You are on page 1of 34

Case Study Interview of "Jenneth"

by Ruthy Libatique
July 18, 2014

Jenneth: Yung una po, yung limang taon ko po, iba po yun.
Ruthy: Okay naman?
Jenneth: Opo, okay po yun. Tapos 'di bumalik po ako. Another 5 years uli ang kinuha
kong passport. Tapos ayon, napunta na ako dito sa...
Ruthy: ...South African? <pause> Puti?
Jenneth: Itim po.
Ruthy: Itim. <pause> Yung una mong amo?
Jenneth: Yung una kong amo, kapatid ko po.
Ruthy: Pano ka nakita ng ACHIEVE?
Jenneth: Yung ano po, yung naging amo ko po na South African. Bali through friend
lang din po yun na ano... Isa din po syang ambassador personal alalay.
Ruthy: Oo. Ay yung South African na to, ambassador?
Jenneth: Opo. Bali inano, ni-refer lang din po ako. Yon. Parang by ano na lang po
ng kaibigan.
Ruthy: Oo, parang direct hire?
Jenneth: Opo, direct hire po. Kasi mga ganyan kasi, hindi sila kumukuha ng ano.
Kailangan personal recommended.
Ruthy: Oo. Anong work mo?
Jenneth: Wala po, sa bahay.
Ruthy: DH ano?
Jenneth: DH.
Ruthy: DH.
Jenneth: All around po. Lahat-lahat po. Kasama na po personal alalay, lahat-lahat
po.
Ruthy: Ilan kayo doon sa bahay na DH?
Jenneth: Ako lang po mag-isa.
Ruthy: Ikaw lang mag-isa? Ilan sila?
1

Jenneth: Tatlong anak, isang asawa. Plus ako, siya. Bali tatlo, apat, lima-Ruthy: Mga bata pa yung mga anak?
Jenneth: Opo. Puro high school. 4th year high school, 3rd year, saka elementary.

--Ruthy: Ambassador sya talaga, o ano lang?


Jenneth: Ano sya... bali sya ang umupong Ambassador nung nag-eleksyon ng
ambassador. Habang wala pa yung ambassador na dumating-Ruthy: Ah, parang OIC sya ng ano?
Jenneth: ...sya yung prime minister, nagiging foreign minister na sya. Sya yung
nagtayo na ambassador nung wala pang nare-elect. Kasi bagong ambassador yung
kailangan ipoposting nila sa ibang bansa eh.
Ruthy: Oo.
Jenneth: Ngayon, bali sya ang umupong ambassador. Tapos nung may dumating na
ambassador, naging foreign ano na lang sya... foreign minister na lang sya.
Ruthy: Meaning umuwi na sya sa ano, South Africa? Dahil foreign minister na sya?
Jenneth: Ano na po sya. Bali good... good work-- ano yun? Ano yun, yung work nya
na for good na ibig sabihin, contractual lang din yun every 4-- ah 3-4 years.
Ruthy: Ang kanyang..?
Jenneth: Contract sa mga bansa.
Ruthy: So teka, hindi sya foreign minister but he works for the foreigh ministry? Kasi
ang foreign minister, parang cabinet secretary yan. Cabinet secretary sya? Talaga?
Jenneth: Umupo syang ambassador nga noong wala pang ambassador. Pero foreign
minister talaga sya. Tinatawag sa kanya 'minister.' Sa opisina. 'Minister.'
Ruthy: Ilang taon na sya sa palagay mo?
Jenneth: 55. <pause> Eh ano nya kasi, hinahawakan nya yung passport ko eh. Kasi
mga ganyan kasi naninigurado sila. Hawak nila yung passport namin.
Ruthy: Ambassador ng South Africa sa Thailand?
Jenneth: Ambassador sya ng Nigerian na embassy. Nigerian South Africa, Nigerian
Embassy.
Ruthy: Ahh. Ano sya, Nigerian sya o South African sya?
Jenneth: Nigerian ang ano nila eh. Nigerian diba South Africa yan?
Ruthy: Hindi. Ibang bansa yung South Africa.
2

Jenneth: Ah Nigerian.
Ruthy: Ah okay. Salbahe talaga mga Nigerian noh?
Jenneth: Gago, mga ano, mga walang hiya.
Ruthy: So Nigeria pala? Hindi South Africa.
Jenneth: Oo.

--Ruthy: Pero Janita, bago ka-- Kasi yung ating ginagawang case study tungkol sa mga
tao, mga positives na nakaranas ng gender-based violence. Pag sinabing genderbased violence, yun yung mga karanasang naranasan dahil sa pagiging babae,
pagiging bakla, o pagiging kung ano man yung kahinaan. Sa pagiging babae,
pagiging bakla. Ganon. So, nung ano, nung bata ka, may naranasan ka bang
violence? Wala?
Jenneth: Wala naman, wala talaga. Saka yang sakit na ganyan, hindi ko talaga...
wala akong... hindi talaga pumasok sa isip ko. Wala talaga akong idea sa mga
ganyan. Narinig ko lang po yung pangalan ng... Mary Jane ba yun? Nung araw? Sa
mga news?
Ruthy: Sarah Jane.
Jenneth: Oo Sarah Jane noh? Na ganon ganon. Pero wala po akong idea kung ano ba
yung sakit na yun. Ganyan. Kasi isa po akong ordinaryong nanay, yung busy sa
anak nagpalaki. Nanganak. Nagtatrabaho para makapag-aral yung anak. Parang
wala ba sa akin yung mga ganyan ganyan na nagkaron ng mga idea ng...

--Ruthy: Ilan pala ang anak mo?


Jenneth: Apat.
Ruthy: Apat. Mga ilang taon na sila?
Jenneth: 23. 22. 17 saka 13.
Ruthy: Mayroon ka pang ano, teenager ngayon. Dalawa. Ano tong panganay mo?
Jenneth: Estudyante po lahat sila.
Ruthy: Estudyante lahat. Ilan yung babae?
Jenneth: Isa lang po, yung pangatlo ko. Yung 17.
Ruthy: Nag-aaral lahat?
Jenneth: Opo.
3

Ruthy: Ilan ang college?


Jenneth: Tatlo po.
Ruthy: Naku po, Diyos ko.
Jenneth: Pero yung pangalawa po ngayon natigil dahil siya po nag-alaga sakin eh.
Diba kalalabas ko lang last August? Siya yung nag-aalalay sa bahay ngayon. Yung
pangalawa kong lalaki. Yung 2nd year college. Natigil sya ngayon eh.
Ruthy: Siya ang nag-aalaga?
Jenneth: Siya pa din nag-aalaga.
Ruthy: Etong 13 years old, 1st year?
Jenneth: 1st year high school.

--Ruthy: Noong magtrabaho ka... nung pumunta ka ng Thailand, ang pinuntahan mo,
kapatid mo?
Jenneth: Opo. Yung 5 years na yon. Tapos na-expired na passport ko. Nagkuha ako
uli ng another 5 years na ano, passport.
Ruthy: Passport o visa? Visa?
Jenneth: Visa?
Ruthy: Visa. Working visa?
Jenneth: Opo. Sila po ang naggastos lahat ng mga gastos ko sa paglakad ng ano.
Ruthy: Yung kapatid mo, may work sa ano, nagtatrabaho sa Thailand?
Jenneth: May negosyo po sila.
Ruthy: Ano tong kapatid mo, babae lalake?
Jenneth: Babae po.
Ruthy: May sariling family doon?
Jenneth: Opo.
Ruthy: Ano toh, younger sister?
Jenneth: Younger po.
Ruthy: Bali ano, kinuha ka nya pero may sweldo ka sa kanya?
Jenneth: Opo. Kinuha niya ako kasi nung nanganak siya eh. Ako yung nag-alaga ng
tatlong anak niya eh.
Ruthy: Oo, parang yaya?
4

Jenneth: Eh nung lumaki na, eh another 5 years kumuha na ako. Kaya niya na kasi
eh. Kaya naghanap na ako ng ibang trabaho. Tapos by... yung mga kaibigan sa
embassy, yon. Doon ko nakilala yung friend ko na siya din yung PA nung isang
ambassador.
Ruthy: Oo, yung mga ambassador. Nirefer ka?
Jenneth: Oo, nirefer din ako pero ibang ambassador din.
Ruthy: Kumusta naman yung ano, yung pamamasukan mo doon sa ano, doon kay
Nigerian Ambassador?
Jenneth: Yung babae, masama ang ugali. Ang babae po kasi, tatlo ang anak ng
babae. Isa lang doon yung sa amo kong lalaki. Bali yung tatlo niyang anak, tatlo din
yung anak. Iba-iba yung parent.
Ruthy: Tatlo anak niya?
Jenneth: Opo. Isa lang yung kay Ambo. Yung panganay lang yung kay Ambo.
Ruthy: Panganay yung kay Ambo?
Jenneth: Opo.
Ruthy: Tapos yung dalawa by other men?
Jenneth: By other men po.
Ruthy: Pero ano yun, kung panganay yung kay Ambo, nag-ano sya?
Jenneth: Sumunod lang po siya. Kasi ganito ang istorya nila. Hiwalay sila ni Ambo
nung nasa Nigeria sila.
Ruthy: Oo.
Jenneth: Ngayon, para lang sa yung personal ni Ambo na may masabing may asawa
siya. Pero si Ambo, maraming asawa. Mga Muslim. May mga asawa siyang maliliit
pa ang anak pero yun ang dinala niya rito.
Ruthy: Sa Thailand?
Jenneth: Oo, yung isa.
Ruthy: Oo. Siguro ito yung first wife? Kaya yan ang dinala?
Jenneth: Oo, yan yung first wife. Siya yung dinala. Tapos tatlo, yun nga, iba-iba yung
ano.
Ruthy: So nagkahiwalay sila, yung panganay sa...
Jenneth: Kay Ambo. Tapos iba-iba na po.
Ruthy: So nung nagkahiwalay sila, may lalaki itong si babae. Pero dala-dala niya
yung tatlong anak niya sa Thailand?
Jenneth: Opo.
5

--Ruthy: Tapos ang masama ugali itong..?


