa kanila kasi hindi yun ang gustong ituro ng panginoon
kundi yung gustong Marinig ng tao ang kanilang itinuturo

sabi sa titus… kailangang ang isang guro ay matatag nananalig sa mga tunay na
aral na natutunan niya upang ito ay maituro naman niya sa iba at maipakita ang
kamalian ng mga sumasalungat dito
Minsan mahirap magturo ng doktrina kasi mas madali magturo ng nakatatawa at punong puno ng
Pangako…

Ang mga false teacher sila din ay mga palihim na magturo ng mali… Kaya nga gumagamit sila ng mga
pananalitang makadiyos pero titignan mo yung interpretasyon ng Bible… saliwa…

Gayundin naman, may darating sa gitna ninyo na mga huwad na guro. Lihim
silang magtuturo ng mga maling aral
Bibigyan ko kayo ng example ng maling aral… na napakalapit sa totoo pero mali… mathew 18 meron
dyan sinasabi…. mayroon nag preach… napakingan ko lang … nag prepreach siya prosperity gospel… sabi
niya… kung anong hilingin Ninyo sa dyos.. ibibigay niya sayo.. basta basta paulit-ulit mong sabihin at
hindi lang iyon If two or three are gathered in my name…. ginamit niya yung matthew 18… kung merong
dalawa o tatlo na nagtipon Tipon na manalangin… andun ako sa gitna…. kaya sasagutin niya yun…

Mali yung interpretasyon na yun… hindi yun ang ibig sabihin ng verse nay un… yung matthew 18 na
yun… kung dalawa o tatlo… ay magka tipon-tipon nandoon ako at aking pakikinggan…. That is a verse for
church discipline

So kung titignan mo yung konteksto niya mayroong nagkakasalang tao na ayaw magsisi… ang sabi sa
matthew 18 sa panimula lapitan mo siya kapatid nagkakasala siya… halimbawaka ba nakikiapid ka… pag
hindi siya nakinig… kumuha ka ng pangalawang kristiyano…. sabihan mo siya kailangan Magsisisi ka…
pag hindi pa niyang nagsisi… kumuha ka ng pangatlo.. bilang Testigo… It is a judicial process… parang sa
munisipyo meron Testigo at pag hindi pa rin nagsisisi tell it to the whole church at pag hindi pa rin
nagsisi kailangan palabasin ng simbahan para siya ay magsisi

It is not a verse on prayer pero ginagamit yan ng mga false teacher bilang patotoo na pag hiningi mo to
ibibigay sayo… ngayon sabihin mo na wala na mang problema ptr. John… ano ba namang ipreach nung
pastor na If two or three are gathered in my name I am there… sasagutin yung prayer…. Di naman
masama yun…. Totoo namang sumasagot ang Panginoon ng panalangin… tama… Pero pag ginamit mo
yun sa maling pamamaraan para sabihin na sasagutin ng Diyos ang iyong panalangin… kasi eh Imbis na
isa dalawa o tatlo mas makapangyarihan yan… that’s not true… yung panalangin nung isa… yung
panalangin nung tatlo will be answered if God wants it to answer…

At pangalawa mas importante pag itinuro mo ng mali… yung interpretasyon Kahit malapit sa tama
ngunit mali sa kanyang precise interpretation Sinasanay mo ang mga tao sa maling interpretasyon…
sinimulan mo na… na Ang Biblia ang bawat talata ay mayroong isang kahulugan lamang… nakuha nyo…
ang bawat talata sa bible there is one grammatical… historical interpretation… kaya minsan gumagamit
tayo ng Greek… yung original para masabi namin sa inyo yung kanyang eksaktong ibig sabihin

Sinabi mong Ito ang ibig sabihin… ito pala ibig sabihin… sinimulan mo yung pagtanggap ng tao na pwede
pala dalawa ang ibig sabihin nun… diyan nagsisimula ang maling pagtuturo… sinabi mo… pastor
nagkakasungay ka… tulad ng judas sheep.. bakit.. kasi iniiba mo yung precision ng interpretation…

kaya sinasabi ko sa inyo sa Genesis 3 palang… si Satanas yan ang ginamit… totoo bang sinabi… d ba
sinabi huwag hawakan… see.. that’s interpretation… nakukuha Ninyo po ba… kaya tayo nag-iingat tayo
na isa-isahin para tama ang konteksto…
sila ay palihim na pumapasok… palihim na nagtuturo… Sabi nga sa Jude… lihim na nakapasok
Paano sila nakakapasok…kung hindi natin binabantayan ang mga nagtuturo sa atin….

