You are on page 1of 2

Liham at Alamat

Sulat.
Ang bawat titik at letrang ilalapat ay nakalaan sa dalawang tao.
Mula sa mga biglaan at mga hindi inaasahang plano;
Naglaro ang mga tadhana at ipinagtagpo;
Ibabahagi ko ang isang kwento.

Marapat.
Hindi man mabasa ng isa o ng dalawa, patuloy na pasisinayanan.
Upang malaman ng iba na mayroong mga kaibigan;
Na kasing lalim ng talon at dagat sa Pangasinan;
At kasing tarik ng bangin na dinaanan.

Mulat.
Nabuksan ang diwa sa mga bagay na hindi kayang bilhin ng ginto;
Sa mga momentong hindi matatantusan ng kahit na ilang uno;
Sa mga pook na hindi mapupuntahan ng mga paa nino;
At sa mga aral na kahit kailanman ay hindi maituturo.

Lamat.
Buwan ng Agosto, karaniwang buwan nang Wikang Filipino;
Ang buong bulang ito, unang nagsabay ang lito at gulo;
Unang bumagsak ang mga pirasong sabay na binuo;
At unang naligaw sa daang makamundo.

Buhat.
Sabay-sabay na nasalubsob, sumubsob at dumausdos ang tatlo;
Ang Lahat ay nakaramdam ng sahig marahil walang sumalo;

Isang pilat ang bumakas tanda ng nalikom na pagkatuto:


Talusing walang mag-iiwanan dahil burado na ang dulo.

Alamat.
Pinagbuklod ng mga prinsipyo at pinagtibay ng mga depekto;
Maraming naglalaro, Oo, ngunit tatlo lamang ang totoo;
Na Ikaw, Siya at Ako lang ang makakaalam ng mga ito;
***** **** bilang ikaw kasama ang kamalian mo

Salamat.
Hindi mapapagod na bagtasin ang paliko-likong daan.
Maligaw man sa kurbahan patuloy na may babalikan;
Hindi malilimutan ang mga araw at mga ulan.
Maraming Salamat, Ituloy natin ang Alamat.

You might also like