You are on page 1of 10

JAJA

YAMANG LUPA - pagpapakilala sa paksa / kahulugan


Isa sa pinakamahalagang mga likas na yaman ng bansa ang malawak na
lupa. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng 'di mapapalitang yaman sa bansa, sa
ibabaw at ilalim ng lupain. Batayan ito na kaulanarang pambansa. Ang
yamang ito ay hindi nadaragdagan kaya dapat itong pagyamanin para
mabigyang pakinabang ang ating pamumuhay. Dito nakasalalay ang buhay
ng tao, mga halaman at hayop. Sa kabuuang lawak ng lupain ng Pilipinas na
tinatayang umaabot sa 300,000 kilometro kwadrado, bahagdan nito ang
binubuo ng mga sakahan. ito rin ay binubuo ng kagubatan, kapatagan,
kabundukan, talampas, burol, at lupaing mineral.

YAMANG GUBAT Ito ay tumutukoy sa kapasidad ng gubat pati na ang mga


nakapaloob dito na binubuo ng mga halaman, mga minahan, mga puno at
mga hayop. May iba't ibang uri ng kagubatan sa Pilipinas. Ang karamihan
dito ay matatagpuan sa Mindanao.
Ang rehiyon ng CARAGA ay katatagpuan ng mga "vrigin forests". Ang mga
kagubatan gaya ng mangrove, beach (?), at molave ay mtatagpuan sa
mabababang lugar. Ang dipterocrap (Philippine mahogany), pine, at moss ay
matatagpuan naman sa mga medyo matataas na lugar. Karamihan ng mga
kagubatan sa Pinas ay tropical rainforest.
Sa ngayon, ang yamang lupa at gubat ay unti unti nang nauubos / nawawala
at ito ay isa sa mga isyung kinakaharap ng ating bansa. Ang pagkakakalbo
ng mga gubat ay bunga ng walang pangingiming (pakundangan) pagpuputol
ng mga puno gaya ng pag-aabuso ng tao dahil sa iligal na pagtotroso,
pagpuputol ng puno na bata pa, at pagkakaingin. Ito ay sanhi ng malalaking
suliranin na dapat tugunan ng mga mamamayan at ng pamahalaan.\
Sources:
http://ilovesirsibal.blogspot.com
Ap book
slideshare.net
SUMMARY:
YAMANG LUPA

Isa sa pinakamahalagang yaman ang lupa

Batayan ng pag-unlad ng bansa


Limitado
Pilipinas= 300,000 km squared
Mahalaga sa agrikultura
Halimbawa= kagubatan, kapatagan, kabundukan, talampas, burol, at
lupaing mineral

YAMANG GUBAT

Ito ang kapasidad ng gubat


Kabilang dito ang mga halaman, minahan, hayop at puno
Karamihan ng kagubatan ay matatagpuan sa Mindanao
CARAGA= Virgin Forests
Bakawan at molave= mabababang lugar

BOTH

Unti-unti nang nauubos at nawawala dahil sa kapabayaan ng tao


Deforestation= dahil sa walang habas na pagputol sa mga puno at
pang-aabuso sa kalikasan

KASALUKUYANG KALAGAYAN

Nasisira ang gubat dahil sa deforestation


Ang pagkawala ng kagubatan ay isa sa mga isyung kinahaharap ng
bansa
Mga gawaing nakasisira sa kagubatan
o Iligal na pagtotroso
o Pagkakaingin
o Global warming
Pag-init ng mundo buhat ng climate change at greenhouse
effect

HANS
Mga Halimbawa, Lugar Kung Saan Matatagpuan, at ang Kahalagahan ng
Lupa at Gubat

YAMANG LUPA

Halimbawa at kung saang lugar matatagpuan:


Bulkan: isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay
maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig.
- Bulkan Makiling sa Laguna
-Bulkan Pinatubo sa Zambales

Burol: higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at pabilog ang hugis nito at
tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw
ay nagiging kulay tsokolate.
- Chocolate hills sa Bohol

Talampas: patag na anyong lupa. Ang kaibahan nito sa lambak ay nakalatag


ito sa isang mataas na lugar.
-Talampas ng Bukidnon

Lambak: isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring


mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring
itanim dito.
-Compostela Valley

Bundok: isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at


hamak na mas mataas kaysa sa burol. Ito rin ay isang uri ng anyong lupa na
pinagkukuhanan ng mga likas na yaman tulad ng puno, prutas, hayop, tubig
at mga mineral.
-Mount Pulag sa Luzon
https://tl.wikipedia.org/wiki/Anyong_lupa

Kahalagahan
mahalaga ang anyong lupa sapagkat pinagkukunan ito ng mga likas na
yaman na ating ginagamit sa ating pang-araw-araw na pamumuhay
nagsisilbi rin itong tirahan ng mga hayop.

