You are on page 1of 17

YUNIT IV Aralin

1: Pangatnig
Pangatnig
• Ang pangatnig o
conjunction sa
wikang Ingles ang
tawag sa mga kataga
o lipon ng mga
salitang nag-uugnay
ng isang kaisipan o
ideya sa isa pang
kaisipan o ideya.
• Narito ang ilan sa mga pangatnig na
madalas nating gamitin sa pakikipag-
usap:
subalit upang at maging
ngunit o kaya kung
dahil samantala sakali bagkus
anupa’t datapwat kapag
habang
Pangatnig
Mga halimbawa ng pangatnig sa pangungusap
• A. Ang aking nanay at tatay ay mahal ko.
• B. Maglalaro sana ako ngunit tinawag ako ni
ate.
• C. Ano ba ang mas masarap, lumpia o pritong
manok?
• D. Gusto kong bumait pero di ko magawa.
Mga Uri ng
Pangatnig
1. Pangatnig na Panlinaw
- Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o
kabuuan ng isang banggit. Maaari itong gamitan
ng mga salitang kung kaya, kung gayon, o kaya.
Mga Halimbawa:
A.Nag-usap na kami sa baranggay kung
kaya ang ang kasong ito ay tapos na.
B.Umamin na si Mando kaya makakalaya na
ang napagbintangang si Rico.
2. Pangatnig na Panubali
- Ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan. Maaari
itong gamitan ng mga salitang kung, sakali, disin
sana, kapag, o pag.
Mga Halimbawa:
A.Gawin mo na agad ang sinabi ni
itay kung ayaw mong mapalo.
B.Sakaling hindi ako makapunta bukas, sabihin
mo na lang sa akin ang mapag-uusapan sa
pulong.
3. Pangatnig na Paninsay
- Ito ay ginagamit kapag sinasalungat ng unang
bahagi ng pangungusap ang pangalawang
bahagi nito.
Mga Halimbawa:
A.Nakasama ako sa kanila ngunit pag-uwi ko ay
pinagalitan ako ni Nanay.
B.Yumaman si Arriane kahit galing siya sa hirap.
C.Nakapag-asawa siya ng mayaman kahit siya
ay mahirap lamang.
4. Pangatnig na Pananhi
- Ito ay ginagamit upang magbigay ng dahilan o
katwiran para sa pagkaganap ng kilos. Maaari itong
gamitan ng mga salitang dahil sa, sanhi sa, sapagkat,
o mangyari.
Mga Halimbawa:
A.Nagkasira-sira ang bahay ni Ka Pilo dahil sa bagyo.
B.Sanhi sa pabago-bagong panahon kaya siya
nagkasakit.
C.Marumi sa Pilipinas sapagkat ang ibang Pinoy ay
walang disiplina.
5.Pangatnig na Pamanggit
- Ito ay nagsasabi o gumagaya lamang sa
pananaw ng iba. Maaari itong gamitan ng mga
salitang daw, raw, sa ganang akin/iyo, o di umano.
Mga Halimbawa:
A.Ako raw ang dahilan ng kanyang pagbagsak.
B.Sa ganang akin, ikaw ang pinakagwapo sa
lahat.
C.Maaasahan daw ang mga mag-aaral sa Baitang
6.
Ngayon ano nga ulit
ang pangatnig?

Isa isahin muli ang


mga uri ng pangatnig.
Kwarter 4 :
Seatwork Blg.1
Panuto: Salungguhitan ang tamang pangatnig sa
loob ng panaklong.
1.Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw (ngunit,
upang, dahil) maiwasan masira ang mga ngipin.
2. (Dahil, Subalit, Kaya) hindi ka kumain ng almusal,
wala kang enerhiya para maglaro ngayong umaga.
3. Inaantok ka pa (habang, bago, kasi) hatinggabi ka
na natulog kagabi.
4. Kumakanta sila ng “Lupang Hinirang” (hanggang,
habang, parang) itinataas ang watawat ng Pilipinas.
5. Magdasal muna tayo (bago, kaya, at) tayo kumain
ng hapunan.
Panuto: Salungguhitan ang tamang pangatnig sa
loob ng panaklong.
6. Matutuloy ang camping natin (at, subalit, kung) hindi
masama ang panahon bukas.
7. Tumatahol ang mga aso (kapag, ngunit, hanggang)
may taong kumakatok sa pinto.
8. Ano ang kulay ng sasakyan ninyo, pula (at, o, pero)
puti?
9. Mahilig siya magbasa ng aklat (at, upang, sapagkat)
magsulat ng maiikling kuwento.
10. Tumakbo nang tumakbo ang usa (hanggang,
habang, samantalang) nakarating ito sa gitna ng gubat.
Panuto: Tukuyin ang uri ng pangatnig na
ginamit sa pangungusap.
11. Ako raw ang dahilan ng kanyang pagbagsak.
12. Nagpaalam na si Ambo sa mga magulang ni
Selya kung kaya silang dalawa ay magpapakasal
na.
13. Hindi naman mahirap ang
buhay kung marunong ka lang dumiskarte.
14. Marumi sa Pilipinas sapagkat ang ibang Pinoy
ay walang disiplina.
15. Nakasama ako sa kanila ngunit pag-uwi ko ay
pinagalitan ako ni Nanay.
Maraming
Salamat!!
God Bless..

You might also like