You are on page 1of 3

FILIPINO DEPARTMENT

Chair: Dr. Grezaida Ledesma Layunin: 1. 2. 3. 4. Malinang ang mga estudyante tungo sa pagtatamo ng lokal at global na kahusayan sa paggamit ng wikang pambansa sa mga makrong kasanayang pangwika sa aspektong ispiritwal at sekular; Mapaigting ang pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang pambansa, panitikang rehiyonal at panitikang pambansa; Mapataas ang kalidad ng kaalaman at kasanayang pangwika, panliteratura at pampagtuturo ng mga kumukuha ng kursong edukasyon para sa elementarya, sekondarya at tersyarya; Makiisa at makisangkot sa mga lokal at nasyonal na programang pangwika na lalong makalilinang ng Pilipinong pagkakakilanlan.

Mga Asignaturang Itinuturo : Kowd at Bilang ng Kurso FILI FILI FILI FILI 111 122 203 210 Pangkalahatang Kurso Komunikasyon sa Akademikong Filipino Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Masining na Pagpapahayag Panitikan ng Pilipinas Deskripsyon ng Pangkalahatang Kurso FILI 111. Komunikasyon sa Akademikong Filipino (3 yunit)- Ang Filipino 1 ay isang metalinggwistik na pag-aaral sa gamit ng akademikong Filipino sa ibat ibang sitwasyon at larangan. Sa paraang intedisiplinaryo at inter-aktibo, inaasahang mauunawaan at malilining sa mga estudyante ang mga kailangang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng Filipino sa lalong mataas na edukasyon. FILI 122 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (3 yunit)- Ang Filipino 2 at pagpapalawak ng mga kaalaman at kasanayan sa kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pagsasagawa ng sariling pananaliksik. FILI 203 Masining na Pagpapahayag (3 yunit)- Ito ay pag-aaral ng mga prinsipyo ng masining na pagpapahayag sa Filipino. Nakatuon ito sa malayang pagtuklas at pagpapakita ng sariling kakayahan at talino sa pasulat at pasalitang pagpapahayag at pagbabahagi ng mga ito sa komunidad, bansa at daigdig. Mga Asignaturang Mejor para sa Kumukuha ng Kursong Edukasyon at Deskripsyon ng mga ito: FILI 210 Panitikan ng Pilipinas (3 yunit)- ay asignaturang tumatalakay sa kahulugan ng panitikan at kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas. Pinag-aaralan dito ang ibat ibang uri ng panitikan simula sa panahon ng pasalin-dila hanggang sa kasalukuyan. Inilalantad ang mga estudyante sa pagbabasa ng mahahalagang uri ng panitikan upang mapahalagahan ang kagandahan at kasiningan ng akda ng mga Pilipino. FILI 211 Panimulang Linggwistika (3 yunit)- Nakapaloob sa kursong ito ang pagtalakay sa kahulugan, kasaysayan at pangunahing kaalaman sa linggwistika. Pag-aaralan dito ang mga katangian ng wikang Filipino kaugnay ng ortograpiya, palatuldikan at palabigkasan, ponema, morpema at semantika. Susuriin din ang pag-iiba-iba ng ibang wikain sa Pilipinas at ang ilang modelong panggramatika ng wika Yunit 3 3 3 3

