You are on page 1of 2

“NOON AT NGAYON”

SPOKEN POETRY
Orihinal na Likha ni Nesllie Fabros
nhessantillan888@gmail.com

Noon... Nakabibingi ang ingay sa bawat sulok ng paaralan.


Ngayon... Mabibingi na lang sa katahimikan
Noon... Nakaiinip ang napakabagal na paglipas ng oras sa loob ng silid-aralan.
Ngayon... Mabibitin na lang sa tila bumilis na takbo ng mga kamay ng orasan.
Ilan lamang ang mga ito sa maraming hugot natin mula sa malaking kaibahan ng
NOON at NGAYON.

Ang daming nagbago. Ang daming pagbabago. At madami pang magbabago.


Para tayong nakikipaglaro ng patintero sa kalabang bukod sa di mahawakan ay
hindi pa masilayan.
Tila isang suntok sa buwan ang pagsasakatuparan ng mga bagay na distansya ang
mahigpit na kalaban.
Maihahalintulad tayo sa paghahanap ng karayom sa gitna ng talahiban
masumpungan lang ang tamang paraan sa pagtuturo ng naaayon sa kasalukuyang
karanasan.
Patuloy tayong nangangapa sa mga stratehiya na aakma sa hangarin na buhayin
ang matibay na pag-asa na tila naghihilik pa sa himbing ng pagkakaidlip.

Mahirap. Nakakapagod. Nakakastress. Nakakadown. Nakakapanghina.


Nakakasawa.
Patunay ang mga ito, na wala sa ating mga kamay ang anumang tagumpay.
Wala sa sarili natin ang anumang kagalingan.
Wala sa sinuman sa atin ang may hawak ng kinabukasan.
Pero sa kabila noon, marami pa rin tayong natutunan.
Hindi lang bilang mga guro ng bayan kundi bilang isang indibidwal.

Natutunan nating kumapit sa mga bagay na imposible lang sa una pero nagiging
posible sa huli.
Natutunan nating mas maging malapit sa ating pamilya na silang lagi nating
inspirasyon.
Natutunan nating magtiwala sa mga kasamahan sa trabaho na naging mga matalik
na kaibigan.
Natutunan nating sumaya sa mga simpleng bagay na hindi natutumbasan ng
anumang halaga.
Natutunan nating patuloy na maging mapagpasalamat kaysa maghanapat
maghangad.
Natutunan nating yumuko sa panahon ng lungkot at tumingala sa panahon ng tuwa.

Sa pagkatuto nating ito, nagawa nating gawing masaya ang salitang mahirap.
Sa kabila ng salitang “nakakapagod” ay nagagawa nating isigaw ang mga
katagang, “Pandemya ka lang, titser ako!”
Mula sa paulit-ulit nating pagbigkas ng “nakakastress na” ay nagagawa nating
manatiling kalmado.
Sa twing nadadown tayo sa dami ng mga pangamba sa paligid ay nananatili pa rin
tayong nakatatayo.
Sa mga pagkakataong sobrang hinang-hina na ang bawat-isa, doon naman tayo
nagkakaroon ng pagkakataon para lumakas.
At sa madalas nating pagkasawa, ito ang nagsisilbing daan upang malasap na lahat
tayo ay mga tagapagtaguyod ng karunungan sa ating bansa.

Marahil ito na ang huling araw ng pagkikita-kita natin sa taong ito.


Sa taong ito na naging isang malaking hamon dala ng napakaraming pagbabago.
Sa taong ito na halos magpatigil sa atin mula sa nakasanayan nating pagtakbo dito
sa mund.

Gayunpaman, sa muli nating pagkikita-kita sa susunod na taon, higit pa nating


kinakailangan na lumaban at suungin ang hampas ng mga along sasalubong sa atin
upang maitawid at maiparanas sa mga mag-aaral ang pagtuturong mayroong
kalidad at kalinangan — patungo sa pagpaslang sa kamangmangan na magdudulot
sa mas magandang kinabukasan.

You might also like