You are on page 1of 12

Integrated, Literature-Based Lesson for Grade III

MGrace Reoperez
I. Mga Layunin
A. Pagwawari at pagpapahalaga
1.
2.
3.
4.

Magkaroon ng kamalayan hinggil sa nagiging dulot ng pagiging palaasa.


Mapag-isipang ang pagsuway ay walang kakahinatnang maganda.
Mapagtanto ang kahalagahan ng kasipagan.
Mabigyang halaga ang mga malikhaing pagkakatanghal ng mga larawan
(collage).
5. Malugod sa pagbabasa ng alamat.
B. Paglinang ng kasanayan
1.
2.
3.
4.
5.

Mapagsunud-sunod ang mga pangyayari.


Mabatid ang nararamdaman ng tauhan.
Magbigay ng opinyon hinggil sa aksyon ng tauhan.
Makapagsulat ng kwentong magbibigay liwanag sa mga pangyayari.
Matukoy ang nais ipahiwatig ng may-akda.

II. Nilalaman
Unang Unggoy
muling isinalaysay ni Rene O. Villanueva
collage ni Jose Miguel Tejido.
nilimbag noong 2002
III. Mga kagamitan
mga tsart
mga larawan
IV. Pamamaraan
A. Bago magbasa
1. Paghawan ng balakid
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Bigyang pansin ang mga salitang
may salungguhit. Pumili ng salita sa loob ng panaklong na inaakala mong
kukumpleto sa kahulugan ng pangungusap ayon sa pagakakaunawa mo sa mga
salitang may salungguhit.

Nakakatuwang pagmasdan ang mga _______________ na palambilambitin sa mga puno.


(elepante, unggoy)
Ang mag-anak ni Mang Kaloy ay lumilikha ng mga telang ginagawang
damit. Sila ay ________________.
( maghahabi, pintor)
Kumuha ka ng ___________ at ikitin mo ang sa iyong daliri para magamit
mo mamaya sa pananahi.
(karayom, sinulid)

2. Pagganyak
Pagtantiya sa kaalaman
Basahin ang mga sumusunod na mga pangungusap. Alam mo ba o hindi mo alam
ang mga ito? Lagyan ng tsek ang kahong tumutugma sa iyong sagot.
Alam

Hindi Alam

1. Maraming mga manghahabi ang


matatagpuan sa Ilokos.
2. Ang alamat ay kwento na nag
sasabi ng pinagmulan ng
isang bagay, tao, o lugar.
3. Ang mga diwata ay kathang
isip lamang.
3. a. Pangganyak na tanong : Sino ba ang nagbabantay sa inyo kapag kayo ay
nasa inyong mga bahay?
b. Motibong tanong:
Sino naman kaya ang nagbabantay kay Kara?
B. Habang nagbabasa
C. Pagkatapos magbasa
1. Pangkatang tipanan
Pangkat I
Paano Ang Maghabi ng Tela
Itinuro ng diwata kay Kara kung paano maghabi ng tela. Anu-ano na nga ba ang
dapat gawin para makahabi ng tela? Kumpletuhin ang tsart

Una, __________________________________________________________.
Ikalawa, ________________________________________________________.
Ikatlo, _________________________________________________________.
Ikaapat, _________________________________________________________.
At panghuli, ______________________________________________________

Pangkat II
Mensahe ni Kara
May nais sabihin si Kara kay Abel nang siya ay naging isang unggoy ngunit ang
tanging nasasabi lang niya ay Kara, Kara. Ano kaya ang nais niyang iparating
kay Abel?

Pangkat III
Sino si Kara?
Sumulat ng isang talatang kwentong magpapaliwanag kung paano napunta sa
gubat si Kara at kung paano siya natira sa kubo ng diwata.

