You are on page 1of 7

1

KABANATA 1
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng panimula,
paglalahad ng suliranin, balangkas konseptwal,
kahalagahan ng pag-aaral, saklaw at limitasyon, at
katuturan ng katawagan.

PANIMULA
Ang pagkakaroon ng Part Time Job sa isang
estudyante ay ipinahihintulutan ng pamahalaan kahit na
hindi pa ito nasa wastong edad. Ipinahihintulutan ito
upang tulungan ang mga kabataang nagnanais ng magandang
buhay sa hinaharap.
Sa aking obserbasyon ang Surigao State College of
Technology ay may malaking populasyon at may mababang
matrikula na paaralan sa Lungsod ng Surigao. Kaya
maraming nagnanais na makapag-aral hindi lamang ang mga
kabataan, kung hindi pati narin yung mga taong hindi
nakatapos ng pag-aaral noon. Dahil sa tulong ng
pagkakaroon ng Part Time Job maraming estudyante ang
sumang-ayon ditto sapagkat ito ay malaking tulong sa
kanila upang maisakatuparan o matupad ang kanilang

2
pangarap sa buhay. May iba ring hindi sang-ayon dito sa
iba`t-ibang kadahilanan.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang
epekto sa mga mag-aaral ng Surigao State College of
Technology ukol sa pagkakaroon ng Part Time Job.
Malaki ang papel ng mga mag-aaral ukol sa usaping ito
kaya mas dapat na maibigay at mapahayag ang kanilang
saloobin sa nasabing topiko. Dito malaman ang mabuti at
di-mabuting epekto nito sa mga mag-aaral ngayon at sa
hinaharap.

3
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang epekto ng
pagkakaroon ng Part Time Job sa mga mag-aaral ng
Surigao State College of Technology.
Tatangkaing hanapan ng kasagutan ang mga katanungang
ito:
1. Ano ang profyl ng tagatugon batay sa
1.1 Edad
1.2 Kasarian
1.3 Kurso
1.4 Hanapbuhay ng magulang
1.5 Uri ng Pamumuhay
2. Epekto sa isang mag-aaral sa pagkakaroon ng Part
Time Job
2.1 Pag-aaral
2.1 Kalusugan
2.3 Oras

4
BALANGKAS KONSEPTWAL
Ang pag-aaral na ito ay bumabalangkas ng
konseptong hango sa pagsusuri ng ibat-ibang
mananaliksik na pukos sa epekto ng pagkakaroon ng
Part Time Job.
Sa unang kahon ay napapalooban ng profayl ng
tagatugon gaya ng edad, kasarian, kurso, hanabuhay
ng magulang, uri ng pamumuhay.

Epekto sa isang mag-aaral


sa pagkakaroon ng Part
Time Job
2.1

Pag-aaral

2.2

Kalusugan

2.3

Oras

Profayl ng Tagatugon

1.1

Edad

1.2

Kasarian

1.3

Kurso

1.4

Hanapbuhay ng magulang
6

1.5

Uri ng pamumuhay

ISKEMA NG PANANALIKSIK
Ang edad ay isinasaalang-alang sa dahilang
iba ang at epekto ng mga tagatugon na may mataas
ang edad kaysa samababa pa ang edad. Ang kurso at
kasarian ay isinasaalag-alang dahil dito malalaman
kung anong kurso at kasarian ang mas maraming
nagkakaroon ng part time job. Ang hanapbuhay ng
magulang at estado sa buhay ay isinasaalang-alang
para malaman kung may kakayahan silang mapag-aral
ang mga anak kung gayot nag papart time job sila.
Ang ikalawang kahon ay pinapalooban ng mga
epekto sa pagkakaroon ng Part Time Job.

7
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang kinakalabasan ng pag-aaral ay magbibigay ng
malaking tulong at pakinabang sa mga sumusunod:
Guro. Magiging daan upang mapagtanto nila ay ang
kahalagahan ng malawak na kaalamn ukol sa
pagkakaroon ng Part Time Job.

Mag-aaral. Pagpapahalaga ng mga mag-aaral ang mga


kaalamang makuha ukol sa pagkakaroon ng part time
job, magiging mahirap pero lubos na interes dahil
nakatulong ito. Magkaroon sila ng magandang
kinabukasan, at maipagmalaki nila ang kanilang
sarili.
Mananaliksik. Ito ay malaking tulong upang
makakuha sila ng ideya, gabay o references sa
kanilang pag-aaral maging ito man ay tesis o
disertasyon.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL


Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw at natatakda
lamang ayon sa mga sumusunod:
Paksa.Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa epekto ng
pagkakaroon ng Part Time Job sa mga mag-aaral ng
Surigao State College of Technology.
Tagatugon. Ang mga piling mag-aaral sa dibisyon ng
edukasyon sa kursong BEEd, BSEd Filipino, enlish,
math, physical science, at biological science ng
paaralang Surigao State College of Technology ang
siyang maging tagatugon sa pag-aaral na ito.
Lugar at Panahon. Isinasagawa ang pag-aaral na ito
sa paaralan ng Surigao State College of Technology
sa Lungsod ng Surigao sa taong 2015-2016.

Katuturan ng mga Katawagan


Ang mga salita, parirala o katawagan ay bibigyan
ng pangkahulugan ayon sa konseptwalo operasyunal
na katuturan:
Epekto.
Part Time Job. Ito ay isang mahirap na paraan
upang matulungan ang isang estudyante sa pagkamit
ng pangarap.

You might also like