You are on page 1of 2

Barut, Kristalyn Ruby P.

PS1022

Prof. Cabrera W/S 12:00-01:30PM AB302

Kalidad ng Edukasyon sa Pilipinas: Bumabagsak na ba?

Napag-iiwanan na ang Pilipinas ng mga kalapit na bansa sa Asia kung ang paguusapan ay ang kalidad ng edukasyon. Ayon sa nilabas ng World University Rankings para sa taong 2011-2012, napag-iiwanan na ang ating bansa lalo na sa buong Asya dahil sa 200 na rankings ay pasok ang Japan, Hongkong at China ngunit ang Pilipinas ay hindi na kasama. Masyadong malayo na ang mga karatig bansa. Kung noong dekada 60 at 70 ay maraming nagtutungong dayuhan sa bansa para mag-aral, ngayon ay iilan na lamang at maaaring sa mga susunod na taon ay wala nang mag-aral dito. Mababa na ang kalidad ng edukasyon at sa halip na dito magtungo, sa ibang bansa na lang na mas mahusay kaysa Pilipinas. Mismong ang chairman ng Commission on Higher Education (CHED) ay nababalisa sa nangya-yaring paghina ng edukasyon sa Pilipinas. Inamin niya na talagang ang edukasyon sa bansa ay deteriorated na at napag-iiwanan na ng neighboring countries. Sinabi pa ng CHED na sa halos lahat ng fields ay napag-iiwanan na ang Pilipinas. Noon daw, ang Pilipinas ay identified sa may pinaka-kalidad na edukasyon pero ngayon ay talagang nawala na ang pagkilalang iyon.

Nakakaligtaan at napapabayaan ang edukasyon. Iyan daw ang dahilan kaya mababa ang kalidad. Idinag-dag pa ni Angeles na nagsimulang ma-deteriorate ang edukasyon sa bansa sa huling tatlong dekada. At sabi pa ng CHED chairman, kailangang gumugol ng 20 taon para mapanauli ang mahusay at may kalidad na edukasyon. Isa sa mga paraan para raw magkaroon ng may kalidad na edukasyon ay irequired ang mga guro na may masters degree. Dapat daw na mahigpit itong ipatupad.

Tama ang suhestiyon ni Angeles pero dapat din namang buhusan ng pondo ang DepEd. Ito ang dapat pagtuunan ng kasalukuyang administrasyon. Maraming mahuhusay at matatalinong guro pero nasaan sila. Yung iba ay nag-aabroad, nagdodomestic helper sa Hong Kong, nagki-caregiver sa London. Maliit lang kasi ang suweldo nila bilang teacher. Subukang lakihan ang kanilang suweldo at dagdagan ng

benepisyo, gaganahan silang magturo rito at magpo-produce ng mga batang mahu-husay at matatalino. Ebidensya na ba ito na bumababa na ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas? Marahil ay mali lamang ang mga naituturo sa atin sa paaralan. Marami na ang mga kabataan ngayon na hindi na interesado sa sariling kasaysayan ng ating bansa. Ano nga ba ang mga dahilan nito? Katamaran? Pwede dahil sa impluwensya ng teknolohiya at dahil na rin siguro sa hindi pagtutulak ng ating mga guro na ating itatak sa ating mga isipan at pati na rin sa puso na dapat ay pinapahalagahan natin ang edukasyon. Dapat ay mapag-tuunan ito ng kaukulang pansin at dapat ay maalarma tayong mga mamamayan sa ganitong nangyayari dahil hindi uunlad ang ating bansa kung hahayaan lamang nating bumagsak ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa dahil isa itong mahalagang elemento sa pag-unlad ng ating bansang Pilipinas.

You might also like