Nakikita din dito ang ibat ibang produkto na kailangan ng ekonomiya.


Dito nanggagaling ang mga hilaw na materyales sa pagliha ng produkto.

http://brainly.ph/question/19682

AP book

YAMANG GUBAT

Halimbawa at kung saan matatagpuan


Sa Palawan matatagpuan ang pinakamalaking kagubatan sa bansa na may
75.1 baghadan. Angkop na angkop sa paggawa ng mga kabinet at muwebles
ang mga trosong nakukuha rito. Paanoy matitigas at matitibay ang mga ito
tulad ng narra, dao at ipil na kabilang sa pamilyang molave.
Ang Rehiyon ng CARAGA na binubuo ng Agusan Del Sur, Agusan Del Norte,
Surigao Del Sur, at Dinagat Island ay katatagpuan ng mga Virgin forests
Mga gubat na mangrove, beach, at molave ay matatagpuan sa mababang
lugar
Mga gubat na dipterocartp, pine, at moss ay sa medyo mataas na lugar

http://filipinocorner.blogspot.com/2010/11/mayamang-kagubatan-ng-pilipinas.html

AP book

Kahalagahan
Maraming produkto ang nanggagaling sa mga puno ng ating kagubatan tulad
ng goma, papel, troso, tissue paper, tabla, kahoy para gawing muwebles,
mga herbal na gamot, at iba pa
Nagsisilbi itong tirahan ng mababangis na hayop at mga endangered species
tulad ng tarsier, tamaraw, at Philippine eagle
Pinangangalagaan ng mga gubat ang mga watershed na pinanggagalingan
ng malinis na tubig
Nagbibigay ito ng hanapbuhay sa mga tao at kita sa ekonomiya sa
pamamagitan ng pagluluwas ng produkto na galing sa kagubatan

Pinapanatili ang balanseng ekolohikal sa kapaligiran


sinisipsip nito ang mga tubig ulan upang maiwasan ang mga pagbaha at
hinaharangan nito ang mga malalakas na hangin

http://www.answers.com/Q/Ano_ang_kahalagahan_ng_yamang_gubat?#slide=3

AP book

SUMMARY:

Bulkan= bundok na nagbubuga ng lava


o Bulkang Makiling sa Laguna
o Bulkang Pinatubo sa Zambales
Burol= higit na mababa sa bundok
o Chocolate Hills sa Bohol
Talampas= mataas na anyong lupa ngunit patag sa itaas
o Talampas ng Bukidnon
Lambak = kapatagan ngunit napagigitnaan ng bundok
o Compostela Valley
Bundok = matarik na anyong lupa na mas mataas sa burol
o Bundok Pulag sa Luzon

KAHALAGAHAN:
o
o
o
o

Pinagkukunan ng likas na yaman


Tirahan ng mga hayop
Pinagkukunan ng ilang produktong may kinalaman sa ekonomiya
Dito nanggagaling ang mga hilaw na materyales sa paggawa ng mga
produkto

Yamang Gubat:
o Palawan = pinakamalaking bahagdan ng kagubatan (75.1%)
KAHALAGAHAN:
o Produktong nanggagaling sa kagubatan
o Papel, torso, tissue paper, atbp
o Tirahan ng mababangis na hayop at endangered species
o Tamaraw, tarsier, Philippine eagle
o Nagbibigay hanapbuhay sa tao at kita sa ekonomiya
o Pinapanatili ang balanseng ekolohikal sa kapaligiran
o Pinipigilan ang ilang mga sakuna
o Landslides at pagbaha

