You are on page 1of 2

Jerry Gracio

Tumalon sa: paglilibot, paghahanap


Makata, kuwentista, at manunulat ng dulang pampelikula, isinilang si Jerry B[ayoca].
Gracio sa Tondo, Maynila noong Hulyo 6, 1969. Ginugol niya ang kabataan sa maliit
na nayon ng Nenita, sa Bayan ng Mondragon, Hilagang Samar, na lalawigan ng
kanyang ina. Dito siya natutong magsalita ng Waray. Ang kanyang ama ay mula sa
Aroroy, Masbate.
Edukasyon
Produkto si Gracio ng pampublikong paaralan. Nag-aral siya sa Rosauro Almario
Elementary School sa Tondo, ngunit lumipat sa Catmon Elementary School nang
manirahan ang kanyang pamilya sa Malabon noong kalagitnaan ng dekada 80.
Nagtapos siya ng hayskul sa Malabon National High School, at nag-aral ng
Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman.
Bilang manunulat
Unang nalathala ang mga tula ni Gracio habang siya ay estudyante pa lamang, sa
mga pambansang magazine tulad ng Sunday Inquirer Magazine at Philippine
Panorama. Ang makatang sina Rio Alma (Virgilio S. Almario), Lamberto Antonio, at
Cirilo F. Bautista ang itinuturing niyang mga pangunahing impluwensiya sa kanyang
pagtula.
Noong 1986, nalathala ang ilan niyang tula sa isang chapbook na pinamagatang
Byahe, Mga Impresyon at Tala (Oraciones Printworks). Sinundan ito pagkalipas ng
sampung taon ng Apokripos (UP Press), ang una niyang sariling koleksiyon ng tula,
na nagwagi ng 2006 National Book Award. Noong 2008, nasungkit niya ang
University of the Philippine Centennial Literary Prize para sa kanyang ikalawang
koleksiyon, ang Aves.
Nagsimulang magsulat ng mga dulang pampelikula si Gracio matapos dumalo sa
Scriptwriting Program ng Film Development Foundation of the Philippines (ngayon
ay Film Development Council of the Philippines [FDCP]) noong 1997, sa ilalim ng
patnubay ni Nestor U. Torre. Itinuturing din niyang guro ang screenwriter na si
Armando Lao. Una siyang nagsulat para sa Seiko Films, para sa mga pelikulang
bold na tulad ng Talong, Sisid, aat Itlog (na umani ng nominasyon mula sa Young
Critics Circle [YCC] bilang pinakamahusay na dulang pampelikula para sa taong
2002). Tatlong ulit siyang nagwagi ng FDCP Screenwriters Prize, kabilang ang grand
prize noong 1999 para sa Santa Santita. Bahagi ng kanyang filmography (bilang
writer o co-writer) ang mga pelikulang Astig (special citation, Pusan IFF), Colorum,
Engkwentro (na nagwagi ng Orizzonti Prize sa Venice IFF), at ang movie musical na
Emir. Ang kanyang mga screenplay ay nakatanggap na ng pagkilala mula sa Film
Academy of the Philippines, YCC, at PMPC Star Awards.
Kabilang din sa kanyang mga parangal ang Gantimpalang Palanca para sa tula,
maikling kuwento, at dulang pampelikula; Makata ng Taon 2005 ng Komisyon sa
Wikang Filipino; at citation mula sa University of the East bilang pinaka-natatanging

mamayan sa larangan sa literatura sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela


[CAMANAVA] District. Noon ding 2005, ipinagkaloob kay Gracio ang Gawad Dr. Pio
Valenzuela, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Lungsod ng Valenzuela
sa mga natatanging mamayan nito.

You might also like