Pangkat IV
Si Kara, Si Kara Na Lang Lagi!
May mga pangyayari sa kwento. Sang-ayon ba kayo o di kayo sang-ayon sa mga
pangyayaring ito? Bakit?
Mga pangyayari
1. Ibinibigay ng diwata ang lahat ng kailangan ni Kara.
2. Pinarusahan ng diwata si Kara ng di ito sumunod
sa kanya.
3. Inihagis ni Kara sa labas ng kubo ang mga gamit na
ibinigay ng diwata para gumawa ng tela.

Pangkat V
Mga Damdamin
Sino ang nagsabi ng mga sumusunod na linya? Alin ang nauna, sumunod, at
pinakahuli sang-ayon sa mga pangyayari sa kwento? Ano sa palagay ninyo ang
nararamdaman ng nagsalita habang sinasabi ang mga ito?
Dayalogo

Sino ang nagsabi

Ano ang nararamdaman ng


nagsabi

1. Aanhin ko ito?
2. Ay, ang hirap naman
pala!
3. Di ka bagay maging
tao!
4. Magiging damit na ba
yan matapos kong
ikitin?

2. Talakayan

Sino sa inyo ang nakarating na sa gubat?


Sino ba ang nagbabantay kay Kara at saan ba siya nakatira?
Paano naman kaya siya napunta sa malayong malayong gubat na yon?
Saan kaya siya nanggaling at sino kaya ang mga magulang niya?
(tatawagin ang ikatlong pangkat)
Bakit ninyo nasabi na si Kara ay nanggaling sa lugar na yan?
Paano naman siya inalagaan ni Abel?
Paano daw ba ang gumawa ng damit? Ano ang mga dapat gawin?
(tawagin ang unang pangkat)
Sa inyong palagay, madali ba o mahirap ang ipinapagawa ni Abel kay
Kara?
Kung kayo si Kara, gagawin ninyo ba ito?
Nang hindi sumunod si Kara ay may nangyari. May sinabi ang diwata sa
kanya dahil na rin sa sinabi niya dito. Sino ang nagsabi ng bawat linya at
paano ang pagkakasunud-sunod nila sa kwento? At ano kaya ang
nararamdaman nila habang sinasabi ang mga linyang ito? (tawagin ang
ikalimang pangkat)
Bakit kaya ganyan ang naramdaman ni Kara?

Kung ikaw ang diwata, ganyan din ba ang mararamdaman mo? Bakit?
Bakit hindi?
Ano ang masasabi ninyo sa diwatang si Abel?
Katulad ba kayo ni Kara na walang ginawa kundi kumain at matulog?
Sang-ayon ba kayo o di kayo sang-ayon sa ginawa ng diwata para kay
Kara? (tawagin ang ikaapat na pangkat)
Anong masasabi ninyo sa diwata na ibinigay lahat ng kailangan ni Kara?
Ano naman ang masasabi ninyo kay Kara na walang ginawa kundi
kumain at matulog?
Kung kayo ang diwata ano ang gagawin ninyo kay Abel, paparusahan
ninyo din ba siya?
Ano sa palagay ninyo ang sinasabi ni Kara ng naging unggoy na siya?
(tawagin ang ikalawang pangkat)
Bakit sa palagay ninyo iyan ang nais niyang sabihin kay Abel?

3. Pagpapalalim
Alin kaya sa mga sumusunod ang tinatalakay sa kuwento? Maaaring pumili ng
tatlong pangunahing tinatalakay sa kuwento.
pagiging mabait
pagiging masunurin
pagiging magalang
pagiging masipag
pagiging palakaibigan
pagiging malusog
pagiging matulungin
*. Bakit kaya sa palagay ninyo ay yan ang tinatalakay sa kuwentong ito?
4. Pagpapayaman
Kapalit ni Kara
Nang mawala si Kara, si Abel ay nalungkot sapagkat wala na siyang inaalagaan at
binabantayan sa kubo. Tulungan mo nga siyang maghanap ng batang papalit kay
Kara. Gumawa ng anunsyo na ilalathala sa pahayagan hinggil dito.