Pero minsan yung partnership nagpapapasok tayo.. yung mga nagtuturo sa simbahan… mukhang
mabait… mukhang makadiyos… pagturuin mo… maya-maya nakakapasok na ng lihim…

Lihim silang magtuturo ng mga maling aral na ang dulot ay kapahamakan. At


ang sabi pa… Pati ang Panginoong tumubos sa kanila ay kanilang itatakwil,
kaya't di magtatagal at sila'y mapapahamak.
Paano itinatakwil… pag nakita nila yung turo sa bible… hindi nila gusto… iniiba nila o kaya ang ginagawa
nilang pagtuturo ng Bible… parang buffet… alam Ninyo yung buffet… sa Tagalog Ano….ano sa Tagalog
ang buffet… buffet sa tagalot… ano bang kinakain mo sa buffet… ako pagkumakain sa buffet.. Ayoko
nyan gulay… ay ayan binagoongan… gusto ko nyan… ano yan… ay ayaw ko nyan sinigang…. masyadong
healthy… gusto ko lechon.. yan… gusto ko nyan…

Pinipili… ganun po yung ginagawa ng mga nag dedeny o tinatakwil… pinipili nila.. ay hindi magugustuhan
ng mga tao to…. ang ituturo ka sa tao ay yung gusto lang nilang marinig para dumami sila kasi yung pag
nag Turo ka nga…. sabi ng Panginoong Magsisisi ka baka mangalahati ang simbahan… pero pagsinabi
mong wag ka ng magsisi.. magtithes ka nalang… Magsimba ka na lang… yan dadami ang miyembro
niyan kasi walang requirement e

so yun po ang ating unang punto…. sa dalawang punto… sabi huwag magtaka na may Huwag
na pastol
Sa larangan po ng gera… meron tinatawag na element of surprise… pag nagulat mo yung kalaban…
Malamang matalo mo siya… nagulat e… hindi inaasahan eh… ngayon hindi na kayo magugulat kasi
alam mo na pwedeng may tumayo dito…na huwad… pwedeng ako yun… ang tunay na pastol hindi dapat
takot na suriin…. pag nagsimula ng magturo… pastor Hindi yan ang ibig sabihin nyan… nagiging huwad
na…

Huwag tayong magulat.. suriin natin…

Pangalawa at huling punto… dahil hindi ka na magugulat na may huwad na pastol.. pangalawa.. abay
Huwag kang maging disipulo ng huwad na pastol
pangalawang punto dahil alam niyo na mayroong huwad na pastol..

huwag kayong maging disipulo ng mga huwad na pastol at baka kayo ay malinlang
ang mga nagtutuo ng mali… ang sabi… di magtatagal at sila mapapahamak at hindi lang sila
kasama ng mga nakikinig sa kanila

alam mo namang mali.. nakinig ka… Namimili ka… nagbubuffet ka… ayaw mo ng salita ng Diyos na
nakakahiwa ngunit nakakapag bago… ang gusto mo yung matatamis at hinahayaang gawin yun dati…
maraming religion ganun ha… religion and sin.. maraming ganun… kaya punong puno sila ng ritual at
hindi na guiguilty…
sab inga nasa ikalawang 2 pa rin tayo…. At marami silang mahihikayat… sinabi ba… may ilang
mahihikayat… Ano sabi… marami… Ang sabi niya sa Mateo 7 Kakaunti ang papasok sa makipot na daan
Pero dito sinabi marami… so mas marami sa simbahan na baka sumusunod

yung mga false teachers mas malalaking simbahan nila… kaysa sa matatapat na Pastor… yung mga
matatapat na pastor… maliliit yung simbahan.. bihira na malaki pero matapat…. kaya yung iba nagiging
maling guro kasi… maliit ang simbahan ko.. medyo iibahin ko.. medyo iibahin ko ang turo ko para
dumami dami ng kunti… kaya nagpapadala sila ng katuruang mali… yan ang temptasyon… n asana
huwag kaming matemp… ipanalangin Ninyo kami…

na huwag kaming matukso na magparami sa pamamagitan ng pamamaraan ng kalaban… sapagkat


maliwanag po… pumasok kayo sa makipot na pintuan sabi sa Mateo 7 sapagkat maluwang
ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan at ito ang
dinaraanan ng marami ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang
papunta sa buhay at kakaunti ang nagdaraan doon
dahil sa popularidad ng mga maling tagapagturo napakaraming simbahan na ganyan… kaya ang mga
Apostol ay galit na galit sa mga maling guro

