You are on page 1of 1

Ang Kabataan Noon at Ngayon

Ang kabataan noon at ngayonay may maliit lamang na puwang sa kanilang


pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay.
Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-
tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso’t isipan nila ang kanilang
ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang
saloobin. Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang
matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang
kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal ay
ipinagmamalaki ng lahat.

Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya
higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang
pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa
maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad
ang tunguhin. Marami rin ang magkasimbat at magkasinsipag sa mga kabataan
noon at ngayon.

Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan,
mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin a buhay. Ang
pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba’t mayroon tayong “Sampung
Lider na mga Kabataan” na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa ating
pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon.

You might also like