FILI 212 Tanging Gamit ng Filipino (3 yunit)-Tinatalakay ang mga sanligang kaalaman sa mga wika ng Pilipinas, mga layunin ng edukasyon at pagtuturo kaugnay ng wikang Filipino, pagsulat ng korespondensya opisyal, bilinggwalismo, gamit ng Filipino sa pagbuo ng mga pagsusulit, panayam at paggawa ng modyul at iba pa. FILI 213 Istruktura ng Wikang Filipino (3 yunit)- Ang kursong ito ay para sa kumukuha ng Edukasyong elementarya. Saklaw nito ang pag-aaral ng mga batayang kaalaman sa istruktura at gramatikang Filipino, pag-aaral ng ponema, morpema kayarian at mga katangian ng mga ito sa ibat ibang bahagi ng panalita; kayarian at mga katangian ng mga parirala, sugnay at pangungusap. FILI Dulaang Filipino (3 yunit)-Nakapokus ang kursong ito sa pag-aaral ng kasaysayan ng dulang Filipino, sa mga iisahing yugtong mga dulang panteatro, panradyo, pelikula at pantelebisyon. Mag-aaral at magsusuri rin ng mga piling dulang nagwagi sa ilang pantimpalak at bibigyan ang mga estudyante ng pagkakataong magtanghal ng isang dulang kanilang ginawa at inihanda. FILI 222 Maunlad na Filipino (3 yunit) -Saklaw ng kurso ang masinsinang pag-aaral ng kasaysayan ng wikang Filipino at ng malalim na pag-aaral at pagsusuri ng panloob na katangiang panggramatika ng wikang ito. Tunguhin nito ang pagpapatamo sa mga estudyante ng maagham na kaalaman sa mga kayarian ng salita, parirala, sugnay at pangungusap at sa masusing pagkilala at pagsusuri sa mga bahagi ng panalita at wastong paggamit ng mga ito. FILI 223 Sining ng Pagsasaling-wika (3 yunit) -Ang pahapyaw na pagtalakay sa kasaysayan ng pagsasaling-wika sa buong daigdig at sa Pilipinas ay bahagi ng kursong ito. Nakapaloob din dito ang pagaaral ng mga prinsipyo ng pagsasalin, katangiang dapat taglayin ng tagasalin at ibat ibang pananaw sa pagsasalin. Bibigyang pagsasanay ang mga estudyante na magsalin sa Filipino ng ibat ibang genre ng literatura na nakasulat sa wikang Ingles at sa ilang wikain sa Pilipinas. FILI 224 Panitikang Pambata (3 yunit)- Pinag-aaralan sa kursong ito ang kasaysayan ng panitikang pambata,, uri at mga katangiang taglay nito. Kasama sa pag-aaral ang mga mga pamamaraan ng pagsulat na maglulundo sa pagbuo ng kalipunan ng mga kwentong pambata. FILI 310 Pagtuturo ng Filipino Bilang Pangalawang Wika (3 yunit)- Tatalakayin sa kursong ito ang mga prinsipyong sikolohikal at pedagohikal , mga metodo, estratehiya at mga kahandaang kinakailangan sa pagtuturo ng pangalawang wika at iaaplay ang mga iyon sa pagtuturo ng wikang Filipino. Sa kurso ring ito bibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na magturo ng Filipino sa mga hindi Filipino ang unang wika. FILI 312 Pampaaralang Pamamahayag (3 yunit)- Sinasaklaw ng kurso ang pagtalakay ng layunin at tungkulin ng pahayagang pangkampus, ang pag-aaral ng mga bahagi nito, mga hakbang at mekanismo sa pagsulat ng bawat bahagi at mga kailangang kasanayan sa pagbuo nito tungo sa paglalathala ng isang pahayagang pangkampus. Tatalakayin din dito ang etika sa pamamahayag. FILI 313 Maikling Kwentong Filipino (3 yunit) Ang kursong ito ay nagtataglay ng pag-aaral ng mga kasaysayan, katangian, uri, at elemento ng maikling kwento. Lilinangin sa kursong ito ang kakayahan ng mga estudyante na magsuri at magsulat ng ibat ibang uri ng maikling kwento. Bibigyan din sila ng mga karanasang magkwento sa klase. FILI 321 Panulaang Filipino (3 yunit) Ang kasaysayan ng panulaang Filipino, kahulugan, uri, at mga pamamaraan ng pagsulat gayundin ng pagsusuri ng tula ang laman ng kursong ito. Sasanayin ang mga estudyante sa pagsulat at pagbigkas ng mga tula. FILI 322 Paghahanda ng Mga Kagamitang Pampagtuturo (3 yunit)- Ang kursong ito ang maglalantad sa mga estudyante sa kahalagahan, kaalaman at kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang pampagtuturo tulad ng tsart,modyul, mga larawan at iba pa, gayundin ng paggamit ng mga multi-media sa pagtuturo at ang pag-aangkop ng mga ito sa paksa upang higit na mapabuti ang pagtuturo at pagkatuto.

FILI 323 Sining ng Pagtuturo (3yunit)Taglay ng kursong ito ang pagtalakay ng mga kaalaman sa likas ng estudyante, katangian ng titser, mga prinsipyo, pamamaraan at estratehiya ng pagkatuto at pagtuturo ng wika. Bibigyang pansin din ang mga pamamaraan ng pamamahala sa klasrum na dapat gawin upang maging matagumpay sa pagtuturo ng wika. Ang mga estudyante sa kursong ito ay bibigyan ng karanasang magturo sa klasrum.

You might also like