Hinahanap : Kapalit ni Kara


Isang diwata ang naghahanap ng batang kanyang
aalagaan sa isang malayong kagubatan. Ang lahat ng
pangangailangan ay ibibigay ng diwata. Kung nasa inyo
ang mga sumusunod na katangian ay makipag-ugnayan
lamang kay Abel.
Gulang:
Kasarian:
Mga Katangian:

Mga Kakayahan:
Libangan:

ARALIN SA WIKA
I. Mga Layunin
A. Mapag-iba ang pangngalang payak at maylapi.
B. Makapagbigay ng halimbawa ng pangalang payak at maylapi.
II. Nilalaman
Kaanyuan ng pangngalan: payak at maylapi
III. Mga kagamitan
tsart
mga larawan (ng paghahabi)
IV. Pamamaraan
A. Pagpapakilala
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Bigyang pansin ang mga salitang
may salungguhit.
1. Noong unang panahon ay may isang malayong gubat na di pa nararating ng kahit
sino.
Ang mga gawa na ito ang naging dahilan ng kanyang katamaran.
Ang mga bigay sa kanyang bulak ng diwata ay itinapon niya sa labas ng kubo.
2. Sa kagubatang ito nakatira si Kara at si Abel.
Walang ibang gawain si Kara kundi ang matulog ant kumain.
Binalewala niya ang pagbibigay ng maraming bagay ng diwata.
B. Paglalahat
Ano ang mapapansin ninyo sa mga salitang may salungguhit sa unang tatlong
pangungusap?
Ano naman ang mapapansin ninyo sa mga salitang may salungguhit sa huling
tatlong pangungusap?
Kaanyuan ng Pangngalan: Payak at
Maylapi

Payak- kung ang pangngalan ay isng salitng walng kalap o kakambl na anumn.
Karaniwang ang pangngalang payak ay tinatawag ding salitang-ugat.
Halimbawa: apy, bagay, halaman, hangin, lup, tao, tubig, but, tao
Maylapi,-kung ang pangngala'y binubu ng salitng-ugt at ng panlap sa unahn, sa
lob, sa hulihn, o sa magkbil.
Halibawa: pangit, kapangitan; tamd pagkatamad, wal, pagkawal
C. Pagsasanay
I. Hatiin sa limang grupo ang klase. Bigyan sila ng mga payak na salita. Pagisipin sila ng mga salitang maylapi na maaring mabuo mula sa mga salitang
payak. Bigyan sila ng tatlong minuto para gawin ito. Panalo ang grupong
pinakamaraming tamang sagot.
habi (paghahabi, pinaghabian)
tao (tauhan, pagkatao, sangkatauhan)
gamit (paggamit, kagamitan, pinaggamitan)
sipag (kasipagan, pagkamasipag)
D. Pagkakabisa
I. Maylapi o payak? Pagsama-samahin ang mga pangngalang maylapi sa
Lalagyan A at ang mga pangngalang payak sa Lalagyan B.
unggoy
pagtakbo
Lalagyan A

