You are on page 1of 4

BAHAGI NG PAHAYAGAN Pangmungkahing Pahina (Front page) - nakalimbag sa pahinang ito ang pinakamahahalagang balita.

Pahinang Editoryal (Editoryal page) - natutunghayan dito ang pangunahing pangulong tudling, kolum ng mga komentarista/ pitak, karikaturang editoryal, mga liham sa patnugot at talaan ng patnugutan. Tanging Lathalain - itinatampok dito ang katangi-tanging artikulo na maaaring tao, pook, pangyayari, bagay, lunan at kakaibang paniniwala o panuntunan sa buhay. Isports/Pampalakasan (Sports page) - nababasa sa pahinang ito ang mga tampok na paligsaghan ng laro tulad ng basketball atbp. Itinatampok din dito ang mga pitak pang-isports. Movie Guide - Dito makikita ang mga pelikulang ipapalabas sa sinehan. Tv Guide - Dito makikita ang mga palabas sa telebisiyon. Klasipikadong Anunsyo (Classified Ads) - Sa pahinang ito makikita ang mga trabaho, ang mga house and lot na ipinagbibili atbp. Obituary - Dito makikita ang mga namatay na tao. Pahinang Panlibangan (Entertainment page) - Dito makikita ang mga Komiks, puzzle atbp. Lifestyle - Dito makikita ang mga pamamaraan ng pamumuhay ng mga sikat na tao. Business page - Dito makikita ang mga bagay na may kaugnay sa negosyo.

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o konsepto[1] Sa linggwistika, kasapi ang pangngalan sa isang malawak, bukas na leksikong kategorya na kung saan ang mga kasapi nito ay nagiging pangunahing salita sa isang simuno ng isang sugnay, bagay sa isang pandiwa, o bagay sa isang pang-ukol. Ayon sa katangian Nauukol ang pangngalan ayon sa kaurian sa pagpapangalan sa tao, bagay o pangyayari. Maaari itong pambalana o pantangi.

Pantangi - mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip, o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito. Tinitiyak ng pangngalang pantangi na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba. Halimbawa: Jose Rizal, Luneta, Gloria Macapagal-Arroyo, Bathala Pambalana - mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa. Kasama rin ang kabuuan ng mga basal na salita. Halimbawa: bayani, aso, katamisan ,pagdiriwang, pusa

Uri ng pambalana

Konkreto - mga pambalana na nakikita o nahihipo. Halimbawa: bundok, kalikasan Di-konkreto - mga pambalana na nararamdaman lamang at hindi nahihipo. Halimbawa: pagtanda, pagmamahal

Ayon sa kayarian Naayon sa sakop o uri ng katuturan ang mga pangalan. Maaari itong tahas, basal, hango, lansak o patalinghaga.

Tahas - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at may katangiang pisikal. Halimbawa: tubig, bundok, pagkain Basal - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan basal. Halimbawa: wika, yaman, buhay Lansak - pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan. Maaaring maylapi ito o wala. Halimbawa: madla, sangkatauhan, kapuluan Hango - pangngalang nakabatay sa isang salitang basal. Halimbawa: kaisipan, salawikain, katapangan Patalinghaga - pangalang hindi tuwirang patungkol sa bagay na pinangangalanan sa halip inihahambing lamang sa bagay na kamukha o katulad lamang. Halimbawa: buwaya (imbis na kurakot), langit (imbis na ligaya), kababuyan (imbis na kasalaulaan)

Ang pandiwa o berbo ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay tinatawag na Verb sa wikang Ingles. Mga halimbawa: Pumunta ako sa tindahan Binili ko ang tinapay

Pokus o tuon ng pandiwa ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa. 1. Tagaganap o aktor - ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa. Nanguna si Richard Gordon sa pagsulong ng turismo ng bansa.

2. Layon o Gol - ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin sa pangungusap. Ginawa niya ang programang ito para sa ikakauunlad ng ating turismo.

3. Ganapan o Lokatib - ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos. Pinagdarausan ng buwang-buwang eksibit ang Intramuros, Manila.

4. Tagatanggap o Benepaktibo - ito naman ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o kilos na isinasaad ng pandiwa. Ipinaghanda niya ng masarap na kakanin ang mga panauhin.

5. Gamit o Instrumental - ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap. Ipinamili niya ang pera para sa eksibit.

6. Sanhi o Kosatib - ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. Ikinatuwa ng Pangulo ang katagumpayan ng programang WOW.

7. Direksyunal - pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutungo ng kilos. Pasyalan natin ang WOW sa Intramuros.

Ang panghalip ay ang salitang humahalili sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangugusap. Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip. Ang mga

pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.
Bahagi ng Aklat

pabalat -nagbibigay ng proteksyon sa aklatpahina ng pamagat -pamagat at ng aklat pangalan ng may akda pahina ng naglimbag -petsaat taon na inilimbagng aklat talaan ng nilalaman -listahan ng kwento sanaysay ibang paksa at kung saang pahina. Katawan ng aklat -nababasa ang mga nilalaman ng aklat, glosari -mga salitang nakaayos ng paalpabeto na may kahulugan. Indeks -nagsasabi kung saang pahina makikita ang isang paksa bibliograpi -talaan ng sanaysay ng aklat na ginagamit ng mga may akda sa pag sulat ng aklatflyleaf -isang pahina na walang sulat. Pahina ng karapatang sipi -ito ay nagsasaad kung kailan ginawa ang aklat at kung sino ang may karapatang may ari na aklat-talasalitaan-ito ang katumbas ng isang diksyunaryo nakalagay dito ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa aklat. -dedikasyon-pahina na nagpapasalamat sa lahatng mga nagambay upang mabuo ang aklat.....

You might also like