You are on page 1of 1

Uri ng Pangatnig

1. Pantuwang pinag-uugnay ang magkakasinghalaga o magkapantay ang kaisipan


Hal.
Ang pagluha ng ama saka ang paghingi ng patawad ay palatandaan ng pagsisisi nito.
2. Pamukod may ibig itangi sa dalawa o ilang bagay at kaisipan
Hal.
Ikaw o ang iyong mga anak ang magdurusa kung may bisyo ang ama sa tahanan.
3. Paninsay kung sa tambalang pangungusap ang ikalawa ay sinasalungat ang una
Hal.
Umiyak nang umiyak ang ama ngunit hindi na ito makikita ni Mui Mui subalitnaniniwala silang
pinagsisihan niya ang lahat.
(Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit at datapwat ay ginagamit sa unahan ng
pangungusap.)
4. Panubali nagsasaad ito ng pag-aalinglangan
Hal.
Walang kasalanang di mapapatawad ang Diyos kung ang nagkasala ay nagsisisi.
5. Pananhi nagsasaad ng kadahilanan at pangangatwiran
Hal.
Mga takot ang mga anak palibhasay takot din ang ina.
6. Panlinaw nagbibigay kalinawan sa isang kaisipan, bagay o pangyayari
Hal.
Hindi na niya gagastusin ang pera sa alak kaya naniniwala silang tanda na ito ang kaniyang
pagbabago.
7. Panapos nagbabadya ng pagwawakas
Hal.
Sa wakas kinakikitaan din ng pagbabago ang ama.

You might also like