Ikalawang Markahang Pagsusulit Sa Filipino2015

You might also like

You are on page 1of 8

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino

Ikasampung Baitang
I.

Basahin ang sumusunod na tula at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.


May Ibong Naglakad
Salin ni Erlinda R. Berdin
(Hango sa Tulang A Bird Came Down the Walk ni Emily Dickinson)
May Ibong naglakad, di ako nakita
Hindi niya batid...minasid ko siya
Bulatiy tinuka, hinati pa niya
Haplit na nilulon na tuwang-tuwa pa.
Sa hamog pinawi ang uhaw na taglay
Sa damong makapal, sariwat naghanay
At pakandirit pang gumilid sa daan
Upang maparaan ang dagdaang uwang.
Gumala ang mata na tila hintakot
At pinakiramdaman ang buong palibot
Halatang ang pusoy dumalas ang tibok
Uloy itinaas, inunat ang likod.
Kahit kakain pay nagdalawang-isip
Ingat na binuka yaong mga bagwis
Pumaimbulog nat sa pugad nagbalik
Upang maiwasan tiyak na panganib.
Tila naging sagwan yaong mga pakpak
Humatit sumukat sa lawak ng dagat
At nang marating na ang iniwang pugad
Namuo sa dibdib ang payapat galak.

A. Piliin ang letra ng angkop na kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa


pangungusap at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
_____________1. Hamog sa damuhan ang pumawi sa kaniyang uhaw.
A. Nag-alis
B. Nagbawas
C. Nagpatindi
D. Nawala
_____________2. Bigla siyang gumilid sa daan nang makitang may dumarating.
A. Tumabi
B. Tumayo

C. Tumigil
D. Umalis

_____________3. Ginagala niya ang mata sa tuwing naglalakad sa paligid.


A. Nakikiramdam
B. Nangangamba

C. Natatakot
D. Natutuliro
_____________4. Dumalas ang tibok ng puso niya nang matanaw ang kaaway.
A.
B.
C.
D.

Nagalit
Nagdamdam
Nagulat
Natakot

_____________5. Tutukain na lamang ang bulati nang sa malas, ito ay


nagdalawang-isip.
A.
B.
C.
D.

Nag-alinlangan
Nagbago ng pasya
Nag-isip nang malalim
Nagsalawahan

B.Paghambingin ang ikinilos ng ibon at ng tao gamit ang Venn diagram. Gamitin sa
paghahambing sa ibon ang taong mapaghangad subalit walang tatag ng loob.

IBON

TAO

1.

4.
3.

2.

5.

C. Ang tao ay natatangi at pinakamataas sa mga nilikha ng Diyos. May isip o


kakayahang intelektwal na maaari niyang mapalawak upang makalikha ng
mga bagay na magpapaunlad sa kalagayan ng lipunang kanyang
kinabibilangan. Magtala ng mga paraan upang maging matatag sa pagharap
sa buhay.
1.____________________________________________
2.__________
___________________
___________________

3.___________
_____________
______________

4.____________________________________________________________
5.____________________________________________________________
II. Tukuyin at isulat sa patlang kung sino ang nagsalita sa sumusunod na mga pahayag.
Pagkatapos ay pumili ng dalawa sa mga pahayag at ipaliwanag. Gawing batayan ang
rubrics sa ibaba.
_______________1. Ang sarili mong mga kamay ang tumapos sa iyong buhay at ang
iyong pag-ibig sa akin. Ako ay magiging matapang din. Ako ay maaari ring magmahal.

Kamatayan lamang ang may kapangyarihan na makapaghiwalay sa atin. Ngunit ang


kapangyarihan ng kamatayan ay hindi kayang talunin ang ating pagmamahalan
_______________2. Aalis ako at bakit hindi kung iyon ang iyong kagustuhan. Siguro,
dahil ako ay iyong ibinalot sa iyong bigkis buhat sa iyong buhok at saka itinapon sa
dagat. Marahil , magtataka kayo kung iisa-isahin ko ang pangalan ng aking mga
kapatid!
_______________3. Saan ako kukuha ng ganoong kalaking halaga.Oo,
magpapautang ang SACCO pero katatanggap ko lang ng balita na hindi nila kaya
magpautang ng ganoong halaga sa isang tao, lalo na ngayon mahirap ang buhay at
marami ang nangangailangan
_______________4.Ikaw ang dakilang diyos at mas malakas sa akin, ikaw ang anak
na mas higit ang kapangyarihan kaysa sa kaniyang ama. Kung ibabaling mo ang iyong
paningin sa mga taong bumabastos sa iyo, lahat silay mapapahamak sa mundo
_______________5. Nang dahil sa iyo hindi kami makapaghalikan, subalit hinayaan
mo kaming makapag-usap. Hinayaan mong masabi ang mga salita at marinig ng
naghihintay na mga pandinig
Pamantayan
Nilalaman
Organisasyon

