You are on page 1of 9

Narrator 1 – Angela

Narrator 2 – Khurt
Pari - Albert
Popoy – Jale
Basha – Lyca
Crisanto – Daniel

Narrator 1: Mataas na ang sikat ng araw


ngunit hindi pa din makapagsimula ang
misa ni padre. Sa dam ing taong
pumunta sa makipot at maliit na pook
sambaha, siksikan na ang mga tao.

Narrator 2: Sa hindi kalayuan makikita


ang dalawang magkasintahan, panay ang
halakhakan, tila ba wala silang pakialam
sam ga taong nakapaligid sa kanila.
Basha: Ano ba! Doon ka nga Popoy, ang
harot mo naman.

Narrator 2: Ngisi ngising sabi ni Basha.

Popoy: Sus, gusto mo lang magpasuyo,


eh. Oh sya, mamaya pagkatapos ng
simba kakain tayo sa plaza. Masaya
kana?

Narrator 1: Pabirong saad ni Popoy.


Narrator 2: Ngumisi lamang si Basha at
umupo ng maayos sapagkat nagsisimula
na ang misa.
Narrator 1: Habang nagsesermon ang
pari panay ang sulyapan ng dalawa
pagkatapos ay biglang ngingiti na parang
mayroon silang naalalang nakakatawa.

Pari: Bakit mo tinitingnan ang puwing sa


mata ng iyong kapatid? Ngunit hindi mo
tinitingnan ang troso na nasa iyong
mata. Narito, papaano mo sasabihin sa
iyong kapatid: Payagan mong alisin ko
ang puwing sa iyong mata. At narito,
isang troso ang nasa mata mo. Ikaw na
mapagimbabaw. Alisin mo muna ang
troso sa iyong mata. Kung magkagayon,
makikita mong malinaw ang pag-aalis ng
puwing sa mata ng iyong kapatid. Lagi
nating tatandaan-

Narrator 1: Hindi na naipagpatuloy pang


pakinggan ni Basha ang sinasabi ng pari
sapagkat masyado ng naokupa ang
isipan niya ng tumabi sa kaniya ang
lalaking punong-puno ng tattoo sa
katawan. Kinalabit niya si Popoy at
itinuro ang lalaki ng palihim.

Basha: Tingnan mo itong katabi ko oh

Narrator 2: Pabulong na sabi ni Basha

Popoy: Huwag mo na lang tingnan. Diyos


ko ano bang pinaggagagawa ng taong ito
sa balat niya

Narrator 1: Medyo may kalakasang usal


ni Popoy kaya namay napatingin sa
kanila ang lalaking nagngangalang
Crisanto.
Crisanto: May problema po ba kayo
sa’kin? Handa akong makinig.

Narrator 2: Mahinahon ngunit may


bakas na inis na sabi ni Crisanto.
Narrator 1: Marahil ay hindi na napigilan
ni Basha ay tuluyan na niyang sinabi na…

Basha: Ang balat mo’y puno ng tinta.


Ginawa mong sulatan. Sigurado akong
hindi ka makakapasok sa tahanan ng
Diyos.

Popoy: Tama hindi pwede doon ang nag-


aadik na katulad mo.
Crisanto: Ang sinasabi niyo po ba ay
porke may mga tattoo ako ay masamang
tao at adik na ako?

Basha: Oo dahi lang mga gumagawa ng


ganiyan ay puro adik lamang.

Crisanto: Paano niyo ho nasasabi ‘yan sa


harap ng Diyos at habang nagmimisa pa
ang pari? Hindi po ba’t kayo ang klase ng
mga taong hindi tinatanggap sa kaharian
ng Diyos?

Popoy: Aba’t hindi rin maganda ang


lumalabas sa bibig mo ha! Adik ka
talaga!

Basha: Kaawaan ka sana ng Diyos!


Narrator 1: Hindi sumagot si Crisanto at
nakinig na lamang muna sa paring
nagmimisa sa harapan.
Narrator 2: Matapos ang pagmimisa ng
Pari at nagsitayuan at nagsipag-alisan na
ang mga tao maliban sa tatlo, si Basha,
Popoy at Crisanto.

Crisanto: Hindi po ba’t sinabi niyo na ang


taong katulad ko na maraming tattoo ay
isang adik?

Narrator 2: Pagtatanong ni Crisanto sa


magkasintahan habang nakaharap sa
kanila.
Crisanto: Hindi ho ako masamang tao. At
mas lalong hindi ako adik. Pinalaki ho
ako ng mga magulang ko ng may respeto
at takot sa Diyos. Ang dahilan ho kaya
ako maraming tattoo ay dahil para sa
akin ay sumisimbolo ito sa katauhan ko
at nagbibigay ito ng disenyo sa akin.

Narrator 1: Pagkatapos magsalita ni


Crisanto ay tumayo siya at muling
humarap sa magkasintahan.

Crisanto: Nawa’y matutunan niyo hong


gumalang at rumespeto sa tao ng hindi
lamang tinitingnan ang panlabas na
anyo. Huwag niyo rin po sanang
kasanayang tawagin ang isang taong
maraming tattoo na “adik”. Ipagdarasal
ko po na kaawaan kayo mg Diyos at
bigyan ng malawak na pag-iisip. Mauna
na ho ako sa sa inyo.

Narrator 1: Bago pa makapagsalita ang


magkasintahan ay lumakad na paalis si
Crisanto. Naiwang nakasunod ng tingin
ang dalawa pagkatapos sabihin iyon ng
lalaki.

You might also like