Sabi nga sa galacia 1… sinabi na namin sa inyo inuulit ko ngayon parusahan


nawa ng Diyos ang sino mang mangaral sa inyo ng magandang balita na naiiba..
Meron bang magandang balitang na iiba… marami… kasya sa tinangap na Ninyo…

at kung hindi sila magsisisi… sila at kasama ng kanilang mga tagapakinig sa loob ng simbahan… sa
pagbabalik ng panginoon… o sa kanilang kamatayan… magugulat sila sapagkat hindi sila tatanggapin sa
langit

sab inga Mateo 7:21 na madalas naming gamitin…. Hindi lahat ng tumatawag
sa akin Panginoon Panginoon ay papasok sa kaharian ng langit…
natatandaan Ninyo ang verse nay an… pero panginoon.. kami ay nag pagaling… nagpalayas ng Hindi kita
kilala… bakit…. ang sinunod mong Magandang Balita ay hindi ko balita…nagbuffet ka.. namili ka… mas
kaakit-akit sa ito kaysa sa doktrina na magtutuwid… ang sabi pa sa verse

2 At marami silang mahihikayat na sumunod sa kanilang kahalayan;


Kung gusto mong makakita ng false teacher kadalasan.. 99 percent dalawa lang yung hahanapin mo…
pera at sex…

Bakit kasi yung Falls teacher yung kanilang sinasabi walang kapangyarihan para pigilan yung kanilang
laman…

Kaya sinasabi dito… marami silang mahihikayat na sumunod sa kanilang kahalayan…


Kaya bentang benta yung religion at kahalayan… doon sa first century rome… nag iimbento ng Diyos
diyosan ang mga romans… gumagawa sila ng mga Diyos diyosan na binibigay ang hilig nila… tulad ng
Diyos na ang pangalan ni bacchus… bacchus… ang dyos na bacchus… May rebulto ang mga Romano
diyan… he is the God of wine… siya ang dyos ng wine… alam Ninyo ang wine… alak… at para siya
sambahin at matuwa sayo… ang doktrina nila kailangan maLasing ka muna… kailangan malasing ka
muna…

Meron na naman silang dyos dyosan na kung tawagin ay si diana… the goddess diana… ginawa nila itong
dyos na ito.. inembento nila para sa relihiyon ng sariling hilig.. si diana naman para siya ay iyong
sambahin… kailangan magbayad ka at makipag sex sa Temple prostitute…. narinig Ninyo na yan… Hindi
ba…. Punta ka sa templo… bayaran mo yung prostitute tsaka yung Pare… mag sex kayo para lang siya ay
iyong mapasaya

So gumagawa sila ng religion… na ang kanilan ritual ay parte ng kanilang hilig… maraming pastor
ngayon… we will present to you Jesus Christ… na bibigyan ka ng pera… na bibigyan ka ng lahat ng
hihilingin mo at hindi ka hihingian ng pagbabago… creating a God after mans own image…

yun ang problema pag lumayo ka sa bible.. hindi mo napapansin ibinibigay mo ang hilig ng tao… you
already teaching the doctrines of demons..

bakit… hindi mo siguro inumpisan na magturo ng mali pero dahil meron kang layunin para sa iyong
sarilng ambisyon… Iyan ang nangyayari…

ang sab isa verse 2 parin.. at dahil dito, pati ang daan ng katotohanan ay
malalapastangan.
maya-maya lalabas na ang kanilang natural…. kaya napakaraming Pastor… sa Singapore nabalitaan Ninyo
ba yung city harvest ….yun Pastor ikukulong ng walong taon… kasi yung kanyang asawa gusto
magkaroon ng singing career sa Hollywood… pinunduhan niya… ninakaw niya yung pera ng simbahan…
25 million us dollars… tapos Gumamit pa siya ng isa pang 25 million US dollars para pagtakpan ang
krimen… at nahuli sila… at sistensiyahan siya 8 years at yung staff niya.. may 7… may 2 years… stop
mga babae…. False teacher… laking simbahan at napakarami pang iba

kaya ang pangalan ng Diyos ay nabibigyan ng masamang pangalan… sabi nga ng philosopher na si
Frederick hines… sabi niya sa mga kristiyano… show me your redeem life… and I might be
inclined to believe in you redeemer… ipakita mo sa akin ang iyong nasagip na buhay at baka
maniwala ako dun sa sinasabing sumagip sayo…

pero kung ang buhay mo ay hindi nagpapakita na ikaw ay nasagip hindi ako maniniwala sayo… kaya ang
kalaban tumitira sa labas at sa loob… at pag nabunyag ang nasal abas… ang mundo… pinagtatawanan
ang mga kristiyano… kasi Kristiyano mismo ang nauunang gumawa ng kahalayan

