You are on page 1of 2

Ian Paul Calaunan

BIT 12

Kabataan: Solusyon ba o Problema?

Talaga nga ba na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan? O sadya lamang masakit

malaman na ang kabataan ngayon ay isang pasakit sa ating bansa? Kagalang-galang na Dr.

Marshall Verocel at sa aking mga kamag-aral, magandang umaga.

Mahalaga ang mga kabataan, bawat bansa ay nangangailangan ng mga kabataan na

hahalili at mag-tataguyod ng kanilang lahi. Makikita natin ang kahalagahan ng kabataan sa

bansang Hapon. Nanganga-ilangan sila ng mga kabataan sapagkat ang populasyon nila ay

“Matanda”, tinawag itong “Matanda” sapagkat marami ngayong mga tao sa kanilang “lakas

pagawa” o tinatawag din na “labor force” at kakaunti naman ang mga kabataan ngayon sa

kanilang bansa. Darating ang panahon na maghihirap ang kanilang bansa dahil sa mas

marami na ang matatanda na aasa sa mga kakaunting kabataan na naging bahagi na ng

lakas-paggawa. Dagdag na problema pa nila ang kanilang mabagal na “Fertility Rate” kung

saan, ang mga babae sa kanila ay abala sa kanilang mga trabaho at wala ng oras para sa

pagbuo ng pamilya.

Sa Pilipinas, balanse ang matatanda at ang kabataan. Subalit iba’t-iba ang kalagayan

ng ating mga kabataan, meroong nakakapag-aral at hindi nakakapag-aral. Pero kahit nasa

anong kalagayan ka man dito, ang tanong ko sa inyo ay lubos mo bang ginagawa ang tama sa

buhay mo? Sabihin na nating nakakapag-aral ka, subalit saan mo ginagasta ang pera mo?

Ginagamit mo lang ba iyon upang aliwin ang sarili mo sa kompyuter shop at ayain ang iba

pang kaklaseng gayahin ka? Ikaw ba ay nalululong sa mga masamang bisyo? Mga kapwa
kong kabataan, ating siyasatin ang ating mga sarili, sapagkat ating mababatid kung tayo’y

isang solusyon o problema ng ating bansa. Ang moralidad ng bawat isa ay siyang katangian

na dapat pahalagahan dahil dito makikita ang disiplina ng bawat isa na gawin ang tama at

mag-asam ng ganap na tagumpay sa kanilang mga buhay.

Kabataan, kailangan tayo ng bayang ito. Tayo ang magpapatuloy ng anumang

nasimulan at tayo rin ang dapat magpalago nito. Tayo ang susunod na mamumuno sa

bansang ito at tayo rin ang mga tagapagtaguyod ng ating lahi. Iwaksi na natin ang mga maling

gawain! Pigilan na natin ang mga kasalanan ng mga nakatatanda sa atin. Panahon na ito

upang matuto mula sa kung ano ang kinahinatnan ng mga kasalanan ng ating mga namuno at

namumuno sa ating bayan! Tulad ng pagtanggap natin kay Kristo upang tayo’y mapalaya sa

ating mga kasalanan, tayo’y sumunod sa Kanyang plano sa ating mga buhay. Sapagkat ang

Kanyang plano ay nakahihigit kumpara sa ating mga plano at siyang nakabubuti sa lahat.

Nasa ating lahat ang pag-asa, huwag natin hayaang mapatay ito ng kasamaan.

Sapagkat ang pinaka-malagim na delubyo ay hindi pa nararanasan ng ating bansa. Kabataan,

hawak mo ang kalitasan.

You might also like