2
Maayos ang pagkakalahad, bukod-tangi
ang mga detalye at lahat ng mga ideya ay
lohikal na sumusuporta sa paksa.
Labis na naipakita nang malinaw ang
hinihinging impormasyon at ang kaugnayan
nito sa paksa.

Pahayag # __________

1
Ang mga ideya ay malayo sa paksa
at hindi gaanong nailahad nang
maayos.
Naipahayag ang sariling pananaw
sa paksa ngunit hindi gaanong
malinaw ang kaugnayan sa paksa.

Pahayag #__________

III.

Isulat sa patlang ang tatlong bisa ng panitikan.


1. _______________________________
2. _______________________________
3. _______________________________

IV.

Iayos ang salita ayon sa tindi ng kahulugan. Gamitin ang bilang 1-5 o 1-4 sa
pag-aayos. Bilang 4 o 5 ang pinakamatindi ang kahulugan. Isulat ang sagot
sa patlang.
A. ______umiyak
B. ______mahapo
______humagulgol
______mapagod

V.

______lumuha
______manghina
______nanangis
______mapagal
______humikbi
Bumuo ng bagong salita na binubuo ng pitong letrang salita pataas mula sa
salitang nasa kahon. Pagkatapos ay gamitin ang nabuong salita sa
makabuluhang pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.(TEXT TWIST)

PAGNILAYNILAYAN
(pag-iisipang mabuti)
1._____________________________
Pangungusap: _________________________________________________
_________________________________________________
2._____________________________
Pangungusap: _________________________________________________
_________________________________________________
3._____________________________
Pangungusap: _________________________________________________
_________________________________________________
4._____________________________
Pangungusap: _________________________________________________
_________________________________________________
5._____________________________
Pangungusap: _________________________________________________
_________________________________________________
VI.

Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.
___________1. Kanino iniaalay ni Simoun ang kaniyang paghihiganti?
A. Don Rafael, Maria Clara at Elias
B. Don Rafael, Maria Clara at Pilipinas
C. Don Rafael, Maria Clara, Elias at Pilipinas
D. Don Rafael, Maria Clara, Sisa, Crispin at Pilipinas
___________2. Si Elias at si Ibarra ay kapwa di kilala ni Basilio noong siya ay
isa pa lamang sakristan. Paano natiyak ni Basilio na si Simoun ay si Ibarra nang
magkita sila sa gubat makaraan ang labintatlong taon? Dahil...
A. Matalino siya at pinag-ugnay-ugnay niya ang mga
pangyayari
B. May nakapagbulong sa kaniya na mukhang may hawig si
Simoun sa namayapang si Ibarra
C. Alam niya na parehong kumilos si Simoun at sa
nabalitaan niyang pagkilos ni Ibarra
D. May kagalingan siyang manghula
____________3. Alin sa sumusunod na mga paliwanag ang hindi naisip ni
Basilio sa mga palaisipang bumabagabag sa kaniya?
A. Naisip niyang bago namatay ang sugatang lalaki ay
nagbilin sa kaniya na kung walang darating sa gubat na
iyon ay ariin ang kayamanang nakabaon sa balite.
B. Alam ni Basilio na mestiso ang anak ni Don Rafael; ang
namatay sa gubat ay kayumanggi
C. May sugat na taglay ang lalaking namatay ngunit ang
mestiso ay walang sugat.
D. Ang dumating na mestiso sa gubat ay pinagbawalan
siyang tangisan ang inang kamamatay lamang
______________4. Alin sa sumusunod na mga paliwanag ang hindi dahilan ni
Basilio bakit hindi niya hinukay ang kayamanan sa puno ng balite?

