Sa buhay naming na inyong lakas-diwang pinagyaman. Inampon kaming lahat sa maliit na silid-aralan Upang hikayating kumilos at makipagsabayan. Ang wikain moy gaya ng sa Bibliya Nakapangyayari ang salitat ang aral ay dinadakila. Mumunting isipan namulat pagkaraan, Ngayon ay nangangarap mariin na kung sumulat! Dugo ni Gat. Jose Rizal sa inyoy nananalaytay, Makatang sa aming pag-unlad ay walang sawang sumubaybay. Si Andres Bonifacio kayong nabuhay magpasahanggang ngayon, Nililok ang inyong tabak ng yeso at libro. Pinaglaban ang bayang inalipin ng husto. Supremo siyang ituring ng samahang binuo. Kayo naman sa bagong panahon ay tinaguriang Maestro! Sa inyo nag-ugat ang malayang pakikibaka, Iwinatawat ang kagustuhang makapaglingkod sa masa. Walang sawang naghatid ng kaalaman at ligaya Sa lahat ng mag-aaral na sa inyo ay umaasa. Kayo, kayo nga ang mga tanod na sumusupil sa kamangmangang nananahan sa kalingkingan ng dilim. Ang inyong gawang makabayan sa tanang kabataan Ay tiyak na mag-iiwan ng ala-alang di matitingkaran Ng ginto o anumang yamang naghaharing batayan. Naninindigan ako sa paniniwala ko, Sa lahat ng pangalang tinitingala sa mundo, Hindi magtatagumpay at mahihirang sa tugatog Kung hindi nagsimulat nagdaan sa mga kamay niyo! Dahil sa inyo, kami nag-alab, Nagsumikap, nangarap, nagpumilit umahon sa hirap. Nag-asam ang bawat isa na kayoy maging katulad, Inspirasyon namin kayo sa buhay at pag-unlad. Maraming maraming salamat sa inyo, Aming guro, titser, Maam o Maestro. Sakit man sa ulo ang hatid namin sa inyo, Wag kalilimutang mahal na mahal namin kayo!