Jenneth: Yung babae. Masyado.
Ruthy: So nakaranas ka sa kanya ng ano, ng violence?
Jenneth: Wala naman. Kaya lang ano lang po eh, yung tintiingnan niya yung trabaho
mo. Talagang pahihirapan ka niya. Yun bang halos hindi ka niya pa-uupuin. Halos
wala kang time na magkain. Yung gusto niya samantalahin lahat ng oras na
binabayad sayo. Hindi ka pwedeng umupo. Pag kumain ka kailangan mabilis. Hindi
ka pwedeng umupo nang namamalantsya. Oras na ng tanghali, kakain ka, mayamaya uutusan ka.
Ruthy: Eh di kung ano, sumahin mo yung oras na pinagtrabaho mo sa kanya arawaraw, ilang oras?
Jenneth: Sobra-sobra.
Ruthy: Like 8? 10 hours? 12 hours?
Jenneth: Dose siguro.
Ruthy: 12 hours.
Jenneth: Talagang walang pahinga.
Ruthy: Anong oras ka natutulog?
Jenneth: Natutulog siguro mga alas-otso.
Ruthy: Ah tulog ka na ng alas-otso?
Jenneth: Mga alas-otso pero pagka ano kasi, ginigising-gising pa ako pagka yung
kailangan eh. Pag halimbawa gusto niyang kumain ng ano, papa-prepare siya ng
salad. Yung mga ano-ano. Mahilig siyang mang-istorbo, yung babae. Kasi mataba
eh.
Ruthy: Anong oras ka bumabangon?
Jenneth: Sa umaga?
Ruthy: Oo sa umaga, para magsimula sa trabaho?
Jenneth: Ala-sais kailangan ano ka na, nakaprepare na lahat ng damit kasi
pumapasok si Ambo eh.
Ruthy: Ah, so ibig sabihin, earlier than 6? Kasi naka-prepare ka na eh.
Jenneth: Oo, naka-prepare ka na. Kailangan nandiyan na lahat.
Ruthy: So ano, 4am? Gising ka na?
Jenneth: Oo, mga 5. Oo. 4am ganon. Mga 4.
6

Ruthy: Tapos umpisa ka na ng trabaho mo. Tapos, mga 8, natutulog ka na pero


pagising-gising ka?
Jenneth: Oo, pagising-gising ng alas-diyes.
Ruthy: Dahil sa mga..?
Jenneth: Ano, nagpe-prepare ng meryenda niya sa gabi. Minsan magprepare ako ng
salad, tapos yung ano, mga karne, i-prito ko yan. Mga sandwich.
Ruthy: Day off mo?
Jenneth: Day off ko po?
Ruthy: Ang day off mo?
Jenneth: Linggo lang. Madali lang.
Ruthy: Sunday? Isang araw? Hindi?
Jenneth: Babalik din. Sisimba lang, babalik din sa bahay.
Ruthy: Trabaho ka pa rin?
Jenneth: Oo.
Ruthy: E di wala?
Jenneth: Pe-prepare ng mga pang-ano nila, bihis. Pangsimba.
Ruthy: Oo.
Jenneth: Minsan sinasama din nila ako magsimba sa kanila.
Ruthy: So wala kang day off in effect?
Jenneth: Oo, konti lang.
Ruthy: Halos ano, 7 days a week? Magkano naman sweldo mo?
Jenneth: Dose po.
Ruthy: 40?
Jenneth: Dose.
Ruthy: Pesos?
Jenneth: Hindi. 12,000, i-convert mo satin. Pumapatak ng 17.
Ruthy: 12,000 baht?
Jenneth: Opo. Kaya pumapatak 17 kasi ano tayo eh, mas mataas ang pera natin.
Ruthy: Hindi ka na-increase-an mula noon? 4 years kang nagtrabaho sa kanila?
Jenneth: Hindi po ako nag-ano. Dire-diretso po ako.

Ruthy: Wala, wala? Walang increase? <pause> Hindi ka naman sinasaktan ng


babae?
Jenneth: Hindi, ano lang. Yung mag-utos lang ba siya nang pabigla-bigla. Yung
maraming inuutos na hindi ka pa nakaupo, isa nanamang utos.
Ruthy: Oo, sunud-sunod.
Jenneth: Tapos pagka nag-ano ako, nasa harap ako ni boss, sasabihing ganyan. "Ano
ba yan, bilisan mo diyan sa harapan!" Tapos dati, hindi ako nakakapasok sa kwarto
ni boss. Lagi sila nag-aaway. Ngayon, nung ewan ko ba bakit, pinayagan na ako na
papasukin ni boss sa kwarto na ako na mag-asikaso.
Ruthy: Si Ambo ang nagpapasok sayo?
Jenneth: Oo. Na ako na mag-asikaso lahat-lahat ng mga gamit niya. Pati yung
organize ng mga gamit niya, organize ng mga papeles niya. Pagchecheck ng bag
niya, papasok sa opisina. Medicine niya.
Ruthy: Oo. Nung una kang pumasok kay Ambo, nandoon na yung asawa niya?
Jenneth: Opo. Huling ano po, huling taon.
Ruthy: Huling taon ka...?
Jenneth: August. Pinaalis, pinauwi na sila kasi mageenroll ang mga bata sa
September.
Ruthy: Ah sa Nigeria nag-aaral ang mga bata?
Jenneth: Bali siya daw. Malaysia daw, pero hindi yata sila natuloy. Ewan ko, baka
bumalik sila sa Nigeria. Hindi ko na inalam, basta naiwan kami ni Ambo dalawa eh.

--Ruthy: So teka, ilang taon ka nang nagseserbisyo sa kanila na nandoon pa yung


asawa?
Jenneth: Bali ano po, dalawang taon din po na ano... Dalawang taon din po.
Ruthy: Dalawang taon. So ibig sabihin noon, ano, 2009... 10... Hanggang 2011?
Nandon pa yung babae?
Jenneth: Opo.
Ruthy: Tapos August, umalis sila.
Jenneth: Opo. Family, pati mga bata. Kami lang ni Ambo ang naiwan.
Ruthy: 2009... Natatandaan mo kung anong buwan ka pumasok sa kanila ng 2009?
Jenneth: October po.
Ruthy: October 2009 to August 2000...
8

Jenneth: Hindi po. Bali December na ng 2012 natapos.


Ruthy: Hindi, yung...
Jenneth: Start ko? August-- ah October.
Ruthy: Tapos October 2009 hanggang August 2011, yun yung umalis yung babae?
Jenneth: Misis, oo.
Ruthy: Tama ba?
Jenneth: Oo.
Ruthy: So kung 2 years... so noong October 2009 hanggang August 2011, ah buo
yung pamilya na pinagsisilbihan mo? Nandoon?
Jenneth: Opo, nandoon yung mga bata.
Ruthy: Tapos from... ah, ano yung natatandaan mo. Agosto ng katapusan? O ano?
Kailan sila umalis ng August? Late August? Early August?
Jenneth: Hindi po. Early August. Early August. Mga first week yata, August.
Ruthy: Oo, first week of August. So 2nd week of August 2011 hanggang... kailan ka
tumigil sa kanila? Anong buwan ka tumigil sa kanila? Ng 2013? Nandoon ka pa?
Jenneth: Noong December.
Ruthy: December 2013.
Jenneth: Noong umalis noong August, September, October, November, December,
kami ni amo, ni Ambo ang naiwan.
Ruthy: 2011 yan? So 3 months kayong... ah August, September, October,
November, December; more than 4 months? 2011?
Jenneth: December, January.
Ruthy: January. Bakit, pagkatapos nun, may kasama nanaman kayo?
Jenneth: Wala po. Pagkatapos nun, di nung umalis na yung mag-iina. Kasi
penthouse yung inupahan namin eh. Sabi niya lilipat tayo ng bahay. Lumipat lang
kami ngayon sa subdivision ng mga ambassador. Lahat ng... subdivision ng... puro
ano, mga ano.
Ruthy: Oo. So ano ngayon yung nilipatan niyo? Bahay talaga?
Jenneth: Bahay lang siya, yung single house siya.
Ruthy: Single house, kayong dalawa na lang?
Jenneth: Oo, tapos may security guard. Tapos may sariling sasakyan. Limousine.
Ruthy: Tapos? Pero sinasabi mo Jenneth noong nandun pa yung asawa, pinayagan
ka na niyang ikaw ang mag-asikaso sa mga gamit niya? Nandoon pa yung asawa?
Mga kailan yon?
9

Jenneth: Noong umalis na yung asawa. Ay mga ano siguro, mga isang buwan bago
sila umalis, ako na yung uma-ano sa mga kwarto ni boss. Mga gamit. Lahat-lahat.
Paglaba ng mga personal belongings niya, pag-aasikaso ng mga gamit niya sa bag.
Ruthy: Personal na gamit noh?
Jenneth: Oo, pati yung kailangan sa bahay. Pamamalengke. Iniiwanan niya ako ng
pera. Kung ano gusto niyang lulutuin, binibilin lang niya sa sulat niya. Lalagay niya
sa lamesa.

--Ruthy: So from... umpisa ng late August 2011, basta pagka-alis ng pamilya niya,
kayong dalawa na lang ni Ambo hanggang noong 2013? December 2013? Kailan
ano... Eto na, eto na, sensitive ano na ito.
Jenneth: 14 ba yon? Ay oo mag-13 na kasi last na yun ng buwan... taon ko eh.
October ang last expiry ng ???? ko.
Ruthy: So naka-apat na taon ka din sa kanila? Pero dapat ang kontrata mo is for 5
years?
Jenneth: Hindi. Expired na yung passport ko, 2013 October.
Ruthy: Working visa. So anong ginawa mo noong ano na?
Jenneth: Nag-aasikaso ng mga kwarto niya. Pagpapalit ng bed cover niya. Mga
gamit niya, yung mga brief niya. Organized lahat ng mga tuxedo niya. Lahat-lahat.
Yung mga pagkain niya, pagte-take niya ng medicine.
Ruthy: Na dating ginagawa ng misis niya?
Jenneth: Hindi po. Hindi po niya ginagawa ng misis niya.
Ruthy: Eh sino? Ikaw pa rin?
Jenneth: Ako pa rin.
Ruthy: Kahit na noong nandoon?
Jenneth: Kaya siguro pinauwi niya yung misis niya dahil hindi siya inaasikaso.
Ruthy: Oo.
Jenneth: Kaya sabi niya sakin, checheckin ko daw yung mga gamot niya. Mga
ganon. Eh di ako naman, tintingnan ko naman. Minsan nakakalimutan, pinapauwi
niya yung driver para pickup-in yung gamot.
Ruthy: Noong pinagsisilbihan mo siya, wala kang nararamdaman na ibang ano sa
kanya? Wala?
Jenneth: Wala. Ano lang siya, malambing lang siya. Pag sinasabi niya na aayusin ko
yung... kung ano pa yung pag-ano ng damit niya.
10