maraming simbahan ginagawa ang pagbabago sa doktrina…. sa katuruan sa bible para magustuhan ng
mundo…. samantalang maliwanan ang katuruan sa bible na hindi tayo dapat maging katulad ng mundo…
para mayakap ang mundo

ako nagbago ako at pumunta ako sa simbahan kasi alam ko ang simbahan iba doonn sa mundong
pinanggalingan ko pero ngayon ang mga simbahan ang gusto nila parang rock and roll… gusto nila ang
itsura at ang kanilang ginagawa ay parang mundo kaya dapat ang ating doktrina ay puro
sab inga sa pilipo… upang kayo ay maging ulirang mga anak ng Diyos matuwid
walang kapintasan sa gitna ng mga taong mapanlinlang at masasama sa gayon
magsisilbi kayong ilaw
ang simbahan hindi dapat igaya ang kanilang doktrina na mapalapit sa mundo upang mapapasok ang
mundo… ang mga gustong magsisi sa mundo… inaasahan nila na ang kanilang iiwanang mundo ay iba sa
papasukan nilang simbahan

sabi nga 1 Pedro 2:9 ngunit kayo ay isang lahing pinili… we are a chosen raise..
naiiba tayo… the church should not be like the world.. at ibigay ang kanyang hilig…

grupo ng maharlikang pari… isang bansang nakalaan sa Diyos… bayang pagaari


ng Diyos… upang magpahayag ng kahanga-hangang ginawa niya… siya ang
tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang
kaliwanagan
ang ginagawa ng iba… yung youth program… madilim… may usok kasi ginagawa ang mundo…

verse 3… makikita po natin dito ngayon sa last verse yung kanilang motibasyon… ano ba talaga ang
motibasyon ng false teacher… hindi po para magturo ng maling doktrina… hindi dyan nagsisimula…

ginagawa nila yan dahil sa kasakiman… sa kapangyarihan sapagkat makikita niyo… Maraming huwad na
napakayayaman… isa na dyan yung taga Davao… mayaman pero ang tinuturo niya siya daw ang
appointed son of God…

hindi kinikilabutan… messiah part 2… at makikita mo yung kanyang mga choir… ang gaganda… talagang
Malaki ang simbahan… so ang false teacher… kalamitan ang motibasyon niyan ay pera at
kapangyarihan…

Pero sabi sa bible Ang Pastor… ang katiwala kailangang walang kapintasan hindi dapat mayabang Hindi
magagalitin at hindi Lasingo at hindi mapusok… pero ang motibasyon ng karamihan ng false teacher ay
pera… nakikita nyo ba sa TV sabi niya send me your money… and I have five healings for cancer.. Nakita
Ninyo yun… meron akong kagalingan sa cancer na lima… pag nauna ang pera Ninyo kayo ay gagaling…
Nakita nay an… I think Nakita ko yan sa 700 club… hawakan Ninyo yung TV nyo pag hinawakan Ninyo
gagaling kayo… replay pala… 5 years ago pa yun…

Sabi lilinlangin nila kayo sa pamamagitan ng kanilang aral na kathang isip


lamang.
Yun nga yung false words… sa Greek yung mali… plastos… dun kinuha yung term na plastic…

dito nagsimula iyon… dito nagsimula sa word na ito… ibig sabihin mukhang kahoy yun pala plastic…
meron mukhang bakal yun pala plastic… meron parang tunay mong kaibigan yun pala plastic…

ang tunog parang totoong ibanghelyo yun pala plastic… false doctrine…
ang sab isa verse 3.. Matagal nang nakahanda ang hatol sa kanila at ang pupuksa sa
kanila ay hindi natutulog.
Meron po ng Pangako na sila ay pupuksain… wag kayong mag-alala… sa dami na ang false teacher
minsan… minsay akoy napapailing parang may pag asa pakaya ito…

Nanonood ako ng TV… sa Sky Cable… sunod sunod na chanel.. mali mali ang tinuturo at napakalalaki at
ang kanilang Ministry na sa buong mundo… sabi ko lord ano bai to… Pero sabi dito matagal Nang
nakahanda… ang ibig sabihin… ng nakahanda na… before the beginning of time… yung hatol sa kanila
nakahanda na… para silang nasa death row… ang dyos na ang bahala sa kanila… 53 min. 54 sec

pero hindi lang yun… yung hatol sa maling tagapagturo ay nakahanda pero yung nakikinig sa kanila
kasama dun sa kahatulang yun…

