You are on page 1of 5

CCTV, ikinabit sa PMPSC

Ikinabit na ang walong Closed-Circuit Television (CCTV) camera sa ibat ibang


sulok ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Santa Cruz (PMPSC) noong ika-23
hanggang ika-24 ng Hulyo 2016 bilang proyekto ng Parents Teachers Association (PTA)
ng naturang paaralan.
Kinilala ang kompanyang pinagkuhanan ng CCTV sa pangalang SAMBUCCTV
Computer Sales and Services na matatagpuan sa Luna Ext., Digos City.
Napag-alamang nagkakahalagang P60, 800 piso ang kabuuang proyekto
kabilang na ang 8 Channel HD CCTV Package at ang pagkabit ng mga camera sa
paaralan.
Nagpirmahan ng kontrata sina Josephine Andaya, pangulo ng PTA, Rex Alfeo C.
Buad II, kinatawan ng SAMBUCCTV, at Dr. Raquel Cedeo, punongguro ng PMPSC
noong ika-15 ng Hulyo 2016 hinggil sa proyekto ng PTA.
Ang pagkakaroon ng CCTV ay nagpapagaan din trabahong seguridad dahil
madali lamang ang pagmo-monitor ng mga taong labas-pasok lalong lalo na ang mga
estudyante sa paaralan. Mabibigyan din ng pagkakataong makita ang mga mag-aaral at
mga guro sa kanilang pagkilos sa loob at palabas ng eskwelahan. Higit sa lahat,
madadagdagan ang seguridad sa mga estudyante at mga empleyado ng naturang
paaralan.
Okay ra jud ang CCTV sa Campus kay atleast kung nay salaot o pambubully
ang gihimo ang usa ka estudyante kay matan-awan kung kinsa ang nag-una-una,
sambit ni Joerico Enriquez, mag-aaral ng Baitang 10.

Dahilan ng pagmamatigas
Kasabay sa pagpapatupad ng K to 12 Program sa Pambansang Mataas na
Paaralan ng Santa Cruz ay ang pagpapatayo rin ng panibagong imprastraktura para
tuluyan nang ibukod ang mga estudyante ng senior high sa junior high. Ang naturang
gusali ay naipangakong itatayo sa lupang pinagtayuan ng public market ng Santa Cruz
at lantad ang katuparan nito nang maitayo na ang isang gusali na kinapapalooban ng
anim na silid-aralan. Subalit bakit sa kabila ng katotohanang ito ay hanggang ngayon,
hindi pa rin inililipat ang mga estudyante sa bagong imprastraktura?
Napagdesisyonan ng mga awtoridad na mas mainam para sa mga kabataan na
mag-aral sa isang lugar kung saan hindi maingay ang paligid. Subalit hindi ito
makakamit kung ang mga puwesto ng mga tindahang nakatayo malapit sa naturang
gusali ay hindi pa tuluyang lilisanin ng mga may-ari nito. May nakatayo naming
imprastraktura na nakalaan bilang panibagong palengke na matatagpuan sa Escandor
Lot subalit ayaw pa ring lumipat ng mga small-scale na mga negosyante rito.
Kahit pa ay inanunsyo na ng alkalde ng Santa Cruz na si G. Alexis Almendras
ang petsa ng Hulyo 25 bilang huling araw na mananatili pa ang tinutukoy na mga
negosyante sa lugar ay hindi pa rin sila naawat at palugit na isang buwan. Ngunit
sumapit nalang ang ika-25 ng Agosto ay wala pa ring nagaganap na paglipat.
Marahil ay may natatagong dahilan kung bakit nagmamatigas ang mga taong ito.
May mga nagsasabi na hindi maayos ang pagkakagawa ng panibagong palengke at
kulang pa ang mga kagamitang nakapuwesto roon na gagamitin sa ibat ibang klase ng
pagtitinda. Maaaring hindi pa makayanan ng mga negosyante ang presyo ng mga
puwesto sa bagong gusali dahil sa kamahalan nito. Idagdag din ang mga agam-agam
na wala pang post-audit na naisumite ang mga taong gumawa sa naturang gusali kaya
nagkakaroon ng problema sa paglipat.
May ibat ibang ugat sa likod ng hindi pagkilos at pagsunod sa utos ng mga
taong ito at hindi pa matukoy ang pinakapangunahin. Bagamat importanteng
mairespeto ito ng lahat, sana ay hindi nila makaligtaan na bukod sa problema nila ay
may problema ring pansamantalang hinaharap ang PMPSC at ito ay ang kakulangan sa
mga silid-aralan. Respeto, pagtutulungan, at pagkakaintindihan lamang ang susi upang
masolusyonan ang isyung ito.

