You are on page 1of 1

Pangalan: __________________________________

Isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit bilang pang-uri o pang-abay.
___________ 1. Maingat niyang ibinuhos ang alak sa baso.
___________ Maingat siya habang binubuhos ang alak sa baso.
___________ 2. Matagal ang pagtalakay ng isyung ito sa Senado.
___________ Ang isyung ito ay itinalakay nang matagal sa Senado.
___________ 3. Ang pasasalamat ng naulilang bata ay mataimtim.
___________ Mataimtim na nagpasalamat ang naulilang bata.
___________ 4. Ang mungkahi niya ang malungkot kong tinanggihan.
___________ Malungkot ako dahil tinanggihan ko ang mungkahi niya.
___________ 5. Ang mga bisita ay magiliw niyang inanyayahang pumasok sa sala.
___________ Magiliw ang nag-anyaya sa mga bisita na pumasok sa sala.
___________ 6. Malinaw ang mensaheng ipinahiwatig ng kinatawan ng pangulo.
___________ Ang mensahe ng pangulo ay malinaw na ipinahiwatig ng kanyang kinatawan.
___________ 7. Matamlay na sinagot ng pasyente ang mga tanong ng doktor.
___________ Ang mga tanong ng doktor ay sinagot ng matamlay na pasyente.
___________ 8. Tahimik si Alicia habang nagbabasa sa loob ng kanyang silid.
___________ Nagbabasa nang tahimik si Alicia sa loob ng kanyang silid.
___________ 9. Ang aking binasa ay lubos na naunawaan ko.
___________ Lubos ang pag-unawa ko sa aking binasa.
___________10. Maayos ang pila ng mga deboto sa prusisyon.
_____________ Idinaos nang maayos ang prusisyon ng mga deboto.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ito ay panandang
Anaporik o Kataporik.
______________1. Nalulungkot ang batang babae dahil wala siyang kaibigan.
______________ 2. Maaaring guminhawa ang buhay ni Manny kung siya'y magsusumikap sa buhay.
_______________3. Sila ay aking iginagalang, ang pamilya ko ang nagturo sa akin ng magagandang
asal.
______________4. Natatakot akong magpunta ng Maynila sapagkat hindi ko kabisado ang lugar na
ito.
______________5. 5. Si Nestor ang tinaguriang pinakamagiting na pulis sa bayan dahil marami na
siyang nadakip na kriminal.
______________6. Ang mga ito ay maaaring makatutulong upang maging disiplinado ang tao kaya
maganda rin ang naidudulot ng mga babalang nakapaskil.
______________7. Pinapangarap kong makapunta rito sapagkat simple at payapa ang buhay ng mga
tao sa bansang Switzerland.
______________8. Siguro parating na aking hinihintay na padalang tsokolate. Ito ay regalo mula sa
aking tatay na nasa Japan.
______________9. Di na naman siya dumating sa tamang oras, siguradong mapapagalitan na naman
si John ng kanyang amo.
______________10. Nagbunga ang pagtitipad mag-asawang sina Allen at Grace, sa loob ng isang
taon ay nakapagpatayo sila ng sariling bahay.

You might also like