You are on page 1of 12

Sa Pananaw ng Isang Manunulat

Monday, April 12, 2010


GLOBAL WARMING: Kababalaghan o Katotohanan?

GLOBAL WARMING Kababalaghan o Katotohanan? Ni Bienvenido A. Ramos SA mga mapamahiin at matatakutin, ang pagbabago ng klima at ang abnormal na takbo ng panahon, tulad ng El Nio o La Nia, ay itinuturing na phenomenon o kababalaghan at ipinalalagay na tandang malapit nang gunawin ng Diyos ang mundo, o may sisiklab na digmaan o lalaganap na salot. Kapag mapula ang lubugan ng araw, ibig sabihin ay may darating na bagyo. Ang napakahabang tag-init nitong nakaraang limang buwan at ang matinding alinsangan sa gabikahit nitong Hunyo, na tradisyunal na simula ng panahon ng tag-ulanay itinuturing ng karaniwang tao na karaniwan at di dapat pansining pagbabago ng panahon. Pero sa mga siyentipiko, ang mga pagbabago na ito sa klima ay babala ng isang malaking kalamidad na may saklaw na pandaigdig at hindi dapat ipagwalambahala. Hindi ito isang phenomenon o kababalaghan, ito ay isang krisis, nagdudumilat na

katotohanan na ang mundo ay nahaharap sa isang krisis na tinatawag na GLOBAL WARMING! Ayon sa mga scientist, ang matinding init na bumabalot ngayon sa mundo ay likha ng pagbuga ng greenhouse gasespartikular ay carbon dioxide o CO2, methane at nitrous oxide. Ang greenhouse gases na ito ay nagmumula naman sa usok, pollutant coal (karbon o uling), na ginagamit sa mga planta at pabrika ng mga industrialisadong bansa, tulad ng Estados Unidos, China, Germany, Russia at iba pa. idagdag pa riyan ang milyun-milyong sasakyang de motor na gumagamit ng gasoline, langis at ibang kemikal, na nagbubuga ng greenhouse gases. Ayon sa mga siyentipiko, dahil sa pagkaipon ng greenhouse gases na ito sa atmosphere o kalawakan ng mundo, ang enerhiya mula sa sikat ng araw ay hindi makapaitaas sa outer space o rurok ng kalawakan kaya naiipon sa ibabaw ng mundo ang init. Ayon sa pananaliksik na pang-agham, taun-taon ay nararagdagan ng 0.6 degrees Celsius ang init sa ibabaw ng daigdig. Ang global warming o pag-iinit ng mundo, kung hindi mapipigil, ay lilikha o lumilikha na ng mga pagbabago sa klima, tulad ng El Nio o mahabang tagtuyot at ng malalakas na pag-ulan at pagbaha, na tinatawag namang La Nia.

Ayon sa mga scientist, kapag hindi nabawasan ang ibinubugang greenhouse gases mula sa mga planta at pabrika ng mga industriyalisadong bansa, hindi magtatagal, ang sobrang init na naiipon sa mundo. Ay magiging sanhi ng pagkalusaw ng mga bundok ng yelo at niyebe na magpapaapaw sa mga karagatan at magiging sanhi ng paglubog ng mga lupang nasa baybay-dagat, lalo na sa mga archipelago tulad ng Pilipinas. ANG KONTRIBUSYON NG PILIPINAS AYON din sa mga siyentipiko, lubhang maaapektuhan ng global warming ang mga kalupaan ng Aprika, Timog Amerika, ang Himalayas, Malaysia, Indonesia at Pilipinas. At bagamat hindi maihahanay sa mga industriyalisadong bansa ang Pilipinas, ang estilo ng pamumuhay at ang pamamayani ng kultura ng katiwalian at pandaraya dito ay may malaki ring kontribusyon sa global warming, sa kalahatan, at sa pagkawasak ng kalikasan at kapaligiran ng bansa, sa partikular. Bugbog sa mga likas na kalamidad ang Pilipinas, lalo sa bagyo at lindol, pero maraming kalamidad na gawang tao, likha ng kasakiman ng tao, ang nagdudulot ng malaking pinsala sa mga Pilipino. Sa paggunita sa Earth Day noong nakaraang Abril 22, nagpalabas ng ulat at estadistika ang Department of Environment and Natural Resources ukol sa

