You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon IV-A CALABARZON


Sangay ng Lungsod ng San Pablo
Distrito ng Ambray
PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN ANTON
Lunsod ng San Pablo
Banghay Aralin sa FILIPINO 3
(Constructivist Approach)
I.

Layunin
Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma.

II.

Paksang Aralin:
Paksa: Salitang Magkakatugma
Sanggunian:
Filipino 3 Curriculum Guide, F3KP-IIa-c-9, pahina
44
Patnubay ng Guro, pahina 172-175
Kagamitan:
Kuwento mula sa Patnubay ng Guro
Powerpoint Presentation
Larawan
Tsart

III.

Pamamaraan:
A. Tukoy Alam:
Ihanda ang mga larawan sa ibaba at
ipakita sa mga bata.
Tukuyin nila ang ngalan ng bawat isa.
Pagsamahin ang mga larawan na
magkakatugma.

Punan
ng mga bata ang tsart:
SALITANG MAGKAKATUGMA
Ano ang alam
ko na?

Ano ang ibig


kong
malaman?

Ano ang aking


natutunan?

Paano ako
matututo?

B. Pagganyak:
Sino sainyo ang tunay na lahing Pilipino?
Ano ano ang katangian ng isang Pilipino?
C. Paglalahad:
Basahi nang malakas ang Si Linong Pilipino
sa Alamin Natin pahina 87.
Pasundan ito nang tahimik na pagbasa sa
mga bata.
Itanong:
Sino ang inilalarawan?
Ano ano ang bilin ng kaniyang mga
magulang?

Ano ano ang katangian ng isang


Pilipino?
Taglay mo ba ang mga katangiang
ito?
Paano mo maipagmamalaki na ikaw
ay isang Pilipino?
Ipabasang muli nang malakas ang tula.
Basahin ang mga salitang magkakatugma na ginamit
sa tula. Paano sila naging magkatugma?
Ipabasa muli sa mga bata ang mga salitang
magkakatugma.
Papiliin ng isang pares ng salita ang mga bata.
Hayaang magbigay sila ng mga salitang katugma ng
napili.
D. Pagsasaliksik:
Pagpapangkat-pangkat sa mga bata para sa
pangkatang gawain ayon sa kanilang interes ng
pagkatuto.
Pagbibigay ng pamantayan sa pangkatang
gawain.
Pangkat I
Gamit ang mind
map, magbigay ng
mga salitang
katugma ng
salitang gising

gising

Pangkat II
Bilugan ang mga
salitang
magkakatugma sa
tulang mababasa
sa ibaba.
Kahit akoy batang
munti
Pangarap koy sarisari
Paggalang at
wastong gawi
Ginagawa ko palagi

Pangkat III
Ibigay ang
katugmang salita
ng mga
sumusunod.
1.
2.
3.
4.
5.

buhok
dagat
itim
ganda
hingi

Sarili ay paunlarin
Maling kilos ay
baguhin
Pag-aaral ay
pagbutihin
Tiyak tagumpay ay
kakamtin
E. Pagtatalakay:
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Pagtalakay sa sagot ng mga bata.
F. Pagpapaliwanag:
Pagbalik sa tanong na Ano ang aking natutunan?
Pagbibigay ng tanong na Paano ako matututo?
IV.

Paglalahat:
Kailan nagiging magkatugma ang mga salita?

V.

Paglalapat:
Basahin at bilugan ang mga salitang magkatugma.
1. tindera,bata,kusinera
2. katulong, guro,talong
3. nainis, marumi, ninais
4. sabay, sabaw, kamay
5. suso,susi, puso

VI.

Pagsusulit:

Basahin ang kuwentong Alamat ng Lawa ng


Sampalok. Isulat ang mga salitang magkatugma sa
iyong kuwaderno.
Alamat ng Lawa ng Sampalok
Sinabing noong unang panahon, may mag-asawang
nagmamay-ari ng puno ng sampalok na ang bungayy walang
makadaraig sa tamis.
Maramot ang mag-asawang ito. Walang makain ng libre ng
bunga ng kanilang sampalok. Kailangang magbayad ng mahal ang
may gusting makatikim nito.
I
sang araw, isang pulubing nakatutop sa tiyan dahil sa
matinding gutom ang kumatok sa pinto ng tahanan ng mag-asawa.
Ano ang kailangan mo? pabulaw na tanong ng lalaki sa
matanda.
Mahihingi lang po ako ng ilang sapalok para maibsan ang
aking gutom, anang matandang babae.
Ha! Walang maaring manghingi ng aming sampalok. Kakain
ka kung may pera ka,: galit pa ring wika ng lalaki.
Wala akong pera. Parang awa na ninyo. Masakit na masakit
po ang aking tiyan, ulit ng matanda.
Ang asawang babae naman ang nagsalita, Hindi ho naming
talaga ipinamimigay ang bunga ng aming sampalok.
Layas! At itinaboy ng lalaki ang pulubi. Subalit anong gulat
ng magbago ang anyo ng matandang pulubi nagging isa itong
engkantanda.
Labis na ang inyong kasakiman anang engkantanda.
Hinamampas ng engkantada ng kanyang baston ang puno ng
sampalok. Kumidlat at bumagyo. Biglang bumukal ang tubig at
lumubog ang puno ng sampalok pati na ang mga asawang may-ari
nito. Nagging isang lawa ang lugar ng puno ng sampalok. Ito ang
tinatawag na Lawa ng Sampalok.

Mga salitang magkatugma:


_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________

VII. Pagpipinid (Closure)


Tandaan Natin:
Iba man ang kahulugan, magkatunog pa din.

Inihanda ni:
Erika Necy D. Manzanero
Teacher I Grade III

You might also like