kaya sa pagwawakas po… itong pinaaaralan natin ay hindi madali ituro… ito po ang concern ni Peter
bilang matapat na pastol kasi mamamatay na siya eh Kaya hinahabilin na niya… kaya kayo po bilang
kristiyano ay maalam tayo mag aaral ng salita ng Diyos… kasi ang demonyo walang ginawa kundi gawan
ng paraan para yung salita ng Diyos ay kanyang baluktotin…

akala mo tama yung narinig mo yun pala mali…. hindi niya sasabihin na Hoy huwag kayo sumimba…
sasabihin niya sumimba ka… hindi niya sasabihin Huwag kayo magbasa ng bible… magbasaka ng bable…
pero sumimba ka dun sa simbahan ang tinuturo ay mali na parang tama… para ang iyong pagiging
nalinlang ay ganap… ganun kasi pag sinabing hindi ako sumisimbahan… alam mo may kulang eh pero
pag iniisip mo nagsisimba naman ako eh… pero mali… yung panlilinlang sayo ayganap

e nagbabasa naman ako ng bible… sumusunod naman ako.. pero yung sinusunod mo… mali… yung
panlilinlang sayo ay ganap kasi akala mo nasa tama ka

kaya tatandaan nyo na kailangan ng ating discernment ay malakas din bilang tupa at hindi lang
nakasalalay sa pastol… na baka mamaya ay may sungay na

pagpray Ninyo kaming mga pastor kasi sinasabi natin itong temptation na ibahin ang mensahe… ay
ginagawa ng iba pero lahat ng Pastor ay may temtasyon… Minsan tinatamad mag-aaral kaya tinatawag
na accidental Falls teacher… mali ang naituro mo kasi hindi ka naghanda.. tinamad ka e… ang
paghahanda po ng isang mensahe ay mahirap…

kaya ipagpray Ninyo kami… ipinagprapray nyo ba kami.. ipagpray Ninyo na maging matapat kami… para
kayo ay maalagaan naming ng tama…

sab inga sa gawa 20:28-32… at huli ko ng babasahin… habilin sa mga pastol…

28 Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, na inilagay ng Espiritu
Santo sa inyong pangangasiwa. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos[b] na
kanyang tinubos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak.[c] 29 Alam kong
pagkaalis ko'y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad
nilang lalapain ang kawan. 30 Mula na rin sa inyo'y may lilitaw na mga taong
magsasalita ng kasinungalingan upang mahikayat na sumunod sa kanila ang
mga alagad. 31 Kaya't mag-ingat kayo. Alalahanin ninyong tinuruan ko kayo
araw at gabi sa loob ng tatlong taon, at maraming luha ang pinuhunan ko.
32 “At ngayo'y itinatagubilin ko kayo sa Diyos at sa kanyang salitang
nagpapahayag ng kanyang kagandahang-loob. Ito ang makakapagpatibay sa
inyo at makakapagbigay ng mga pagpapalang inilaan sa lahat ng kanyang
ginawang banal.
Sa mga tupa… ito ang aking habilin ….piliin mabuti ang pakikinggan at ang magpapastor sa inyo…
paano… Suriin ang ipinangangaral at itinuturo at ibangga sa hawak mong Biblia… ikaw mismo may
Bibliya… sa mga pastol…. Pastor… tagapaturo… growth group leaders… bible stury leaders… sa mga
nagtuturo sa kanilang kamag-anak dahil ikaw lang ang Christian…magingat… siguraduhing hindi ka false
teacher… or Accidental because lazy False teacher… magaral ng mabuti …study to show yourself
approved ….Paano… suriin ang iyong pinapakain at itinuturo sa mga taong inaatang sa iyo ng
panginoon… bilang responsibilidad mo… maaring isang tao lamang.. anak mo lang… kapit-bahay…
kaibigan Pero ikaw ay pastol din dun sa isang taong yun… dapat mong ituro ang habilin ng Panginoon at
ang tamang katuruan

Panginoon salamat po sa mensahe ni Pedro isa pong habilin na nagmamahal ng magulang sa kanyang
kawan at ganun din po ang aming pagtuturo sa kawan dito Salamat Panginoon sa iyong pagbibigay ng
lakas ng loob na kahit maliit kami Maliwanag na mas marami ang hindi makikinig at kakaunti lamang…
sana kahit kaunti lamang ang laging nakikinig at sana lagi kaming matapat

Panginoon ipinapanalangin ko ang mga bawat taong nandito at sa mga nakikinig… bigyan mo po sila ng
kalakasan upang mag-aaral sipag upang sila ay magkaroon ng proteksyon laban sa mga maling
tagapagturo sa loob ng simbahan sa TV sa radyo sa mga babasahin… sana sila ay maging mas uri upang
hindi malinlang… sa pangalan ng inyong anak na si hesus kristo… amen

You might also like