Ruthy: Oo.
Jenneth: Eh ako naman, kung minsan yung tuxedo niya, o boss, malaki ka na,
mataba ka na. Kailangan mo nang magpa-ano. Ano naman yan, magtimbang tapos
mag...
Ruthy: Oo, jogging jogging.
Jenneth: Mayroon kasi kaming exercise sa bahay eh, na machine. Lagi kong
minomonitor yung mga ano niya. <pause> Wala naman, basta ano lang. Napansin
ko lang sa kanya, nagtaka ako sabi ko bakit kaya ito laging umuuwi nang maaga sa
bahay?
Ruthy: Kailan nag-umpisa yan? Anong year?
Jenneth: Nung naglipat na kami.
Ruthy: Ah nung pagkalipat niyo na. Eh di ano lang, kaaalis lang noong pamilya?
Jenneth: Mga October. September, October... October, November, December.
Ruthy: Oo. <pause> 2011... <pause> Parang nabago yung routine niya? Dati gabi
umuuwi, ngayon maaga na umuuwi?
Jenneth: Oo. Minsan parang wala sa sarili niya na ano. Yung sinasabi niya na... may
sakit. ???? Minsan kuwan siya, ipeprepare ko daw ang salad pagdating niya. Minsan
natutulog siya sa sahig. Naglalapag siya ng sofa-- yung foam na maliit? Sa sala.
Natutulog siya doon sa sahig. Sabi ko ano ba naman to, natutulog sa sahig. Ano
kayang tinitingnan niya? Baka yung dumi ng sahig namin, kung malinis.
Ruthy: Kung nagagawa mo yung trabaho mo?
Jenneth: Oo. Bakit kako sa sahig siya natutulog? Kasi ang bahay po kasi namin, ano,
salamin yan noh. Salamin ang division ng sala at saka kusina eh. Makikita mo yung
dining tapos yung sala namin. Magkatapat lang yun, sa kusina. Eh di pag sa kusina
ako, nakikita ko si boss, nanonood ng TV. Naglalatag siya ng manipis na ano...
Ruthy: Foam.
Jenneth: Foam?
Ruthy: Parang yung exercise mat?
Jenneth: Oo. Tapos dun siya nahiga sa sahig. Sabi ko ano kaya tinitignan nito. TV o
yung mga gilid ng ano, ng sahig. Baka sabihin nito hindi ako naglilinis eh. Hindi ko
pala alam nun, parang ano na siya, yung parang wala siya sa sarili niya.
Ruthy: Ano may sakit siya?
Jenneth: May sakit po talaga. Yun ang sinabi sakin ng friend ko. May sakit siya. Pero
hindi ko inalam kung anong sakit. Basta alam ko po, ang dami niyang gamot. Kasi
nung nandoon po ako, sinugod yan sa ospital. Tapos na-confine siya ng tatlong ano
sa ospital, araw noong nandoon pa yung asawa niya, bago umuwi. Mga buwan na
bago umuwi yung asawa niya, na-confine yan sa ospital. Sabi ko doon, madam, sabi
11

ko, ano ba yung sakit ni boss? Bakit na-ano sya, na-confine? Sabi daw, inoperahan
daw dito sa ibabaw ng ano. Sabi ko ay, siguro nga yung cyst. Yung cyst, ba. Sabi
niya, pero hindi siya ano... gumaganun-ganon lang siya. Tapos napapansin ko,
binibihisan niya, nakataas yung kamay. Ginaganun niya, tapos yung babae ang
nagpapapalit lahat ng gamit niya. Eh hindi ko naman pala alam na yun pala ang
sakit. May sakit pala sila, yung ganyan.
Ruthy: Yung dalawang mag-asawa?
Jenneth: Siguro, kasi parehas ang gamot nilang dalawa eh.
Ruthy: Ah okay.
Jenneth: Parehas ang sakit nilang dalawa eh. Umiinom ng gamot, ang dami.
Ruthy: Siguro kaya siya umuuwi nang maaga dahil ano...
Jenneth: Parang ano, nababaliw siya. Parang... Kasi, yung unang... yung bago umalis
silang, yung anak niya, narinig kong usapan ng anak nila na lalaki. Yung panganay.
Sabi niya, o ano, wala na bang second cho--- ah wala ka na bang ibang paraan?
Talagang uuwi na talaga kayo? Siguro pinapapili yung anak niyang lalaki kung
maiwan siya o sasama sa nanay.
Ruthy: Yung panganay ito? Yung anak niya talaga?
Jenneth: Yung panganay, oo. Tapos yun lang, parang narinig ko, parang sabi ko
siguro hindi sila nagkakaintindihan ng asawa niya. Parang na-analyze ko lang ba,
yung paguusap nilang mag-ama. Sabi ko siguro ano, yung... maghihiwalay na siguro
sila ulit. Kasi dati naghiwalay na yan sila eh, sinama lang sila sa Bangkok para lang
kunwari na may asawa siya.
Ruthy: Oo. Siyempre may mga affair affair sa mga embassy, noh?
Jenneth: Oo. Minsan nga iniimbita ako pag may affair. Sabi ko hindi ako pwede kasi
Pilipina lang ako. Katulong lang ako. Hindi ako pwede diyan.
Ruthy: Sino nag-iimbita?
Jenneth: Sila boss.
Ruthy: So mabait naman?
Jenneth: Mabait siya. Mabait siya. Pero nung umalis yung asawa niya, parang baliw
na hindi ko maintindihan. Parang ano ang siya, yung tuliro. Yung parang laging
masakit ang ulo niya. Nakikita ko sa... nahihiga sa sala na nakalapag sa sahig.
Parang wala sa sarili niya.
Ruthy: So yung ano mo, kailan mo nalaman ang status mo?
Jenneth: Eh di ano na yun, diba parang ano, parang yung stage na yun, nung
nagkaroon kami ng ano, ano na siguro, natyempuhan niya lang. Natiyempuhan niya
talaga na menopausal period ko na yung buwan na yun.
Ruthy: Anong buwan toh? Kailan nangyari toh?
12

Jenneth: Ano eh, mga January?


Ruthy: Anong taon?
Jenneth: Ganun nga, mga taon na yun na paalis na ako. 13... 12, 13.
Ruthy: Yung nangyari sa inyo?
Jenneth: Lumipat pa kami ng bahay na yun. Mga buwan lang yun.
Ruthy: Oo. Ano pinasok ka sa ano?
Jenneth: Hindi, kasi kami lang dalawa sa kwarto nga.
Ruthy: Oo, ah doon ka rin natutulog sa kwarto niya?
Jenneth: Hindi, kasi yung kwarto niya, ako lahat nagaasikaso. Pagdating niyang
ganyan, ako lahat din ang naghuhubad ng mga tuxedo niya, lahat-lahat. Pati damit.
Ruthy: Para kang valet?

--Jenneth: Lahat-lahat. Tapos lahat ng pwede niyang anuhin, kailangan may tubig na
siya sa tabi ng ano niya. Hindi ko alam, nagpe-prepare ako ng mga... mga gamit
niya, mga brief niya, mga ano niya. Nagulat ako, yumakap siya sa akin. Akala ko
nahilo kasi may sakit nga. Akala ko nahilo siya. Niyapos niya ako ng ganito. Sabi ko
boss, bakit po? Eh di syempre sa liit ko ng ganun, eh di syempre yung ano namin,
yung cabinet ng damit niya saka yung kama, magka-ano. Malapit lang.
Ruthy: Sa ano to, sa single house na to?
Jenneth: Oo, sa single house na namin. Kami lang dalawa magkakasama. May
security guard kami pero walang ibang nakakapasok, kami lang dalawa. Sabi niya
boss, ay sabi ko boss, why? Sabi ko. Sabi niya.. sabi ko.. hindi ko maintindihan
yung mga sinasabi niya. Parang may sinasabi siya na ano, kukunin ko daw yung
ano... pero hindi ko maaalala kung ano yung pinapakuha niya sa akin. Kasi parang
naano na ba ako, sa pwersa niya ng ginawa sa akin. Ginanun niya ako sa sofa.
Pagkaganun ako sa sofa, tinukuran niya ako ng ganito niya. Eh di syempre, 7 footer
siya. Hanggang dito niya lang ako. Dito sya o, dito lang ang tapat ng ulo ko sa
kanya eh. Eh ginanun niya ako. Kasi nga umaano ako, bumabalikwas ako nang
ganyan. Nakatukod pa yung tuhod ko. Eh ginanun niya ako, tinukuran niya ako.
Ruthy: Oo, ng siko niya.
Jenneth: Siniko niya. Tapos yung paa ko, talagang kalaki ng hita niya. Grabe, pero
siguro nung time na yun, pa-menstruation na siguro talaga din ako dahil hindi
makapasok. Nanigas ako. Sobrang tigas ang puson ko, mamamatay ako sa sakit.
Punung-puno ng hangin.
Ruthy: Syempre, hindi ka prepared.

13

Jenneth: Hindi ako prepared, nagulat ako. Parang nung time siguro na yun,
kabuwanan ko rin din na duduguin ako. Kasi nagmemenstruation pa ako nun eh.
Nung time na dinugo na ako nun, sabi niya "ay!" Sabi nya "what is this Jani? This is
true blood!" Sabi niya hindi ito biro. Sabi niya better go hospital, sabi niya. Eh di
tawag na ng ano.
Ruthy: Nagbleed ka nang husto?
Jenneth: Nagbleed ako. Kasi nakita niya yung kama namin, kasi puti yung bed cover
namin, nakakita siya ng dugo. May lumabas na dugo. Pati dun sa pwesto ko, may
dugo na lumabas. Tuloy-tuloy na yung dugo. Eh di sinugod na ako sa ospital.
Ininterview na ako doon. Kinuhanan ako ng... pregnancy test, kung buntis daw ba
ako.
Ruthy: Dahil sa serious bleeding?
Jenneth: Oo, bleeding nga eh. Eh di ang daming dugo.
Ruthy: Madaming madami?
Jenneth: Daming dugo. Nung ano lang, nung binunot niya yung ari niya, eh di
sumunod na dugo. Yun wala na yun. Parang ano, pero pagtayo ko nang ganyan, ang
dami. Dugo talaga, yung menstruation. Tulo talaga. Sabi ko baka ito yung last na
menstruation ko, yung menopausal.
Ruthy: Natakot ka noon?
Jenneth: Oo. Sabi niya ano daw nangyari sa akin, bakit daw yung ano ko, sobra na
daw ang puti. Nanginginig na ako. Nagshe-shake ako. Sabi niya ano, mabuti pang
dadalhin ka sa ospital. Pumunta ka ng ospital. Eh di pumunta nako ng ospital.

--Ruthy: Sino nagdala sayo? Ikaw lang mag-isa?


