You are on page 1of 3

KABANATA I

Ang Suliranin
Kaligiran ng Pag-aaral
Ang mga pista ay isa sa mga kaaya ayang mga selebrasyon sa bawat mga lugar at isa mga
ito ang Guling Guling na ipinagdiriwang ng mga taga Paoay.
Ang lugar na Paoay ay isang tahimik at simpleng lugar kung saan matatagpuan ang mga
rehilyosong tao.
Ang Guling Guling festival ay isa sa tampok na pagdiriwang sa Pilipinas.Ito ay
pinagdiriwang sa Paoay, Ilocos Norte tuwing Martes, ang araw bago sumapit ang Miyerkoles ng
Abo. Ang guling ay salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay markahan o pahiran. Ito ay
sumisimbolo sa masaganang pagdiriwang ng Guling Guling Festival ay nagsimula noong
panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Noong ika 16 na siglo, ito ay ipinakilala ng
mga prayle sa mga Pilipino, Ang pagdiriwang bago sumapit ang panahon ng mahal na araw,
makulay at masayang pagdiriwang ang inihahanda ng mga Ilokano. Ilan sa mga tampok sa
pagdiriwang na ito ay ang mga makukulay na sayaw ng mga likal na mamamayan ng Paoay,
kung saan ipinaparada ang tradisyunal at pambansang kasuotan ng mga babae na tinatawag na
terna. Inihahanda rito ang mga ibat-ibang putaheng Ilokano. Ang kapistahang ito ay nagtatapos
sa pamamgitan ng isang fireworks display. Sa isang banda, tradisyon din sa pagdiriwang ang
pagpapahid ng basa at putting galapong sa noo ng mga tao sa pamumuno ng alkalde ng Paoay.
Ang kulay puti ay sumisimbolo sa kalinisan at pinaniniwalaang nag-aalis ng mga nagawang
kasalanan.

Paglalahad ng Layunin
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang tuklasin ang pista ng Paoay kung
ano ang naidudulot nito at naitutulong sa pagsulong ng turismo sa Paoay ng Ilocos Norte.
Sinikap ding sinagot ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na tiyak na katanungan:
1. Ano ang katuturan ng Guling-Guling bilang tradisyon ng Paoay?
2. Bakit pinagdiriwang ang pistang ito?
2.1 May kaibahan ba ito sa ibang pista?
2.2 May kaugnayan ba ito sa pagpapaunlad ng kultura ng Ilocos Norte?
3. Kung nagsisilbing atraksyon ang mga tradisyong ito, paano ito nakakatulong sa pagunlad ng turismo at kultura ng bayan ng Paoay?
Kahalagahan ng Pag aaral
Ang pista ang isa sa mga pinakamasaya at ang pinaka- imahe ng isang lugar nagbibigay
ito ng atraksyon na nanghihikayat sa mga turista, lalo na sa pistang Paoay kung saan
matatagpuan ang Agustin Church na isa sa mga pinakamatandang simbahan, ito ay umu-usbong
sa tulong ng mga turista na bumibisita rito at dahil narin sa patuloy na pinagyayaman ng
gobyerno- lokal.
May mga atraksyon ng Paoay ay ng nagtataglay, isa sa mga ito ay ang Agustin Church,
Paoay Sand Dunes, Malacaniang of the North, Paoay Lake at ang pista rin nilang kanilang
tinataglay. Ang pag aaral na ito ay nagbibigay resulta at nagsisilbing patnubay sa mga guro ng
Mariano Marcos.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagkilala ng Paoay at pista nito na napakapatok sa


panlasa ng turista. Saklaw sa pananliksik na ito ang mga turista, residensya at kinatawan ng mga
gobyerno. Nakapaloob lang dito ang antas ng kaalaman at antas ng kamalayan ng mga
nabangngit na mga saklaw.
Ang pokus ng pag-aaral na ito ay naglalaman ng dalawampu (20) bilang ng mga
respondante na pinagkuhanan ng mga datos. Gumamit kami ng mga talatanungan para sa mga
impormasyon ninanais namin.
Ang mga ginamit na sabjek sa pag-aaral na ito ay nalimitahan lamang . Ang pag-aaral na
ito ay mula Pebrero 10 hanggang Marso 17, 2014.

You might also like