You are on page 1of 3

Prinsipe Bantugan

Narator: Noong unang panahon sa kaharian ng Bumbaran may dalawang


magkapatid na hindi magkasundo, sila ay sina Prinsipe Bantugan at ang
kapatid niyang hari na si Haring Madali. Walang sinumang mangahas na
makapagdigma sa Bumbaran dahil sa katapangan ni Prinsipe Bantugan.
Narator: Isang araw, sa loob ng palasyo. Si Haring Madali ay nakaupo sa
kanyang upuan at siya ay pinag sisilbihan ng mga alipin, pero mukhang may
masamang iniisip at tinanong siya nito.
Alipin1: Mahal na hari, may problema po ba kayo?
Madali: Hindo ko na talaga matitiis to. Dapat ako lang ang maghahari at
mamayani sa kahariang ito at ako lang dapat ang nasa puso ng mga
kadalagahan.
Alipin2: Mahal na Hari, ikaw ang makapangyarihan kaysa kang Prinsipe
Bantugan, kaya pwede mong gawin kahit na anu.
Madali: Tama ka nga, Siguro dapat na akung mag pa tupad ng bagong
batas.*evil laugh/face*
Narator: Sa gabing iyon si Prinsipe Bantugan ay nasa labas ng palasyo, siya
ay pinag-kagu-guluhan ng mga tao,dahil natalo na naman niya ang mga
kalaban.
Mamamayan: (Napaka tapang mo talaga Mahal na prinsipe)(Wala nang
makakatalo sa iyo)(Ikaw an gaming Bayani)
Mamamayan: Mabuhay ang mahal na prinsipe!
Narator: Pagkatapos niyang dumaan ay pumunta na siya sa Palasyo para
magpahinga, ngunit wala siyang kaalam-alam na may masamang binabalak
ang kanyang kapatid na si Haring Madali.
Bantugan: Aking kapatid, Natalo ko na naman po ang ating mga kalaban.
Kahit isa sa kanila ay walang natira.
Madali: Wag ka munang maging masaya at kampante, Marami pa dahil
marami pa tayong dapat gawin.
Bantugan: Sige po Aking kapatid, Magpapahinga napo ako.

Narator: Sa kanilang paguusap, May napansin si Prinsipe Bantugan na Parang


may tinatago ang kanyang Kapatid, Kaya hindi siya makapagpahinga at
mapakali ng maayos.Narator: Pagkalipas ng Ilang Oras, Ipinatawag ni Haring
Madali ang lahat ng mga Mamamayan ng Bumbaran at Ipinagtipon sa Harap ng
Palasyo. Ngunit sa mga sandaling iyon Pumunta, hindi alam ni Haring Madali na
sumilip si Prinsipe Bantugan sa nangyayari. At sa oras na iyon sinimulan na niya
ang pagtitipon.

Madali: Mga Kababayan ng Bumbaran, nandito tayo ngayon para, sa isang


pag-aanunsiyo. Itinipon ko kayong lahat dahil may Ipapatupad akung bagong
Batas, Na Simula sa Araw na ito ay Ipinag-uutos ko na wala nang makikipagusap kay Bantugan at ang sinumang makikipag-usap sa kanya ay
paparusahan ng Kamatayan.
Mamamayan: (Hindi gusto ang balita,Chika2x,reklamo2x,Saba)
Madali: Tumahimik kayo! Dahil ako ang nasusunod sa kahariang ito!
Narator: Ngunit, Hindi alam ni Haring Madali na andyan pala si Bandugan sa
likuran at nakikinig sa lahat ng kanyang sinabi.
Bantugan: Bakit?!Bakit?! Ano bang ginawa kung mali para masabi niya iyon!
Bakit niya ako niloko,Bakit!?Bakit kailangan niyang idamay ang iba?! Kung
mag papatuloy ito, Maraming mapapahamak dahil lang sa akin! Siguro
Kailangan Ko na munang Mangibang Bayan para sa kaligtasan ng lahat.
Narator: Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na nagdamdam at
dahil sa laki ng kanyang pagdaramdam, siya ay nangibang bayan. Walang
nakaka-alam na siya ay umalis sa palasyo at kung saan siya pupunta.
Narator: Habang nag-lalakbay siya, siya ay nakaramdam ng matinding pagod
sa paglalakbay kung saan-saan hanggat sa siya ay nagkasakit hanggang
siya ay abutin ng kamatayan sa pintuan ng isang palasyo ng kaharian ng
lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.
Narator: Nang siya ay namatay sa pintuan ng isang palasyo, may nakakita sa
kanya na isa ring prinsipe at hari, Sila ay sina Prinsipe Datimbang at ang
kapatid nitong hari,sila ay nagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si
Bantugan at gulat na gulat sila sa nakita.
Datimbang: Aking kapatid, may isang bangkay sa labas.(shock)
Hari: kaninong bangkay iyan? Hindi natin yan kilala.(Taranta)

Datimbang: Siguro, Kailangan na nating tumawag ng konseho para


malaman kung ano ang dapat nating gawin sa kanya.
Hari: Sige tumawag na tayo.
Narator: Tinawag ng magkapatid ang konseho upang isangguni kung ano ang
kanilang dapat gawin, pero habang sila ay nag-uusap, may isang loro ang
dumating sa bulwagan at sinabi sa kanilang siya ay galing sa kaharian ng
bumbaran at ang bangkay na iyan ay ang mabunying prinsipe Bantugan ng
Bumbaran.

You might also like