You are on page 1of 6

Aralin 4.1.

1 : Istruktura ng pamahalaang
kolonyal (Panahon ng mga Espanyol)
Bilang ng Araw : 1 araw

I.

Layunin:
Nakikilala ang istruktura ng Pamahalaang kolonyal.

II.

Paksang Aralin:
Paksa

Sanggunian

Kagamitan

Istruktura ng pamahalaang kolonyal


CG.p52, AP5KPK IIId-e-4, Makabayan,
Kasaysayang Pilipino Batayang Aklat 5, p6672,Sambayanang Pilipino Batayang Aklat 5,
p55-60, Isang Bansa, Isang lahi, Sanayang
Aklat, p49-55
Video clip, Powerpoint presentation, graphic
organizer, tsart,tarpapel

Pagpapahalaga: Paggalang sa awtoridad ng Namamahala sa


Bansa
III.

Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa pangyayaring nagaganap sa
pamahalaan sa inyong Barangay o sa ating bansa.
2. Balik-aral
Tatawag ng isa hanggang dalawang bata na maglalahad ng
nakaraang aralin.
3. Pagganyak
Ipaayos sa mga mag-aaral ang mga titik upang matukoy
ang ilang pantawag sa mga pinuno ng pamahalaan noong
panahon ng mga Espanyol.
1. ordanrebgo-larneeh

_______________________________

2.
3.
4.
5.
6.
7.

loayr adieiacnu
aldecal yorma
rodgirreco
dorcillonarebog
decalal
cazabe de ngayraba

_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

B. Paglinang na Gawain
1. Gawain 1 Video Clip o Powerpoint presentation

https://www.youtube.com/watch?v=iisaEZ2dVEc
http://www.slideshare.net/Hularjervis/grade-5-pamahalaan-kolonyal-ngmga-espanyol-sa-pilipinas

a. Ipapapanoond ng guro ang video tungkol sa pamahalaan ng


Espanyol sa Pilipinas
b. Magkakaroon ng talakayan gamit ang mga sumusunod na
tanong:
1. Mula sa inyong napanood, paano ninyo ilalarawan ang
pamahalaan ng mga Espanyol sa Pilipinas?
2. Ano ang dalawang antas ng pamahalaang kanilaang
itinatag?
3. Sino-sino ang pinuno ng pamahalaang sentral at
pamahalaang lokal at ano ang kanilang mga tungkulin?
4. Ihambing ang balangkas at pamunuan ng pahalaang
sentral sa pamahalaang lokal.
Gawain 2 Buuin ang Istruktura
Ipapabuo ng guro sa mga mag-aaral ang istruktura ng
Pamahalaan ng Espanyol sa Pilipinas.
Panuto: Lagyan ng mga namumuno ang Pamahalaang Sentral
at Pamahalaang Lokal. Pumili ng sagot mula sa kahon.
Alcalde
Gobernor Heneral
Gobernadorcillo
Alcalde Mayor
Royal Audiencia

Corregidor
Cabeza de Barangay

2. Pagsusuri
1. Anong uri ng pamahalaan ang pinairal ng mga Espanyol sa
Pilipinas? Bakit ito ang kanilang pinairal?
2. Ihambing ang balangkas at pamunuan ng pamahalaang sentral sa
pamahalaang lokal.
3. Anu-ano ang tungkulin ng bawat pinuno ng pamahalaang sentral
at local
4. Sa iyong palagay, bakit ang pagiging gobernadorcillo lamang ang
pinakamataas na katungkulang maaaring gampanan ng isang
Pilipino?
5. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang uri ng pamahalaang
pinairal ng mga Espanyol at ang kasalukuyang pamahalaan sa
Pilipinas?
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa aralin, ipapabasa ng
guro ang sumusunod:
PINUNO/
TANGGAPAN
A.Pamahalaang Sentral
Namumuno sa buong
kolonya
1.Gorbernador Heneral

TUNGKULIN/
KAPANGYARIHAN

Magpatupad ng batas, pinuno ng

hikbo, mangalap ng buwis,


kinatawan ng hari ng Spain sa
ugnayan sa ibang bansa
2. Royal Audiencia

B.Pamahalaang Lokalnamumuno sa ibat-ibang


sangay ng local na
pamahalaan na
kinabibilangan ng mga
sumusunod:
1. Alcalde Mayor pinuno
ng alcaldia o mga lalawigang
mapayapa