Jenneth: Ako mag-isa. Nanginginig ako sa... aircon pa kaya ang sinakyan ko na bus
papuntang ospital.
Ruthy: Nagbus ka pa papuntang ospital?
Jenneth: Nagbus pa ako. Nanginginig ako paakyat sa may station bus. Para pumunta
ng LRT, ng DTS. Nanginginig ako dahil sa lamig ng aircon tapos yung para akong
nilagnat na nabigla ba ako sa nangyari sa akin. Tapos yung menstruation ko,
marami. Parang nashock ako na nagnerbiyos.
Ruthy: Nung nagbus ka, pumunta ka pa sa train station?
Jenneth: Oo, pumunta ako sa train station. Sumakay ako papunta ng bus, DTS.
Tapos nagtataka yung mga katabi ko kasi yung train kasi doon, may nakatayo din.
Eh nagkataon na nakita nila ako na namutla ako. Talagang napahawak na ako sa
mama. Tapos eh di tumayo siya, ako na ang pinaupo niya. Tapos saktong pag-upo,
nakakuha lang ako ng supot sa bago ko. May dala-dala ako ng... kasi mahilig ako
14

magdala ng supot, kasi minsan namamalengke ako, may mga supot. Kinuha ko,
nagsuka ako.
Ruthy: Nagsuka ka?
Jenneth: Nagsuka ako. Nagsuka tapos nagdugo ako. Nagsuka pa. Ano ba ito.
Pagdating sa ospital, eh di naka-emergency na ako noh. Ginanon na ako o. Sinugod
na ako sa emergency, nilagyan ako ng apparatus. Hala ang daming apparatus, ano
ba ito. Ang daming apparatus sa katawan ko. Nakahiga na ako. Tapos yung hininga
ko, mabilis na. Yung parang hika.
Ruthy: Kasama siguro ang shock doon ano?
Jenneth: May hika na siya. Tapos eh nagsuka ako, pagsuka ko, nilagnat. Tapos hindi
na ako makahinga. Talagang nagpanic na talaga yung ano ko. Kasi nakita ko sa
monitor, talagang gumaganun oh. Eh ano, ginamot na nila ako. Tapos ang sabi sa
akin, eh di inano na ano, kinuha na yung apparatus. Nahingan ako ng ??? sa sarili
room. Sabing ganon, bibigyan, may listahan na ako ng gamot. Ganito na daw
bibilhin. Eh binili naman nun. Nagtataka pa rin ako, bibili ako ng... yung dugo na
isinalin sa akin. Hindi ko pinaubos kasi gusto ko na umuwi. Kasi sinalinan nga ako
nila dugo eh. Sinalinan ako ng dugo. Sabi ko gusto ko na umuwi. Para akong...
mamamatay na talaga ako. Nanghina na ako eh. Pero sinasalinan ako ng dugo,
tapos dextrose. Dinidextros na nila ako. Tapos mga ano na rin yun, ventolin siguro.
Ruthy: Mga ilang araw ka sa ospital?
Jenneth: Buwan ako pabalik-balik eh. Hanggang sa umuwi ako dito.
Ruthy: Hindi, pero yung una mong punta ng ospital? After nung nangyari sayo? 1
week?
Jenneth: 1 week. Tapos nung 1 week, sinalinan ako ng dugo doon. Di nung sinalinan
ako ng dugo, sabi ko uwi na ako. Umuwi na naman ako, pero nagtatrabaho ako.
Parang kinayanan kong magtrabaho-trabaho. Tapos sabi ni boss, o ano, sabing
ganyan...
Ruthy: Sinong nagbayad ng hospitalization mo?
Jenneth: Si Ambo. "O ano, nagpa-ospital ka?" "Oo boss," sabi ko "eto ang schedule
ko." Sa susunod na schedule, magpa-ano daw ako, yung aparato ba sa matres.
Ganun daw ako, yung titignan daw yung matres ko.
Ruthy: Ultrasound?
Jenneth: Pap smear, tapos ano pa ba yun...
Ruthy: Ultrasound?
Jenneth: Ultrasound ba yung nakikita sa monitor yung loob ng matres mo? Para
makikita mong may ano? Kasi nga dinugo nga ako eh. Baka daw kung ano ang
complicated sa loob ng matres ko. Sabi ko "o boss, eto na yung refer-- yung ano ng
doktor sa akin. Sa sunod na ano, ito daw balik ko."

15

Ruthy: Pero pagkatapos, ginalaw ka pa niya?


Jenneth: Wala na, hindi na.
Ruthy: Wala na? Isang beses lang?
Jenneth: Oo.
Ruthy: Natakot din siya.
Jenneth: Natakot siya. Sabi niyang ganyan, hindi na biro yun kasi dugo yan eh.
Totoong dugo yan, hindi yan ano. Tapos eh di yun nga, nung sinalinan na ako ng
dugo. Tatlong linggo na, eh di sinalinan ako ng dugo noh. Hindi ko pinaubos. Isang
linggo, umuwi na ako.
Ruthy: Paanong hindi mo pinaubos?
Jenneth: Parang hindi ko na kaya ubusin yung ilang huling dugo na sinalin sakin eh.
Parang malakas na ako ba.
Ruthy: Ano, pinatanggal mo?
Jenneth: May tira pa eh. Oo pinatanggal ko. May natira pa, parang kalahati pa lang
yung ano, tapos ang dextrose ko hindi ko rin naubos.
Ruthy: Pero walang order ng doktor? Pinatanggal? Tinanggal?
Jenneth: Nagalit nga yung kapatid ko eh.
Ruthy: Hindi, ibig ko sabihin, bakit nila tinanggal? Kasi kung pasyente lang ang
nagsasabi na tanggalin, hindi tatanggalin yun eh noh?
Jenneth: Nagalit nga yung kapatid ko. Sabi niya "e bakit niyo pauwiin na yang
kapatid ko, eh kita mong hinang-hina pa eh." Sabi ko sa kapatid ko, "uwi na ako,
ayaw ko na dito." Eh di wala silang ano, wala silang choice. Sa daming pasyente,
walang malalagyan na mga bed. Dinala na ako doon sa public.
Ruthy: Nasa public hospital ka, ibig sabihin?
Jenneth: Oo, nasa public na ako non. Tapos nagbalik uli ako non dahil bumalik uli
ang lagnat ko. Pero sinalinan na ako ng dugo. Lalo pang nanghina ako. Nanginginig
pa ako lalo.
Ruthy: So ilang ano ka pabalik-balik sa ospital simula noon?
Jenneth: Hanggang etong umalis ako, nang umuwi na ako. Umalis ako ng March.
Ruthy: Ilang beses ka na-ospital?
Jenneth: January, February, March. Mga tatlong buwan din na halos pabalik-balik sa
ospital.
Ruthy: Ng 2013?
Jenneth: Oo. Kasi March na ako umuwi eh. December, January...
16

Ruthy: Yung nangyari sa inyo ni Ambo, ano yun, January?


Jenneth: December.
Ruthy: December 2012?
Jenneth: 12. Oo, December 12 tama, sa 13 na yon.
Ruthy: Tapos pabalik-balik sa ospital ka?
Jenneth: Opo, pabalik-balik ako ng ospital.
Ruthy: January, February, March. 2013 na toh? Oo, 2013 na toh. Kailan ka umuwi sa
atin?
Jenneth: Ah 27 ng March. 17 yata, o 27. Basta mga ganon.
Ruthy: Sige.

--Jenneth: Tapos sabi ng doktor sakin, "Ah Ma'am," sabi niya "kunin ko yung consent
niyo. Pirmahan ninyo toh oh, kasi diagnose kita..."
Ruthy: Sa Thailand pa yan?
Jenneth: Opo. "I-diagnose na kita sa HIV." Kasi diniagnose na ako sa matres, sa
pregnancy test, sa lahat-lahat na. Dugo na lang ang wala. Sabi niya paki-ano na
lang. Ano na lang consent mo para i-pa-ano kita. Ipa...
Ruthy: Screening?
Jenneth: Oo. Eh di ano na...
Ruthy: Kailan ito?
Jenneth: Itong January. Mga January siguro.
Ruthy: January.
Jenneth: Oo. February... January February. Ano basta, kasi pabalik-balik ako eh. Sabi
i-diagnose na kita ng HIV. Nung ano, naka-dextrose ako. Tapos naka... tapos
diniagnose na nilang... may doktor na lumapit sa akin. "Ma'am, siguro yung asawa
niyo, may girlfriend." Sabi niya. "Siguro nagtalik kayo, kaya nagkaroon ka ng... ang
blood ninyo, may sakit." Asawa ko daw.
Ruthy: Ah so na-confirm na?
Jenneth: Ang asawa ko daw.
Ruthy: Ang asawa mo nandito sa Pilipinas?
Jenneth: Nandito sa Pilipinas. Baka daw sa asawa ko. Kasi diba diniagnose na nila
ako. Paano yung tatlong reactive?
17

Ruthy: Non-reactive?
Jenneth: Non-reactive, reactive, reactive.
Ruthy: Baka window period ka non.
Jenneth: Window period ako non? Tapos nag-positive na siya nung pangatlo na.
Ruthy: Oo. Pero lahat ng toh, sa Thailand nangyari?
Jenneth: Oo, sa Thailand nga nangyari. Reactive, reactive, reactive.
Ruthy: Ay teka, reactive, reactive, reactive? Tapos?
Jenneth: Naging positive.
Ruthy: Ay reactive talaga. Kasi hindi, yung unang resulta mo ano?
Jenneth: Reactive.
Ruthy: Reactive.
Jenneth: Oo reactive.
Ruthy: Sumunod?
Jenneth: Reactive.
Ruthy: Tatlong beses ka inano? Ah reactive talaga.
Jenneth: Ah ibig sabihin, possible na yon na positive na ako noon?
Ruthy: Positive ka na noon.
Jenneth: Ah positive na ako noon.
Ruthy: Oo, kasi kung hindi ka positive, non-reactive. Kaya nga tanong ko, kailan ka
unang ini-screen? Natatandaan mo?
Jenneth: Una ako iniscreen?
Ruthy: Oo. Una kang kinunan ng dugo para sa HIV.
Jenneth: Noong natapos akong sinaksakan ng dugo diba, dahil in-emergency ako?
Naubusan, hutdan nako eh, wala akong dugo. Sinalinan nila kaagad-agad ng dugo.
Kinuhaan yung blood... yung type ng dugo ko. Tapos sinaksakan nila ako ng dugo.
Tapos di nakaubos ako ng...
Ruthy: Yan yung pagkatapos ng nangyari sa inyo ni Ambo?
Jenneth: Oo, nung sinalinan ako ng dugo. Nung matapos na yan, diba sinugod ako
sa ospital? Tapos di nilagnat nga ako, nagsusuka ako.
Ruthy: Oo, ini-screen ka na noon?
Jenneth: Ano, in-emergency ako. Nilagyan ako ng aparato. Tapos pag hihiga ako ng
ganyan, sabi ng ganyan, need ng blood transfusion... mag blood transfusion ka na.
18

