You are on page 1of 3

Ano ang Retorika?

Ang retorika ay isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit and


magandang pagsasalita at pagsulat.
Pinag-aaralan ditto ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit-akit na
pagpapahayag.
Ito ay sining ng pakikipag-usap at pagsulat.
Ano ang ipinapahayag sa pakikipag-usap?
Kapag nakikipag-usap nang harapan o kaya`y sa telepono, nagpapahayag tayo ng pasalita.
Pagpapahayag upang ihayag ang damdamin at kaisipan.
Sino-sino ang nakikipag-usap?
Mahalaga ang pakikipagtalastasan sa buhay ng tao, sa kanyang buhay pulitika an sa kanyang
hanap buhay..
Kailangang mag-usap ng pamilya para sa maayos nitong pagkilos
Sa kapitbahay, para kamustahin
Sa tindera, upang makatawad kapag namamalengke
Sa drayber, upang pumara at magpahatid sa pook na pupuntahan.
Anu-ano at bakit nagiging malabo sa pagtalastasan?
Nagiging malabo ang pakikipagtalastasan kung di maayos ang pagkakabuo sa diwa ng
pagpapahayag o kaya`y ang kakulangan sa kaalaman sa retorika ng pagpapahayag.
Kung hindi magkaintindihan ang dalawang nag-uusap.
Ang pakikipagtalastasan any bahagi ng lipunan upang maipahayag ang iyong:
1. Naisin
2. Maunawaan
3. Magkaisa
Kailan mabisa ang isang pahayag?
1. nauunawaan
2. malinaw
%atlong bagay/elemento na dapat isaalang-alang upang magkaroon o matamo ang
kalinawan sa pahayag.
1. diwang ipinahayag mensahe (a) tiyak (b) sinaliksik (c)magdagdag ng kaalaman
2. kasanayan sa pagbuo ng pahayag
3. tamang pagpili ng mga salita

Ayon kay Sebastian, ang retorika ay isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na kung
saan ay tinukoy kung maganda o kaakit-akit ang pagsususlat at pagsasalita.
Maaari rin itong tawagin bilang pagaaral o kahusayan ng isang indibidwal sapagpili ng mga
salitang gagamitin sa pagsulat o pagsasalita.
Ito ay galing sa salitang 'rhetor (Salitang Griyego) na nangangahulugang 'guro o
mahusay na oradr/mananalumpati
Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong
pagsasalita o pagsulat.
Pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga piling salita
at wastong ayaw-ayaw ng mga ito upang maiangkop sa target ng awdyens at matamo ng
manunulat ang kanyang layunin.
Ang kasanayang ito ay natututunan o napagaaralan
Ang isang taong may kahusayan sa retorika ay kadalasan nagkakaroon ng isang
magandang impresyon sa kaniyang mga audience o tagapakinig. Halimbawa na lamang ay
ang paborito mong awtor ng libro tagapagbalita sa telebisyon. May kasanayan sila na kung
saan sila ay ating hinahangaan at maging tinatangkilik ng mga tagapanood.Samakatuwid, ang
layunin ng retorika ay maging kaakit akit at epektibo ang isang pahayag.
Retorika: Bilang isang sining
Tulad ng awit ang retorika ay may roon ding sining o ibat ibang paraan o estilo na nalinawan sa
ating isipan, damadamin at mambabasa.
Isang Kooperatibong sining
Hindi maaring gawin ng nagiisa. Sa pamamagitan nito nagbubuklod ang isang tagapagsalita at
tagapakinig sa iisan ideya.
Isang pantaong sining
Dahil sa ang wika ay midyum ng retorika, paslita man o pasulat. Dahil dito, ito ay pagaari ng tao
ang retorika ay isa ring siniong at pantao.
Isang Temporal na sining
Ito ay nababatay sa panahon. Ang gumagamit nito ay nangungusap sa lenggwhae ngayon at
hindi bukas o kahapon.
Isang limitadong sining
Marami ang hindi ito kayang gawin. Ang retorika ay mayroong sukdulan o hangganan. Dahil
maaring imahinasyon lamang ang gamitin sa sining na ito.
Isang may kabiguang sining
Hindi lahat ay may kagalingan sa paghawak ng wika. Ito ay likas na komplikado dahil sa mga
tuntunin na pababago bago. Sa iba ito ay nagiging Irustrating na karanasan.
Isang nagsusupling na sining
Ito ay dumadami. Ang isang manunulat ay nagsusulat ng isang ideya sa isipan at nagsusupling ng
isang akda. At patuloy tuloy na napapasa ang kaalaman sa kaniyang kaisipan.
Saklaw ng retorika
1. Lipunan
2. pilosopiya
3. wika
4. iba pang larangan
5. sining
Gampanin ng Retorika
Nagbibigay daan sa komunikasyon

You might also like