A. Bilin ni Elias na hukayin niya ang kayamanan at ariing


kanya kung walang darating na iba kaso may ibang
dumating na tao
B. Nakalimutan na ito ni Basilio
C. Malayo nang kaunti ang puno ng balite sa libingan ng
kaniyang ina
D. Natatakot siyang makialam sa nakabaong kayamanan
______________5. Bakit inilibing ni Ibarra si Sisa ngunit sinigan o sinunog ang
bangkay ni Elias?
A. Ibig ni Basilio na maibaon ang ina at bilin naman ni Elias
na sunugin ang kaniyang bangkay
B. Iyon ang una niyang naisip dahil sa kaguluhan ng isip
C. Upang walang mahanap na ebidensiya ang mga Kastila
D. Sapagkat hindi makapagdesisyon nang mabilisan si
Basilio
______________6. Sino ang nagsabi ng pahayag na ito at kanino niya ito
sinabi? Ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan; ito ay isang kasalanan
kung nagpapaunlad ng paniniil
A. Simoun; sa mga prayleng Kastila
B. Simoun; Isagani
C. Simoun; Basilio
D. Simoun; Kabesang Tales
7-9. Sa mga pahayag ni Simoun na Magtiis kayong nagpamana sa akin ng
isang pangalang at isang tahanan, at ikaw diwang marangal, dakilang kaluluwa,
magtiis ka din!Ang pamamaraang ginagamit koy di marahil kaayon ng
pamamaraan mo ngunit siyang lalong madali. Ang araw ay nalalapit na at kapag
sumikat ay ako na rin ang magpapabatid sa inyo
_______________7. Sino ang tinutukoy niyang nagbigay sa kaniya ng
pangalan?
A. Don Rafael
B. Elias
C. Inang Bayan
D. Pamahalaang Kastila
_______________8. Sino naman ang dakilang kaluluwa?
A. Don Rafael
B. Elias
C. Inang Bayan
D. Maria Clara
_______________9. Ano ang ibig sabihin ni Simoun na siya na rin ang
magpapabatid sa mga kausap tungkol sa pagsikat ng araw?
A. Nakikita niya sa sarili niya na magiging malaya ang
bansang Pilipinas
B. Nakikita niyang mas lalong malulugmok sa kahirapan
ang Inang Bayan
C. Nakikini-kinita ni Simoun na siya ay mamamatay sa
kaniyang himagsikang ibinubunsod
D. Nakikini-kinita niya na siya ay mamamatay sa
himagsikang pamumunuan subalit makakalaya ang
kaniyang bansa sa kamay ng mga maniniil
_______________10. Paano nakatulong nang malaki ang mga prayle sa
matagal na pagkaalipin ng Pilipinas?
A. Tinakot nila ang mga tao na kapag di sila sumunod ay
mabilis silang mapapahamak
B. Itinuro ng mga kura na isa sa mga mabuting katangian
ng Katoliko ay ang pagtitiis sa mga milagro ng Santo
C. Pinaasa nila ang mga Pilipino sa lahat ng mga walang
kabuluhang sinasabi nila