Tapos dun pa rin. Natapos na, dalawang bag na. Tatlong bag na. Sabi ko uwi na
muna ako. Hindi ko pa naubos yung huling bag ko. Uwi na ako, sabi ko. Hindi ko na
pinaubos, parang ano, kalahati sa bag yung naiwan eh. Uwi na ako. Eh di, parang
gago din yung doktor. Uwi na rin ako. Dinala ako sa lobby. Pinahiga ako sa upuan na
ganito, yung seating ng mga visitor. Kasi sa dami ng sinusugod sa ospital, eh
walang ganito oh. Yung mga bed na higaan. Eh di ako nagpupursigeng umuwi. Eh
pinauwi na rin ako. Eh di tapos, tinambak na lang ako doon sa labas. Nakahiga ako.
Naka-unat ako ng ganyan. <inaudible; bg noises too loud>
Ruthy: Pero ini-screening... diniagnose ka na noon?
Jenneth: Tapos na akong nasalinan. Wala pa, sinalinan pa ako ng dugo.
Ruthy: Hindi. Yung test ng HIV?
Jenneth: Wala pa. Wala pa.
Ruthy: Wala pa, okay.
Jenneth: Eh di, uwi na ako sabi ko ba. Parang maganda-ganda na pakiramdam ko na
kasi nasalinan na ako ng dugo. Uwi na ako sabi ko. Pero baho pa ako, ang baho ko
pa. Sabi ni amo "o ano, kumusta ka? Ano uli ang schedule mo?" Sabi ko boss, eto na
oh, eto na yung mga schedule ko. I-pap smear, sunod i... huli na yung diagnose na
ng dugo. Pagkatapos ng pap smear. Tapos huli na yung diagnose ng dugo. Sabi niya
"Okay. Magkano kailangan mo?" Sabi ko ganito lang boss. Eh di pasok siya. Parang
wala lang ba, parang okay lang. Pagdating ko sa ospital, ayan nanaman. Nagsheshake nanaman ako. Nilalagnat nanaman ako. Nagsusuka nanaman ako. Nagtatae
na ako. Tapos sabi ng doktor, nanghihina ka. I-diagnose na kita ng HIV. Kunan kita
ng ano, i-diagnose na. Yun ang sabi. Sabi naman ng doktor...
Ruthy: Ito yung second na balik mo?
Jenneth: Oo. Sabi niya misis, sabi niya, yung dugo mo may sakit. Sabi niya baka
yung asawa ko nga, nanggagago. SAbi niyang ganun sa akin. Siguro hindi nila
makita sa itsura ko na hindi naman ako yung parang babae na gala ba. Parang sabi
pa "Misis, yung asawa mo ba maraming babae ba?" Sabing ganun. "May sakit ang
dugo mo." Sabing ganun. "Ano ang sakit ng dugo ko?" Sabi kong ganyan. Sabi nya
ay, ganyan nga. Eh syempre yung ganun na salita, parang na-shock ako na
nagkaroon ako ng ganon. Paano ako nagkaroon ng ganon. Eh di nainis ako, tumayo
ako doon sa hinigaan ko na ???. Talagang inano ko yung.. diba may kurtina sila na
kapiraso na tela? Pinunit-punit ko. Sabi ko pauwiin niyo lang ako, talagang
papatayin... magpapamatay ako, tatalon ako sa bintana dito sa ospital. Kung wala
lang akong guwardiya, tatalon talaga ako. Para bang naisip ko, wala naman akong
ginawa.
Ruthy: Pero nung panahon na yun, hindi mo naisip na nahawa ka kay Ambo?
Jenneth: Wala, wala sa isip ko na siya eh. Pero alam ko sya may sakit. Pero wala
naman akong alam na ay, nahawaan ako.
Ruthy: Oo. So at that time, wala kang alam?
19

--Jenneth: Wala akong idea. Kaya nga sabi ng amo... di sinabi na ng doktor na yung
ano sayo, positive, kinuha ko yung passport ko. Sabi ko gusto ko na po kunin yung
passport ko. Tapos eh di binigay naman yung passport. Sinugod... diniretso na ng
kapatid ko sa embassy. Sinugod sa ambassador natin. Sinulatan ng ganyan, nireport
na. Inakyat na yung kaso sa DFA. Ganyan-ganyan. Tapos tinawagan na yung email
ng amo ko. Sabi niya, pag hindi ka nagreport, pag hindi ka magbayad, idedemanda
ka namin. Sabing ganun. I-akyat namin sa taas, matatanggalan ka ng lisensiya.
Ngayon, eh di syempre ako, nasa ano, nasa bingit na ako ng kamatayan eh. Dahil
sabi 35 na lang daw po ang CD4 ko eh.
Ruthy: 34 na lang?
Jenneth: 35 na lang.
Ruthy: Ang bilis naman!
Jenneth: Ang bilis nga po. Sabi ko sinalinan ako ng dugo. Eh bakit sobra ang bilis ng
pagbababa ng... oras at araw lang ang nakaraan. Tatlong linggo lang nakaraan.
Ruthy: Oo nga. Grabe naman. Kasi December nangyari yon diba?
Jenneth: Oo December.
Ruthy: And then siguro yun lang ang pagkakataon na pwede kang mahawa?
Jenneth: Oo.
Ruthy: Oo yon noh? Dito sa Pilipinas wala?
Jenneth: Ay wala man.
Ruthy: After sa Thailand, wala?
Jenneth: Wala man.
Ruthy: Oo. So December yon, tapos December na-ospital ka diba? Tapos bumalik ka
ng ospital...
Jenneth: Oo, mga buwan-buwan na yon. Pabalik-balik na lang kasi nilalagnat-lagnat
na ako.
Ruthy: Oo. So January ka na-diagnose. Tapos every February, ganyan?
Jenneth: February nanaman ako pabalik-balik.
Ruthy: Kailan ka nag-35 ang CD4 count? March?
Jenneth: Oo, March na, nung umuwi na ako. March na.
Ruthy: Ang bilis-bilis naman!

20

Jenneth: Tapos wala na tong buto ko. Ganyan na lang katawan ko oh. Yung balat
buto na lang ako, tapos yung mata ko na toh, labas toh. Wala na tong buhok ko,
kalbo na ako. Ang bilis kaya.
Ruthy: Ang bilis nun noh?
Jenneth: Ang bilis kaya.
Ruthy: Oo.
Jenneth: Linggo lang nangyari sa akin. Bakit ang buhok ko nagkatanggalan?
Ruthy: So with help from your sister, nireport niyo sa DFA?
Jenneth: Oo, sa embassy.
Ruthy: Oo, sa Philippine embassy?
Jenneth: Oo, Philippine embassy. Tinulungan nila ako. Tapos...
Ruthy: Sinong tumulong sa iyong ito? Mayroon bang team? Philippine embassy
officer na alam ang HIV?
Jenneth: Wala po.
Ruthy: Wala. Oo, pero tinulungan ka?
Jenneth: Tinulungan lang ako kasi... Ayaw pa nga eh. Ano, kasi diba pinakuha sa
akin ang results sa ospital. Kasi diba inano namin... tawag don, dinemanda ko yung
boss ko. Eh syempre, kukuhanin yung sa ospital. Lahat-lahat. Ininterview na ako sa
embassy. Eh di syempre, ambassador yung nag-iinterview din sa akin eh.
Ambassador yung amo ko, eh di sabi ko "Sir, wala naman po akong idea na
gaganyanin niya ako kasi madangal na tao sila. Ano bang gusto niyong mangyari sa
akin? Nagtatrabaho lang ako dito para sa apat kong anak. Ano ba ang gusto niyo,
papatayin niya yung apat kong anak?" Eh di, report naman yung ambassador.
Nagrereport naman pinaggagawa ng ano... ng social case study naman yung ano,
yung embassy. Eh di ganyan ganyan.
Ruthy: Pero ito noon, nagdemanda ka na?
Jenneth: Nagdemanda na ako.
Ruthy: Ah naka-demanda na si Ambassador?
Jenneth: Naka-demanda sila doon.
Ruthy: Noon. Hindi, nung bago ka ininterview sa embassy natin? Naka-demanda na?
Nauna na yung demanda mo?
Jenneth: Ay hindi po, kasi hindi pa niya binibigay yung passport ko eh. Nung ano
lang, yung nag CD4 ko 35 na nung sinabi na HIV na ako.
Ruthy: Oo.

21

Jenneth: Tinakbo na ng kapatid ko yung passport ko sa embassy. Kasi hindi


tumatanggap nang magkaroon ako noon. Saan ako makakakuha nun? Na yun lang
din, na ang pagka-alam ko doon lang din. Saka yung... dugo na sumalin sa akin,
hindi ko alam.
Ruthy: So ano yung nauna? Yung nagfile ka ng kaso, o yung report mo sa embassy?
Jenneth: Sila, ang embassy natin ang nagfile ng kaso.
Ruthy: Ah okay. So pumunta kayo ng kapatid mo sa embassy, sinabi niyo yung
nangyari, tapos ang tulong na binigay ng embassy, nagfile ng kaso against doon sa
Ambassador. Pero nagpa-ano pa, diplomatic ano pa lang. Kumbaga wala pang kaso
sa korte?
Jenneth: Wala pa. Yung by Ambassador pa lang sila.
Ruthy: Ano pa lang, yung exchange ng ambassador to ambassador? Embassy to
embassy? Okay. So nagfile ang Philippine embassy ng complaint against kay Ambo.
Ambassador pa siya noon? OIC pa sya?
Jenneth: Prime minister na.
Ruthy: Ah, foreign minster na siya.
Jenneth: Foreign minister na siya.
Ruthy: Okay. So, pagkatapos noon, anong nangyari? Nagharap... humarap siya?
Jenneth: Hindi talaga kailan. Inignore niya ang email niya. Sabi ng ambassador,
hindi na sya nag-ano, nagreresponse. Kailangan umuwi ka na. Pero nagbigay si
Ambo ng pera kasi...
Ruthy: Binayaran ka?
Jenneth: Oo, sa ospital eh. Yun, lahat ng mga bill sa ospital, binigay na niya yung
payment tapos...
Ruthy: Pero dapat binayaran ka ng danyos perwisyo. Wala?

--Jenneth: Wala na, hindi na ako sinagot. Tama na yun. Wala na siyang binigay pwera
na lang yung binigay niya sa immigration para ilabas ako kasi kritikal na yung
kondisyon ko eh. Hindi na ako makatayo eh. Hindi na ako makaupo. Nakahiga na
lang ako. Ini-stretcher nila sa airplane. Na naka-dextrose lang. CD4 ko 35.
Ruthy: Pati yung pagrepatriate mo dito, binayaran niya?
Jenneth: Opo. Binayaran niya. Tapos walang airlines na gusto ako pasakayin.
Kinausap ng ambassador natin ang Philippine Airlines kasi ayaw ng mga airlines na
iba eh.
Ruthy: Bakit, dahil HIV ano ka?
22

Jenneth: Dahil may sakit nga ako eh.