kontribusyon ng Pilipinas sa global warming at sa pagkasira ng kalikasan at kapaligiran. Inamin ng DENR na grabe ang polusyon sa lupa, tubig at hangin sa maraming pook sa bansa, partikular sa mga lunsod ng Makati, Maynila at Pasay. Ayon sa DENR, sa kabila ng pag-iral ng Clean Air Act, ang daan-libong sasakyan sa Metro Manila lamang ay nagbubuga ng usok na nagsasapanganib sa kalusugan ng mamamayan, at nakapagdaragdag sa greenhouse gases. Kaugnay nito ang may 1,095 bukas na tambakan ng basura sa bansa ay nagbubuga rin ng methane (kabilang sa green house gases) na sanhi ng pagbalot ng init sa mundo. Sa mababang paaralan pa lamang ay natutuhan na ang halaman o punongkahoy ay sumisipsip ng carbon dioxide (panluto sa kanyang pagkain), at nagtatapon ng oksiheno na kailangan naman sa kalusugan ng tao. Natutuhan din na ang mga ugat ng punongkahoy ay nagtitinggal ng tubig-ulan, bukod sa nakakapit sa lupa. Patayin o putulin ang halaman o ang punongkahoy ay ano ang ibubunga? Malaking baha, gaya ng pumatay sa may 2,000 katao sa Ormoc, Leyte, at landslide o pagguho ng lupa at putik, na tumabon sa buong Barangay Ginsaugon sa St. Bernard, Southern Leytena hanggang ngayon ay hindi pa matiyak kung ilang libo ang nalibing nang buhay.

Parang mahirap paniwalaan na ang may 19 na milyong ektaryang kagubatan sa Pilipinas noong 1920, ngayon ay 7.2 milyong ektarya na lamang! Bunga nito, napilitang magpatibay ang Kongreso ng isang batas na tahasang nagbabawal ng pagtrotroso, pero hindi naman naipatutupad ito. May isang taon pa lamang ngayon, sinagasa ng tila bulldozer na mga baha, na may kasamang malaking putol na troso ang ilang bayan sa Quezon, Zambales at Aurora. Kaugnay nito, sistematiko rin ang pagwasak sa mga baybay-dagat ng mga tanim na bakawan; sa paglipol sa mga isda at ibat ibang lamang -dagat sa mga lawa at golpo sa pamamagitan ng paggamit ng lason, dinamita at ng ipinagbabawal na galadgad (baby trawl). Idagdag pa rito ang pagtatambak ng basura at human at chemical wastes ng walang disiplinang nangakatira sa mga estero at baybay ng ilog Pasig at ng Manila Bay, hindi na nakapagtataka kung sa pana-panahon ay sinisira ng pagpasok ng red tide ang pinaghahanapbuhayan ng mga nag-aalaga ng talaba, tahong at iba pang kabibe. ANO ANG GINAGAWA NG PILIPINAS? MAGING sa mga problemang ang nakataya ay seguridad at pambansang pangkalusugan, umiiral pa rin ang pulitika. May ilang taon na ang nakararaan, ang

naalarmang Kongresosa mabilis na pagkapanot ng mga bundok at kagubatan ay nagtangkang magpatibay ng batas na lubusang magbabawal sa pagtrotroso kahit sa loob man lang ng 10 taon; na tatambalan ng pagtatanim uli ng mga puno sa nakalbong gubat at bundok. Ngunit ang pagbabawal (total o partial log ban man) ay madaling napalulusutan ng mga masisibang logging concessionaire. Ang pagiging inutil ng nasabing batas ay nabunyag nang humampas ang ilang super typhoon, tulad ni Reming sa ilang bayan sa Quezon. Sinasagasaan ang mga ito ng malalaking baha, na may tangay na malaking trosong mula sa kalapit na mga bundok. Nagpasa rin ng Clean Air Act ang Kongreso bilang tugon sa pagkalat ng sobrang polusyon sa hangin mula sa buga ng usok ng may daanlibong sasakyan sa Metro Manila lamang. Ang unang naapektuhan ng batas na ito ay ang tatlong halimaw na kompanya ng langisCaltex, Shell at Petron. Kailangan nilang salain ng husto upang alisin ang tingga sa ibinebenta nilang langis. Dagdag na gastos iyon para sa tatlo. At ang kaso, tulad ng batas contra pagtrotroso, ang Clean Air Act ay inutil din. Patuloy ang pag-angkat ng mga Pilipino ng segunda manong trak at bus, na mangyari pang nagdadagdag ng buga ng greenhouse gases at nagpapatindi, sa halip na makabawas, sa global warming.

