You are on page 1of 2

3rd Long Exam

A.P. 2
I.

REVIEWER

November 18, 2016

Punan ang patlang ng mga magagandang kaugaliang Pilipino. Piliin ang sagot sa kahon. (10pts.)

Masunurin matulungin masipag madasalin magalang matapat matapang mapagmahal at maalalahanin


malikhain

malinis

magiliw sa pagatanggap ng bisita

madaling makiangkop

mahilig sa musika

1. Ang paggamit ng po at opo ay nagpapakita ng pagiging _________________________.


2. Isang tanda ng pagiging _________________________ nating mga Pilipino ang pagsunod sa utos ng
mga nakatatanda.
3. Ang pagdarasal ay isang paraan ng pakikipag-usap sa Diyos na nagpapakita ng ating katangian na
pagiging _________________________.
4. Ang pagiging _________________________ nating mga Pilipino ay naipakikita natin sa paggawa o
pagbibigay ng tulong sa iba sa abot ng ating makakaya.
5. Ang ating _________________________ ay naipakikita natin sa anumang uri ng Gawain.
6. Tayong mga Pilipino ay ayaw na makalat o marumi ang ating paligid upang maiwasan ang sakit na
nagpapakita ng pagiging _________________________.
7. Ang pagtupad sa kung anumang napagkasunduan ay nagpapakita ng pagiging ____________________.
8. Maraming mga bayaning Pilipino ang nagbuwis ng kanilang buhay upang ipagtanggol ang ating lahi na
nagpapakita ng pagiging _________________________.
9. Hind natin nakalilimutang batiin ang mga mahal natin sa buhay sa kanialang mga mahahalagang araw
na nag papakita ng pagiging ________________________.
10. Ang pagkakagawa ng Hagdan-hagdang palayan ng mga Ifugao ay nagpapakita ng ating pagiging
_________________________.
11. Ang pagiging ___________________ ay naipakikita natin sa pagkahilig natin sa mga tugtugin o awitin.
12. Ang pag-aasikaso sa mga panauhin kung dumarating sa ating tahanan ay nagpapakita ng pagiging
_______________________.
13. Kahit saan tayo manirahan o mamuhay ay makakasabay tayo dahil sa katangian na pagiging
_______________________.
II.

TAMA o MALI. Iguhit sa patlang

kung ang isinasaad sa bawat bilang ay tama at

kung

ito naman ay mali.(10pts.)pp. 157~169


___________ 1. Hindi likas sa mga Pilipino ang pagiging magiliw sa mga panauhin.

__________ 2.Tayong mga Pilipino ay hindi naniniwla na Diyos lamang ang makatutugon sa lahat ng ating mga
pangangailangan.
__________ 3. Ang pagsunod sa batass trapiko ay isa lamang sa mga patakaran ng pamayanan na dapat sundin.
__________ 4. Ang kasaysayan ng bansa ang magpapatunay sa katapangan ng mga Pilipino.
__________ 5. Hindi naipapakita ng mga Pilipino ang katapangan sa ibat ibang pagkakataon.
__________ 6. Ang pakikiangkop ay ang pakikibagay ng isang tao sa kanyang kapaligiran.
__________ 7. Madali tayong makiangkop sa ating paligid.
__________ 8. Ang mga Pilipino ay malikhain.
__________ 9. Nawawala na sa anumang pagdiriwang ang mga sayaw at awitin.

______10. Ang musika ay nagsisilbing aliwan ng karamihan sa panahon na dumaranas ng mga pagsubok sa buhay.
__________11. Hindi nawawala sa anumang pagdiriwang ang mga sayaw at awitin.
__________12.Nagpapakita ng pagiging magiliw sa pagtanggap ng bisita ang pag-aasikaso natin sa mga panauhin.
__________13. Maraming Pilipino ang nagbuwis ng buhay upang ipagtanggol ang ating lahi.
III.

Isulat sa patlang ang T kung ang inilalahad sa bawat bilang ay tradisyon at K kung ito ay
kaugalian. (10pts.)pp. 170~175

________ 1. Pamamanhikan

________ 6. Magiliw sa pagtanggap sa bisita

________ 2. Bayanihan

________ 7. Malikhain at mapamaraan

________ 3. Pagdaraos ng pista

________ 8. Pagkahilig sa musika

________ 4. Palusong

________ 9. Madaling makiangkop

________ 5. Pagdamay at pakikiramay

________ 10. Mapagmahal at maalalahanin

________ 11. Pagiging magalang

________ 14. Pagiging matulungin

________ 12. Pagiging masunurin

________ 15. Pagiging masipag

________ 13. Pagiging madasalin

________ 16. Pagiging malinis

IV.

Pagpapaliwanag: Basahin ang sitwasyon sa loob ng kahon. Sagutin ang tanong at pangatwiranan
ang iyong sagot at isulat sa patlang. (5pts.)pp. 157~159

Dinaanan ng kalamidad ang isa sa mga lalawigan sa bansa. Sinabihan kayo ng inyong guro na magdala ng mga
bagay na maari pang pakinabangan at maibigay sa mga nasalanta ng kalamidad. Anong kaugalian ang iyong
dapat ipakita? Paano mo ito maipakikita?
Susundin ko po ang sinabi ng aming guro at magdadala po ako ng mga bagay na maaring pakinabangan
ng mga biktima ng kalamidad. Likas po sa ating mga Pilipino ang kaugaliang matulungin at maipakikita ko po
ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa aking kapwa.
Papasok ka na sa inyong paaralan at nagmamadali ka dahil malapit ka ng mahuli sa oras ng inyong klase ngunit
maraming sasakyan sa iyong tatawiran, ano ang iyong gagawin?
Hindi po ako agad tatawid dahil titingnan at susundin ko po ang batas trapiko upang hindi po ako
masagasaan ng mga sasakyan at sasabay na lang po ako sa iba pang tatawid na mas nakatatanda sa akin.
May iniutos ang iyong nanay sa iyong nakatatandang kapatid. Ipinasa niya ito sa iyo. Alam mong mali ang ginawa
ng iyong kapatid ano ang gagawin mo? Susunod ka ba sa iniutos ng iyong kapatid o hindi?
Bilang nakababata ay susundin ko po ang aking kapatid kung ito naman po ay hindi mahirap o mabigat na
gawain at magpapatulong na lang po ako sa kanya kung ito ay mahirap at hindi ko kayang gawin.

You might also like