You are on page 1of 1

Diana Rose T.

Mito II-B

Mrs. Violeta Agbayani Araling Panlipunan

Kahalagahan ng Pamahalaan sa Pagsulong at Pag-unlad ng Bansa

Bawat bansa ay mayroong iba t ibang pamahalaan na namamahala. Hindi maaaring maging bansa ang isang lugar kung wala itong pamahalaan. Napakahalaga ng pamahalaan sa isang bansa, kung walang pamahalaan, hindi magiging maayos, sibilisisado at magiging magulo ang isang bansa o bayan. Ang pamahalaan ang gumagawa ng paraan para maibigay ang mga pangangailangan ng mga tao para sila ay mabuhay ng payapa, komportable at makamit ang asensadong pamumuhay. Ang pamahalaan ay isang organisasyon na may kapangyarihan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo.

Ano nga ba ang kahalagahan ng pamahalaan sa pagsulong at pag-unlad ng bansa? Ang pamahalaan ang nagko-kontrol o kumokontrol sa isang bansa, tungkulin ng pamahalaan na magsagawa at mapatupad ang karapat-dapat na batas na makatutulong sa mamamayan. Ang pamahalaan ay binubuo ng mga empleyado ng gobyerno gaya ng pangulo, senador, kongresista at lahat ng tungkol sa pulitika. Napakahalaga ng pamahalaan sa ating mga mamamayan.

You might also like