diwata
paghabol

panahon
kaarawan

paghikab
puno

damit

katamaran

Lalagyan B

II. Isulat ang angkop na anyo ng payak na pangngalan sa loob ng panaklong upang
makumpleto ang pangungusap.
1. Karamihan sa mga ________________ (habi) ng magagandang tela sa Pilipinas
ay matatagpuan sa Vigan, Ilokos Sur.
2. Itinuturing ang paghahabi na isang mahalagang _______________ (gawa) sa mga
agrikultural at umaasa-sa-sariling komunidad sa Pilipinas katulad ng Ilokos.
3. Sa paghahabi ay gumagamit ang mga Ilokano ng ibat ibang mga
_______________ (gamit) tulad ng puyod at tibbian na pinag-iikitan ng bulak.
4. Ang mga pinakatampok sa mga ito ay ang ___________(habi) na kung saan ay
nagagawang tela ang mga sinulid.
5. Tunay kang hahanga sa taglay na __________________(sipag) at tiyaga ng mga
Ilokano dahil hindi madali ang maghabi ng tela.
6. Gustung-gusto ng mga ___________ (dayo) ang makukulay at matitibay na
balabal na hinabi sa kamay ng mga lokal.
E. Pagtatasa
I. Isulat naman ang payak na anyo ng pangngalan sa loob ng panaklong upang
makumpleto ang pangungusap.
1. Maraming _____________ (sangkatauhan) nakikinabang sa industriya ng
paghahabi.
2. Bago dumating sa gagan-ayan ay ipinupundo muna ang mga hiblang nanggaling
sa bulak sa ___________ (punduhan).
3. Ang kanilang mga kamay ang pangunahing ___________ (pinaggamitan) ng mga
manghahabi upang makabuo ng magandang tela.
4. Ang mga material na ginagamit sa paghahabi ay dumadaan sa mahabang
proseso na ginagawa sa loob ng mga ____ (kabahayan).
5. Ang Barangay Camangaan ang pinakakilala sa paghahabi at siyang pinang
gagalingan ng mga produktong ipinagbibili sa mga _____ (daanan) sa kalye
ng Crisologo.

KARAGDAGANG KAALAMAN

ATING ALAMIN
Gusto mo bang malaman kung bakit Abel ang pangalan ng diwata sa kwento?

Ang Paghahabing Abel at Abel Iloko


Ang Vigan ay kilalang-kilala sa paghahabing abel. Bago pa man dumating ang mga
Kastila sa bansa ay bihasa na sa ganitong uri ng paghahabi ang mga tagaVigan. Sa
katunayan, sa ganda at tibay ng mga produktong likha nila, halos hindi na pinansin ang mga
gawa ng mga Kastila noong panahon ng kalakalang galleon. Sa ngayon ay may tatlong
barangay pa ang naghahabing abel ang mga barangay ng Camangaan, Mindoro, at San
Pedro.
Ang paghahabing abel ay gumagamit ng habihang kahoy. Ang sagut o sinulid na galing
sa bulak na isa sa mga panginahing tanim sa hilagang Pilipinas ang siyang ginagawang
telang abel.
Mahaba at mahirap ang proseso ng paghahabing abel. Ihinahanda at kinukulayan muna
ang mga sinulid at inaayos ang mga kulay upang makalikha ng ibat ibang mga disenyo. Sa
paghahabi, kailangang sabay ang paa at kamay sa pagpapatakbo ng habihang kahoy.
Kabilang sa mga habing abel ang mga kumot, kulambo, sapin sa kama, punda ng unan, at
tuwalya.
Pinagkuhanan: Vigan Ethnographic Studies by VMP Socio-Cultural Team"
(Isinalin sa Filipino ni Marie Grace C. Reoperez)

Subukan nga kung mahuhulaan ninyo kung anong bayan o lalawigan ang tinutukoy sa
bawat pangungusap. Pagkatapos ng bawat pangungusap ay may mga titik na bumubuo sa
pangalan ng lugar sa Pilipinas. Ayusin ang mga titik na ito upang malaman ang tamang
sagot.
1. Ang siyudad na ito sa Kamaynilaan ay kilala sa pagawaan ng matitibay at
magagandang sapatos.
MARIKINA
2. Malamig sa lugar na ito at paboritong puntahan kapag bakasyon ng maraming
Filipino.
Dito rin ay maraming mga tindahan ng mga lumang damit na tinatawag na ukay-ukay
at mga produktong tulad ng walis.
BAGUIO

3. Ang bayang ito sa Laguna ay tanyag sa mga malikhain at magagaling na manlililok ng


estatwang kahoy. PAETE
4. Ang mga malalawak na taniman ng tubo at pagawaan ng asukal ay matatagpuan sa
lalawigang ito sa Kabisayaan. BACOLOD
5. Dinadayo ang lugar na ito sa Bulacan kapag Bagong Taon dahil sa ibat ibang uri ng
paputok. BOCAUE

You might also like