Ruthy: O dahil yung... dahil may sakit ka lang?
Jenneth: May pneumonia na ako eh. Dahil andun sa eroplano po, nagchichill na ako
eh. Inuubo ako, yung tumutulo yung laway ko. Hindi na matigil.
Ruthy: Wala akang kasamang nurse?
Jenneth: Wala, nag-iisa ako. May nag-a-assist na stewardess. Pagdating ko sa
airport, sabi sakin ng stewardess, mahuli daw ako palabas. Eh di nagpahuli na ako.
Sabi, e di binigyan ako ng ambassador ng...
Ruthy: Oo, eh kasi iwi-wheelchair ka eh.
Jenneth: Oo. Eh diba binigyan ako ng ambassador ng sulat ano. Dahil pagbaba ko
daw po, i-abot ko daw po sa OWWA yun.
Ruthy: Sa OWWA?

--Jenneth: Opo. Kasi sila magpick-up sa akin. Eh di inabot ko naman po sa OWWA.


Pinick-up naman po nila ako sa taas. Tapos diniretso sa San Lazaro.
Ruthy: Sa San Lazaro ka diniretso? Kay doktora Cherry?
Jenneth: Kay doktora ano po, Archangel.
Ruthy: Doktora..?
Jenneth: Archangel.
Ruthy: Archangel. So...
Jenneth: Hindi po ako makausap pagdating ko, kasi po ano po, ito po yung ano ko.
Ito po oh, yung sugat ko ito kasi...
Ruthy: Marami nang kulani?
Jenneth: Marami, sobra po talaga. Ganyan kalalaki po oh. Hindi ko manganga ito o,
kasi ito may sugat na ang mga ito ko. Lahat ng ngipin ko, may sugat na siya.
Ruthy: So OWWA ang nagdala sayo sa San Lazaro? OWWA?
Jenneth: OWWA. Yung OWWA natin, yung ambulansiya.
Ruthy: Ilang ano ka na-confine sa ano?
Jenneth: Pagdating na pagdating ko. March.
Ruthy: Hindi, oo nga. Ilang buwan? Ilang araw?
Jenneth: Sa San Lazaro?

23

Ruthy: Oo.
Jenneth: Ah, March, April, May, June, July. Ah tatlong buwan mahigit.
Ruthy: Ang tagal mo. Simula nang dumating ka, diretso, March April May June. June
ka lumabas?
Jenneth: June... July.
Ruthy: Ay kalalabas mo lang?
Jenneth: Tapos August ako nag-umpisa nag-ARV. Ngayon lang po oh. Kaka-recovery
ko lang. Eh 1 year na akong August darating.
Ruthy: Ah, kasi 2013. Okay.
Jenneth: 2013.

--Ruthy: 2013. Tapos August, nag-umpisa ka na ng ARV. Anong ano, sino nagbantay
sayo? Sino nagsabi sa pamilya mo na nasa San Lazaro ka?
Jenneth: Yung... yung kapatid ko, nag-email sa anak ko. Hindi pinaalam sa asawa ko.
Tapos eh di... inaano din... nate-trace din ng mga kamag-anak ng asawa ko sa
Facebook. Ay di hinahanap din nila ako. Tinanong sa anak ko. "O, si mama may ano
na sa San Lazaro. Naka-confine." Eh di pumunta na sila. Pero alam ng mga anak ko.
Pero asawa ko, hindi niya alam na ganyan ako. Pero nung dumating siya, binigay ko
din yung papel na galing kay ambassador. Na sulat galing kay Ambo. ??? Binigay ko
doon sa asawa ko. Yun, yung nalaman niya na ganyan ang nangyari sa case study
ko sa abroad.

--Ruthy: Ano, kumusta naman kayo? Okay naman sa kanya?


Jenneth: Asawa ko, wala naman siya sisi sa akin kasi ano sisihin niya? Yung sarili
niya sisihin niya. Bakit ako nag-abroad? Ano ba ginawa mo?
Ruthy: Wala siyang trabaho?
Jenneth: Since then, wala siyang trabaho. Ako na lang. Dito sa Pilipinas ako pa rin.
Dito sa Pilipinas. Sa abroad, ako pa rin. Ako pa rin hanggang ngayon na may sakit,
ako pa rin ang ano.
Ruthy: Ibig sabihin, wala siyang trabaho ever since manganak ka?
JEnneth: Wala siyang trabaho.
Ruthy: Yun yung gender-based violence na ano, noh?

24

Jenneth: Ang alam ko nung binata siya, may trabahong security guard. Pero nagasawa na kami, natanggal na siya. Wala na, ako na.
Ruthy: Ikaw na.
Jenneth: Nagpalaki na sa anak ko.
Ruthy: Ilang taon yung panganay mo nung mawalan ng trabaho?
Jenneth: Elementary pa lang, wala na yang trabaho. Pa-extra extra na lang, kung
sino ang tawag-tawag diyan. Eh di ako na lang ang nagpupuno. Hindi ko na
malaman. Araw-araw dala ko na yung daigdig. Hatid-sundo sa anak ko. Tapos...
<pause>
Jenneth: Wala man siya sisihin sa sarili niya. "Bakit ako nag-abroad? Diba
kagustuhan mo man?" Sabi ko. Dahil nandito ako sa Pilipinas, ang gabi ginagawa
kong araw. Hindi ka tumutulong sa akin. Pinupursige kong makapag-aral ang mga
bata. Sa awa ng Diyos, napag-aral ko yung mga bata sa private school. Ngayon
hanggang nag-college, ako pa rin na may sakit. Dumating akong may sakit, ako pa
rin hanggang ngayon. Ngayong time na ito, ako pa rin.
Ruthy: Anong ginagawa niya? Siya yung parang sa bahay?
Jenneth: Parang siga po na hari-hari.
Ruthy: Hari-hari. Naku.
Jenneth: Siya yung hari sa bahay na pag hindi nasunod ng mga anak ko yung..
"Ikuha mo ako ng sigarilyo." "Ikuha mo ako ng kape." "I-utang mo ako." Eh
mangutang ka nang mangutang, wala kang pambayad. Anong gagawing istorya ng
kapitbahay natin? Utang tayo nang utang, wala man lang tayong trabaho. Ano
gagawin natin?
Ruthy: May bisyo pa?
Jenneth: May babae pa. Alam mo kauuwi lang kagabi, may pangtext. Busing-busy sa
cellphone. Pagkain sa bahay, hindi makabili. Ako lang lahat magprovide sa kanila.
Eh may anak pa akong nag-aaral.
Ruthy: So anong kinakabuhay niyo ngayon?
Jenneth: Eh di kung ano lang yung dumarating na pensyon ko.
Ruthy: Pensyon mo nanggagaling saan?
Jenneth: Sa SSS. Eh ano lang naman, kokonti. Kapiranggot dahil kailan lang naman.
Ruthy: Oo, kapiranggot lang yung pensyon sa SSS eh.
Jenneth: Kailan lang ako nag-SS. Eh di yun lang, eh nag-aaral pa yung mga anak ko.
High school ngayon. Wala naman silang...
Ruthy: Kahit may sakit ka, hindi ano? Wala?

25

Jenneth: Pumunta yan, tatlong beses, sa ospital. Alam mo tuwing punta niya sa
ospital, "itinda natin yung kalahati ng lote."
Ruthy: Punyemas.
Jenneth: "Itinda natin yung ganito." Alam niyo po, sa totoo lang po, hindi naman sa
ganito lang ang katawan ko. Pero ubos ang oras ko. Puro na ako ano, active talaga
ako. Profitable talaga lahat ng oras ko. Nandyan yung nagbubuntis ako, nag-aalaga
ng baboy. Habang nag-aalaga ng baboy, naghahatid ng mga anak ko sa
eskuwelahan. Pag nabubuntis ako sa mga huli kong anak, hatid-sundo sa mga nagaaral hanggang sa napalaki ko. Eksaktong sampung taon na yung bunso ko, umalis
na ako nun. Ngayon 13 na siya eh.
Ruthy: Oo, ilan? Tatlong taon.
Jenneth: 13 na siya eh. Eh di bale sampung taon ang ??? sa ibang bansa.
Ruthy: Oo.
Jenneth:13 na siya ngayon. <pause> Ano, huling padede ko sa anak ko, nagflight na
ako sa airplane. Tapos nung dumating ako sa Bangkok, sinabi ko "Kumusta na ba si
Gabriel? Hinanap ba niya ang baby niya?" Kasi yun lang ang time na naawat siya sa
pagdede ng ganun. Ang bata. Hindi pa yun nakakapagsalita nung umalis ako. Ganun
ganun lang. Ngayon dumating ako, high school na. Marunong na. Kaya sabi ko sa
asawa ko "kung ano tinulungan mo ako dito sa Pilipinas, nung ako dito, wala kang
trabaho. Nasa bahay ka. Ang gabi, natutulog ako sa kalsada kasi andyan na. Nagyayakult ako. Ganyan, kumukuha ako ng pwesto sa palengke. Nandiyan, nagtitinda
ako ng kakanin. Basta buong araw yan. 24 hours. Kahit gabi. Pinagkikitaan ko yan
para lang makabayad ng pangtuition ng mga anak ko kasi nasa sa ano sila,
seminaryo sila eh. Private yan eh, dalawa kong lalaki na panganay. Puro nasa madre
sila nag-aaral.
Ruthy: Hanggang ngayon mga private din?
Jenneth: High schoo--- ano na po sila, college na. Yun nga, yung panganay ko 3rd
year college na psychology. Graduating na po. Yung pangalawa, yun yung Fatima.
Natigil siya kasi may sakit nga ako. Siya nag-aalaga sa akin. Yung pangatlo, yun
yung tinutuloy-tuloy ko. Yun, yung ginagastos nila, humihingi ako ng tulong kay
mayor pang-scholarship. Eh matagal pa. Kailan pa? Hindi pa naaaprubahan. Tapos
andyan na yung mga SSS ko. Yun naman ang pinangtu-tuition ko sa starting ng
tuition nila. Hanggang sa naka-aral. Sabi ko "anak, maka-ano lang kayo. Hindi
baleng hindi na ako makakain basta magtanim na lang ako ng gulay sa bahay." Ang
gulay naman lalagyan ko lang ng konting patis eh, gulay na. Makakain na ako eh.
Kahit ano, sabi ko basta ??? lang ako. Kain lang ako nang kain. Hindi mo alam
ma'am nung kahit wala akong kukuning pagkain sa bahay, ginagawa ko lahat sa
awa ng Diyos yung mga dati kong tanim, inaani ko naman ngayon. Pag oras na
pagbunga ng saging, yun na lang. Para lang sa akin. Mangga, mga abokado. Yun na
lang siguro, madali akong maka-survive dahil hindi naman ako pabaya sa sarili.
Ruthy: Oo. Buti marami kang tanim noh?