2.Corregidor-pinuno ng
corregimiento o mga
lalawigang may kaguluhan
3.Gobernadorcillo-pinuno ng
pueblo o bayan

4.Alcalde-pinuno ng lungsod

5.Cabeza de Barangaypinuno ng barangay

3. Paghahalaw

Pinakamataas na hukuman sa
kolonya, duminig sa mga usaping
criminal at sibil at magsilbibg
tagapayo ng gobernador-heneral

Kinatawan ng gobernador-heneral,
mangolekta ng buwis, magpanatili
ng katahimikan, magpahhintulot sa
kalakalan, mangasiwa sa gawaing
panrelihiyon

Pinuno ng lalawigan, magpasya sa


ibat-ibang usapin sa nasasakupan,
tagahukom ng tribute, at pinuno ng
hukbo sa lalawigan

Pamunuan ang bayan at magpasya


sa iba't-ibang usapin dito (kasama
ang ilang katulong tulad ng mga
teniente de justicia, alguacil,
teniente segundos, at directorcillo

Pamunuan ang lungsod sa tulong


ng ayuntamiento (konseho) na
binubuo ng 12 regidores o konsehal

Tatlong taon ng panunungkulan at


may tungkuling lumikom ng buwis
para sa gobernadorcillo,
magpanatili ng katahimikan sa
nasasakupan, at mangalap ng mga
polista

Gagabayan ng guro ang mag-aaral sa pagbuo ng konseptong


natutunan.
Hinati ng mga Espanyol ang pamahalaan sa dalawang
antas ang Pamahalaang Sentral at Pamahalaang Lokal.
Ang Pamahalaang Sentral ay ang namamahala sa buong
kolonya. Ang Gobernador heneral ang pinuno ng buong
kolonya samantalang ang Royal Audiencia ang
pinakamataas na hukuman.
Ang Pamahalaang Lokal naman ay namumuno sa ibat
ibang sangay ng lokal ng pamahalaan na kinabibilangan ng
mga sumusunod:

Alcalde Mayor pinuno ng alcaldia o mga Lalawigang


mapayapa
Corriegidor pinuno ng corregimiento o mga
Lalawigang may kaguluhan
Gobernadorcillo pinuno ng Pueblo o Bayan
Alcalde Pinuno ng Lungsod
Cabeza de Barangay pinuno ng Barangay

2. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat.
Pangkat 1:Bumuo
Bumuo ng sariling balangkas ng istrukturan ng Pamahalaang Kolonyal
ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Pangkat 2: Magrap
Gumawa ng maikling rap tungkol sa istrukturan ng Pamahalaang
Kolonyal ng mga Espanyol sa Pililipnas.
Pangkat 3: Pumili
Pumili ng tatlong pinuno ng Pamahalaang Kolonyal ng mga Espanyol
sa Pilipinas at ibigay ang tungkuling ginagampanan nito. Isulat ang
sagot sa graphic organizer.
3. Pagtataya
Pagtapat-tapatin. Isulat sa sagutang papel ang titik ng salita sa hanay
B na tumutukoy sa mga paglalarawan sa hanay A.

A
1. Tawag sa mga lalawigan noon
2. Konseho ng lungsod
3. May
pinakamataas
na
tungkulin sa kolonyal
4. Binubuo ng mga pueblo
5. Pamahalaang itinatag ng mga
Espanyol
6. Hukumang tagasiyasat sa
gobernador-heneral
7. Namamahala sa lalawigan
8. Isang
tungkulin
ng
gobernador heneral
9. Namumuno
sa
mga
lalawigang
hindi
pa
napapayapa
10.
Pinunong pambayan
IV.

B
a.
b.
c.
d.
e.
f.
g.
h.
i.
j.
k.
l.

ayuntamiento
sentra at lokal
lalawigan
encomienda
pinunong
hukbong
sandatahan
primo de Rivera
goberdanor heneral
alcalde mayor
goberbadorcillo
alcaldia o corregimiento
corregidor
Royal Audiencia

Takdand Aralin
Gawin ang mga sumusunod:
1. Magsaliksik tungkol sa mga pinuno ng pamahalaang
pambansa at local sa kasalukuyan. Alamin ang mga
pangunahing tungkulin ng bawat isa.
2. Batay sa nasaliksik, paghambingin ang pamahalaan noon at

ngayon. Isulat sa kuwaderno ang sagot.


Inihanda ni:
MAY A. ORIONDO
Guro I - Tablon Elem. Sch./ Tanay II District

You might also like