You are on page 1of 2

INTRODUCTION

Paunang Salita
Tulad ng bilis ng pagbabago ng panahon, gayun na rin ang pagbabago ng paghahatid ng
impormasyon. Mula sa mga simpleng ukit ng alibata na ginagawa noong unang panahon
hanggang sa pag-swipe ng mga posts sa Facebook sa ating mga high-tech na tablets ngayong
makabagong panahon, talagang malayo na ang narating ng mundo sa larangang ito. Bagamat iba
na ang medyum na ginagamit upang makuha ang impormasyon, naririto pa rin ang pinakamahalagang kasangkapan na kailangan ng mga tao upang tuluyang makamit ang
pagkakaintindihan sa panahon ng mabilisang pagpapasahan ng impormasyon at ito ang wika.
Lingid sa kaalaman ng karamihan, buhay at dinamiko ang wika. Ito ay laging nagbabago
maaring ito ay madagdagan o kaya naman ay mabawasan na naayon sa kasulukuyang panahon.
Hindi mabibiling sa sampung daliri ang dami ng mga ibat ibang wika diyalektong ginagamit ng
mga tao sa mundo, ngunit bilang mga mamamayan ng Pilipinas ang wikang Filipino ang siyang
ating dapat ipagmalaki ng husto. Ngunit, nakakalungkot isipin na ang kasulukuyang henerasyon
ay hindi na buong minamahal ang sariling wika. Itoy napapansin sapagkat umiiral na ang
colonial mentality o ang mas niyayakap pa sa kasulukyan ang mga wika ng mga dayuhan.
Tuluyan na ring nawawala sa bokubularyo ng mga kabataan ang mga malalalim na salitang
Filipino at napapauso na ang pagsalita ng Taglish.
Dulot ng pagbabagong ito, ninanais ng mga manunulat na ibuo ang librong ito hindi lamang
dahil ito ay pangangailangan sa pagtatapos sa dalawang kursong Filipino ng ika-11 baitan,
kungdi ninanais nila na maghandog sa pagpapayabong ng ating wikang Filipino.
Sa pamamagitan ng paggamit ng librong Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino at Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan bilang gabay, dinagdagan pa ng mga
karagdagang impormasyong at halimbawa ang mga bawat modyul sa mga librong ito sa
pamamagitan ng masusing pananaliksik ng bawat manunulat.
Bukod dito, nilalaman din ng librong ito ang mga piling halimbawa ng mga sanaysay, maikling
kwento at tula siyang isinalin sa ibang wika bukod sa Tagalog. Itoy upang mas maipakita ang
pagkakaiba ng mga ibat ibang wika dito sa Pilipinas tulad na lamang ng Bikol at Bisaya.
-

Mga may-akda

You might also like