D. Lahat ng nabanggit
________________11. Bakit natuwa si Simoun sa ginawa ni Kabesang Tales na
pagkuha ng kaniyang baril?
A. Nakilala niya ang pagkalalaki at pagkamaginoo ni Tales
B. Nalaman niyang tagumpay ang lahat ng plano niya
C. Nabatid ni Simoun na pareho lang sila ng katangian ni
Tales
D. Lahat ng nabanggit
________________12. Bakit natuwa pa si Simoun nang dakpin ng mga sibil si
Tandang Selo kapalit ni Tales?
A. Nais niyang mapahamak lahat ang mga kamag-anak ni
Tales
B. Gusto niyang makitang nahihirapan ang lahat ng mga
Pilipino
C. Lalong titindi ang galit ni Tales at lalong mapapadali ang
paghimok niya rito upang maghimagsik
D. Lahat ng nabanggit
________________13. Bakit sa lawa ipinamangka ni Simoun ang kaniyang mga
alahas na dala ng utusan samantalang siya ,dala pa ang higit na mga
mamahaling alahas ay sa pampang nagdaan?
A. Nais niyang magmuni-muni mag-isa
B. Gusto niyang pag-isipan mag-isa ang planong
paghihimagsik
C. Balak niya talagang makipagkita sa mga tulisan
D. Batid niyang pag mag-isa siya ay makakaisip siya ng
istratehiyang magagamit sa paglusob sa mga Kastila
_________________14. Bakit ayon kay Padre Hernandez ay dapat pahintulutan
ang kahilingan ng mga estudyante?
A. Nais lamang niyang mamulitika upang hindi sila
kamuhian ng mga Pilipino
B. Siya ay nagpapanggap lamang na kampi sa mga
kapwa kura
C. Ibig lamang niyang may masabing suhestiyon upang
di masabing wala siyang alam
D. Nais niya lamang magpalapad ng papel sa grupo ni
Isagani
________________15. Bakit ayon sa mga tumututol ay hindi dapat pagbigyan
ang hiling ng mga kabataang nagnanais magpatayo ng Akademya ng Wikang
Kastila?
A. Ito ay kahina-hinala,at isang tahimik na rebelyon sa
mga Kastila
B. Ito ay isang paraan ng mga kabataan na angatan
ang mga Kastila
C. Ito ay nakakahadlang sa pag-unlad ng ugnayang
Kastila at mg a pilipino
D. Lahat ng nabanggit
VII.
Tukuyin kung wasto o mali ang isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat sa
patlang ang FILI kung wasto at kung hindi naman ay palitan ang salitang
nasalungguhitan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
______________1. Si Ibarra kailanmay di nakita ni Basilio kundi nang
dumating ito sa gubat at makatulong niya sa paglilibing sa kaniyang ina.
______________2. Nang dumating si Ibarra, di pa ito nakikita ni Basilio, ay
nangyari na ang pagtatago niya sa mga guwardiya sibil.
____________3. Katapusan ng Oktubre nang dumating si Ibarra sa Pilipinas
mula sa Europa, noon na rin nagsimulang magtago si Basilio sa mga
tumutugis sa kaniya.

____________4.Ika-23 ng Disyembre nang maganap ang habulan sa lawa,


dalawang buwang maysakit si Basilio sa gubat sa pagkakandili nina Tandang
Selo. Bisperas ng Pasko nang maisipan niyang hanapin ang ina at dito ang
una nilang pagkikita ni Ibarra.
____________5. Nang magkita ulit sina Ibarra at Basilio ay sa bahay na ni
Kapitan Tiyago ngunit ang mestisong binata ay nagbabalatkayo nang isang
Simoun at di ito nakilala ni Basilio.
_____________6. Ayon kay Padre Clemente, wala daw siyang kasalanan sa
nangyari kay tales dahil ito ay parusa daw sa kaniya dahil hindi niya tinuruang
magdasal ang anak na si Huli.
_____________7. Sa gitna ng pagtataka ng lahat, nakituloy sa bahay ni
Kabesang Tales ang mag-aalahas na si Simoun dahil ayon sa kaniya, ang
bahay ng kabesa ang pinakamaayos na bahay sa pagitan ng San Diego at
Los Banos.
______________8. Isinalaysay ni Simoun sa mga kasama na ipinaghanda pa
siya ng mga tulisan at walang kinuhang alahas sa kaniya maliban sa isang
rebolber.
______________9. Ang ibig sabihin ng Placido Penitente ay payapang
nagmamahal.
______________10. Hindi nakabaril ng usa ang kapitan Heneral sapagkat
wala siyang dalang baril.
VIII. Sumulat ng limang pangyayari mula sa mga kabanatang napag-aralan
pagkatapos ay isulat ang aral o mensaheng nakuha mula dito.
PANGYAYARI
ARAL/MENSAHE
1.
2.
3.
4.
5.

ANSWER KEY:
I.1-3 A
4.D

5.A
B/C.OWN ANSWERS
II.1.THISBE
2.MAUI
3.VINCENT
4.NUN
5. PYRAMUS/THISBE
(EXPLAIN-OWN ANSWERS)
III.BISA NG PANGKAISIPAN, PANDAMDAMIN, PANGKAASALAN
IV. 3 4 1 5 2
3124
V.IILAGAN
AALAYAN
GINAMPANAN
NILAPAGAN
INAALAY
VI. 1-2 A
3-5 D
6.C
7. A
8. B
9. D
10. B
11. A
12-13 C
14-15 A
VII. 1-5 FILI
6.HERMANA PENCHANG
7.TIYANI
8. 2
9. NAGDURUSA
10. HINDI SIYA MARUNONG MAMARIL
VIII. OWN ANSWERS

You might also like