You are on page 1of 1

Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag

1. 1. PAGHIHIMIG (ONOMATOPEIA) Ito ay gumagamit ng kaugnay sa tunog o himig ng


mga salita upang ipahiwatig ang kahulugan Halimbawa: Ang busina ng bus ang
nangibabaw sa kalye. Nagulat ang tumatawid na matanda sa lakas ng potpot ng
dumaraang bus. Ngumingiyaw ang pusa sa ibabaw ng bubong. Ang tahol ng aso ay
nangibabaw sabuong kalye. Sinundan niya ang twit twit na narinig niya. Mula pala ito
sa ibong nakadapo sa kanilang balkonahe.
2. 2. TANDAAN: Paggamit ng mga salitang may angkop na tunog. Ito ang paggamit ng
mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
3. 3. PAG-UULIT (ALLITERATION) Ang pagpapahayag ay gumagamit ng magkakatulad
na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigit na salitang ginagamit sa isang taludtod o
pangungusap. Halimbawa: Ipinanganganib ay baka mabigla, matuloy hiningang
mapatid. Dito nakabangon ang naglulugami at napasa-tuwa ang napipighati.
Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang napakabilis na pagpapasiya sa kanyang
pusong umiibig.
4. 4. TANDAAN: Paggamit ng mga salitang magsintunog ang mga unang pantig.
5. 5. PAGDARAMDAM O EXCLAMATION Ang pagpapahayag ay nagsasaad ng dipangkaraniwang damdamin. Ginagamitan ng tandang pandamdam (!) sa dulo ng
taludtod o pangungusap. Halimbawa: O, araw na lubhang kakila-kilabot! Araw na
sinumpa ng galit ng Diyos! Biba si Floranteng hari sa Albanya, Mabuhay, mabuhay ang
Prinsesa Laura!
6. 6. PAGTAWAG O APOSTROPHE Ang pagpapahayag ay ginagawa sa pakikipagusap sa mga bagay na karaniwan na maaring may buhay o wala na parang naroroon at
kaharap niya ngunit sa katotohanan ay wala naman ito. Halimbawa: Halina, giliw kot
gapos koy kalagin Kung mamatay akoy gunitain mo rin. Tigil, aking musat kusa kang
lumagay sa yapak ni Selya.
7. 7. TANDAAN: Isang madamdaming pakikipag-usap sa isang tauhan na malayo, patay
na o hindi kaharap na para bang nasa harap. Pakikipag-usap sa mga bagay na walang
buhay.

You might also like