You are on page 1of 4

Ang

Pulubi
Minsan
may
dalawang

pulubi na nasa lansangan na


namamalimos ng barya sa
mga nagdaraan. Isang gabi,
sila'y
ginising
mula
sa
pagkakahimbing ng isang
nakasisilaw na liwanag. At
mula sa liwanag na iyon ay
may namataan silang isang
pambihirang nilalang.

Maganda ang damit at


gawa sa mamahaling bato
ang kasuotan nito. Natuwa
ang dalawang pulubi. "Ito na
marahil ang hari ang mga
hari," ang sabi ng isa.
"Tama! Pagkakalooban niya
tayo ng kayamanan, at hindi
na uli tayo kailangan pang
mamalimos!"
Lumapit nga sa kanila ang
hari at sila'y kinausap. "Ano
ang maaari ninyong ihandog
sa akin?" ang tanong nito.
Nagtaka and isang pulubi.
Bakit
sila
pa
ang
magbibigay? Ang naisaloob
niya.

Samantalang
ang
ikalawang
pulubi
ay
nagmamadaling
nagbukas
ng kanyang sako at kumuha
ng pinakamalaking piraso ng
tinapay na mayroon siya.
"Anong gagawin mo?" ang
tanong ng naunang pulubi
dito. "Iaalay ko sa kanya ang
pinakamalaki kong tinapay."
"Nababaliw ka na ba? At
papaano
ka?"
"Karapatdapat lamang ipagkaloob sa
hari ang nararapat para sa
kanya at ito ang aking
gagawin!"
Inalay nga ng pulubing
yaon ang malaking piraso ng
tinapay. "Ito lang po ang
aking maipagkakaloob," ang
sabi pa nito sa hari." Ngunit
ito
na
po
ang
pinakamalaking bagay sa
buhay ko. Nawa'y tanggapin
ninyo." Tinanggap ng hari
ang tinapay na alay ng
pulubi.
Nang balingan nito ang isa
pang pulubi ay nakita nitong
nagkukumahog
ng

naghahagilap ang pulubing


iyon sa paghahanap ng
maipagkakaloob. Sa wakas,
nakakita
rin
ito
ng
pinakamaliit na butil ng
mais. Inalay nito sa hari ang
naturang butil ng mais.
"Heto lang ang maaari kong
ipagkaloob sa inyo," ang
sabi pa nito. Iyon lang at
tinanggap iyon ng hari. At
bigla ngang naglaho ang
liwanag at nawala na rin ang
hari.
Maya-maya'y
may
napansin ang isang pulubi
sa buhat-buhat niyang sako.
Animo bumigat iyon.
Nang buksan niya iyon,
laking gulat niya sa nakita!
Sa loob ng sako ay may
nakalagay na ginto! Isang
malaking piraso ng ginto na
'sing laki ng tinapay na
ipinagkaloob niya sa hari!
Napalunok ang isa pang
pulubi nang makita iyon.
Nang bisitahin din niya ang
kanyang sako, hindi siya
nagulat nang makita niyang
nakalagay na ginto doon.
Gintong 'sing liit ng isang
butil
ng
mais
na
ipinagkaloob niya.

You might also like