You are on page 1of 2

Pagsasanay sa Filipino

Pangalan _________________________ Petsa ___________ Marka ______

Pang-uri o Pang-abay
Kakayahan: Naisasabi kung ang salita sa pangungusap ay ginagamit bilang pang-uri o
pang-abay

Isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit


bilang pang-uri o pang-abay.
1. ___________ Maingat niyang ibinuhos ang alak sa baso.
___________ Maingat siya habang binubuhos ang alak sa baso.
2. ___________ Matagal ang pagtalakay ng isyung ito sa Senado.
___________ Ang isyung ito ay itinalakay nang matagal sa Senado.
3. ___________ Ang pasasalamat ng naulilang bata ay mataimtim.
___________ Mataimtim na nagpasalamat ang naulilang bata.
4. ___________ Ang mungkahi niya ang malungkot kong tinanggihan.
___________ Malungkot ako dahil tinanggihan ko ang mungkahi
niya.
5. ___________ Ang mga bisita ay magiliw niyang inanyayahang
pumasok sa sala.
___________ Magiliw ang nag-anyaya sa mga bisita na pumasok
sa sala.
6. ___________ Malinaw ang mensaheng ipinahiwatig ng kinatawan
ng pangulo.
___________ Ang mensahe ng pangulo ay malinaw na ipinahiwatig
ng kanyang kinatawan.
7. ___________ Matamlay na sinagot ng pasyente ang mga tanong
ng doktor.
___________ Ang mga tanong ng doktor ay sinagot ng matamlay
na pasyente.
8. ___________ Tahimik si Alicia habang nagbabasa sa loob ng
kanyang silid.
___________ Nagbabasa nang tahimik si Alicia sa loob ng kanyang
silid.

9. ___________ Ang aking binasa ay lubos na naunawaan ko.


___________ Lubos ang pag-unawa ko sa aking binasa.
2014 Pia Noche

samutsamot.com

Pagsasanay sa Filipino
Pangalan _________________________ Petsa ___________ Marka ______

Pang-uri o Pang-abay (Mga Sagot)


Kakayahan: Naisasabi kung ang salita sa pangungusap ay ginagamit bilang pang-uri o
pang-abay

Isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit


bilang pang-uri o pang-abay.
1. ___________
pang-abay Maingat niyang ibinuhos ang alak sa baso.
___________
pang-uri
Maingat siya habang binubuhos ang alak sa baso.
2. ___________
pang-uri
Matagal ang pagtalakay ng isyung ito sa Senado.
___________
pang-abay Ang isyung ito ay itinalakay nang matagal sa Senado.
3. ___________
pang-uri
Ang pasasalamat ng naulilang bata ay mataimtim.
___________
pang-abay Mataimtim na nagpasalamat ang naulilang bata.
4. ___________
pang-abay Ang mungkahi niya ang malungkot kong tinanggihan.
___________
pang-uri
Malungkot ako dahil tinanggihan ko ang mungkahi
niya.
5. ___________
pang-abay Ang mga bisita ay magiliw niyang inanyayahang
pumasok sa sala.
___________
pang-uri
Magiliw ang nag-anyaya sa mga bisita na pumasok
sa sala.
6. ___________
pang-uri
Malinaw ang mensaheng ipinahiwatig ng kinatawan
ng pangulo.
___________
pang-abay Ang mensahe ng pangulo ay malinaw na ipinahiwatig
ng kanyang kinatawan.
7. ___________
pang-abay Matamlay na sinagot ng pasyente ang mga tanong
ng doktor.
___________
pang-uri
Ang mga tanong ng doktor ay sinagot ng matamlay
na pasyente.
8. ___________
pang-uri
Tahimik si Alicia habang nagbabasa sa loob ng
kanyang silid.
___________
pang-abay Nagbabasa nang tahimik si Alicia sa loob ng kanyang
silid.

9. ___________
pang-abay Ang aking binasa ay lubos na naunawaan ko.
pang-uri
___________
Lubos ang pag-unawa ko sa aking binasa.
2014 Pia Noche

samutsamot.com

You might also like