Ngayon, patuloy sa paghahanap ng alternate fuel o panggatong o enerhiyang hindi magpaparumi sa hangin. Nagsisimula na ring tumuklas ng tinatawag na bio fuel mula sa mga katutubong halaman tulad ng niyog. Pinag -aaralan na rin ang paggamit ng tubig bilang enerhiya o fuel,at iba pang fuel na walang gaanong usok na magdaragdag ng polusyonat mura pa. Ayon kay U.S. Ambassador Kristie A. Kenney, sa pagbaka sa global warming ay kailangan ng mga Pilipino ang magbawas, magtipid, mag-recycle at baguhin ang estilo ng pamumuhay. Ang totoo, apektado ng global warming ang lahatmayaman o mahirap. Nararanasan na ng lahat ngayon pa lang ang mapaminsalang epekto ng global warming sa pagbabago ng klimasa nakaririnding init kahit nagsisimula na ang tag-ulan; sa namimintong pagsasalat ng tubig; sa pagdating ng El Nio o La Nia, at sa pagkapinsala ng pagsasaka sa mga lalawigang malakas mag-ani ng palay, mais at gulay. PAGKAMULAT SA PANGANIB NG GLOBAL WARMING NOONG una, nakararami pa sa mga Pilipino ang hindi nababahala sa panganib na idinudulot ng global warmingang kapansin-pansing pagbabago ng klima. Ang matinding alinsangan sa dating malalamig na buwan ng Disyembre hanggang

Pebrero (2007). Ang matinding lamig naman nitong Pebrero at Marso (2008), na dapat ay nasa kainitan na ang tag-araw. Ang ilang linggong panay na pag-uulan sa Kabikulan, lalo na sa Silangang Samar, na lumubog sa baha ang maraming bayan. Ang walang dahilang pagkamatay ng mga isda sa ilog, palaisdaan, at sa dagatna likha ng matinding init. Ang pagkamulat sa panganib ng global warming ng mga Pilipino ay waring hindi sinasadya. Bunga ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis (gasolina), natutong maghanap ang nababahalang mamamayan ng pamalit sa enerhiya na walang ibinubugang usok na nakalalason. Sa Ilokos, gumagamit na ngayon ng windmill sa maraming bayanlakas na mula sa hangin. May nakatuklas din ng mga sasakyang mapapatakbo ng tubig. Sa Kongreso, nagpasa ng batas ukol sa paggamit ng biofuelmula sa langis na makukuha sa tubo, tangan-tangan, niyog, at iba pa. Sa isang survey na isinagawa ng isang pandaigdig na ahensiya- ang ACNielsen (Online Consumer Opinion Survey), na ipinakita sa Internet, napag-alamang sa may 47 bansang hiningan ng opinion tungkol sa global warming, 94% sa may 503 Pilipinong respondent ang nagsabing alam nila ang panganib ng global warming. Nabasa sa diyario o napanuod sa TV. Sa ano mang kilusang laban sa pagpinsala sa kalikasan at kapaligiran ay hindi nagpapahuli ang mga Bulakenyo. Noon pa man g 1950s, nagprotesta na ang mga

Bulakenyo laban sa pagtatayo ng mga illegal na palaisdaan sa baybay-look ng Maynilasa bahagi ng dagat na sumasaklaw sa mga bayan ng Obando, Bulakan, Malolos, Paombong at Hagonoy. Kasunod nito ang pagdaraos ng rally laban sa paggamit ng galadgad (baby trawl) at dinamita sa pangingisda na bukod sa humuhuli ng mga similya ng isda at ibang lamandagat, ay sumisira pa sa mga katutubong tirahan at pagkain ng mga isda. Noong mga 1980 (bago sumiklab ang Edsa Revolution), ilang buwan ding nagprotesta ang mga aktibistang Bulakenyo para ipasara ang dalawang planta ng alcohol sa Apalit, Pampanga, na ang tapong kemikal sa ilog na palabas sa Manila Bay ay puminsala sa maunlad nang industriya ng pag-aalaga ng sugpo sa Hagonoy at sumira rin sa mga sakahang nasa baybayilog. Isang panahong ang mga ilog sa Bulacan, lalo na ang nasa dakong Timog-Silangan ng lalawigan ay nakukunan ng malinis na tubig, sagana sa mga isda at hipon. Ngunit sa pagdaan ng panahon, sa pag-unlad ng ilang bayang karatig ng Maynila, ang mga ilog ay naging tambakan ng basuranakalalasong basura mula sa kultihan ng katad at mga lusaw na metal mula sa ginto, sa Meycauayan. Ang pagsulong umanonang walang pagsubaybay ng gobyernosa pagpapabaya na rin ng mamamayanang unti-unting pumatay sa mga Ilog na magkakakawing ng mga bayan ng Marilao, Meycauayan at Obando. Bukod sa mga plantang nagtatapon ng chemical wastes sa mga ilog na nabanggit, masisisi rin ang mga