26

Jenneth: Ngayon po sobrang dami na. Kaya sabi ng mga kapitbahay ko "o ayan ba
yung may sakit?" Parang wala lang naman daw po nangyari sa akin.
Ruthy: Oo. Alam nila? Alam nila yung kaso mo? Alam nila na HIV ka?
Jenneth: Alam nila pero hindi sila makapagsalita dahil alam din nila na
makakasuhan sila eh.
Ruthy: Oo. Alam nila yung sakit mo?
Jenneth: Alam nila siguro. Kaya ingat sila eh. Ingat din sila kasi kagalang-galang din
ako samin. Hindi din ako bastusin, yung nagto-tong-it. Nagiinom. Alam nila kung
gano ako kasipag eh. Ang alam nila, nagkasakit ako dahil nga sobrang sipag ko.
Kaya ako nagkaroon ng pneumonia. Pero hind yan sila... ganyan lang siguro sa
environment, may tsismisan pagka nagto-tong-it-an sila. Pero ako, hindi ko naman
po sila... binebestfriend. Beso-beso lang. Binabati-bati ko lang sila pero hindi ako
nakikipagbestfriend. Pero sabi ko, sabi ko pano ba ako...
<interruption; pause>

--Jenneth: Sabi ko nga eh, naghahanap nga ako ng pwedeng... tinda-tinda sana. Wala
man akong pwedeng mapag-anuhan.
Ruthy: Eh di, August ka pa... ay hindi...
Jenneth: One year. One year na ako.
Ruthy: Oo, one year na sa ARV.
Jenneth: Opo.
Ruthy: Kumusta naman, wala ka namang OI? Wala kang opportunistic infections?
Jenneth: Wala po. Sa awa ng Diyos po. Sabi ni Doktora Torres, sabi nya "Nanay,
pasalamat lang po kayo, wala kayong highblood. Wala kayong TB." Sabi ko
"Syempre po, hindi po ako mabisyong tao." Eh diyan lang po, sobrang hardworking
lang talaga. Pero hindi ako naninigarilyo. HIndi ako umiinom. Yun lang
nagpapagutom lang ako pero minsan, hindi maiwasan na hindi ako makakain sa
isang araw. May isang oras na talagang paspas ako magtrabaho eh. Gabi ginagawa
kong araw. Kaya sabi lang minsan ni Ambo, "Tama na yan Janit, pahinga mo naman
ang sarili mo." Pero hindi ko rin magawa dahil sa sobrang daming trabaho. Dahil
kami lang dalawa. Tuxedo niya...
Ruthy: Pero ??? siya? O hindi, kasi maano yung damit niya eh noh?
Jenneth: Grabe limang kilo isang araw. Isang suotan niya lang. Tapos mayroon pa
siya sa loob, mayroon pa siyang sando. Mayroon pa siya loob na isang set, mayroon
pa siyang tuxedo. Mayroon pa siya, kasi Muslim siya, mayroon pa siyang ????.
Ruthy: Sa damit niya, patay na ang katawan mo?
27

Jenneth: Diyos ko, pagplantsa lang po. Doon na ako siguro bumigay. <interrupted>

--Jenneth: Yun po ang ano, ang hirap talaga ma'am. Diyos ko, sabi ko ayaw ko nang
bumalik ng abroad. Sabi ko nga sa mga anak ko sa gabi, "Alam niyo nak, siguro
mula nang pinanganak ko kayo, puro hirap na lang ang gawain ko. Nagkasakit ako."
Sobrang hirap, sabi ko.
Ruthy: Di bale, ano yan. Malapit nang matapos yung mga bata. Bibigyan ka na ng
Panginoon ng ano, ng reward. Talagang mga asawa noh, pag minalas talaga sa
asawa.
Jenneth: Mga lalaki. Totoo. Lahat ng lalaki wala talaga ano sa asawa. Pag hindi ka
na mapakinabangan, pag hindi mo na sila iniintindi, balewala ka na sa kanila.
Maghahanap nang maghahanap yan sila para sa kanilang bisyo. Balewala ka na.
Hindi ka na nila tulu-tulungan sa mga responsibilidad sa bata. Ang nanay, ako, hindi
ko kayang matiis yung mga anak ko na hindi makatapos.
Ruthy: Anong sabi ng mga bata sa ginagawa ng tatay nila?
Jenneth: Galit sila sa tatay, kasi nung medyo malakas-laka na ako, nagparinig ang
papa nila. Sabi niya "Yan si mama ninyo, wala nang pakinabang. Walang silbi."
Sabi niya walang silbi. "O, wala pala akong silbi, bakit hindi ka pa lumayas dito?"
Sabi ng panganay ko, "Bakit naman ginaganyan mo si mama? Alam mo Pa," sabi
niya, "nakikita namin kung anong hirap ni mama. Natutulog si mama sa kalye
kasi ????. Natutulog yan sa gabi sa kalsada para lang magtinda. Ginagawa niyang
araw yung gabi para makapag-aral kami. Ikaw, ginagawa mo ba responsibilidad mo
sa amin? Pagtanda mo, ano ang aasahan mo sa amin?" Sabi ko "Tama naman ang
anak mo."
Ruthy: Hindi ba siya napahiya sa anak niya?
Jenneth: Hindi. Alam niyo po, hinampas po niya ng silya na plastic, hinampas po
niya yung anak ko. Hinahampas niya ako sa lamesa, pinatama niya sa lamesa pero
hindi niya pinatama sa akin. Pero nakaharap ako. Hinampas niya yung silya na
plastic, eh di nagkanda-putul-putol. Nagtalsikan. Bumaba yung anak ko. Pagbaba
niya... <interrupted> Pagbaba ng anak ko, sinasaway yung papa. "Ginaganyan mo
si mama, eh kung tumulong ka lang sana sa amin, eh di hindi na sana si mama nagabroad. Hindi na sana si mama nag-abroad."
<interrupted>
Ruthy: Grabe noh. Yun yung ano...
Jenneth: Violation?
Ruthy: Oo, violation, ano yun. Kumbaga, tingin namin dun, para kang ??? ng
dinanas, kasi...

28

Jenneth: Pero gusto ko siya idemanda. Eh binlotter na sa amin eh, pero ayaw
naman ng babae ko "kasi mama kahiya-hiya naman" daw "dahil dalaga na ako."
Ruthy: Sinaktan kayo?
Jenneth: Kasi yung anak ko, hinampas nga niya, dahil sinasaktan, hinahampas ako
ng papa niya ng upuan. Bumaba yung panganay ko, hinarangan niya si papa niya.
"Bakit ka ganyan Pa? May sakit na nga yan si Mama! Ano pang gusto mo sa
kanya?"
Ruthy: Isang beses lang yan nangyari?
Jenneth: Dalawang beses. Dalawang beses niya na tinapon yung mga gamot ko.
Tinaob niya yung tray na lalagyan nung gamot ko. Tinaob niya ng ganyan.
Ruthy: Walang hiya ano? Palayasin niyo na.
Jenneth: Pinalayas ko na nga. Eh di lumayas na siya, isang buwan na siya ngayon.
Kagabi umuwi. Alam mo hanggang ngayon, hindi ko siya kinakausap. Nung umalis
ako sa bahay, hindi ko sya inaano.
Ruthy: Kasi hindi na siya nakakatulong. Nakakaperwisyo na siya.
Jenneth: Perwisyo. Oo. Sakit na po talaga ang ulo ko. Alam na niyang nasa hospital.
Bibisita siya, sabi niya "Ititinda natin yung mga naipundar mo.
Ruthy: Punyeta noh.
Jenneth: Alam mo, ang taas po ng temperature ko sa lagnat. Nandyan po na
nilalagnat ako ng ang taas-taas. Kasi gulay ako noon eh. Nung dumating ako hindi
ako makausap. Dahil... hindi ako makausap.
Ruthy: Grabe noh.
Jenneth: Yung mga alahas kong naipon ko. Mga tinda... Alam niyo po, pinatira niya
pa yung pamilya nya sa akin. Nanay niya, mga kapatid niya, mga pamangkin niya.
Kung wala ako sa abroad, ako magbuhay sa kanilang nasa bahay sila. Alam niyo
kawawa yung mga anak ko, pinagsisigaw-sigawan ng mga tito nila. Uutus-utusan
nila. Kaya alam mo, ang sama ng ano ng mga anak ko sa kanila. Sabi nila "Mama,
wag lang sila magpakita dito dahil susumbatan ko sila."
Ruthy: Ikaw lahat nagpakain sa kanila?
Jenneth: Ako lahat ma'am.
Ruthy: Ang bait mo. Ang bait mo Jenneth.
Jenneth: Pati po yung naipundar ko po na tindahan ko, sila nag-asikaso. Naubos din,
pati yung pera na naipon sa bangko bago ako umalis. Iniwanan ko yung pera ng
asawa ko. Naubos na rin. Pati yung mga alahas ko, lahat nang naipundar ko. Pati
yung lupa ko. Tininda niya nang wala ako.
Ruthy: Yan, violence yan.