PMPSC, Binigkis ang Buwan ng Agosto

Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda, kaya
ating pagyamaning kusa gaya ng Inang sa atin ay nagpala- Gat Jose Rizal.
Kada Agosto ay ipinagdiriwang natin ang pagkakataong ipabatid sa ating mga
kababayan na ang wika ng isang bansa ay nagsisislbing siyang kaluluwa na nagbibigay
buhay dito, nakaiimpluwensiya sa pagbabago at humuhulma sa pagkatao ng
mamamayan. Ngunit, ano nga ba talaga ang katuturan ng pagkakaroon ng isang wika?
Mahalaga ang wika sa isang bansa sapagkat ito ang sagisag ng pambansang
pagkakakilanlan at pagbubuklod-buklod sa mga damdamin at diwa ng mga tao. Ito rin
ang nagsisilbing komunikasyon upang tayo ay magkaintindihan at magkaunawaan,
mga katagang namutawi sa bibig at nagpanalo kay Leah Lynn Buragay sa kasagsagan
ng paligsahan ng Lakan at Lakambini 2016 noong nakaraang ika-31 ng Agosto.
Hindi man singbongga ng party ang naging selebrasyon- masining ng
pagkukuwento, duweto, madulang dayalogo at iba pa, damang-dama naman hindi lang
ng mga kasali sa paligsahan kundi ng lahat ang diwa ng Buwan ng Wika na
magpapahayag ng sidhi ng damdamin, lalim ng lungkot, sakit ng hugot, lawak ng galak
at kaibuturan ng pasasalamat.
Ika nga nito, Wikang Filipino: Wika ng Karunungan.

Kuwadradong Pangarap

Unti-unting namumuo sa gilid ng aking mga mata ang mga luhang kanina pa
nagbabadyang pumatak.Abot-tanaw ko sa kaisa-isang kuwadrado n gaming barongbarong ang bakas ng kaligayahang aking inaasam-asam. Ang bawat imahe ng
masasayang pamilyang naglalakad ay labis na pangimbulo at panibugho ang nasa
kaibuturan ng aking puso.
Kalabisan bang mangarap ng makakain ng tatlong beses sa isang araw? Ang
makapa-aral, lumigaya at maging malaya? Ngunit, paano ko mabibigyang katuparan
ang aking mga pangarap kung ang mismong pamilyang kinamulatan ko ang hadlang sa
pagkamit nito?
Justine! Bilhan mo ko ng alak, dali! Bagal-bagal eh, pagewang-gewang na
bulalas ni mama. Ako si Justine, walong taong gulang, may ina pero walang amaat
nakakatanda sa aming tatlong magkakapatid. Ma, heto po. Dampot sabay alis.
Galit ako sa kanya, sa pagiging iresponsable niya. Kung tutuusin, kayak o naman
siyang ibitin patiwarik eh pero mali, maling-mali dahil kahit sumayaw man ng trumpets si
Duterte, makakanta man ang pipit makarinig man ang bingi, nanay ko pa rin siya.
Oo, siya ang nanay ko.Ang taong dapat sanang magtataguyod at mag-aaruga sa
amin. Taong gagawat gagawa ng paraan mapakain lang kami, pero ano? Wala siyang
ginawa, ako na walong taong gulang lang ang gumagawa ng paraan para matustusan
ang mga pangangailangan naming. Siya ang punot dulo ng lahat, ang nagtulak sa akin
para gawin ito sa mura kong edad.
Abat balak mo pang tumakas bata, ani pulis habang hawak-hawak ang kwelyo
ng damit ko. Lahat ng kasamahan koy nakatakas maliban sa akin. Bata kung tutuusin
pero matanda kung iisipin.Natutong magbenta ng bawal at kalaunay gumamit na rin.
Totoongat nakakapanglimot ng problema, ng mga alalahanin ngunit ang lahat ay may
ending palang kahihinatnan. Nakakapanlumo, nakakalungkot, hindi ko mawari ang
gusto kong maramdaman.
Sino ba talaga ako? Ako pa ba yung Justine noon? Yung Justine na gagawin
lahat para sa pamilya. Siguro nga ako pa rin ito, ang walong taong gulang na si Justine,
ang batang ngayoy ulila nat tanging mga madre na lamang ang nag-aalaga.
Napukaw ang pagbabalik-tanaw ko sa bangungot ng nakaraang pilit kong
kinakalimutan. Muli akong sumulyap sa labas ng bintana kasabay ang abot-langit na
ngiti sa aking labi. Alam kong sa kabila ng bintanang ito, saya ang mararamdaman ko.

Saya dulot ng bagong pag-asa, pag-asang magsimulang muli sa piling ng bago kong
pamilya at mga kaibigan.

You might also like