nagsisipanirahan sa tabi ng mga ilog na itona nagtatapon hindi alam ng basurang plastickundi maging ng mga dumi ng tao at hayop. Ang nakakalungkot, na napabilang tuloy ang mga ilog na ito sa 30 pinakamaruruming ilog sa mundoisang nakakahiyang dungis sa maganda at marangal na pangalan ng Bulacanbilang pangunahing lalawigan sa Pilipinas! Kailangan ang lubos na pagtutulungan ng mamamayan at ng pamahalaan, iyan ang diwa ng mensahe ng mga opisyal na nagsidalo sa pulong na itinawag noong Pebrero 20, 2008 ni DENR Secretary Lito Atienzasa layuning itatag ang Water Quality Management Area. Ang WQMA ay naglalayong opisyal na pangasiwaan ng Department of Environment and Natural Resources ang paglilinis at pangangalaga sa mga kailugang ito ng Marilao, Meycauayan,-Obando, sa tulong ng pribadong organisasyon at ng mamamayan. PATAKARAN NG GOBYERNO, DAPAT BAGUHIN MARAMI ang nakapapansin sa tila pagkakasalungatan ng mga patakaran ng gobyernosa pagsulong ng ekonomiya at sa kaalinsabay na pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ang kontradiksiyon ay nasa lubusang pag-aanyaya ng pamahalaan sa mga puhunang dayuhanna ang pinakatampok ay ang pagbibigay ng lahat ng kaluwagan sa mga foreign investors, na linangin ang mga likas na

yaman ng bansatulad ng pagmimina ng ginto, tanso, bakal at iba pang mineral. Ang pagmimina ay mangyari pang may kasunod na pagtatayo ng mga plantaat ang mga plantang ito ay magtatapon naman ng chemical wastes, metal tailing na lalason sa ilog at kalupaang nasa paligid. Tulad ng nangyari sa ginawang pagmimina ng kompanyang Marcooper sa Marinduque noong 1950s hanggan g ngayon ay nakapag-iwan pa ng matinding lason sa mga kailugan sa Marinduque na nagdulot ng sakit sa tao at hayop at pumatay sa kapaligiran. Ito rin ang sanhi ng patuloy na protesta ng mga residente sa Bicol na pinagmiminahan ng kompanyang Lafayete. Ayon sa isang pandaigdig na pananaliksik, ang global warming ay nagtutulak sa mundo sa bangin ng pagkagutom sa di malayong hinaharap. Apektado ng pagbabago-bago ng klima ang produksiyon ng pagkain ng maraming bansa, at diyan ay nangunguna ang Pilipinas. Sa tulong ng manipulasyon at mga tiwaling kasunduan, paliit nang paliit ang lupang sakahan sa Pilipinas sa isang maling hangaring maging industriyalisado (sa tulong ng puhunang dayuhan) ang isang bansang ang ekonomiya ay nakasalig sa pagsasaka. Ang mga lupang sakahan ay ginagawang komersiyal at industriyalpinagtatayuan ng mga plantang gumagawa ng kosmetiko, appliances, kotse at ibang karangyaan ng modernong pamumuhay. May mga dayuhang nagsipagtayo ng golf course, spa, baseball fieldsa lupang dapat sana ay pinag-aanihan ng palay, mais, gulay, atbp. Sa ibang bansang ngayon

ay nagluluwas ng bigas at ibang produktong pansakahan, ang kanilang pamahalaan ang may subsidy o suportang pinansiyal sa mga magsasaka. Dito, ang mga magsasaka, na dapat sanang mabiyayaan ng pagpapatupad ng Malawakang Reporma sa Lupa, ay ni hindi mapautang ng pamahalaan. Matatandaang ang abono, na sanay ipamamahagi sa mga magsasaka, ay kung kani -kanino lang ipinamigay ni Undersecretary Jocjoc Bolante ng Pagsasakabilang pamimili ng suporta ni GMA sa eleksyon noong 2004. Sa pagtutuos, ang maling direksyon ng pagsusulong (umano) ng ekonomiya ay walang kinahinatnankundi ang mabaong lalo sa utang ang Pilipinas, lumaganap ang kahirapan at gutom sa nakararaming masa ng mamamayan, magpasasa ang mga kapitalista at negosyanteng lokal at dayuhan. Ngayon, ni hindi masasabing industriyalisado ang Pilipinas, at bagamat isang bansang ang ekonomya ay nakasalig sa pagsasakaay nahaharap sa taggutom, umaangkat ng mga pangangailangang dapat sana ay saganang inaani, at kung maaari ay nailuluwas pa sa ibang bansa.--

You might also like