PHOEBE
MGA PROTECTED AREAS
1. Batanes Islands Protected Landscape and Seascape
2. Babuyanes Islands
3. KalibarioPatapat National Park
4. Apayao Lowland Forest
5. BalbalasangBalbalan National Park
6. Mt. Pulag National Park
7. Buguey Wetlands
8. North Eastern Cagayan Protected Landscape and Seascape
9. Penablanca Protected Landscape and Seascape
10. Northern Sierra Madre Natural Park
11. Malasi Lake
12. North Central Sierra Madre Mountains
13. Quirino Protected Landscape
14. Casecnan Protected Landscape
15. Aurora Memorial National Park
16. Mt. Dingalan
17. Angat Watershed Forest Reserve
18. Mts. IridAngilo and Binuang
19. UP Land Grants (Pakil and Real)
20. Polillo Island
HAKBANG NG PAMAHALAAN AT PRIBADONG SEKTOR UPANG PANGALAGAAN
ITO
PD 705 o Revised Forestry Code
Ang PD 705 ay patungkol sa pagprotekta ng kagubatan at kakahuyan sa
Pilipinas. Nilalaman ng batas na ito ang epektibong pangangasiwa ng mga
lupain at yamang-lupa sa bansa, at kabilang dito ang pagtakda sa uri ng mga

pampublikong lupain upang malaman kung anong uri ng pangangalaga ang


dapag ilaan para dito. Ang isa pang mahalagang probisyon ng batas ay ang
pangangasiwa sa dami at uri ng kakahuyan na maaaring putulin, pati na rin
ang pamamaraan ng pagkamit ng lisensya ng mga kompanyang puputol ng
puno. Ang tinukoy bilang tagapamahala sa pangangasiwang ito ay ang
Bureau of Forest Development. Ang batas na ito ay inaprubahan noong Mayo
1975.

Batas Ukol sa Selective Logging


Isa sa mga batas sa ilalim ng PD 705 ay ang batas ukol sa selective logging,
o ang pagpili lamang sa kung anong puno ang maaaring putulin at kung ano
ang dapat iwanan. Ayon sa batas na ito, ang mga punong maaaring putulin
ay yaong mga punong mayroong dyametrong 60 cm (sa bahagi ng puno na
kasingtaas ng dibdib ng tao). Sa paraang ito, hindi tuluyang makakalbo ang
lupain, na siyang tutulong sa pananatili ng magandang kondisyon ng lupa at
para makaiwas sa pagguho ng lupain. Ang PD 705 ay inaprubahan noong
Mayo 1975.

pinagkunan:
http://alyansatigilmina.net/2012/08/30/pagkasira-ng-kalikasan-at-ng-mgakomunidad-dahil-sa-pagmimina-ganun-na-lang-ba-yun/
http://pcij.org/blog/wp-files/KeyBiodiversityAreas.pdf
SUMMARY:

Ilan sa mga protected areas:


o Batanes Islands Protected Landscape and Seascape
o Apayao Lowland Forest
o BalbalasangBalbalan National Park
o Mt. Pulag National Park
o Northern Sierra Madre Natural Park

PAGPAPAHALAGA:

PD 705 O Revised Forestry Code


o patungkol sa pagprotekta ng kagubatan at kakahuyan sa
Pilipinas

o epektibong pangangasiwa ng mga lupain at yamang-lupa sa


bansa, at kabilang dito ang pagtakda sa uri ng mga
pampublikong lupain
o ang pangangasiwa sa dami at uri ng kakahuyan na maaaring
putulin, pati na rin ang pamamaraan ng pagkamit ng lisensya ng
mga kompanyang puputol ng puno
o inaprubahan noong Mayo 1975
Batas ukol sa Selective Logging
o Isa sa mga batas sa ilalim ng PD 705
o ang mga punong maaaring putulin ay yaong mga punong
mayroong dyametrong 60 cm
o inaprubahan noong Mayo 1975

(OPTIONAL)
Mga bagay na pwede nating magawa upang mapanatili ang yamang lupa at
gubat:
1. Magtipid ng papel
2. Itapon sa wastong lugar ang basura
3. Upang maiwasan ang Global warming:
a. Maglakad kaysa gumamit ng kotse kapag malapit lang ang
pupuntahan
b. Bunutin ang plug ng electrical devices kapag hindi ginagamit.

You might also like