29

Jenneth: Eh ngayon hindi na niya matinda itong tinatayuan ng bahay ko dahil sabi
ko ito na lang para sa mga bata dahil nakaka-awa naman yung mga bata. Eh
ngayon, tama ba yung hindi na siya magtrabaho?
Ruthy: Tamad eh.
Jenneth: Tamad po eh. Pero ang babae hindi po siya mapakali, mainit ang ulo niya
pag hindi siya maka-ano sa babae.
Ruthy: Kaya nga, palayasin mo na lang. Kasi hindi mo narin naman siya kailangan
eh. Diba?
Jenneth: Pinalayas ko na nga eh. Eh hindi naman daw siya lalayas dahil may
karapatan din siya sa mga anak niya. Yung mga anak niya, sabi ko ano bang gusto
mo...
Ruthy: Siguro inaano niyan ano...
Jenneth: Pag namatay ako, siya ang hari?
Ruthy: Hindi. Kasi malapit nang matapos.
Jenneth: Malapit nang matapos ang mga bata? Oo, correct.
Ruthy: Inaano niyan, siya naman ang...
Jenneth: Ang makinabang. Sabi ng mga anak ko, "Anong asahan niyo sa aming
tulong? Pagtanda niyo, ibig sabihin, kami ang mag-asikaso sa inyo? Bakit, nung
kailangan ka namin, tinutulungan niyo ba kami? Si mama lahat!" Alam niyo, mga
anak ko po, nakita yan sa hospital, alagang-alaga yan mula sa panganay hanggang
bunso. Naka-recover ako dahil sa mga anak ko. Sila ang nag-iintindi sa akin. Pati
pag-inom ng gamot. Pati paggising ko, pano ako kumain.
<interrupted>
Ruthy: Lumabas din ang gender-based violence niya kanina. Kasi nga yung asawa
niya tamad, ayaw magtrabaho. So ever since, siya ang nagtatrabaho. Indirect
violence. Tapos yun daw tray ng gamot niya, tinapon.
Jenneth: Oo, wala daw akong silbi. Wala daw akong pakinabang. Ginanon niya
lahat yung mga gamot ko ah. Kaya sabi ng anak kong panganay, "Ano ma? Nasaan
na yung mga gamot mo?" Sabi ko "Hayaan mo na, hahanapin ko na lang isa-isa."
<interrupted>
Ruthy: Sa tingin mo, yung nangyari sa iyo... Sabagay hindi na kailangan itanong
ano? Kung hindi ka kasi ano, nag-abroad, hindi ka nakakuha ng ganyan.
Jenneth: Hindi po. Talaga po. Ayan lagi iniisip ng anak ko eh. "Eh kung noon ba
tinulungan mo si mama, kahit nandito tayo nun nag-aaral naman kami lahat."
Tapos nung nasa abroad, alam niyo po, wala na po nag-aral ni isa sa mga anak ko.
Sa kakapadala ko, wala po. Wala po.
Ruthy: Ay itinigil niya?
30

Jenneth: Oo, wala po talaga.


Ruthy: Ay nako mapapatay ko talaga yung asawa mo.
Jenneth: Diyos ko, nagmumumura ako sa cellphone pag tumawag sa akin.
Ruthy: Eh inubos niya yung pera mo?
Jenneth: Tapos kulang pa daw. Sabi niya kulang pa daw yung pinapadala ko. Sabi
ko Diyos ko. Mamamatay na ako kung talagang ganyan.
Ruthy: Doon sa limang taon na yon?
Jenneth: Walang nag-aaral sa mga anak ko. Alam mo tigil yung anak ko. Diba 23
na sya, 24 na ngayon. Ngayon pa lang nagcollege nung 3 years nang... umuwi ako
dito nung isang taon. Bumalik ako. Kinuha ko na sila lahat ng ATM. Isa-isa ko na
silang kinuhaan ng ATM na bangko, tapos doon ko pinapadala. Pero yung sahod ko
na dose, sa kanya ko pinapadala. Sa asawa ko.
Ruthy: Pinatigil niya ng pag-aaral ang mga bata?
Jenneth: Pinatigil dahil kulang daw. Pero ngayon halos hindi kami bibigyan ng
pambili ng bigas. Eh nasaan ang hirap ko sa kanya? Na halos ibigay ko na. Hindi
nako bumili ng candy para lang maibigay ko lahat ang sahod ko sa kanya. Ngayon
na may sakit ako, hindi ko na kayang mag... bakit hindi nila ako mabibigyan. Tapos
alam niyo po, nung dumating ako nung nasa ospital, sabi pa niya sa mga anak ko,
"Oh ayan! Ayan ang ginawa niyo sa mama niyo. Ayan nangyari sa mama niyo o,
dahil sa inyo!" Sinisi pa niya yung mga bata.
Ruthy: Hindi niya kinikilalang siya ang dahilan ng lahat actually. Ginawa niya yon,
tungkulin niya na bilang ama.
Jenneth: Sinisi pa niya yung mga bata. Alam mo sabi ng mga anak ko, "Mama,
naghirap ka nagtrabaho, anim na buwan. Sa kanya lahat napunta ang pera ko."
Sabi niyang ganyan. "Nagpapadala ka pa tapos ang pera kong kinikita dito..."
Ruthy: Ah, so nung mula nang pinatigil ang mga bata ng pag-aaral, hindi ka na
nagpadala sa kanya ng pera?
Jenneth: Nagpadala ako, nagpapadala talaga ako. Nung... nung hindi lang ako
nagpadala nung nalaman ko ibinenta na niya yung parte ng kabilang lupang
naipundar ko. Binenta niya. Eh di syempre malaking pera yon. Tatlong buwan ko
yun na hindi pinadalhan, dahil malaking pera yung nakuha niya doon sa lupa eh na
hindi ako binigyan.
Ruthy: Kaya pala nung nagkasakit ka... "Benta na natin yung kalahati." Eh san kayo
titira?
Jenneth: Sabi niya... Hindi, mayroon pa po ako tinitirhan. Sabi niya hatiin pa daw
namin yung ano... yung tinitirikan namin dahil... Akala niya siguro mamamatay na
ako.
Ruthy: Oo.
31

Jenneth: Hindi lang ako makapagsalita. Tumutulo lang luha ko nun, tapos nilalagnat
ako. Sabi ko... Tapos nung magaling na ako, nakatatlong beses lang siyang bumalik
sa ospital. Yung anak ko talagang panganay saka yung pangatlo ang hindi
natutulog sa ospital. Alam mo pumunta ng ospital, galing yun sa babae niya.
Natutulog, hindi nagbabantay sa akin. Tulog siya. Wala siyang pakialam sa akin.
Ruthy: May babae pa?
Jenneth: Oo may babae siya hanggang ngayon. May babae.
<interrupted>
Jenneth: Pinalayas ng isang buwan, bumalik nanaman ngayon. Siguro wala
nanaman siyang mapagkukuhanan ng pera. Kaya sabi ko "Ano ba naman ito.
Pagod na pagod na akong magtrabaho, ako pa rin hanggang ngayon."
Ruthy: Alam ng mga bata yung ano...?
Jenneth: Opo, alam po ng mga bata. Pero yun nga lang po, yung andiyan nanaman
siya. Umuwi siya kagabi. Naiinis lang ako pag nandiyan siya yung siga, hari-harian.
Ang ayoko lang po yung paghahampas niya ng mga gamit namin. Pagtatapon ng
mga plato.
Ruthy: Sisirain, naninira ng gamit?
Jenneth: Alam niyo yung hinampas niya yung upuan? Alam niyo tumama sa anak
ko yung mga putol na hanggang sa mukha. Kasi panganay ko ang nag-ano sa akin,
humarang.
Ruthy: Binlotter mo yun?
Jenneth: Binlotter ko siya.
Ruthy: Oo. Dinala niya sa barangay. Kasi may batas eh.
Jenneth: Pinabaranggay ko siya. Pero kinausap ko yung mga bata. "Anak," sabi ko,
"itawag ko na lang ito." Sabi ko hindi na dito yung papa niyo. Ayaw naman. Nagiiyak naman yung babae ko. Sabi "Mama, dalaga na ako. Nakakahiya. Tapos
ganyan, hindi pa nila alam na ganyan ang sakit mo, tapos malalaman na lang pong
ganyan ang nangyayari sa iyo."
Ruthy: Dapat makausap ang anak mo.
<interrupted>
Jenneth: Mga bata kasi eh. Kinausap din ako ng kapatid ko. "O ano, kausapin mo
muna ang mga bata. Kasi pagka-kinaso mo na yan, kailangan ikaw mismo ang
magtuloy. Pag hindi mo na tinuloy yan, magagalit ang pulis sa iyo." Eh di kinausap
ko ang mga bata. Sabi niya "Mama, wag mong i-ano dahil dalaga na ako.
Nakakahiya."
Ruthy: Yung babae yan? Yung mga lalaki?

32

Jenneth: Kahit yung lalaki din. Kasi alam niyo kasi, nag-aral sila sa seminaryo, yung
mga madre, pari. Kaya hindi sila sanay, hindi nila kinalakihan yung mga ugali na sa
environment namin na magulo. Lagi lang sila sa loob ng bahay, kahit malaki na sila
ngayon. Bahay lang sila, eskuwelahan, bahay lang. Hindi mo sila makuwan na
nagbabarkada, nag-iinom. Wala. Sa bahay lang sila. Kami-kami nagbobonding
bonding ang kami. Nagkukuwentuhan kami.
Ruthy: Ano lang, meanwhile, alam mo ito yung mahirap eh noh? Yung nakashackle
sa convention yung mga bata. Ikaw ang nahihirapan nang husto.
Jenneth: Nahihirapan ako kasi parang nandyan nanaman, parang hari.
Kaye: Ayaw nila na magreklamo kayo?
Ruthy: Ayaw daw eh.
Kaye: Para walang gulo?
Jenneth: Oo, "wag na lang," sabi, "pabayaan niyo na lang si papa. Matatapos din
ang kaligayahan niyan. Tatanda din yan, mamamatay na rin. Malapit na yan
mama. Tiis ka na lang."
Ruthy: Wala naman siyang sakit?
Jenneth: Pero alam niyo po, parang nangingitim na yun sa paninigarilyo eh.
Ruthy: Pero wala naman siyang ubo? Wala siyang ano?
Jenneth: Siyempre natural lang yun sa paninigarilyo. Umuubo siya yung parang
malalim ang plema.
Ruthy: O yun na yun, emphysema na yun.
Jenneth: Yung kuko niya maitim sa paa.
Ruthy: Kasi ubo daw nang ubo na eh. Baka na-emphysema na yan.
Jenneth: Dala sa sigarilyo?
Ruthy: Oo, sigarilyo. Kaya lang, ang ano kasi diyan, pag nagkasakit siya, kayo
nanaman ang hirap.
Jenneth: Yun nga eh, sabi ko nga sa mga bata eh, "pag nagkasakit yan si papa mo.."
Ruthy: Ikaw nanaman ang hirap niyan. Kasi aalagaan niyo.
Jenneth: "...magpapa-alaga yan sa atin, anong i-aano niya sa atin? Yung SSS niya?
Baka abonado pa tayo diyan." Tapos yung... pagod na ako.
Ruthy: Ilang taon ka na? 51 ka ngayon noh?
Jenneth: 51 na po ako.
Ruthy: Yung asawa mo?
Jenneth: 44.
33

Ruthy: Mas bata pa pala sayo ano? Tapos hari-hari pa?


Jenneth: Magandang lalaki pa. Yung pinsan nila Robin Padilla.
Ruthy: Kaya pala nagustuhan mo, pogi eh. Pero ever since daw, hindi nagtrabaho.
Jenneth: Ako lang po nagpa-aral sa mga bata, nagpalaki sa kanila. Diyos ko. Kahit
sabihin mong sampung taon akong nawala sa kanila, pero close pa sila sakin.
Ruthy: Eh natural, pinabayaan naman niya. Pinang-iinom, at pinatigil pala niya ng
pag-aaral yung mga bata nung wala ka. Kasi yung pera kanya lang. Yun ang
violence. Violence talaga eh.

- End of Interview -

34

You might also like